movie review: himala

Sabi??? Ako na naman ang maglalakas-loob magreview ng isang classic. Ang kapal ng mukha ko eh. Anyway it seems like I'm on a Nora Aunor fixation lately dahil lubos nya akong pinahanga sa Thy Wombzzz in fact nanalo syang Best Actress sa Asian Film awards, which is isang malaking "Suck My Dick Bitches!" sa kanyang mga tsismosang detractors.

Mahaba-haba ito so go get some Biogesic.





So yun nga. Isang araw sa barrio ng Cupang ay nag-solar eclipse. Kapag nagsolar eclipse, ang gagawin ko eh pumasok sa bahay at magtalukbong ng kumot. Ibahin nyo si Nora Aunor.



Just some trivia, sa burol na iyon napulot si Nora Aunor noong sya ay sanggol pa lamang. Masaya naman si Nora Aunor kahit ang umampon sa kanya eh si Vangie Labalan.



OK I know hindi si Nora Aunor ang tradisyunal na matatawag na HOT BABE. Tama na yung CUTE o kaya PRETTY-PRETTYHAN (kahit anong panlalait ang ibato nyo kay Nora Aunor I really think na maganda sya sa pelikulang ito mukha syang virginal). Yung umampon naman sa kanya na si Vangie Labalan is... well... Vangie Labalan.

Bakit ba ang sama ng loob ko kay Vangie Labalan?

Bilang isang 90s kid, nanonood ako noon ng Hiraya Manawari, and one morning itong si Vangie Labalan ay nag-shapeshift into an ipis and lumipad sa loob ng bahay ng mga kapitbahay para mangalap ng itsitsismis. Imagine my horror nung makakita ako ng ipis sa loob ng bahay I was like SI VANGIE LABALAN YAN.

Anyway so Nora Aunor was like doing her thing sa burol nang walang ano-ano'y...



So nagpakita pala si Mama Mary kay Nora Aunor. Sure ba yan? Bakit ikaw? Bakit sa Cupang? Anyways just a little information about this Cupang place:

1. According to myth years ago may isang person with ketong and the townspeople were like "ALIS! ALIS!" So bilang ganti, bago umalis yung may ketong, isinumpa nya ang buong bayan ng Cupang.

2. Simula noon hindi na umulan sa Cupang. Natuyot ang lahat:



So nung sinabi ni Nora Aunor sa mga kapitbahay na naka-EB nya sa burol ang Birheng Maria, nagkaroon ng pag-asa sa puso ng mga tao. Muli silang nanumbalik sa kanilang pananampalataya. Ito na ba ang hinihintay nilang pagbabago, ang hinihintay nilang kapatawaran, ang himala? Sabi?

So biglang may new superpowers si Nora Aunor. Nanggagamot na sya ng may sakit. Yun daw ang utos ng birhen sa kanya. Soon enough nagdagsaan ang mga tao sa bahay nila Nora Aunor para magpagamot ng kung ano-anong sumpa sa katawan. From carpal tunnel syndrome to buni to hallitosis.

And just like that. From being a simple towngirl, naging laman ng usap-usapan si Nora Aunor bilang sugo ni Mama Mary para manggamot, at isa syang effective na sugo dahil gumagaling ang mga nagagamot nya. Marami siyang naging mga tagasunod.



Masdan si Kuyang naka-pookie shorts. Kahit busyng-busy siya, nakapunta pa rin sya sa burol. He really made time for this despite his busy schedule. Hiyang-hiya si Nora Aunor at Virgin Mary sa kanya.

Anyway eto ang naging mga disipulo ni Nora Aunor:

1. Si Vangie Labalan.
2. Si Chayong, ang bestfriend ni Nora Aunor. Pero more than being a bestfriend and alalay, ang totoong role dito ni Chayong ay pandilatan lahat ng tao.
3. Si Sepa, some random lola.
4. Meron pang iba but let's not bother.

Meanwhile sa isang piggery, nagsesex sina Chayong at Pen Medina.



OK I know mahirap maaninag sa larawan pero trust me, somewhere there, may torrid necking na nagaganap . Poor Chayong. Although aminado sya na hindi ito ang pinaka-ideal place para magpamigay ng puday.

Nagkagulo ang buong bayan. Wala nang nagsisimba, dumidiretso sila kay Nora Aunor. Dumami ang mga turista, to the point na may nagtayo na ng hotel.



Wow ah.


Sa pagdagsa ng mga tao sa bahay nila Nora Aunor, dumagsa rin ang mga panindang T-shirt, tubig na ni-bless ni Nora Aunor, memorabilia, pamaypay, rosaryo etc. Autoload na lang ang kulang. Na-obsess ang mga tao sa kanya. Lumago ang kanyang mga followers, as in literal na FOLLOWERS. To the point na may isang filmmaker na taga-Manila ang gustong gawan sya ng documentary kaya sinundan-sundan nya si Nora Aunor everywhere she went.

Isa sa mga nainterview ng filmmaker tungkol kay Nora Aunor ay ang kanyang childhood friend na si Nimia. Habang nanggagamot si Nora Aunor at nagpopromote sa pagpapakita ng Mahal na Birhen, si Nimia naman ay nagtayo ng cabaret.



Ayon kay Nimia, sa cabaret laging may nagpapakitang birhen.




So far successful si Nora Aunor sa pagiging healer in her signature white dress, kasama ang kanyang buddies. Huwag nang magtaka kung bakit ganun kaputi ang damit nila:



One time isinama nya si Chayong sa burol para magdasal. Kung kelan naman sya sumama, saka naman may napadaang mga adik sa burol. Nirape silang dalawa nang very very harsh.

It just so happened na nasaksihan ng filmmaker ang pagkakagahasa sa dalawa but instead of helping them, kinuhanan nya pa ng video. What a dick.



OK so hindi uli clear ang shot pero trust me, may mga hiyas na pilit inaangkin going on over there.

So at this point there's just one thought on everyone's mind:

1) Nasaan ang Birheng Maria nang maganap ito? Busy?

Bakit hindi nya iniligtas ang kanyang sugo? How did they get away with something like that? Dahil sa takot sa kahihiyan, inilihim ni Nora Aunor ang lahat.

Meanwhile, diring-diri si Chayong sa naganap sa burol kaya nag-confess sya kay Father. For like 5 minutes isa lang ang paulit-ulit na sinasabi nya:



















Intense.

Kawawa talaga si Chayong dito. Muntik na sayang madonselya sa piggery. Iniwan siya ni Pen Medina kasi pakipot sya. Tapos nagahasa pa sya sa burol. N-acombo nya lahat ng kamalasan, eh sya pa naman ang most faithful follower ni Nora Aunor. Hindi nya ito kinaya.

Eto na sya:




As if Nora Aunor wasn't already having a really bad week, nangamatay ang ilang tao sa kanilang bayan dahil sa cholera. Na hindi nya magamot. Syempre hindi naman nya kayang gamutin lahat diba? People had faith in her but she let them down...



Daym. This is not good for business. Nagsara si Nora Aunor ng bahay. Tumigil sya sa panggagamot. Lalo na nang malaman nyang sya ay nagbubuntis. Actually may nagtsismis about this at akala nila, Immaculate Concepcion. Eh sinabayan pa ng ulan. Matapos ang ilang taon ng tagtuyot, biglang umulan. Must be some himala right? Eh ayaw na talaga ni Nora Aunor sa limelight hangga't maaari.


Syempre hindi matanggap ng mga tao diba? Paano na yung mga may sakit? Paano na ang mga umaasa kay Nora Aunor? Paano na ang mga paninda? Ang turismo? Paano na ang himala?

Enough of this! sabi ni Nora Aunor. "Guys, tara sa burol I have an announcement to make."



So everyone proceeded sa burol. Ang dami lang nila, nasa libo. Just a little trivia. Nung sinabi ni Direk Ishmael Bernal na kailangan nya ng maraming extras para sa burol scene, namrublema sila. Saan sila kukuha ng ganon karaming katao in just a few hours na willing magtatakbo sa alikabok sa ilalim ng araw for free?

Nora Aunor overheard the director and was like, "Hmm, pwede kong tawagin ang mga Noranians Northen Luzon Chapter?"

And just like that. Isang snap ng finger - isang katutak na extras. Na willing magbuwis ng buhay para kay Nora Aunor.

So yun nga ang daming tao diba? And not in the best condition pa sila. Kaya nga sila nandito para magpagamot kasi diba may sakit sila? Expectation nila, magamot, hindi mabilad. So maiinit ang ulo ng mga tao that day sa venue.



Isa pa, hindi glamorosa ang spot na napili ni Nora Aunor. Burol. As in mala-disyertong burol under the sun. Wala bang covered court sa Cupang? At least may nakapagset-up ng mini-stage with a statue of the Virgin Mary. Oo may time silang gawin yun. So pumwesto na si Nora Aunor sa mic.

And what she said next became the most memorable lines from any Filipino film. Habang sinasabi nya yun I was trying to type it, at ito lang ang nakalap ko:

"So yun nga. Ipinatawag ko kayong lahat kasi... hmm.. Guys, wag kayong magalit ha? Pero wala talagang himala! I made it all up! Walang nagpakitang Birhen. Bored lang talaga ako that day nung may eclipse. Walang himala you guys! Galit ba kayo sa akin? Guys?"

What happened next?








Sabi na eh, mainit talaga ulo ng mga tao nun. Ikaw ba naman na nag-aabang sa himala, dumayo mula sa malayo, pumila sa labas ng bahay ni Nora Aunor, pinalipat sa burol at pinaghintay sa ilalim ng araw eh sasabihang wala naman palang himala, hindi ka ba mambabaril? Kung nandun lang ako baka pinag-pipiraso-piraso ko sya sa stage.

Dahil nasapol si Nora Aunor, syempre nagtakbuhan na ang mga tao sa burol for safety. Well there's one thing na nakalimutan nila. It's a fucking BUROL. Hindi pantay ang lupa. Soon enough nagkaroon ng stampede at kawawa lang ang mga attendees na may kapansanan dahil natrample sila nang very very nice.



Samantala, nagkaroon pa ng paparazzi moment si Nora Aunor bago sya nawalan ng malay at dalhin sa ambulansya. Etong filmmaker from Manila, kung hindi panggagahasa ang kinukunan kay Nora Aunor, ang pagkamatay nya naman. I think he's making a snuff film.





May chance pa na buhay pa si Nora Aunor, baka magka-sequel pa. So dinala nila siya sa ambulansya. Pero bago ang lahat, isa munang crowdsurfing.



THE END!

So nasaan ang movie review? Nacarried away ako sa pagkukwento. Hmm the movie is OK I guess.

Haha OK lang???

OK Seriously this is one of the few Filipino films that I really like and I watched this over and over again. Story: check. Acting: check. Relevance sa buhay-buhay: check. I salute all the people involved in making this classic. I'm not a "Noranian" but this is probably my most favorite Filipino movie...

Himala, or the lack thereof. LOL.

DISCLAIMER I don't own the photos/movie stills. I don't claim to own them. All credits go to whoever owns the rights. ABS-CBN I guess. Thanks ABS-CBN. Thanks Nora Aunor. Thanks Ismael Bernal. Thanks Chayong. Thanks Tide. Thanks mwahchupa.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding