something wicked

an in-depth analysis of the mind of a creature who eats kaningbaboy

Yes in-depth ito because I will be using bullet points. Gusto ko kasing sumulat sa MMK. That's right. Matagal ko nang pinag-iisipan kung paano ang format kapag susulat sa MMK. Ang gusto ko kasi eh kung ano ang nakalagay sa sulat ko, yun mismo ang mangyayari sa episode, kaya dapat talaga may bullet points. Hindi pwedeng wala. Baka ngayon pa lang makakatanggap si Ate Charo ng sulat na may bullet points.

Pero hindi tungkol sa akin ito. Tungkol ito sa dati kong officemate.

 Dear Ate Charo,
  • Hi. Kumusta ka ako I'm good and all that. OK Let's proceed.
  • Ganito kasi yun. May officemate ako noon, for the sake of the show tawagin na lang natin siyang Katniss, as in yung bida sa Hunger Games (lalaki po siya, technically).
  • Si Katniss ay:
  1. Baklang mataas mag-tuck in.
  2. Kaya siguro affected ang utak nya kasi ang taas nya mag-tuck in:
  • Meaning hindi na dumadaloy nang maayos ang dugo sa buo niyang katawan patungo sa utak.
  •  It's a medical condition Ate Charo I'm not making this up. I-Google mo yan.
  • So ano ba ang dahilan bakit sumulat ako tungkol sa kanya? Sa totoo lang kasi, ngayon lang ako nakakilala ng klase ng tao na tulad niya such as:
  1. Scavenger
  2. Kumakain ng tira-tira
  3. Kumakain ng panis (I made this up but it's safe to assume na totoo ito)
  4. Kumakain ng left-overs ng iba
  5. Magnanakaw ng pichi-pichi (I'll discuss this with you later)
  6. I wouldn't be surprised kung nangangalkal siya sa basurahan para may makain
  7. Now you know kung bakit Katniss from the Hunger Games ang name nya.
  • Gusto ko ang first scene ng episode ay yung na-hire si Katniss sa office namin tapos pagpasok nya ang taas ng tuck-in niya, kami ang hindi makahinga sa outfit niya.
  • Tapos paki-jump mo na agad sa next scene yung kumakain ako ng fried chicken. Gusto ko ang gaganap sa role ko ay si John Prats. Or si Bugoy Carino. Make this happen.
  • So I was eating fried chicken sa pantry with my officemates. Alalang-alala ko pa na leg part yung kinakain ko. Nakaupo sa harap ko si Katniss, hindi daw siya kakain kasi busog siya.
  • Matapos kong kainin yung fried chicken, Katniss asked "Kakainin mo pa yan?" Sabi ko hindi na.
  • Hala, kinuha ni Katniss yung buto tapos kinain nya yung tira-tirang laman na nakadikit sa bones.
I felt the following:
  1. Disgusted
  2. Slightly naawa baka wala siyang pambili ng pagkain?
  3. But no, pare-pareho kaming sumisweldo ah!
  4. Disgusted
  5. Lost faith in humanity

As it turns out, gawain pala ni Katniss ang magdilihensiya sa pagkain. Ang pera niya, siguro ipinapambili nya ng pants at belts para araw-araw siyang naka-tuck in. I don't know. Who cares about his life story.

Jump to next scene:
  1. Yung officemate kong babae may baon na pork chop with rice. Tapos bumili siya ng burger. Don't ask kung bakit may baon na siyang rice tapos bumili pa siya ng burger. It's perfectly normal.
  2. Katniss enters the scene, eyes on the pork chop.
  3. "Kakainin mo pa yan?"
  4. Sabay tusok ng tinidor niya sa pork chop.
  5. My officemate said "Oo kakainin ko pa!" Sabay tusok rin ng tinidor niya sa pork chop.
  6. "Eh may burger ka na!" sabi ni Katniss sabay hila sa pork chop.
  7. "Kahit na! Kakainin ko pa rin!" sabi ng officemate ko sabay hila rin sa pork chop.
  8. "Sige itong rice na lang ang akin!" sabi ni Katniss.
  9. "Hindi! Kakainin ko rin iyan!" Ate Charo sabi pala ng officemate ko, ang gusto niyang gumanap sa kanya ay si Gretchen Barretto. Get this done.
  10. Naawa ako sa pork chop.
Pwede ka muna mag-commercials dito. Hindi ko pa naisip kung sino pwedeng gumanap sa role ni Katniss. Kung walang available, pwede bang cartoons? Basta mataas ang tuck-in. Gawan mo yan ng paraan. I'm sure ito ang kauna-unahang MMK episode na may animation. Taob ang Magpakailanman.

Right after commercials huwag ka na mag-narrate kasi sayang ang oras. Jump na agad to next scene:
  • Birthday celebration ng isa naming officemate (hindi ko na siya natanong kung sino gusto nyang gumanap sa kanya kasi nakaresign na sya. Suggest ko na lang si Jessy Mendiola. Pwede rin si Irma Adlawan kung wala siyang indie film. Your choice.
  • So birthday nga nya tapos nasa pantry kami lahat para mag-partey-partey sa handa niyang pancit, barbecue, chop suey, cassava cake at pichi-pichi. There's enough for everyone, so ang expectation ko eh wala nang hingian ng leftover na magaganap. Actually ang dami ng natirang pagkain, kaya sinuggest ni Jessy Mendiola/Irma Adlawan na "Itabi na lang muna natin tapos mamayang mga before end of shift, kainin natin uli kapag nagutom na tayo."
  • Hala, nung nagliligpit na kami, nawawala na ang isang box ng pichi-pichi!
  • Kung barbecue ang nawala o kaya yung chop suey OK lang walang issue kaso putang-ina, pichi-pichi ang pinag-uusapan dito. Uminit ang ulo ng mga tao.
  • Ang hinala naming lahat, tinago ni Katniss yung pichi-pichi.
  • You can use some time-lapse scenes dito gaya ng pagfast-forward ng clock or pagkalanta ng flowers to indicate the passage of time and it's now 4:30 malapit na ang uwian at nagugutom na kami at nawawala pa rin ang pichi-pichi!
  • Hala, kitang-kita ni Gretchen Barretto si Katniss na dumudukot sa pedestal niya ng pichi-pichi paisa-isa at mabilis na isusubo pasimple para hindi halata.
  • Right then and there gusto ko siyang hagisan ng sibat.
Commercial break.
  • Pwede ka maglagay ng dream sequence kung saan lahat kaming magkaka-officemates ay nakapalibot kay Katniss tapos sabay-sabay kami binabaril namin siya tapos nagkakalasog-lasog ang gilagid nya sa sahig tapos may darating na isa pang Katniss at pupulutin yung mga nagkalat na gilagid at kakainin nya.
  1.  Last scene na ito. Nag-birthday yung dalawa pa naming officemates, sabay sila (ang gaganap daw dito ay si Kim Catrall (yung sa Sex and the City) at si Miles Ocampo)
  2. Hindi ako sure kung bakit si Miles Ocampo ang napili nung isa kong officemate na gaganap sa kanya.
  3. Actually first choice nya siya na lang daw ang gaganap sa sarili niya. #lakasngloob
  4. Yung isa pa naming officemate na walang baba (baba as in chin) sabi niya ang gaganap daw sa character nya eh si Mel Tiangco. Oo yung host ng Magpakailanman. Get that done.
  5. Marami akong officemates na nandun sa birthday party, nasa 25 kami. Dapat artista lahat yan walang extra.
  6.  Yung isa kong officemate tinanong ko kung sino ang gusto nyang gumanap sa kanya. Actually kaya natagalan akong tapusin itong sulat na ito dahil ang tagal niyang nag-isip ng gaganap sa artista. Eventually ang napili niya matapos ang mahabang deliberation ay si Jason Gainza.
  7. Anyway so yun nag-birthday sila. Dahil sariwa pa sa isip ng mga tao ang nakaraang trahedya ng nawawalang pichi-pichi, this time, hindi na inimbitahan si Katniss. Para walang mawalang handa.
  8. So we were at the pantry masaya ang lahat kumakain masigla ang gums ng mga tao.
  9. From afar nakita namin si Katniss papalapit sa pantry. Malayo pa siya, kita na yung tuck-in niya.
  10. Sabi ni Miles Ocampo, "Walang papansin diyan ha! Walang mag-iimbita! Walang kakausap! Walang magsasalita, walang eye-contact! Walang hihinga!" bitch na bitch yung ganap dito ni Miles Ocampo eh para close to reality sa officemate ko.
  11. Papalapit na si Katniss.
  12. Play some music here. Yung pang-horror.
  13. Hala nandiyan na siya.
  14. Hindi kami umiimik. Busy ang gums namin sa pagnguya.
  15. Lumapit si Katniss sa table.
  16. Nagtitinginan lang kami nila Gretchen Barretto, Mel Tiangco, Kim Catrall at Miles Ocampo, Jason Gainza, Jessy Mendiola/Irma Adlawan at Joem Bascon.
  17. "Ay sinong may birthday?" sabay kumuha si Katniss ng paper plate at nagsandok.
  18. Without waiting for an answer, umupo siya at nginuya ang food.
  19. Paki-focus yung mukha ni Miles Ocampo na hindi maipinta, tapos lagyan siya ng thought bubble: HALA SI BAKLA ANG KAPAL NG GUMS.
  20. Habang busy ang gums ni Katniss, isa-isa kaming nagligpit. Walang imikan, walang usap-usap. Nagligpit kami ng left-overs at isa-isang nagsi-alis. Naiwan si Katniss na kumakain mag-isa. Pakilagyan ng touching at emotional na background music. 
  21. Multong Bakla! Multong Bakla! Multong Bakla!
  22. So hindi naglaon nawala na sa company si Katniss due to reasons other than mahilig siyang ngumuya ng pagkain ng iba. Gusto ko ipakita siya na gumagapang palabas ng office building namin tapos may nadaanan siyang trash can at sa tabi ng trash can may taong grasa na kumakain ng left-over fried chicken yung thigh part. Tapos lalapit si Katniss sa kanya at magtatanong.
  23. "Kakainin mo pa yan?"
  24. END SCENE tapos eksena mo na ito habang nakaupo ka hawak mo yung sulat ko tapos bigla kang titingin sa camera habang umiiling-iling tapos sasabihin mo "Tsk tsk tsk putang-ina..." Ate Charo, please do this I'm serious. Ito ang sasabihin mo...
  25. "Mga kapamilya, ang nasaksihan natin ay isang kwento ng pagkagutom, pagnguya, kawalan ng hiya, kawalan ng respeto sa sarili, at pagta-tuck in at maraming gilagid. Sana magsilbing aral sa atin na hindi lahat ng pagkain na makita natin ay karapat-dapat isalaksak sa ating gums. Magandang gabi mga kapamilya."
TITLE OF THE EPISODE:

PUTANGINA KANG PATAYGUTOM NA DUGYOT

Yan I'm sure walang makakahula ng title ng episode.

That's it Ate Charo, you may go home now.

Ay wait Ate Charo, lagyan mo pala ng scene after credits, pakisingit itong scene na ito:

  1. Bangus ang ulam ni Gretchen Barretto tapos hinihimay nya pero ayaw nyang kainin yung balat ng bangus kasi may kaliskis. So itinabi nya yung balat sa tissue paper. Tapos habang kumakain siya, dun nya iniipon ang mga nakukuha nyang tinik sa balat ng bangus.
  2. Enter Katniss na naka-tuck in.
  3. "Kakainin mo pa yan?" sabay kinuha nya yung balat ng bangus, tinanggal ang naipong mga tinik at kinaskas ang balat ng bangus sa kanyang gums.
  4. Paki-close up yung reaction ni Gretchen tapos fade to black.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding