iska

OK naghalungkat ako sa lumang baul ng mga drafts at nahanap itong post na ginawa ko three years ago pero hindi ko naipost for some reason. Naisip kong ishare ito ngayon dahil malapit na ang Halloween at gusto ko ako ang mauna sa mga horror posts. Yes I know it's July. Sue me.

Noong second year high school (2001) ako may ikinuwento sa akin ang pinsan kong si Kuya Jaja na hindi ko talaga makalimutan. After seven years muli kaming nagkita, at ipinakwento ko uli sa kanya ang mga pangyayari.

Si Kuya Jaja ay nais kong ilarawan bilang confused. Hindi kasi namin malaman kung bading ba talaga sya o trip-trip nya lang. May nagdaang phase sa buhay nya na napahilig sya sa pagsasayaw, sumasali pa sya sa Eat Bulaga. Tapos bigla syang mag-uuwi ng girlfriend sa bahay. Tapos may panibagong phase sya, ang kanyang Melanie Marquez phase, kung saan napakahaba ng kanyang curly hair at nagawa nya pang mag-Japan. Pag-uwi naman nya, nagkaroon sya ng Emilio Garcia phase, at may girlfriend sya uli, ang pangalan eh Annabelle. Pero habang girlfriend nya si Annabelle, napapanaginipan naman nya ang kuya ni Annabelle. Basta, ang gulo nya noon. Pero ngayon eh may asawa't anak na sya.

Ang kuwento nya sa akin ay kung paano syang muntik maaswang ng bestfriend nyang si Iska.

Let me tell you beforehand na ang pinsan kong confused ay mahilig manggoodtime. Minsan binigyan nya kaming mga bata ng candy. Sabi nya natutunaw daw yung wrapper sa dila, parang White Rabbit. Nangawit na kami sa kakanguya, buo pa rin yung wrapper. Tapos sabi nya lang "Ay hindi pala." With that said, hindi ko masigurado kung ilang porsyento ng kanyang kwento ay katotohanan at ilang porsyento ang gawa-gawa, guni-guni o trip-trip.

But you know what's freaky? Kung paano nya ito ikinwento noong 2001, ay ganun pa rin ang pagkakakwento nya noong 2008. May consistency. So hindi talaga ako sigurado kung kathang-isip nya lang ito, o nangyari talaga.

Nangyari ito sa kasagsagan ng kanyang Melanie Marquez days. Ang trabaho nya noon eh nagcho-choreograph sya ng mga dancers na gustong mag-Japan at kasamahan nya sa trabaho at roommate si Francis, na mas gusto nyang tawagin sa nickname na Iska.

"Noong panahong yun, almost twenty years na kaming magkaibigan ni Iska."

"Pero alam mong may lahing aswang sila?"

"Oo, siya mismo ang nagsabi pero hindi naman ako natatakot kasi kaibigan ko naman sya. Pero dumating yung araw na parang marami akong napapansin na kakaiba."

Madalas daw nyang mahuli si Iska na ginagamit ang toothbrush nya, kahit meron naman itong sariling toothbrush. At nagpipilit rin daw si Iska na gamitin ni Kuya Jaja ang mga gamit nya, gaya ng suklay o tuwalya. Sabi ni Iska, swerte daw yun kung gagamit ka ng personal na gamit na pagmamay-ari ng aswang. Wow.

Napapansin rin daw nya na kapag sabay silang naglalakad ni Iska, binabagalan ni Iska ang lakad nya at pinapauna si Kuya Jaja, lalo na sa makikipot na corridor o kaya hagdan. At nararamdaman ni Kuya Jaja na hinihipan ni Iska ang batok nya...

One time naimbitahan si Kuya Jaja na umattend ng birthday party ng kaibigan nyang si Jobel sa Nueva Ecija, pero bago bumyahe papunta doon, inimbita muna sya ni Iska na sumama sa bahay nila somewhere sa bandang North (di ko na sasabihin kung saan mismo) at doon mag-overnight.

"Sa twenty years namin na magkakaibigan, noon ko lang makikita ang pamilya nya."

Nagtaxi sila at ihinatid sa bahay nila Iska na medyo liblib na parte ng isang subdivision. Nilalandi pa raw ng pinsan ko yung taxi driver habang si Iska eh nakaupo lang sa likuran at tahimik.

Pagdating sa bahay nila Iska, ang unang napansin ng pinsan ko ay wala silang kuryente, pero ang ibang mga bahay sa malayo ay may ilaw. Ang bahay nila ay napapaligiran ng mga puno ng saging. Umaambon pero maraming tao sa labas ng bahay, at hindi sila nagsasalita, palakad-lakad lang, at walang bumati sa kanila.

Bago pumasok sa bahay, iniwan ni Kuya Jaja ang payong nya sa may pintuan. Noong ipinakilala sya sa Nanay at mga kapatid ni Iska, tinignan lang daw sya.

"Sabi ni Iska, maupo raw muna ako sa sofa habang kinakausap nya sila sa kusina. Past midnight na yun."

Habang nakaupo sa sofa, nagmasid-masid lang si Kuya Jaja. Nakakalat ang mga kandila sa sala ngunit madilim pa rin. Maya't-maya, may mga babaeng pumapasok sa sala at dumidiretso sa isang kwarto. Ang napansin ni Kuya Jaja, kahit madilim ay mabibilis silang kumilos. Lahat sila ay hindi sya pinapansin. Basta pasok lang sila nang pasok sa isang kwarto, pero napansin nyang walang lumalabas.

Ilang minuto nang nakaupo si Kuya Jaja sa sofa nang mapansing may katabi pala sya dun na tahimik lang na nakaupo: isang malaking asong itim. May phobia sa aso ang pinsan ko, at tinawag nya agad si
Iska.

"Punyeta ka alam mong takot ako sa aso!"

"Hindi naman nangangagat yan,"

"Kahit na..."

Dahil doon, pinapasok ni Iska si Kuya Jaja sa isang kwarto. Sa loob ng kwarto may isang double deck, at nakaupo sa lower bunk ang tatlong babae. Hindi pa rin sya binati, at pinaakyat ni Iska si Kuya Jaja sa top bunk.

"Isa lang ang napansin ko sa mga babaeng yun. Silang tatlo, iisa ang mukha. Nakakakilabot."

Medyo natatakot na sya noon, at naiinis kay Iska. Gusto nyang magyosi pero hinintay nya munang umalis ang tatlong babae. Pagkaalis nila, dali-dali syang bumaba at lumabas ng kwarto. Sa daan palabas napasulyap sya sa kusina at yung nakita nya, hinding-hindi nya malilimutan...

"May lalaki sa kusina, at sa harap nya, nakalapag sa lamesa ang isang palayok. May lamang karne ang palayok. Dumukot sya sa palayok ng isang slice, at kinain. Dumukot sya uli, pero sa halip na kainin nang normal, tumingala sya at saka ihinulog sa bibig nya ang karne. Habang nginunuya nya yun, kumakawag-kawag yung kamay nya sa ulunan nya na para syang nalulunod. Tapos nun, dumukot uli sya sa palayok at kinain nang normal. Paulit-ulit siya sa ganun. Hinanap ko na si Iska para magyosi sa labas."

Paglabas nila, hindi na umaambon. Madilim pa rin, pero wala nang mga tao.

"Alam mo, malapit lang dito ang bahay ni R-V- (isang male bold star noong 90s). Gusto mo puntahan natin?" yaya ni Iska.

Sumama naman si Kuya Jaja at naglakad na sila sa mahamog na daan. Ang pinsan ko, napakalabo ng mata, kaya hindi nakatulong sa kanya na kumakapal na ang hamog sa nilalakaran nila. Matagal na silang naglalakad pero kapag tinatanong nya si Iska, ang sinasagot lang nya lagi eh "Basta malapit na."

Parang kinukutuban na sya na hindi talaga sa bahay ng isang boldstar sila papunta. Para mawala ang takot, ipinapagpatuloy lang nya ang pag-uusap nila ni Iska.

"Ang ipinagtataka ko, noong naglalakad kami magkatabi kami, pero habang tumatagal, noong hindi ko na sya naaaninag, parang yung boses nya nanggagaling na sa likuran ko. Pinapauna na naman nya akong maglakad."

Hinanap nya si Iska, halos sumigaw na sya. Sumasagot naman si Iska, pero parang papalayo ang boses nya.

"Nasaan ka na ba? Saan na tayo pupunta?"

"Diyan lang, sige lakad ka pa, mauna ka."

"Bakit ako mauuna eh hindi ko alam ang daan, ikaw ang taga dito."

"Basta diyan lang maglakad ka pa."

Takot na humakbang ang pinsan ko noon kasi pakiramdam nya ipapahamak talaga sya ni Iska, at hindi nga sya nagkamali. Tumigil siya sa paglalakad at naaninag nya sa makapal na hamog na napapaligiran sya ng mga aso.

"Ang dami, mga twenty at pare-pareho ng kulay, nakapalibot sa akin. Galit na galit ako kay Iska at sabi ko, bumalik na lang kami sa bahay."

Tahimik silang bumalik sa bahay, hindi nag-uusap. At pagdating nila sa labas ng bahay, marami pa ring mga aso.

"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, noong mga oras na yun, na yung mga aso eh yung mga bisitang babae."

Pagdating nila, sinalubong sila ng kapatid ni Iska para sabihing pwede na silang kumain. Wala naman syang napansing mali sa inihanda nilang pagkain, o siguro dahil na rin sa pagkainis nya. Ang gusto na lang talaga nya ay makaalis doon.

Matapos kumain, nagpaalam na sya kay Iska.

"Ang aga aga pa. Mamaya ka na umalis."

"Eh pupunta nga ako kina Jobel di ba alam mo naman yun."

"Mamaya na lang."

"Hindi ngayon na."

"Sige umalis ka na!"

Nagulat sya sa isinagot ni Iska, kasi hindi naman sya talaga ganun.

"Hindi mo ba ako ihahatid?"

"Kaya mo na yan."

Dahil parang pansin nya eh asar na si Iska sa kanya, hindi na sya nagpumilit. Kinuha na lang nya ang gamit nya sa loob ng bahay. Kahit papano, nagpaalam sya sa pamilya ni Iska at lumakad na.

Nakakailang hakbang pa lang sya ng naramdaman nyang umaambon, at naalala nyang nasa may pinto nila Iska ang payong nya, kaya bumalik sya agad. Inabot ng isang kapatid ni Iska ang payong kay Kuya Jaja.

"Alam mo, buti na lang hindi ko ugali na itaas muna ang payong bago buksan," sabi nya sa akin.

"Bakit?"

"Kasi, pagkabukas ko ng payong, may nakasiksik na kutsilyo."

Malaking kutsilyo raw yun at kung nahulog yun sa ulo nya eh malamang na-injure sya at hindi nakaalis. Tinanong nya pa daw si Iska kung bakit may kutsilyo doon. Ang isinagot sa kanya eh "Baka namisplace lang ng kapatid ko."

Hinayaan nya na lang at nagpaalam na uli sya para makaalis na. Malayo pa ang lalakarin nya hanggang makarating sa gate ng subdivision, pero buti na lang at mag-uumaga na kaya medyo maliwanag na rin.

"Habang naglalakad ako, palakas nangpalakas ang ambon at ang hangin, yung hangin parang may kasamang boses, parang alulong ng aso, parang tinatawag nila ako pabalik pero hindi ako lumingon, dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng jeep."

At this point habang nagkukwento siya, naiihi na ako pero natatakot akong mag-CR.

"Ewan ko kung napaparanoid na ako o guni-guni ko lang, pero pakiramdam ko talaga eh may sumusunod sa akin. Kahit saan ako magpunta, kahit anong sakyan ko. Pagdating sa Nueva Ecija, pagbaba ko mula sa bus, maraming beses akong naligaw. Nakakapagtaka dahil napakaraming beses na akong nagpunta doon, pero ngayon lang ako naligaw. Paikot-ikot lang ako sa daan sa paglalakad. Pagod na pagod na ako pero hindi ako huminto."

Pabalik-balik lang siya pero siguro nagsawa rin kung sino man ang sumusunod sa kanya, dahil natunton rin nya yung bahay na pupuntahan nya.

Matapos ang pangyayaring yun, bumalik si Kuya Jaja sa pinagtatrabahuan nya at sa kwarto nila ni Iska. Wala na si Iska noon, at hindi na nagpakita sa kanya. Maraming buwan ang nakalipas nang makatanggap sya ng isang sulat galing kay Iska. Sa sulat, inilahad nya lahat ng sama ng loob nya kay Kuya Jaja na kinikimkim nya nang napakatagal. Napakarami pala nyang hinanakit, inggit at kung ano-ano pa. Ultimo yung R-V- na male bold star noong 90s, nadamay sa galit niya.

At tinapos nya ang sulat sa pagsasabing tinatapos nya na ang kanilang pagkakaibigan.

At yan po ang kwento ni Iska ang baklang aswang. The End.

Fact? Fiction? Happy Halloween!

dear glentot #1

Kids? DISCLAIMER lang as usual malaswa na naman ang susunod ninyong mababasa so alam na OK? Hindi naman actually puro kalaswaan lang, may halong kabuluhan at katuturan din dahil magbibigay ako ng advice. Yes...

So nakaugalian ko na everyday ay mag-check ng blog stats. Usually, ang traffic ay galing sa regular readers pero minsan may mga naliligaw sa blog ko nang hindi sinasadya. Sila yung mga nag-search sa Google pero sa blog ko napadpad. It's sad at nakakapanlumong malaman na ang sini-search nila sa Google ay kung ano-anong kalaswaan, at for some reason kasama ang blog ko sa search results. Kung bakit, I have no idea. Never naman akong nagpost ng bastos.

Noong una, napipikon ako, pero naisip ko na lang na ang mga taong nagsearch nito ay may matinding pangangailangan, kaya naisip kong tumulong na rin. I imagine na ang mga keywords nila ay mga katanungan na gusto nilang ipadala sa akin. At ngayon, sasagutin ko ang mga katanungan nila. Magkaroon man lang ng pakinabang ang blog ko kahit papano.

Are you Kids ready?




Ang screenshot na iyan ay hango sa Statcounter at yan ang mga nakukuha kong traffic lately. Bigyan natin ng pansin ang katanungan sa pangalawang linya:

"para saan ang bulbol"

Wow ah. Navi-visualize ko lang yung taong nagsearch nito. Unang-una, marami siyang time. Dahil ang taong busy, walang panahong mapagtanto ang mga kaganapan sa loob ng undies niya.

Ang payo ko sa iyo ay humanap ka ng pagkakaabalahan, hindi yung nagfo-focus ka sa mga malalalim na pagninilay-nilay sa pubic hair mo. Nagsasayang ka lang ng kuryente. Pero sige, eto ang mga naunang pumasok sa isip ko nung sinubukan kong sagutin ang tanong mo:

1) Palamuti
2) Indikasyon ng edad/maturity - "Kumilos ka! Humanap ka ng trabaho! Bulbulin ka na, puro Doraemon pa rin inaatupag mo!"
3) Self-experimentation

Nahirapan akong sagutin yan kaya noong nilapitan ako ni Senyor Iskwater at nag-offer siyang sumagot sa mga katanungan about love, siya ang pinasagot ko sa tanong ni Kuya:

From Glentot of Wickedmouth
Para saan ang bulbol? 
Senyor Amor: Love problem ba 'yan? Okay, ganito. Sa babae it's pampasikip. Subukang itirintas before making love, tiyak ang tightness to fullest. Sa lalaki, it's pampalasa. 'Wag i-shave at 'wag masyadong hugasan, for sure mangangamoy. 'Pag may amoy, may lasa. Yum yum yum...

OK next. Let's go through the list sa taas one more time (please just ignore yung mga keywords like "lolang malibog" or "masarap") at sabay-sabay natin sagutin ang isang nagbabagang katanungan:

"Paano magfinger sa Pekpek"

Wow. The first thing that struck me with this question ay ang capital P for Pekpek. Hmm ok, proper noun? Anyway, moving on... Mahirap masabi, base sa words na ginamit, kung babae o lalaki ang nagsearch. Kung lalaki ito, at gusto lang nya tulungan ang kanyang female friend na isagawa ang pagfinger nang tama at naayon sa standards ng lipunan, saludo ako sa iyo. Nakuha mo pa talagang i-Google.

Kung babae naman ito, and let's assume na babae nga, kahit medyo nakakapagtaka na kailangan mo pang ipagtanong kung paano mo ito gagawin, sasagutin ko na lang sa abot ng aking makakaya:

1) Maghugas ng kamay. Ate, huwag ka lang saksak nang saksak ng daliri sa h*yas mo at any moment habang ang huli mong hinawakan ay mamisong coins o basahang may floor wax.

2) After maghugas, it's time to choose kung aling daliri ang gagamitin mo. Ring finger para romantic. Middle finger para maangas. Try mo rin thumb para challenging.

3) Paki-figure out na lang sa sarili mo kung paanong rhythm ang nais mong gawin habang nakasalaksak ang kung ano mang nakasalaksak. Pechay mo ang topic dito. Walang makakapagdikta sa iyo kung paano mo ito hihimayin.

4) Kapag natapos na at solved ka na, maghugas uli ng kamay.

And lastly, 5) Sana sa uli-uli na maggo-Google ka ng something sensitive like this, gandahan mo naman ang keywords mo at nang hindi nade-degrade ang pagkababae mo. Ako ang nahaharrass sa iyo eh. Hindi ako sanay na makabasa ng mga words like "pekpek". Palitan mo. Maaari mong gamitin ang "hiyas", "bulaklak", or "pichi-pichi".

OK moving on, let's focus our attention sa susunod na screenshot, kung saan may isang hopeless na Kuya somewhere ang may matinding pinagdadaanan. Isa-isahin ang mga linya sa larawan. Hulaan mo kung sino:



Ayan matapos mong suyurin ang sunod-sunod na kalaswaan, may isang standout diba?

"paano tuliin ang sarili"

Kuya, SURE KA??? May dahilan kung bakit may kursong medisina at kung bakit meron tayong mga medical experts kabilang na ang mga nurses, isama na rin ang mga nursing students na nag-iipon ng cases para maka-graduate, idagdag pa diyan ang mga libreng operasyon na pinangungunahan ng mga volunteer groups, o mga pulitiko kapag eleksyon, at ang dahilan ay para walang sinumang Pilipino ang kailanman ay masasadlak sa sukdulang hirap para humantong sa sitwasyong kailangan nyang tuliin ang sarili niya. Kuya... ikaw lang ang nakaisip niyan. Ibaba mo muna ang gunting, mag-usap muna tayo.

Gusto kong intindihin ang sitwasyon mo. May dahilan kung bakit ayaw mong magpatuli sa tamang paraan: nahihiya ka kasi may edad ka na? OK nanghula lang ako, but something tells me if you're old enough to Google, then you're old enough para tuliin. Or too old.

Kuya, hindi dapat maging dahilan ang edad para ikahiya mo ang pagpapatuli. Confidential ito. Actually, hindi nga namin malalaman na hindi ka pa tuli kung hindi mo naman ito Ginoogle.

Something tells me rin na buo na ang loob mo na gawin ito on your own. Hindi ito fantasy or some weird fetish. Nagawa mo nang magresearch para dito eh. Let's assume na decided ka na, at nasabi mo na sa sarili mo na "Kaya ko ito! At ngayon na ang oras, tutuliin ko ang sarili ko!" Narito ang mga dapat mong gawin:

1) Maghugas ng kamay. Pareho ang Step #1 dun sa nagtanong about pagfi-finger.

2) Hilain ang balat. I won't go into details dahil Kuya, alam mo na dapat kung aling parte ng iyong s*ndata ang dapat hilain. Kung hindi mo alam, huwag mo nang ituloy. Baka ang tuli mo eh mauwi sa sex change.

3) Ihanda ang gunting. Sa mga panahong ito dapat narealize mo na maari mong ikadisgrasya ang isasagawa mong operasyon sa iyong sarili, at dapat alam mo rin na kung ano man ang magupit mo ay mahirap nang ibalik.

4) SNIP!

5) More SNIP! Actually, it's sniiiiiip sniiiiip sniiiiiiip (makunat na eh LOL).

6) Pagsisihan mo ang iyong nagawa at mangako sa sarili na ang mga ganitong operasyon ay hindi Do It Yourself at lalong hindi ikinukonsulta lang sa Google. Sa halip, maari kang magtanong kay Kuya na nakatry nang tuliin ang sarili (read here) and ask for tips.

7) Habang nagsisisi, linisin ang nagkalat at naghalo-halong dugo, luha, at... balat. LOL.

8) Success hindi ka na supot yehey. Happy now?

OK dito muna nagtatapos ang kalaswaan post na ito, busy na ako ulit. Bye Kids.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding