s*ndata

Sometimes I really feel, receptacle ako ng mga istoryang latak sa mundo. Yung mga kaibigan ko kasi na madalas kong makakwentuhan, wala man lang ako ma-pick-up na kwentong may kabuluhan, social relevance o pakinabang man lang. Ang mga nasasagap ko eh yung mga nakakadiri, kahiya-hiya, at wala masyadong kwenta.

Kaya para makaganti man lang, I pay it forward. Ikinukwento ko rin yung mga nasasagap ko. Tapos bahala na yung makakarinig kung paano nya yun ipo-process into something na kapupulutan nya ng aral. Something na mahirap gawin dahil ang mga kwento ko eh walang kasusta-sustansya man lang.

Naalala nyo pa naman siguro yung nangyari sa kaibigan kong si CJ, na nalasing kasama ng mga hindi nya kilalang babae, tapos paggising nya eh wala na syang bulbol? Mga ganung level ang nasasagap ko. Syempre hindi ako makakapagreklamo, meron ba naman akong choice kung ano ang maririnig kong kwento diba?

Sa opisina, meron akong laging kakwentuhan tuwing lunch. Itago natin sa pangalang Marty. Madami akong nasagap na kwento sa kanya na kahit gustuhin ko mang kapulutan ng moral lesson eh walang wala talaga.

Meron daw syang kaklaseng lalaki. Isang gabi, tumawag daw sa kanya yung kaklase nyang yun at humihingi ng tulong. May halong urgency sa boses nya, kasi naman totoong emergency ang nangyari sa kanya. Nagti-trim daw sya ng bulbol nang bigla syang magkamali at nagupit nya ang bayag nya.

WTF! Kabog ang betlog ni Kuya!!! Kahit ayokong i-visualize eh parang pumapasok talaga sa kukote ko. Ang hirap burahin. Blood everywhere. Humalo sa kulot-kulot na buhok. Imagine nyo rin. Go! Buti hindi ang kanyang s*ndata ang nagupit.

Alam nyo yung movie franchise sa Saw? Kaya mabenta yun kasi maraming torture scenes kung saan ang mga biktima ay na-trap at para makatakas ay kailangan nilang magsakripisyo ng kung ano-anong parte ng katawan. Parang yung isang character na ikinadena sa paa, at binigyan ng maliit na lagari. Dahil hindi nya malagari yung chain, nilagari nya yung paa nya para makaalis sya.

Eh anong sinabi nyan sa isa pang kwento ni Marty tungkol sa kapitbahay nila. Nagpatuli daw sya sa probinsya, kung saan uso yung itak. Eh nung "tinagpas" na yung foreskin ng kanyang s*ndata eh nasaktan sya kaya tumakbo sya pauwi.

Nung nasa bahay na sya, doon nya napansin... na hindi pa pala tapos. Kalahati lang ang natagpas at ang kalahati ay nakakabit pa. Wala syang choice. Kinuha nya ang gunting...

...at tinuli ang sarili.

WTF! Kabog ang betlog ng Saw franchise!!! Habang iniiwasan nyong makita sa utak nyo kung ano ang itsura ng duguang s*ndata, isama nyo sa inyong diwa ang ginamit nyang twalya para sahurin ang sandamakmak na dugo. LOL!

Isa pang kwento ni Marty ay tungkol naman sa pinsan nyang excited magbate. Pagpasok nya sa banyo, hindi sya nakapagdala ng kanyang paboritong lotion, can you see where this is going???

Wala ang paboritong Jergens, so ginamit na lang nya kung ano ang nadatnan nya dun.

Matapos nyang mairaos ang sarili, namaga ang ulo ng s*ndata ni Kuya. Hindi pala talaga dapat ipilit gamiting lubricant ang Colgate.

Kabog ang betlog sponsored by the number one toothpaste recommended by dentists!

movie review: thy womb

See? Tinupad ko ang aking pangako na magsusulat ng something about Nora Aunor. This post is for Noranians. Or not, kasi baka may maoffend. So I dedicate this post sa mga hindi nanood ng Thy Womb, at nagbabalak pa lang manood, or wala nang balak manood at makikibalita na lang.

How to enjoy Thy Womb:

1) Ang pelikulang ito ay drama, ngunit hindi ibig sabihin na tadtad ito ng mga marubdob at maalab scenes.

1.1) Hindi luluha si Nora Aunor every 5 minutes.
1.2) Hindi sya biglang sasandal sa ref at mag-iislide pababa dahan-dahan. Dahil wala silang ref.
1.3) Hindi sya dudungaw sa bintana at titingin sa malayo, o humihikbi habang chini-check ang maruruming damit ni Bembol kung may kissmarks.

Baog si Nora Aunor. Masaya naman sila ni Bembol Roco sa kanilang pangingisda at paghabi-habi ng banig pero gusto nyang maibigay ang makakapagkumpleto sa buhay nila, at yun ay isang anak. Dahil mahal nya si Bembol, tatanggapin nyang magkaanak sya sa ibang babae. Actually sya pa ang nag-suggest. Legal yun sa kanilang pamayanan. So naghanap sila ng bagong mapapangasawa ni Bembol Roco. At ang mapalad at napakaswerteng napili nila ay si Lovi Poe.

2) Ang pelikulang ito ay tungkol sa "other woman" ngunit hindi ibig sabihin nito ay maraming confrontation scenes.

2.1) Hindi iimbitahin ni Nora Aunor si Lovi Poe sa bahay tapos magbibitaw ng "Mababaliw siguro ako kapag nalaman kong may babae siya. Baka mapatay ko iyong kabit. Silang dalawa, actually."
2.2) Hindi haharapin ni Lovi Poe si Nora Aunor sa swimming pool at sasabihing "You can call me anything you want: a snake, a bitch, an other woman. But I will never be a pathetic, boring housewife."
2.3) Hindi nya susugurin si Bembol Roco para kabog-kabugin sya sa dibdib habang umiiyak ng "Hindi ako to! Pero ginagawa ko to para sayo!!!"

About 3/4 na ng movie eh naghahanap pa rin ako ng conflict. This did not mean I was bored. I was just sure na hindi pwedeng it will all go so well. I mean, yeah nabaril si Bembol Roco habang nangingisda at dumalo sila ng kasalan na may sayawan sa saliw ng tugtuging Dayang Dayang, pero hindi pa yun yun. So far, ipinakita ang paghihirap ng mag-asawa na makaipon ng pambayad ng dowry para sa bagong mapapangasawa ni Bembol Roco. Eh malapit na matapos ang movie, wala pa ring conflict...

Tapos biglang sinabi ni Lovi Poe ang kondisyon sa pagpayag nyang maging asawa ni Bembol Roco: ang ma-evict si Nora Aunor sa kubo ni Bembol Roco. Yun yung hinahanap kong moment. Nung sinabi yun ni Lovi Poe, lahat ng tao sa sinehan, I swear, lahat ng tao pati yung nagpupunit ng ticket, napatingin kay Nora Aunor, hinihintay kung ano ang gagawin nya.

3) At this point ano sa tingin nyo ang sinabi ni Nora Aunor?

A) "Ano nga ba ulit yung tawag sa katulad mo? Ah, ahas! Bikini mo ba ‘yan o balat mo? Kaya pala ang galing mong gumapang."
B) "I’m not gonna give up Bangas-An without putting up a goddamn fight!"
C) *Smiles*

Correct Answer: *Smiles*

Tangina kaya hindi ito pinilahan sa sinehan eh. Walang linyang iquoquote sa Tumblr! Walang scenes na iscreenshot at ipopost sa FB! Walang matweet na may hashtag na #teamnora o #teamlovi! Kung ako ang masusunod, kakalbuhin ni Nora Aunor si Lovi Poe ala Market Market (search it on Youtube) at ilalagay ko yun sa trailer. Tapos maglalagay ako ng lines na ganito:

Lovi Poe: Mahal nya ako, mahal ko sya, magkakaanak kami, you can go now!
Nora Aunor: *Smiles* TANGINA KA!!! *Sabay dudukutin nya ang mata ni Lovi Poe.*

Ewan ko lang kung hindi ito pilahan mula Trinoma hanggang SM North Annex.

But that's how classy this movie is. It's not about who has the right to what. It's about who has the bigger heart to grant happiness to others shit gumaganon ako!!!

Well anyway, to fully enjoy the movie, mangyaring i-skip ang part kung saan kinakantot-- OOPS! ang halay ng term--......... nagtat*lik sina Bembol Roco at Nora Aunor WITH PUMPING SCENES. Yep, skip that.

Skip to that part kung saan nagpapa-anak si Nora Aunor for realz. As in sya ang humugot ng baby sa puday--OOPS sorry uli sa term!... sa h*yas ng buntis. That's a cinematic gem.

So yan po. Lubos kong nagustuhan ang pelikulang ito keysa sa ibang mga pelikula sa Film Fest 2012, mostly dahil ito lang ang napanood ko dahil dito lang walang pila. KThanksBye thanks for reading. I hope you watch No Other Womb.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding