saranggola blog awards 2014

Last Saturday nalaman ko na magkakaroon uli ng Saranggola Blog Awards na mismong noong Saturday rin. Buong araw kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi, sa kadahilanang wala namang nag-imbita sa akin. Ewan ko ba bakit gusto ko laging dumalo sa SBA kahit wala naman akong entry at madalas wala akong kilala sa mga sumasali bilang mga seryosong bloggers ang mga sumasali at yung mga kilala kong bloggers eh tae-tae (joke lang!)

At bilang tae-tae blogger lang rin naman ako hindi naman ako nag-expect na may mag-iimbita pa sa akin. At nahihiya naman akong pumunta doon na wala akong kakilala, baka nakatayo lang ako sa sulok at walang kausap. Minessage ko si Kumagcow John Bueno kung pupunta siya pero sabi nya, malelate daw siya. Kaya malabo na pumunta rin ako.

Nung gabing iyon, nagpunta ako sa Trinoma para manood ng The Hobbit (isang movie na nakakarelate ako bilang isang hobbit), bumili ng ticket, at habang naghihintay, nakita ko sa Facebook ang post na ito ni Bon Talampas Jr:



Quoting my own thoughts nung nakita ko yung picture, Hayup ka Kumagcow, akala ko malelate ka ng dating, ikaw pa ngayon nasa registration!

Knowing na nandun na si Kumagcow John Bueno at least may isa na akong kakilala doon, pwede na akong pumunta. So minessage ko yung founder ng Saranggola Blog Awards, si Bernard Umali, with only one purpose: to invite myself LOL. Pumayag naman siya. Pasensya na Sir Bernard!

Mabilis akong bumalik sa ticket counter ng Trinoma.

"Miss pwede magparefund ng ticket?"
"Bakit Sir?" *with feelings*
"Emergency lang, may allergy kasi ako sa Ibuprofen."

Tinignan ako ni Ate. Ni hindi ko naman sinabi sa kanya kung nainom ko na ba yung Ibuprofen pero parang na-asssess nya na namamaga ang mukha ko kaya binalik nya ang pera ko. Ang ipinagtataka ko, na malamang ipinagtataka nya rin, Anong pakialam ng The Hobbit sa allergy ko sa Ibuprofen?

Sakay ako agad ng MRT at tumakbo sa ulan papunta sa Flair Towers kung saan dinadaos ang awarding. Kaya pagdating ko doon, hinihingal pa ako habang nagreregister. Umpisa pa lang ng kahihiyan more to come! :) :) :)

Isa-isa nang tinawag ang mga winners sa iba't-ibang categories (and I want to take this moment to congratulate them sa napakagaling nilang panulat).

After the awarding nagkaroon muli ng taunang parlor games kung saan lagi ako minamalas na matawag. Eto yung pinaglaro kami ng Reverse Charades:



Thanks AXL POWERHOUSE PRODUCTION sa isa na namang flattering pic LOL. Pero improvement na yan sa pic ko last year kung saan bukas ang zipper ko.

Here oh:


PUMAYAT BA AKO BE HONEST.

Naglaro kami ng charades at kami ang nanalo yaiy!



Next kahihiyan: pinaglaro rin kami ng "Sweetest Smile After Uminom ng Squeezed Lemon". Hindi ko alam kung sinong nakaisip ng laro na ito. Some sadist LOLjk.

Eto yung group picture. Dahil napunta ako sa likod, dahan-dahan akong nag-tiptoe para makita naman ako. Salamat Berl sa pag-announce ng "YES GLENN???" LOL.



Marami pa akong nakakahiyang moments na ibinaon ko na sa limot because.

Ewan sorry naman sa walang effort na post na ito naisip ko lang naman ikwento at ibahagi na uma-attend ako ng event kahit hindi ako imbitahan pero minsan naman kapag inimbita ako, bigla akong not feeling well.

Maraming salamat sa mga nakilala ko at least I have new friends now yey.

Next year sasali talaga ako sa SBA sa Kwentong Pambata Category. Thanks.

Photo credits:
Bon Talampas of Taragis.com
At ang nag-iisang Axl Powerhouse Production

pepe's meat

Sex and hamburgers go together, according to an old saying by me. Kaya nung minsang binanggit sa akin ng aking good blogger friend Karl (TuristaTrails.com) na may ita-try syang burger joint sa QC called PEPE's MEAT at inimbitahan akong sumama, I thought, Hmm perfect.



So pinuntahan namin ni Karl ang PEPE's MEAT (starting now I’ll call the burger joint/the burger itself “pepe” for short) sa Kamuning corner J Erestain. Aba noong una nahirapan kami hanapin yung pepe pero matapos ang konting paikot-ikot nakita rin namin ito. Medyo tago ang pepe kung nasa malayo ka. Pero pag lumapit ka, makikita mo agad yung pepe. Maliit lang yung pepe at nagsisimula pa lang sumibol. It’s up and coming pero sa tingin ko marami nang nakatikim ng pepe. Sabi nila masarap daw kumain ng pepe? Ma-try nga.

In my opinion napaka-cute nung pepe. Nakalabas siya. I mean, outdoors siya kaya mahangin at maaliwalas. Nasa tapat siya ng bahay ng may-ari ng pepe, si Patricia. Hindi ko na tatawaging “pepe ni Patricia” OK implied na yun right?

Very chill yung pepe. It’s neither masikip or maluwag. Just right. Saktong tambayan ng barkada ang pepe. Masarap daw magbabad sa pepe.

Rambling on about pepe, nalimutan ko banggitin ang mga laman nito:


Natry mo na ba yung nakakita ka ng pepe (burger) tapos sabi mo Ayy puta ang mura! Kasi naman, obviously hindi kasing-mahal ng Pepe's Meat ang ibang mga burger joints sa paligid. Pero kasingsarap kaya? Malalaman ko.

Yung BURGA eh simpleng pepeng may keso J
Yung BORBAQUE naman eh tingin ko medyo may anghang kasi may sarsa ng barbeque. Siguro masarap dila-dilaan yung sarsa?
Yung NKKLK eh kung gusto mong kumain ng dalawang pepeng sabay.
Yung BORTA naman eh para sa talagang mahilig magkakain ng pepe. Tatlo!
Yung LONGGABALLZ siguro pag nagsawa ka sa kakangasab ng pepe at gusto mo maiba naman. Balls naman ang tirahin mo.

Yan inexplain ko na ang menu para sa ikaliliwanag ng lahat.

"Hmm so anong gusto nyong i-try?" tanong ni Patricia.
"Hmm yung bestseller," sabi ni Karl.

Gusto nya yung pepeng pinakamabenta. Kumbaga, yung pepeng kinain na ng lahat.

“Hmm yung NKKLK BURGA,” ang wika ni Patricia. 
"Hmm OK."

Dali-daling ihinanda ni Patricia ang pepeng kakainin namin ni Karl. Aba nagulat ako kasi si Patricia mismo ang humawak ng mga pepe. Very hands on. At hindi dahil nasa labas ang pepe (the burger joint) eh marumi ang pepe (the burger) dahil isa sa mga nauna kong napansin ay malinis ang pepe. 

Ganito ang itsura nung pepe kapag pwede nang kainin.



Tingin ko NKKLK nga itong pepeng ito. Itsura pa lang nung pepe eh. Malalaman ko.

Maya-maya pa… ATTACK! Kinakain ko na yung pepe. First time ko hihi.

Unang kagat ko pa lang sa pepe alam ko na agad na masarap. Malasa siya. Matambok yung pepe nag-adjust ang bibig ko para makagat ko nang buo. Pero hindi tulad ng ibang burger, ang pepe eh hindi makunat. Enjoyable sya ngatngatin hindi ka makakaramdam ng pagod at pagkangawit.

"Hmm Patricia may schools ba na malapit dito?"
"Hmm meron."

Madalas daw, mga estudyante ang kumakain ng pepe. Mahilig daw sila at marami sila. Yung buong gang nila magkakasama kumain ng pepe. It's a gang activity.

Masasabi kong magandang experience sa akin ang pagkain ng pepe. Lubusan ko itong kinatuwa at pag napadaan akong muli sa Kamias ay kakain ako uli ng pepe. Siguro sa susunod eh yung BORTANG pepe ang kakainin ko.



Suggestion ko lang Patricia, dapat kapag nababanggit ang NKKLK Burga, dapat sinasabunutan mo ang sarili mo. Para mas intense ang presentation. Suggest lang naman J

And may I also suggest na ang "BORBAQUE" ay mangyaring palitan at gawing "BAREBAQUE". Sapagkat. 

Thank you Patricia and Karl!

For more information, Like Pepe's Meat on Facebook!

ano yun?

?Alam mo ba yung feeling na may isang bagay na alam na ng lahat ng tao sa paligid mo tapos ikaw na lang ang hindi nakakaalam? It makes you feel schoopid. As if kasalanan ang maging #INNOCENT. Tapos kapag nagtanong ka, mapapahiya ka lang. Madalas, it all starts with these two pahamak words: "Ano yun?"

Example. One time nagbibiruan kami nina Khikhi at isa naming kabarkada, si Caloy. Nag-joke si Caloy tapos ayaw kong tumawa (di ko na maalala yung joke pero I'm sure ako ang subject kaya di ako tumatawa) kaya sabi ko "Har har" in my signature sarcastic monotone.

Tumawa pareho si Khikhi at Caloy. Tapos biglang tumigil si Caloy sa pagtawa at nagtanong,

"Ano yung 'har har'?"

Ang lakas ng tawa namin ni Khikhi sa tanong na yun ni Caloy. Tapos tumigil rin sa pagtawa si Khikhi at  nagtanong.

"Oo nga bez, ano yung 'har har?'"

DUH? Hanggang ngayon natatawa ako pag naaalala ko sila.

Wait ano nga ba yung har har LOL.

Noong bata pa ako may kaibigan si Mudrax Doris, his name is Dolfie, na dumalaw sa bahay kasama ang kanyang misis. Pagtapos nilang mag-usap, nagpaalam na silang umalis at sabi ni Kuya Dolfie, "Paki-remind na lang ako ha?" at sabi naman ni Mudrax "Oo". Tapos na sana ang usapan nila nang biglang nagsalita yung misis.

"Ano yun?" tanong nya sa mister nya, may urgency.
"Yung alin?" sagot ni Kuya Dolfie
"Yung huling sinabi mo?" tanong uli nung misis.
"'Paki-remind'?"
"Oo."

So yun. Hindi nya alam kung ano yung 'paki-remind'. At ang napakabuting si Kuya Dolfie, eto ang isinagot:

"Ulam yun."

TANGINA. At may follow up pa.

"Hindi mo alam yun kasi hindi ka pa nakapagluto nun."

At yun, umuwi na sila.

Noong college ako nagkaroon ako ng roommate na loko-loko. Lagi tumatambay sa room namin yung GF nya. Madalas sila mag-asaran na nauuwi sa awayan at madalas natatawa na lang ako sa away nila. One time pagpasok ko sa room, naabutan ko silang nag-aaway. Yung GF, malapit nang umiyak.

"Glenn?" sabi nya.
"?" sabi ko in my signature ? facial expression.

Dahil teary-eyed na sya pinaghandaan ko na ang isang seryosong tanong.

"Ano yung 'ingrown'?"

TANGINA. Hirap ako sa pagtawa. Yung tawang walang tunog puro hangin. Yung tawang sumisipol. Yung tawa ng obese.

"Wag mong sabihin Glenn!!!" sabi ng roommate ko.

"Huwag kang magulo!!! Glenn?"

Hindi pa rin ako makasagot. Hindi ako makahinga.

"Huwag mong sabihin Glenn! May ingrown siya nakita ko!"

"Tumahimik ka!!! GLENN!!!!"

Break na sila ngayon.

Nung nag-training ako sa isang call center malapit sa amin may nakasabay ako sa training na binansagang "Pretty Boy" dahil kahawig nya si John Pratts. One day siya ang naatasan na magsulat sa board habang dinidictate ng trainer isa isa ang mga good qualities na dapat taglayin ng isang call center agent. Mga katangian gaya ng "Good Listening Skills" at "Cheerful" at iba pang shit.

OK na sana ang lahat, hanggang sa dumating kami sa "Good Rapport".

Sinulat ni Pretty Boy sa board ang salitang "Good"

Sabi ng Trainer, "Good Rapport."

Napatigil si Pretty Boy, napatitig sa salitang "Good." Nung hindi nya na kaya, humarap sya sa aming lahat at nagtanong,

"Ano yun?"

Pinaliwanag naman ng trainer, "Guys, rapport is *blah*blah* *explain*explain* *forgot*what*she*said #NOLISTENING SKILLS... so yun. That's what we call 'Rapport'."

Sabi ni Pretty Boy, "Ahhh" at sinulat sa board ang salitang...

'RAPOR'

OK hindi ko rin alam that time kung ano ang rapport who cares.

One time noong high school during Values Education class, nagkukuwentuhan yung dalawang kaklase kong babae about "Talmud", yung banal na aklat ng Judaism.

Tapos yung isang girl, si Maridol, ay bumulong sa pinakamahina at pinakamaliit niyang boses ng, "Hihi sounds like tamod!!!! Hihihihi!!!!"

Eh narinig ko yung bulong nya.

In my most innocent voice nagtanong ako, "ANO YUNG TAMOD?!?!"

Natigil silang lahat and looked at me like I'm a new breed of schoopid. Hindi ko talaga alam kung ano yung 'tamod'. Second year high school na ako that time. Buti na lang in-explain nila sa akin. During Values Education class. Sa harap ng aming teacher-adviser. Thank you Maridol.

#INNOCENT

how to effectively utilize social media

Hey Kids kung tatanungin kayo: What is the most pressing problem that people face today? Ang tamang sagot ay "Kung paano magkakaroon ng love life?" Am I right #BEHONEST. At batid naman nating lahat na ang social media ay inimbento para sa isang purpose lamang which is to whore oneself out. I don't mean maging pokpok because sometimes we don't even charge.

Ganap na ganap na ang flirting sa social media so kung meron kang Twitter, Facebook, Instagram or LinkedIn (may humaharot ba sa LinkedIn? I wouldn't be surprised) malamang nagkaroon ka na ng experience sa ganyan.

It all starts with:

1) One click na may halong pagnanasa.
2) Quick heartbeat accompanied by flashing of explicit mental images
3) Tingling sensation (for girls)
4) Spontaneous erection (for boys and girls) #BEHONEST

GIRLS and BOYS: Minsan ba ang tingin mo sa friends' list mo eh menu? Nakita mo na ba online ang isang tao at napaisip ka ng Hmmmmmmmmmmmmm mukhang masarap matikman nga ito. But how? Paano maisasakatuparan ang mga maiitim mong balak sa taong yun?

But the more important question is:
Pero paano kung i-reject nya ako,
Kapag nalaman ng lahat, mapapahiya ako,
Paano ko maidedeny na pinag-interesan ko siya?
If you're a sane person, hindi ka papahuli nang buhay kung pagdating rin lang sa paglalandi. Shet magkamatayan muna bago ka umamin na pinagbalakan mong mangatngat ang h*yas ng officemate mo o pinagplanuhan mong masibat ng s*ndata ng barkada ng bestfriend mo. So you're torn between gustong-gusto mo siyang i-flirt pero kahihiyan mo ang nakasalalay hala paano na ito? paano mo ito idedeny?

So given na ayaw mo syang i-message ng "Can I taste you", marami naman ibang ways.

Ang kasagutan: Likes

Pero actually hindi ko rin alam. Wala akong alam sa mga ganyan. I don't know why I'm even writing this.

However, nakikita ko ang GAWAIN NG IBA kaya ko nabuo itong post na to. This has nothing to do with me ok let's proceed. Uulitin ko this is not based on my experiences kundi observations lamang. Hindi ko gawain itong mga ito yuck duh. Hindi talaga.

By the way this is 100% accurately scientific and the result of decades of research.



Ang NAPANSIN KO na gawain ng mga tao sa Instagram ay mag-Like nang mag-Like nang mag-Like. Yiii double-tap that shit. Kahit walang kwenta yung picture Like lang nang Like. The point is, Gusto mong lumabas sa kanyang notification para malaman nyang U EXIST.

1 Like = I EXIST

Nagawa mo na ba yun #BEHONEST ako hindi pa swear.

TRIVIA: DID YOU KNOW Kaya pala pulang pula yung heart kapag ni-Like mo ang isang Instagram post, it's to symbolize na kasing-intense ng pagkapula nito ang kagustuhan mong hubaran siya.

Yung iba walang habas mag-Like ng pictures parang wala pang .0005 seconds after mapost eh nakapag-Like na. Hindi na tinignan kung ano yung pinost basta Like agad. The picture is not important, it's about sending a message.

1 Like within 1 second = I EXIST ONLY FOR YOU

Yung iba nagla-Like ng post ng crush nila from last week. Eto yung medyo pinapaalam nila sa isang simpleng pamamaraan na Uy ni-Like ko ito hindi dahil nakita ko sa timeline ko kundi pinuntahan ko talaga yung profile mo at nagscroll ako! Kase mahal kita, pag-ibig ko sayo lamang.

1 Like from last week = YOU CAN HAVE MY BODY

Yung iba naman nagla-Like ng post from a loooooong time ago. Walang makakaawat sa pag-scroll down. OK lang kaso baka masabihan kang creepy, because obviously you are not.

1 Like from the bottom of the scroll bar = MOLEST ME


Ang paggamit ng Twitter Favorite, I JUST NOTICED, ay madalas binabalasubas. Favorite pero lahat ng sinabi nya nilagyan mo ng star? Favorite mo lahat? Ni-retweet mo pa yung tweet nyang "its friday" kahit alam naman ng lahat na Friday ngayon at wrong grammar pa. Hindi naman karetweet-retweet. Too much pagnanasa.

1 Retweet ng nonsense Tweet = 1 LET'S MAKE BABIES OK LANG?

Dapat pa-konti konti lang tapos pipiliin nila di ba? Yung maayos lang na tweet. Yung may sense naman. Yung alam na nag-effort sya sa tweet nya. Yung he/she tried to be funny or witty or serious. I-favorite mo na yan agad. At habang kini-click mo yung Favorite button, inuusal mo ang mga katagang "You're my favorite person."

Nagawa mo na yan no? #BEHONEST ako hindi pa promise.

1 Favorite of a sensible tweet = I UNDERSTAND YOU I CARE I'M PERFECT FOR YOU

Ang maisusuggest ko naman ay huwag nilang ipe-favorite yung reply nya na nakamention ang ibang tao at hindi naman sila kasali sa usapan nila because OBVIOUSLY naglalandian sila ng taong yun. This translates as below:
Ah naglalandian kayo ah? I'm watching you. And I'll make sure, kung hindi kita mapapakinabangan, walang makikinabang sa iyo.

1 IGNORE = NOT REALLY IGNORING I'M WATCHING YOU #BECAREFUL



When it comes to Facebook Likes, yung ibang NAPANSIN KO minsan hindi sila aware sa dami ng Likes na pinasabog nila.

1 Like = PERSON DOES NOT EXIST
28 Likes = DOESN'T MEAN ANYTHING DUH
Pero yung one like per scroll down hanggang makarating ka dun sa "Born" ... halatang gusto mo siyang makasiping.

UNLI LIKES = #MALUBHA

Saktong pa-cute yung pag-Like moderately. This can be a way of saying HEY I'M ONLINE GUSTO KITANG MAKACHAT PERO MAUNA KA DAPAT MAGMESSAGE HIHI. Sometimes it works. Not that I would know.

Madalas inosente naman ang Likes. Walang malisya. Mas namimis-interpret pa nga yung Poke. Huwag kang Poke nang Poke baka isipin pamigay-Poke ka.

Kung meron kang in-add na Facebook friend at ni-Like mo lahat ng kanyang profile pictures at lahat ng kanyang status for the last 3 months at nagawa mo ito 15 minutes after they accepted your friend request = #MALUBHA. Marubdob ang pagnanasa mo sa taong ito. Gustong-gusto mo siyang alayan ng isang putok at wala kang takot na malaman nya at malaman ng lahat!

Meron din yung next level sa paglalandi via Facebook like ay: Yung ni-Like mo yung post, in-Unlike mo, para ma-Like mo uli. Baka kasi hindi napansin yung una mong pag-Like diba? Just making sure = #MALUBHA.

Paano mo malalaman kung gusto ka rin ng taong nilalandi mo? Sa pamamagitan ng Likes nya sa post mo. Please see chart below:

1 Like === I LIKE THIS POST
111 Likes === GET A ROOM
112+ Likes === I THINK I WANNA MARRY YOU
0 Likes === PATAY NA SIYA #CONDOLENCE MOVE ON

Kapag hindi ka naman nya gusto, it's not gonna be a problem:

Girl: Hey Kuya why did you like all my posts? Dahil ba ang ganda ko? #BEHONEST NILA2NDI MUH BAH AQUH? XU2MBONG QTAH XA BEHBEH QUH!
Boy: HUH NILIKE LANG NILANDI KA NA AGAD? YUCK HA HELLO WHO YOU.

Thanks bye?

17>27

I turned 27 a few months ago. Ito yung edad na na-envision ko noon na masasabi kong "matanda" na ako. Marami akong napapansing mga pagbabago sa sarili ko. Hindi na ako kasing-fresh ng dati (fresh talaga?) Wala na yung dati kong vigor, vibrance and vitality. Paubos na rin yung kokonting alindog. Hindi ko maiwasang ikompara ang sarili ko ngayon sa sarili ko ten years ago.

Noong 17 ako...

Alcohol = Beer or Emperador 100% Yummy . Halos weekly kami uminom. Kasalanan ito ni Khikhi. Siya lagi may pasimuno. May time talaga na alak na ang nananalaytay sa dugo nya. Idinamay nya lang ako. Ako naman walang strength tumanggi (strength?). Kasi nag-eenjoy rin akong makainom, matipsy at mahilo. Minsan kung kelan tipsy na, saka kami lalabas para mag-laughtrip. Kung kelan malamig at mahamog sa Session Road, saka kami pakalat-kalat. Parang ang saya-saya. Woo alak pa!

Ngayon...

Alcohol = Isopropyl or Ethyl 70% Solution. Ayos lang sa akin kung hindi ako makatikim ng alak. OK lang kung may beer na ihain sa akin habang nasa labas ako, andun na eh, pero hindi na ako mapapalabas ng bahay para lang umattend ng inuman. I always say no to hard drinks. Magsasakit-sakitan na lang ako para di umattend. Sorry I can't join you I have goiter ganun. Noong New Year bumili ako ng alak. OK hindi talaga alak. Tanduay Ice LOL. Hanggang ngayon nasa ref pa rin.

Noong 17 ako...

Depression = Magbuhos ng sama ng loob sa mga kaibigan. Maglasing. Ma-badtrip. Make a scene.

Ngayon...

Depression = Is not a valid excuse for sick leave. Kailangan bumangon, maligo, pumasok. Sa weekend lang pwede mag-emote.

Noong 17 ako...

Parang hindi ko kayang mabuhay na walang friends. Kailangan nakikita ko at nakakasama ko sila. Kailangan updated kami sa buhay ng isa't-isa. Kumusta na yung ingrown mo ganun. Kailangan ko silang makausap tungkol sa mga ingrown ko, at kailangan nilang marinig ang advice ko sa mga ingrown nila. Kapag wala silang lahat, pakiramdam ko mukha akong tanga na naglalakad mag-isa sa Session Road.

Ngayon...

What are friends? Hindi ko na alam ang itsura nila. Di na ako updated sa mga kanya-kanyang ingrown. Kapag naaalala ko yung mga ilegal na bagay na kinasangkutan namin noon, it makes me cringe (sabeee cringe). Hindi ko na kayang ulitin. Hindi ko na sila nakikita, minsan kahit sa Facebook hindi na rin. I miss them.

Noong 17 ako...

Naghihintay ako ng text ng friends na nagyayang lumabas, at lagi akong handa sa lakaran. Isang tawag lang, go agad. May pasok bukas? Kebs. May exam bukas? Magdadala ako ng reviewer. OK. Kodigo ang dadalhin ko. Inuman ba? Saan? Parte pa ba ng Baguio yan? Parte pa ng Cordillera? Ah Nueva Vizcaya. Sige wait papunta na ako.

Ngayon...

Naghahanap ako ng ways para umiwas sa gala. Hindi ako nakikipagkita sa kahit kanino kapag weekends. Natutuwa ako kapag nacacancel ang mga lakad ko. Minsan nakabihis na ako tapos matutulog ako uli. Hindi dahil ayaw kong makita ang mga kaibigan ko. Namimiss ko nga eh. Pero mas nangingibabaw yung kagustuhan kong matulog. Wala na akong energy. Wala na akong kapangyarihan. At wala na akong medyas, kaya ung ilalakwatsa ko, ilalaba ko na lang.

Noong 17 ako...

Paborito kong channel ang MTV. Updated ako sa music. Alam ko kung sino ang may bagong album, single, music video. May nakahanda akong music depende sa kung anong mood. Kahit kapag matutulog na ako, nagpapatugtog pa rin ako ng music.

Ngayon...

What is MTV? Hindi ko na alam. Hindi na rin ako updated sa music. Sino ba kasi yang si Magic? At saka ang pinakikinggan ko na lang ngayon eh yung soundtrack ng Game Of Thrones para feel na feel ko habang binabasa ko yung book bilang paghahanda sa Season 4. Kapag matutulog na ako, nagpapatugtog ako ng Rain Sounds. Minsan yung Stormy Sounds. Para feel na feel ko magkumot.

Noong 17 ako...

Wala akong pake sa current events. Kung ano lang ang maikwento sa akin. Nagugulat na nga lang ako kapag may nai-impeach or whatever. Kelan lang naman ako naging aware sa mga ganyan. Recently ko nga lang nakilala si Leila De lima. Akala ko pangalan ng boldstar. Ang ignorante ko lang talaga, hindi dahil hindi ko alam, kundi dahil wala akong interes malaman.

Ngayon...

Naghahanda na akong magpa-rehistro para bumoto. For the second time. Because it's my duty to my country sabeee.

Noong 17 ako...

More more fun! More more adventure! I'm young and free. I can do what I want. This is the life!

Ngayon...

What is life?

Although nararamdaman ko nga na tumanda ako, may parte pa rin naman na pakiramdam ko eh hindi tatanda.



IKAW DO YOU FEEL OLD BE HONEST WHY THANKS.

dear glentot #2 - confessions

Hi. After the wildly successful (wow) Dear Glentot #1, I would like to welcome everyone to a new and exciting interactive session sponsored by Google Search, ang Dear Glentot - Confessions. This is a compilation of keywords na ginamit ng mga nag-search sa Google and for some reason, sa blog ko napadpad. Maraming salamat sa Statcounter at nakikita ko ang mga ganitong ganap sa aking blog.


Naghahanap sila ng kausap. Buti na lang hindi ako masyadong busy kaya sasagot ako sa mga nakalap kong "confessions". Magbibigay ako ng kapaki-pakinabang na advice na hindi naman nila hiningi. Like it or not. Kasi hindi mo talaga maitatanggi na matindi ang pangangailangan ng mga taong ito, base na lang sa mga ginamit nilang search keywords, tulad nitong si Ate:


Ngayon na? Ayaw mo mamaya pag-uwi mo sa bahay? OK. Kung gusto mo talagang himayin mo ang ~h*yas~ mo all night long, walang sinuman ang makakapigil sa gawain mong ito. Actually na-dsicuss ko na ito dati dito. Ang tanging maipapayo ko lang sa iyo ay ang pinaka-important step na lagi mong tatandaan:

Step#1: Maghugas ng kamay.




Oh? Ano sabi? Ano na itsura nya ngayon? Semi-kalbo pa rin ba? Next time na magkita kayo ng ~h*yas~ ni Ate, paki-sabi Hi!

Hindi naman kita masisisi kung na-trauma ka sa nakita mo kasi minsan ang itsura ng ~h*yas~  eh akala mo nang-aaway. Wala ka namang ginagawa pero yung kumbaga facial expression nya eh parang nanghahamon at nakangisi pa. Sa susunod huwag mo na lang tignan, huwag mong pansinin.




Harsh naman. Huwag kang ganyan sa Lola mo. Dapat tinatrato mo sya nang may paggalang. Huwag mo siyang kantutin tangina ka.





Sana lang hindi mo isinisiwalat sa Facebook ang mga haka-haka mo sa Ate mo. Hindi ito magandang pag-uugali.




OK lang yan kung may "bolbol" ka na nung nagpa-circumcise ka. Yung iba nga may anak na. Calm down.





I commend you on your aggressiveness and empowerment. Alam mo kung ano ang talagang gusto mo at hindi ka natakot sabihing Kuya, hipuin mo! Ngayon din! Pero kung maka-utos ka naman parang hindi busy si Kuya. Maganda ang iyong suggested activity, but just be sure, kapag nakumbinse mo na si Kuya na hipuin ang ~h*yas~ mo, ay gawin nya ang pinaka-important...

Step#1: Maghugas ng kamay.


HALA! Nahilo ako sa nabasa ko. Parang horror movie naman yan. May mga nagflash na imahe sa utak ko at pinilit ko itong burahin. In-assume ko na lang na putahe ito. Tama. Ulam ito na hindi mo mahanap sa menu kaya mo Ginoogle. Dinuguang p*ki. Yan yung madalas na kapartner ng ginataang t*ti. OK. Salamat.




Tsk tsk ang lakas ng kutob ko, si Khikhi ang nag-search nito. Ganyan kami mag-usap eh. Hanggang ngayon, ganyan ka pa rin mag-Google Khi??? Gandahan mo naman ang keywords. O kaya i-message mo ako sa FB and I'll give you links. Huwag kang ganyan.




GREAT.





Alam mo yung tinatawag na JobStreet? Try mo doon because you're so in the wrong site.






Kuya ang URL ng mga websites, walang spaces. Next time ha? Para hindi ka naliligaw sa ibang websites. Happy surfing! Pero please lang tigilan nyo na mga Lola nyo.



Hala! Alam nya bang may recitation mamaya? Isumbong mo nga siya kay Ma'am. Paano siya papasa sa Algebra kung ganyan ang inaatupag nya... Tsk tsk. Kapag nage-explain si Ma'am, nakatirik mata nya, tapos kapag quiz, nganga. Mga kabataan ngayon.




Wala namang masama kung kinain nya ang ~h*yas~ mo, as opposed to kinamay nya lang which might lead to pagkapanis. Ang tanong ko lang eh kung inubos nya ba? Masama ang hindi nag-uubos ng pagkain.

Ang tanging payo ko lamang ay ang napakahalagang last step kapag kumakain ng ~h*yas~ which is:

Last Step: Magmumog.




Si Khikhi ito ulit. Ganyang-ganyan siya mag-Google.

OK TILL NEXT TIME BYE?

menu po today

PROBLEM: Sa kadahilanang tamad akong magluto, nakasanayan ko nang kumain sa labas. Ang pinakamalapit na carinderia sa akin eh mga approx. 8 minutes na paglalakad at approx. 9AM pa nagbubukas, eh kadalasan approx. 6AM pa lang tirik na ang mata ko sa gutom. At yung carinderiang yun, halos pare-pareho ang luto at lumalangoy sa mantika kaya I'm approx. 90% high blood. Hanggang sa isang araw may nagpaskil ng flyer sa aking pinto.

SOLUTION: Food Delivery.



Hindi fastfood kundi lutong bahay. 8AM pa lang nagdedeliver na sila. At paiba-iba ang ulam. Agad akong nag-sign up sa kanilang daily text brigade ng kanilang menu. Sinave ko ang number nila as "menu po today" kasi:



I admit, noong una hindi ako msayadong natuwa. Yung inorder ko kasing nilagang baka, lasang tubig.

Pero habang tumatagal natutunan ko nang magustuhan ang luto nila. Medyo tricky minsan kasi iba ang itsura sa ineexpect mong lasa. Pero diba lahat naman eh masarap sa taong gutom.

Soon nakagawian ko na na pagdating sa bahay (sa umaga) eh tinitext ko agad sila. Gusto ko kasi, ako ang unang makakaalam kung ano ang luto nila. At madalas pang dalawang tao ang order ko pero ako lang mag-isa ang kumakain.

Madalas ko silang madaliin. Just for fun. Kaya ganito ang tinitext ko sa kanila:





Ewan ko kung naniniwala silang iinom ako ng gamot pero mabilis sila mag-deliver.

Of course like any concerned customer I provide feedback:


There is value in my feedback. Alam ko yun. Kasi nagtatanong sila ng ganito:


Minsan nautusan ko sila na bilhan ako ng softdrinks. Nung minsang totoong may lagnat ako, ibinilhan nila ako ng gamot. Eventually nauutusan ko na rin sila sa mga bagay na wala namang kinalaman sa pagkain.



During #GlendaPH #Typhoon #blackout:



Nobody is perfect. Lalo na sila.

One time nagtext sila ng menu, it went: "sinabawang pork ribs na may pechay"



I was like Huh? Di na lang sabihing pork nilaga?

Nung tinikman ko, shet. Hindi nga nilaga. Lasang sinabawang pork ribs na may pechay nga.

One time nagorder ako ng sinigang. Kalasa nya yung tinola. Which is lasang tubig nga. Pero natanggap ko. Ang hindi ko matanggap eh yung laing. Lasang cough syrup. Pero masarap. Masarap na cough syrup.

Nung minsan nagorder ako ng kare-kare...

... buo pa yung peanut butter. As in. Dapat hindi kanin ang kasama nun eh. Dapat tinapay. Ang tamis.

As of now wala pa akong balak itigil ang pag-order sa kanila. Who knows, baka aside from pagpapaload, mautusan ko na rin sila sa ibang bagay, like ipagtapon ako ng basura or utusang magbayad ng condo dues? Soon...

I know they're not the perfect food caterer (caterer???) and I'm not the nicest customer but we live in harmony at habang nandito ako at nandoon sila, hindi sila mawawalan ng business at hindi ako magugutom. I love you.

MAY I LOVE YOU??? lol bye.

office talk

Hey?????





Masaya ba sa  office nyo? Masaya sa office namin. Magpipitong taon na ako doon. Hindi naman ako magtatagal kung nakakabwisit pumasok. Sure, challenging and stressful ang trabaho, like any other job. May deadlines and quotas and performance evaluations and whatever. Pinipimple nga ako sa kakaisip sa trabaho. Kanina may nakita akong pimple sa utong. Dahil siguro sa stress. Pero nagiging manageable ang isang stressful na araw dahil sa mga katrabaho ko.

Kung nagtatrabaho ka sa isang opisina at may mga friends ka dun malamang nagamit nyo na ang mga terms like "petix", "honda" at "pecha de peligro". Pero na-encounter nyo na ba ang mga expressions like "prep work", "gout pass" at "Wala na siya"?

"Prep work???" (dapat patanong) ang tawag namin kapag ang isang teammate ay nag-in character according to his/her chosen illness on the day before sya maglaho at kinabukasan ay naka-sick leave. Kung ang magiging SL nya ay lagnat: "Naambunan kasi ako kanina" o kaya "Pakiramdaman mo nga leeg ko kung mainit." Although baka totoong may malubhang karamdaman sya, it doesn't stop us from calling out "Prep work???" sa bawat singhot, ubo at buntong-hininga.

USE IN A SENTENCE
Teammate: *Ubo-ubo *sniff-sniff *can't breathe *omg-omg *nosebleed *teary-eyed *dying*
Me: Prep work???

"Gout Pass" naman ang tawag namin sa absence ng isa naming teammate na itago na lang natin sa pangalang "Tito Donpi". If you didn't know, gout is that medical condition wherein bawal sa iyo na kumain ng mani. Mani as in real mani (peanut).  Totoong may gout si Tito Donpi. May times na kumakain kami tapos marerealize nya bawal sa kanya yung food nya pero huli na, nakain nya na. Then later that day makikita na lang namin si Tito Donpi na nakahubad na ang shoes at ika-ika na maglakad from his desk to the pantry dahil namamaga na ang paa nya (and other body parts unknown to us) gawa ng gout. Kinabukasan absent na si Tito Donpi. Sigurado kami na hindi ito prep-work dahil saksi kami sa pamamaga, at sa kabila ng kanyang karamdaman, hindi habitual absentee si Tito Donpi.

Kapag absent na si Tito Donpi dahil sa pamamaga, we call it "Gout Pass."

USE IN A SENTENCE
Me: Tito Donpi, bakit ka absent kagabi?
Tito Donpi: Gout Pass Glenn, tumaas ang uric acid ko.
Me: Tito Donpi, masakit ba magka-gout?
Tito Donpi: Masakit na masakit Glenn *sabay sawsaw ng namamaga nyang daliri sa isang mug ng warm water*
AFTER A LONG SILENCE...
Me: Tito Donpi, may namatay na ba sa gout?
Tito Donpi: WALANGHIYA KA GLENN.

"Wala na sha...?" in a solemn voice, ito ang sinasabi namin kapag hindi pumasok ang isang teammate for whatever reason. Hindi importante kung SL, VL, EL o SPL. Ang mahalaga, ang garalgal sa boses habang hinahaplos ang kanyang empty ergonomic swivel chair.

USE IN A SENTENCE
Me: *Napadaan sa empty desk* GASP!!!
Teammate: Oh my god hindi mo alam???
Me: *Haplos sa likod ng ergonomic swivel chair* Wala na sha...?
Teammate: Sana magparamdam sya kahit amoy kandila lang.
Me: Malakas pa siya last week...
Teammate: Ang bilis talaga ng buhay.
Me: Hindi man lang ako nakapagpaalam.
Teammate: Kaya pala nung minsan napanaginipan ko siya... wala syang leeg!
END SCENE MOVE ON TO THE NEXT PERSON TO BULLY

"The Eagle Has Landed" ang kasunod ng "Pecha De Peligro". ALAM NA. More more taxi! More more lunch sa malayo. More more order ng organic lechon. More more order ng sabon na pampa-radiant. More more bayad ng utang. So ang "The Eagle Has Landed" ay sinusundan rin agad ng "Pecha De Peligro".

USE IN A SENTENCE
Tito Donpi: The eagle has landed. Glenn samahan mo ako magwithdraw. *prepares cash bag*
Me: Later na lang Tito Donpi dami ko pang hindi natapos na reports.
Tito Donpi: OK sabihan mo ako. Bili tayo cone twirl. My treat.
Me: Tara na?

"Saan Tayo Kakain" ang araw-araw naming tanong sa isa't-isa kapag 11:30 na. A very simple question na ang hirap sagutin. It came to a point na nagsawa na lang kami sa pagsagot sa sarili naming tanong so we came up with this:



Problem solved. So from being a legit question, nag-evolve ito into some form of pang-asar.

USE IN A SENTENCE
Teammate: Saan tayo kakain?
Me: Really? Tanong mo yan?
Teammate: Oo nga pala. So Batirol?
Me: Wednesday is Batirol Day.
Teammate: Take out natin?
Me: Dine in na lang. Wala naman tayong kasama sa pantry. Naka-gout pass si Tito Donpi.
Teammate: GASP!!!
Me: HINDI MO ALAM???
Teammate: Hindi... Oh my... Wala na sha...
*THIS JOKE DOESN'T GET OLD.*

"Mahal Kita" is NOT a way to express love for someone. Sa office, ang "Mahal Kita" is a brand of pancit, na in-order mula sa Mahal Kita Inn, at every time may magce-celebrate ng birthday, kung hindi in-order ang pancit sa Mahal Kita Inn, there will always be side comments because "Mahal Kita" pancit is real good.

SCENE
Teammates: *Singing* HAAPPYY BIIRTHDAAAY TOOO YOOUUUU...
*clap clap*
Teammates: Wow pancit!!! Ambers?
May Birthday: Oo.
Teammates: Ang sarap talaga ng pancit ng Ambers... pero *inaudible whispering among each other* wiss wiss wiss "MAHAL KITA"

Later that day...
Teammates: Sino ba nakadiscover na masarap at mura ang isang bilaong pancit sa Mahal Kita Inn???

It's Tito Donpi.

"Bling Bling" is the combination of bracelets and rings na sinusuot ni Tito Donpi kapag may team meeting. Medyo agaw pansin kasi hindi nya yun sinusuot on normal days. Tuwing may meeting lamang.

USE IN A SENTENCE
Boss: OK Guys I like I always remind you, let's start strong this quarter. In the end, you're not only doing it for the team, you're doing it for yourself. There should be no room for giving up. Be inspired by your teammates who work hard. We already had a good start, all we need to do is keep the momentum. Triumphant 2014! Never, ever forget that--
Teammate: *Whispering to me* Tignan mo si Tito Donpi naka-bling bling!
Me: Kasi nga, may meeting.
Teammate: Nasisilaw ako sa gold rings at bangles.
Me: Next week abangan mo isusuot nya na yung choker.

AFTER A FEW DAYS...
Tito Donpi: *walking around, wearing bling bling*
Me: TITO DONPI??? MAY MEETING????????

"Freshen Up" is that little stretch of time between 4:55 and 4:59 bago mag-uwian used to improve one's appearance bago umuwi, at madalas kasama ng statement na ito ang mabilisang paglalakad patungo sa restroom.

Tito Donpi: Freshen up lang ako. *Walks away*
A FEW MNIUTES LATER PAGBALIK NI TITO DONPI
Me: Tito Donpi, go mag-freshen up ka na.
Tito Donpi: TAPOS NA WALANGHYA KA GLENN.

Lastly, in our office, "FRESH" and "PINKISH" are synonyms.

USE IN A SENTENCE
Teammate: *Enters elevator looking fresh and pinkish.*
Other Teammates: WOW FRESH! FUCK! SHET! IKAW NA PINKISH!
Teammate: *Smiles* Tangina nyo.
Me: This Pinkish Freshness is brought to you by Contractubex.

Bye.

Special thanks to Tito Donpi for being a good sport and my teammates for keeping the work hours fun, lively, and one email away from being an HR complaint.

bangungot #3

Akala ko ang meaning ng bangungot ay "bad dream" kaya madalas kong sabihing "binangungot" ako. Ang meaning pala nito eh "sudden unknown death syndrome", according to Wikipedia. Ang morbid. Now I'm going to pretend hindi ko nabasa yun so I'll continue saying "binangungot" ako as if anyone cares.

Madalas akong managinip recently. Hindi naman masamang panaginip pero hindi rin maganda.

Una yung natulog ako sa sofa habang nakasindi ang TV at nakatutok sa Channel 2. Manonood dapat ako ng The Voice kaya umidlip ako habang The Buzz kaso yung idlip ko nagdire-diretso hanggang O Shopping.

Alam mo yung nangyayari sa iyo in real life habang natutulog ka eh humahalo sa panaginip mo?

At alam mo yung hindi mo alam na nananaginip ka, akala mo totoo, pero napapansin mong may mali? Ganun yung naramdaman ko nung nasa department store ako at bumibili ng Coocan Diamond Ceramic Pots set.



Kahit sinabi ko sa saleslady (na lalaki ang boses, siguro lalaki ang nagsasalita sa TV that time) na OK bibili na ako, wala syang tigil sa kanyang sales spiel.

"Sa ordinary na pots, dumidikit ang pagkain, ang hirap hugasan, pero sa Coocan Diamond Ceramic Pots set, Oh my God ang bilis hugasan!"

P1,300 ang presyo ng Coocan Diamond Ceramic Pots set kaya inabot ko na kay Ate ang aking credit card at naghintay habang nilalagay nya sa box ang mga pots. Napaisip pa ako, Matutuwa nito si Doris pagdating niya! May free pang dishwashing liquid!

Eh bigla akong nagising. Patuloy pa rin si Kuya sa spiel nya sa Coocan Ceramic Pots Set. At tangina tapos na ang The Voice!

Hindi naman talaga considered na bad dream pero kasi nadismaya lang ako, dahil sa sa O Shopping, P3,900 ang presyo ng Coocan Diamond Ceramic Pots set, eh sa panaginip ko P1,300 lang. May free pang dishwashing liquid.

Nanaginip ka na ba yung may gustong pumatay sayo? Ako madalas.

Noon nanaginip ako na hinahabol ako ng werewolf sa gubat. Eh habang tumatakbo, out of nowhere may naghagis sa akin ng jumping rope kaya nag-jumping rope ako palayo hanggang sa malimutan ko na yung werewolf kasi nag-enjoy na ako sa jumping rope.

Nanaginip rin ako na nasa bahay ako tapos may pumasok na serial killer at may hawak na patalim. Hindi ko siya kilala at hindi ko sya namukhaan. And just like a dumb horror movie character, nagtago ako sa pinakasafe na lugar na naisip ko: sa likod ng kurtina. Ayun agad naman nya akong natagpuan. Mula sa kurtinang see-through nakita kong dahan-dahan syang lumapit, hawak ang patalim at malapit nya na akong tusukin. Sa tindi ng kaba ko nagising akong nagpa-palpitate.

Two weeks ago may gusto na namang pumatay sa akin. This time, kilala ko na. Si Mariah Carey.

Nanonood ako ng TV nang marinig kong may nag-iingay sa may pinto. Nabosesan ko, si Mariah Carey. Nagsisisigaw sya, kumakatok sa pinto, nag-eeskandalo. "Papatayin ko yan! Papatayin ko yan!" sabi nya.

Alam mo yung hindi mo alam na nananaginip ka, akala mo totoo, at kahit alam mong may mali eh tinatanggap mong tama? Ganun yung naramdaman ko habang sumisigaw si Mariah Carey sa labas. Parang hindi ako nagtaka bakit nya ako gustong patayin, parang may nagawa talaga akong kasalanan sa kanya. Wow ah. Ni hindi ko nga tinorrent mga kanta nya.

Tapos bigla syang umalis. Parang may kinuha ata. Binuksan ko ang pinto at chineck, wala na nga siya, nakaalis na. So nanood na ako uli ng TV. Maya-maya, narinig ko nandiyan sya uli. At nalimutan kong i-lock ang pinto!

Dahan-dahan kong kinuha ang kutsilyo sa kusina habang nagsisigaw si Mariah Carey. Maya-maya eh nakapasok na sya sa pintuan. Eto ang suot* nya.


Nakatayo sya sa may pintuan, nakaharap sa mga kapitbahay at dinidiscuss kung paano nya ako papatayin. Lingid sa kanyang kaalaman, hawak ko na ang kutsilyo at handa na akong saksakin siya. Eh nagising ako.

Swerte mo Mariah.

*Salamat kay Xtopher sa pagtulong sa akin humanap ng picture ni Mariah.

how to videoke

Hey Kids. Videoke, one of our national hobbies, should be taken seriously. Hindi ito simpleng pampalipas oras lang. Kahihiyan ang nakasalalay dito. Sa bawat imbitasyon na matatanggap mo na mag-videoke, mahalaga na uuwi kang intact ang dignidad. And here are a few points to consider para naman maging kaaya-aya ang iyong videoke experience.

Pick the right song. Dito nagsisimula ang lahat at ang awiting mapipili mo ang magsasabi kung magtatagumpay ka o hindi ka na maiimbita sa videoke uli. I'm not saying pakaiwasan mo si Mariah Carey o Aerosmith pero minsan kasi hindi naman tugma yung baon mong confidence sa taglay mong skills. Pakiramdaman mo rin.

Kung alam mong #walakangtalent makuntento ka na sa Jose Mari Chan or Natalie Imbruglia (specifically, Torn). Huwag kantahin ang Through The Fire unless nagjojoke ka lang. Sige i-try mo. Yung seryoso ka. Pagtapos ng kanta mo, tingnan mo sa mata ang mga kasama mo, tila nangungusap at nagsasabing #judgingyou #judgingyourightnow #yousuck

There's this one time akala ko kaya ko si Jason Mraz. Hindi pala. Buti hindi nya ako narinig. At least may lesson learned ako noong araw na yun.

Piliin mabuti ang iyong aawitin pero wag naman masyadong magtagal sa pamimili. Kaya importanteng meron kang list ng "default songs": mga awiting sigurado kang maitatawid mo nang matiwasay. A few examples ay Wherever You Will Go at Torete. Ilista mo na ito sa cellphone mo para madali mo na lang hanapin sa next videoke session.

Yung friend kong si Rose, lagi kami nagvivideoke noon. Lagi nyang kinakanta ang Sway. Umulan umaraw bumagyo lumindol, Sway. Kasi kayang-kaya nya. Minsan sumugal sya ng It's All Coming Back To Me Now. Tuwing dadapo sya sa high notes, lumuluwa ang mata nya. Hindi na nya inulit.

May favorite song ka ba? HUWAG MO ITONG KANTAHIN. Tatraydorin mo lang ang sarili mo at baka pagtapos ng iyong song number, hindi mo na ito favorite. Nangyari ito sa akin nung kinanta ko ang Bohemian Rhapsody.

Kung hindi mo naman makontrol ang sarili mong urges at pakiramdam mo kailangang-kailangan mong kumanta ng Celine Dion o Josh Groban, paghandaan mo na yung mga matataas na parte. Mamili between trying to hit that note, or your dignity. Most do not choose dignity (#judgingyou)

Pwede kang mag-cheat like ilayo mo yung mic sa bibig mo. Or isigaw mo yung mataas na tono at magpray. Pwede ring ipilit mo talaga sa falsetto. Ginusto mo yan, magdusa ka. Is it worth it?

Pakaiwasan na sumunod sa taong alam mong magaling kumanta. Huwag kang tatabi dun. Pagtapos nyang kumanta ng All By Myself at sinundan pa ng Total Eclipse Of The Heart at tinapos sa I Will Always Love You na walang kahirap-hirap at walang sabit, huwag mong isusunod yung sarili mong pa-sweet version ng  When You Say Nothing At All. Nakakahiya ka. Maha-highlight yung mga kakulangan mo at macocompare sa achievements nya. I-cancel mo yung song na nilagay mo tapos mag-CR ka muna.

Avoid long instrumental sections para hindi ka magmukhang tanga. So nakapili ka na ng kantang pasok sa iyong kakayahan. So nagkaroon ka na ng self-confidence para bumirit. So maganda ang tanggap ng audience sa pagkanta mo. And then nagkaroon ng instrumental. So nakatanga kayong lahat sa screen, naghihintay. Ang tagal... pinagpapawisan na yung kamay mo sa mic. Ang awkward. Uminom ka ng beer. Sumubo ka ng sisig. Saka naman nagstart uli kung kelan puno na yung bibig mo. Kingina.

So dapat habang namimili ka ng song, isipin mong maigi. Mahaba ba yung instrumental nito?

Isipin mo rin yung ending. Repeat till fade ba ito? Paulit-ulit yung chorus. Pagod ka na hindi pa rin tapos? Matatapos na yung 1 Hour rent nyo hindi pa rin tapos?

You know what your bestfriend is? Alcohol. More more alak, but not for you... for your friends. Habang mas nalalasing sila, mas natatanggap nila ang pagkatao mo pag nakahawak ng mic. Mapapatawad nila yung mga tonong hindi mo naabot at mga kinapos sa paghinga mo. Basta more more beer. Malalaman mong nalalasing na sila kapag yung isa sa kanila eh kumanta na ng Zombie.

One time akala ko lasing na yung mga kainuman ko kaya kumanta ako ng isang awitin ng Coldplay na pinamagatang Yellow. Hindi ko natapos yung kanta kasi pagtungtong ko doon sa mataas na part, nagsuka ako. Mas nauna pala akong nalasing. Hindi ko naman pwedeng sisihin ang Coldplay. I only have myself to blame.

Natutunan ko rin na if you can't sing, mag-rap ka. Wala namang papansin sa tono mo pag nagrarap no. Ayusin mo lang yung pronunciation mo at make sure na masasabayan mo talaga si Nicki Minaj o si Eminem and everybody will have a good time.

Habang may kumakanta, konting respeto naman guys! Huwag naman kayong magkwentuhan na mas malakas pa sa boses nung kumakanta. Yung iba nagtetext, nagbobrowse, umaalis. Syempre nasasaktan rin yung tao, pinaghandaan nya rin naman yung song number nya tapos ganun...

One time kumakanta yung officemate ko ng Regine Velasquez (Dadalhin) tapos nung bibirit na sya sabi ko "Matagal pa ba yan?" ayun hindi nya na tinuloy :(

Wag rin gawing ugali yung mang-correct ng pronunciation that's just a big no-no. Guys, nakakabastos yung pagtatawanan nyo yung kasama nyong kumanta ng Titanium eh "nakalimutan" nya na silent T pala yung "ricochet".

#RICOSHETTT

After a while kapag nagiging boring na ang videoke session nyo, you can play this game called Categories kung saan lahat kayo ay kakanta ng isang song sa napagkasunduan nyong category like for example "90s Boy Bands" or "Divas" or "Mga Patay na Divas" or "One Hit Wonders" or "Mga Patay Na One Hit Wonders" and it goes on and on and on kthnxbye Kids mwahchupa.

happy birthday khikhi

Madalas kong makitang lasing si Khikhi noong college. Ewan ko ba, adik na adik yun noon sa alcohol. Nag-aaral naman siyang mabuti at hindi nya pinapabayaan ang attendance at grades nya, pero tangina, wasted kung wasted. At hindi namin siya pinipilit, in fact madalas siya ang nag-oorganize ng inuman.

Five days ang pagitan ng birthday namin ni Khikhi  kaya madalas kami magcelebrate nang sabay. At sa mga celebrations na yun, madalas may alak. Well kahit naman walang birthday, laging may alak na involved sa pagkakaibigan namin.

Masarap kainuman si Khikhi pero madalas nakakabwisit rin.



Maliit lang ang pantog ni Khikhi. No, hindi ko pa nakikita ang pantog nya at ang iba nya pang internal organs. Kaya ko nasabi dahil every five minutes sya nagsi-CR. I'm not exaggerating.

Noong nasa dorm pa ako at dumadalaw doon si Khkihi para makipag-inuman sa amin, yun ang ikinakainis ko sa kanya, kasi gusto nyang ihatid ko siya sa girls CR tuwing maiihi sya. Eh yung CR ng girls, nasa mas mataas na floor, so aakyat pa kami, at maya-maya kami umakyat. Kahit naiinis ako, sinasamahan ko siya, pero kapag lasing na sya, dun ko na siya pinapa-CR sa boys kasi mas malapit. Hindi naman nya nahahalata.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may binabalak talagang masama sa akin si Khikhi kapag lasing na ako eh like makita akong gumugulong sa hagdan o umiinom ng toyo. Kaya madalas nyang pagtangkaang lagyan ng vetsin ang beer ko.

Para sa kaalaman ng lahat, nakakahilo ang vetsin. Try it!

One time, nag-inuman kami at nung magpaalam ako na uuwi na ako, ayaw nila akong pauwiin. So Khikhi had a bright idea: palihim na lagyan ng vetsin ang beer ko para mahilo ako at hindi makauwi.

I should mention na nung naisip ni Khikhi na lagyan ng vetsin ang beer ko eh lasing na rin siya. At habang patagal nang patagal ang inuman, lalo syang nalalasing. Yes, kasi yung beer with vetsin na inihanda nya para sa akin, siya rin ang umiinom.

To make matters worse (for her) matapos kaming uminom, nagkayayaan kaming kumain ng goto. Sabi nya, ilibre ko daw sya, pumayag naman ako, lalo pa at ipinabitbit nya sa akin yung coin purse nya containing all her money. So nilibre ko sya ng goto gamit ang pera nya. Syempre hindi nya alam, kaya tuwang-tuwa sya, thank you pa nang thank you. You're welcome Khikhi.

In fairness to Khikhi, alam ko kaya nya ako binivetsin bilang ganti na rin sa lahat ng times na nilagyan ko ng upos ng sigarilyo ang beer nya soweee.

Buti nga eh nalampasan na ni Khikhi yung phase nya na iiyak sya kapag lasing. Emo kung emo. Lahat na lang ng problema nya, naaalala nya kapag lasing sya. Kung ilang beses syang na-brokenhearted, na-traydor, natalo sa singing contest, etc.

One moment nagtatawanan pa kami habang tumatagay, tapos biglang mapapatingin sya sa malayo, tapos umiiyak na pala sya, while saying "Bakit ganun? Ang sakit sakit..."

May time na habang nagwawala sya, naisipan kong i-record ang mga pinagngangawa nya. So dinampot ko ang aking cassette recorder (oo cassette LOL) at nirecord ang mga linya nya like "Bakit hindi nya ako mahal? etc etc" only to find out kinabukasan na napatungan ko ng pag-iyak nya yung tape ko ng Eraserheads. Bwisit.

In fairness kay Khikhi hindi naman sya madalas magsuka. Once ko pa lang sya nakitang sumuka, and it was DISGUSTING.

Khikhi's height is 5' flat.

One time, nag-inuman kami sa balcony ng boarding house ng isang barkada namin. Ang balcony nila ay may mataas na railings....

Nung nahilo na si Khikhi at nagdecide sya na gusto nyang sumuka, imbes na tumakbo sya sa CR (na nasa tabi nya lang), tumakbo sya sa balcony at doon sumuka. Pero dahil mataas ang railings, hindi nya masyadong maabot, halos nakasampay lang ang baba nya sa railings. Kaya sumuka sya nang nakatingala. Lahat ng suka nya, nasa leeg at dibdib nya. Very nice work.

Yung isang barkada namin, crush na crush ni Khikhi that time. As in. Dahil naawa siguro yung crush nya sa itsura ni Khikhi na puro suka ang damit, sya na ang nagkusang linisin si Khikhi, punasan at bihisan ng malinis na damit. Sweet...

Khikhi: (kinabukasan) Talaga best? Siya ang nagbihis sa akin? *kilig*

Me: Oo.

Khikhi: Paano best? Saan?

Me: Sa harap naming lahat, habang nag-iinuman kami.

Khikhi: TANGINA! BEST!!!

This is the same guy na sumipa sa pinto ng CR nung minsang umiihi si Khikhi. Nahuli tuloy namin sya sa akto at nakita namin ang kanyang Poughkeepsie (na hanggang ngayon eh dinideny nya pa rin).

My favorite Khikhi moments are 1) Lasing siya or 2) Nagpapanic sya. And nung minsang nag-birthday kami, nasaksihan ko yun, sabay. As usual we were getting druuuunk na parang wala nang bukas. Syempre hataw na hataw kami kasi Saturday night naman, walang pasok kinabukasan. Galit na galit siya sa alcohol.

Nang malasing na ang lahat, biglang nag-ring ang phone ni Khikhi. Tumatawag si Bruhilda, yung isa naming barkada na classmate nya sa Nursing subjects nya.

Khikhi: Hello best?

Bruhilda: Nasaan ka best?

Khikhi: Katatapos lang magshot best, matutulog pa lang ako best.

Bruhilda: TANGA MAY DUTY TAYO! BEST!!!

Hindi ko alam kung alin ang pinakamabilis na nagawa ni Khikhi: magbihis, magbyahe o magtanggal ng tama, dahil wala syang inaksayang sandali, nagreport talaga sya ng duty sa hospital. Good luck na lang doon sa doctor na in-assist nya. At good luck sa pasyente.

Hindi mahirap yayain si Khikhi sa inuman. Yung ibang friends namin, papilit. Kapag tinext mo, maraming tanong. Sinong kasama? Saan? Anong oras uuwi?

Naalala ko, one time, during exam week, tinext ko si Khikhi para uminom. Isa lang ang reply nya sa akin: "njan n q"

Dahil madali siyang yayain, madali rin syang utusan na dumaan sa grocery para bumili ng alak na iinumin namin. One time, habang naghihintay kami sa dorm, dumating si Khikhi carrying two big plastic bags ng alak... while still wearing her nurse uniform. Ako ang nahiya para sa kanya...

And lastly, like most of us, si Khikhi ay Inglatera pag lasing. Kapag tapos na syang umiyak, magsuka, magwala, umihi sa kung saan-saan, nag-eEnglish na sya.

One time sa Baguio matapos mag-inuman, nagkayayaan kaming mag-Chowking. Any normal person would know na malamig sa Baguio sa kalye sa madaling araw. Not Khikhi. Lumabas sya wearing her plunging shirt and mini skirt.

Habang nangangatog sya sa lamig, bigla nyang hinablot ang kamay ko, and nung tinignan ko ang mukha nya, para syang si Rose sa Titanic nung nakabilad na sya sa Atlantic Ocean. With foggy breath and cracking voice and tears in her eyes sabi nya sa akin...

"B-b-b-best.... I sh-sh-shiv-v-ver..."

Labyu Khikhi happy birthday! 

general motors diet

Minsan na lang ako magbloghop, ikaka-bother ko pa pala nang matindi. Napadaan kasi ako sa blog ni Jepoy, yung blogger na nagpapanggap na balingkinitan. Eh sabi dun sa post nya, he lost 84 kilos daw dahil sa General Motors Diet. Amazzzing, knowing yan si Jepoy personally, kumakain yan ng lard. Kung nag-lose talaga sya ng weight, either nag-work yung GM Diet, or may pina-amputate sya sa katawan nya. So sabi ng puso kong inggitero much, Dapat matry ko rin yan.

NOT that I need it that much hindi naman ako masyadong obese. Nasa gitna lang ng Stage 4 chunky and morbidly chubby.  I just need to lose .027 pounds.

Eto ang tinatawag na GM Diet. More Fruits, More Veggies, More Fun!



Eh saktong darating si Mudrax Doris from Baguio, kaya nung nakapagdesisyon na ako na gawin ang GM Diet, nagpabili ako sa kanya ng fruits and veggies. Now is the time.

Day One Fruits


This set of fruits is brought to you by Doris. Ewan ko bakit ayaw ma-rotate nyang picture nung inupload ko. May bayad na ba mag-rotate?

So all day and all night akong nagprutas and uminom ng maraming maraming tubig during my shift, habang yung katabi ko nung lunch eh kumakain ng pritong bangus! Sarap na sarap sya, parang gusto kong hablutin yung bangus nya. Now I know and understand ang pakiramdam ni Katniss.

Pag-uwi ko sa bahay, fruits pa rin ang kinain ko. Si Doris naman had a bright idea, nagluto sya ng longaniza. Amoy na amoy ko yung halimuyak. Pero pinigil ko ang urges ko at natulog na lang ako nung sumakit na ang ulo ko. #criedmyselftosleep

Day Two Veggies


Did you know na kapag nginuya mo ang brocolli nang very very slow ay magiging lasang corn siya? Pwede ring naghahallucinate na ako noon kasi nga deprived ako sa kanin at karne.

And just so you know, hindi pa rin ako nagpupu. Two days na. Bakit kaya? Tapos sumasakit pa rin ang ulo ko. At nararamdaman ko talaga yung gutom ko, gumuguhit pataas. Hinang-hina ako and I'm not my usual lively witty fun self.

Anyway I weighed myself para makita ko ang progress ko. Kinuha ko rin ang aking body mass index at blood pressure at fat index at pulse rate at pasado naman lahat. Umay na ako sa gulay kaya hindi ko na kinain. Tiniis ko talaga ang gutom ko buong shift hanggang sa noong pauwi na ako. And then.



Day Three Fruits and Veggies Combo Meal

Ang sakit sakit na ng ulo ko. Sabi sa mga online forums, psychosomatic lang daw ang pagsakit. Kaso parang gusto ko rin manakit ng tao. Psychosomatic pa rin kaya kapag nanampal ako bigla? Ang bilis kong mapikon today at ayaw kong binibiro ako.

Buong shift kong tiniis ang pananakit ng ulo ko. Umiiwas pa rin ako sa kanin. Veggies kung veggies. Fruits kung fruits. And then suddenly nag-message sa akin ang boss ko during shift, nandiyan na daw yung in-order kong lechon. HALA! Nawala sa isip ko na nag-order pala ako sa kanya last week. Pero OK lang kasi nandiyan naman si Doris, siya na lang ang kakain.


Ang sarap.

Kudos talaga sa boss ko kasi ang galing ng pagkakaluto, hindi nakakaumay, kahit yung laman-laman malasa talaga. One kilo na oorderin ko next time.

ANYWAY actually, hindi naman nasira ang pag-diet ko kasi sabi ng boss ko, vegetarian yung baboy na kinatay. That's why it's called organic lechon. So technically, I'm still eating veggies.

And veggies din ang rice kasi plant yun diba.

Nagweigh ako uli, I lost .5 kilos which is 1 pound. Not only am I on the right track, na-exceed ko pa yung goal ko.

 Day 4 Milk and Bananas

Joke ba ito? HA HA. Skipping this day.

Day 5 Tomatoes and Rice

Um-attend ako ng birthday ng anak ng former officemate ko. Bale nag-one cup of rice lang ako. Kaso walang tomatoes. Buti na lang merong alternative na fish fillet, beef and mushrooms, chicken cordon bleu, sanz rival at ice cream so I think that should make up for the lack of tomatoes.

Day 6 Vegetable Day

Sabi dun sa GM Diet kung hindi mo nagawa yung 7 days na dire-diretso you can start all over again sa Day 1 yeah hahaha good luck with that.

Day 7 Rice and Veggies

You're still reading? LOL.

So in conclusion GM Diet really works bye.

One more conclusion huwag basta basta sasabak sa diet without proper research and preparation.

And one more conclusion kung mataba ako, eh di mataba bye!!! 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding