thank you

Ilang araw na akong paulit-ulit nagta-type, nagda-draft at sumusubok na makabuo ng isang masayang pangbungad na post for 2014, but for some reason hindi ko magawa. Noon, kapag nakaisip ako ng masayang topic o kwento, pinopost ko agad. Ngayon, parang may kulang. So I'll take a break from my usual kalaswaan posts for something more personal: isang pasasalamat.

Gusto ko lang sana magpasalamat sa lahat ng mga taong naging parte ng aking 2013. Marami akong na-experience noong 2013, lalo na sa mundo ng blogging, at nagpapasalamat ako na naranasan ko yun lahat. Mahirap isa-isahin lahat ng tao, pero susubukan ko.

Maraming salamat sa PBO, ang sinalihan kong outreach group ng mga bloggers. Nakapunta ako sa mga lugar na hindi ko naman napuntahan dati at nakilala ang mga bagong friends na dati eh nakikita ko lang online. Noong una ayoko sana sumali sa PBO kasi naisip ko, nakakatamad, ayoko mag-effort, walang maniniwala sa akin etc etc. Pero noong nandun na ako at naranasan kong tumulong sa iba, masaya pala. Sana may mahikayat pa ako na sumali, at sana marami pa kaming magawang projects this year.

Maraming salamat kay Sir Bernard Umali at sa SBA, naging memorable yung pag-attend ko. Salamat rin sa mga bloggers na nakilala ko doon. I always find meeting new friends a delightful experience. Ang saya lang na may makilalang mga tao at maka-share ng mga insights at kwento sa kanila.

2013 for me is a year of making a lot of new friends and reconnecting with old ones. At sa paglabas ng aming book, ang Wickedmouth - Unang Putok, I was able to gain so much more.

Maraming salamat sa mga bloggers, non-bloggers, kaibigan, ka-opisina, classmate, kabarkada, ka-Facebook at sa lahat ng bumili ng aming libro. Alam ko yung iba sa inyo, ni-require kong bumili dahil magkaibigan tayo LOL. Yung iba sa inyo, nagpauto sa akin. Pero meron ding iba na kahit wala dito sa Pilipinas o sa Manila ay gumawa ng paraan para makakuha ng kopya. Salamat!!!

Sa lahat ng mga nag-order at nagpa-courier, sa mga nagpabili sa mga kaibigan nila, at sa mga naghintay ng chance makapunta sa Manila para bumili, salamat. Sa mga nagbigay ng oras nila para makipagkita sa akin at personal na bumili ng book, salamat! Sa mga hardcore na nabasa na ang buong blog ko since I began blogging pero bumili pa rin, salamat!

I know I can't please everybody and I'm sure sa bawat taong natuwa sa blog ko at sa book, may katumbas na taong hindi natuwa. I'm thankful na so far, yung mga taong natuwa ang nagbibigay ng feedback either dito sa blog, sa Facebook, Twitter, Instagram at Goodreads. Nakaka-overwhelm ang naging response dahil hindi namin inanticipate na susuportahan kami ng mga fellow bloggers at readers. Nakaka-touch yung mga comments at na-appreciate ko rin yung mga taong nagshare ng links.

Salamat sa mga bumili at nagbasa ng libro. I know hindi naman ako de-kalibre na writer para makipagsabayan sa mga seryosong Pinoy authors at mag-expect na maging bestseller. I've known that right from the start, kaya hanggang ngayon eh nagugulat pa rin ako whenever someone tells me na nag-enjoy sila sa sinulat ko at napasaya sila. Masaya na ako sa ganun.

Sa mga tumulong sa akin habang ginagawa pa lang ang libro. Sa ayaw magpa-mention na tumulong sa akin mag-proofread. Who would have thought na ganun kahirap sundin ang Filipino grammar and spelling??? Sa mga nagbigay ng helpful constructive criticism along the way. Sa mga pumayag mag-share ng kwento, at sa mga hindi pumayag LOL.

Sa mga taong nabanggit sa libro, salamat at naging parte ako ng kwento ninyo. Salamat at game na game kayo nang malaman nyong nasa libro kayo, kahit hindi ako nagpaalam. If I somehow put you in a very negative light, I apologize. I guess the lesson I learned through all these years of writing is, Learn to laugh at yourself. I hope hindi kayo napikon and I hope you laughed it all off.

Khikhi, whatever.

OK sige salamat na rin. Tangina ka kasi. Minsan hindi ka nag-iisip, eh pag kasama kita hindi rin ako nag-iisip, kaya kung ano-anong katangahan ang nagawa natin. Yung iba nakakadiri maalala! Yung iba, NEVER KONG IKUKWENTO dahil either ilegal o kaya imoral shet ka ikaw ang pasimuno ng lahat ng gulo sa buhay ko LOL.

Seriously Khi, salamat. Wala akong narinig na reklamo sa iyo matapos ang lahat ng panlalait na inabot mo sa blog ko, at lalo na sa book. Kung alam ko lang noong una kitang nakilala noong Grade 3 na aabot sa libro ang mga hatid mong sumpa sa buhay ko, I wouldn't change a thing.

Sa mga circle of friends namin ni Khikhi, WOW HA SALAMAT. Akala nyo siguro hindi nakarating sa akin ang balita na ni isa sa inyo walang bumili ng book, at hiniram nyo lang yung complimentary copy na binigay ko kay Khikhi. Mga hayop. Joke lang. Maraming salamat. Ramdam ko yung suporta nyo, kahit yung mga kaibigan natin overseas na nagpabili ng book sa mga kamag-anak nila. I love  and miss you guys.

Kay Sir Mots, na kakilala ko na bago pa gawin ang libro. Maraming salamat Sir dahil napabilang ako sa mga taong naging kaibigan mo. I've always been your fan and will always be. Hindi magiging ganito kasaya ang Unang Putok kung hindi ikaw ang nag-drawing. I know, along the way ang daming naging challenges and nagpapasalamat ako na hindi ka bumitiw sa project. Salamat Sir!

Kay Kuya Ching, the man who saw all this happen way before any of us did. Siya ang nag-envision ng isang libro. Noong una, sabi nya sa akin. "Kahit anong libro Glenn, basta ikaw ang sumulat." Ilang taon ang lumipas bago ko sineryoso yung sinabi nyang yun. Siguro dahil hindi ako nagtiwala sa sarili ko at mas malaki ang tiwala nya sa akin. So salamat Kuya. Isang malaking sugal ang ginawa mo at ng BHM Publishing sa Unang Putok and I hope this is all worth it!

Salamat rin sa pamilya ko, at pasensya na. You're the last people I wanted to share the project with, hindi dahil sa ayaw ko. Ayoko sanang malaman ninyo dahil nahihiya ako. There are so many things I did na nasa libro that I'm not proud of. I grew up na iba ang pagkakakilala ninyo sa akin. Tahimik, masunurin, mabait (no joke here). Sa mga taon ng pagkakakilala nyo sa akin I never gave you any clue sa mga kagaguhang pinaggagawa ko. Ni hindi nga ako nagmumura sa bahay sa harap ninyo. So how do I tell you, Nanay at Tatay, Auntie at Uncle, Ate at Kuya, na meron akong libro, kung sa cover pa lang ay may nakalagay na Warning: Explicit Content?

So here I am trying to find the confidence, and hoping na sana kapag nabasa nyo ang libro ay matanggap nyo na this is part of me. And aaminin ko na Opo, gaya ng nakasaad sa mga kwento sa libgo, sadyang salbahe ako. At kung nababasa nyo itong blog ko, kung saan mas salbahe ako, Opo eto po ako. Sana mataggap ninyo si Glentot bilang parte ni Glenn. I love you.

Ang drama yuck.

Moving forward, here's a video I created to basically give you an idea kung ano ang laman ng libro. If you have already read the book and are recommending it to your friends at may nagtanong sa inyo kung anong meron sa Unang Putok, you can show them this video to give them an idea.



More than a collection of short stories. More than months and months of editing, rewriting and proofreading. More than brainstorming, drawing, arranging and perfecting. Wickedmouth Unang Putok is more than just a silly book. It's my life, summed up in a few pages.

Salamat sa lahat. :)

31 comments. Post your comment here.:

kalansaycollector said...

awwwwww nakakainggit. you inspire me to dream big... na someday magkakalibro rin ako. hehe.

panalo. at oo na hindi pa ako nakakabili ng libro. ayokong sumabay sa pila e. charot ang suplada pa ng palusot ko. hahaha

oo pagpunta ko sa national pramis bibili na ako. :)

chilaxjukebox said...

landeh! dramah! susmeh! hahahaha... first off, glentot, congrats. Kung ano man ung success na nakukuha mo at nakuha mo na, deserve mo lahat un. I was, I am and I will always be a fan, alam mo yan. Basta nageexpect ako ng by the end of this year, may bibilihin nanaman akong libro na ikaw ang otor :D

Bino said...

Looking forward sa 2nd book! Di ako base amf! Congrats ulit at salamat nakilala kita in person

Anonymous said...

slightly nakakapanibago na medyo on a serious side mo glentot ang nababasa ko sa post na ito... hehehe.

-khanto (di ako makalogin sa blogger account kaya sa anonymous part ako naka-comment)

Senyor Iskwater said...

awww... bakit parang nakaka-emo ung last part. ung sa baba ng video. hindi ako sanay... hehehe

fiel-kun said...

2013 indeed brought exciting journeys in your life. new friends, new places explored at syempre ang pinaka highlight jan was when you finally published your first book - Wickedmouth: Unang Putok.

Cheers to 2014!

June | Life and Spices said...

GAnda ng vid oh. I though di mababangit si Khikhi sa pasasalamat until I reached the middle part. I think in the future baka gawin na din pelikula book mo like ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong. You' ll never know.. sabi? haha

eligadz said...
This comment has been removed by the author.
Marjorie G said...

Naku ako lang ba ang di makakapanood nung video, nakablock kasi dito sa office. Anyway, more power to you Glenn, and I'm happy to know na di ka nakalimot sa mga taong sumuporta at sumusuporta sayo. For sure mas marami ka pang blessings na darating. Isa nga pala ko sa mga nambabaraso sa friends ko na bilhin at basahin ang libro mo. Alam ko naman kasing magugustuhan nila at tama naman ako.

Abangers ako sa second book!

Geosef Garcia said...

"Learn to laugh at yourself."

Another way to deal with life better and in a more positive light. :)

NoBenta said...

master glentot, mas maraming salamat at naging libro ang mga koleksyon mo ng iyong mga karanasan. may ipapamana na ako sa mga anak ko!

kailan ang pangalawang putok?

congrats ulit sa iyong tagumpay. idol na idol na talaga kita.

Anonymous said...

Maraming salamat sa mga kwento at tawang hatid ng pagsulat mo, glenn. More blessings to you. Sana masundan pa ang libro mo.

busyok said...

wow ibang level. may libro!
congrats!

Mac Callister said...

Kelan re release sa doha ang book mo? Haha di ko pa nababasa

Congrats sa success ng book sale :-)

Aris said...

congratulations, glenn, sa success ng iyong libro. hindi pa ako nakakabili kasi wala akong makita dito sa south. sold out na siguro. promise, hindi ako titigil sa paghahanap. :)

ZaiZai said...

Maraming congrats sa well deserved success ng Unang Putok :) More putok to come! :)

Ang bagal magbasa ni Joanne, di ko pa mahiram ang copy nya. Wala kasi sa NBS dito sa Antipolo :(

yccos said...

Sweetness...Congrats! One fulfilled mission ang pagkakaron ng sariling libro ng story of life... :-)

otepzablan.com said...

Kung acknowledgement 'to sa isang libro kakain ito ng madaming pahina :D Salamat sa autograph mo. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sayo #arte hahaha. lels.

Traveliztera said...

Awww ! FOREVER proud ako!!!
Excited na kaya ako umuwi dahil isa sa accomplishments ko e makakuha na ng book mo!!! talagang isa sa to-do list ko un hahaha!

Proud of you Glen!!!

-Steph

Anonymous said...

pag-uwi ko ng pinas...bibili ako nyan

-Mike from KSA :)

olyabut said...

cameo ako pag naging movie ha? hahahaha!

k0tz said...

congrats gentot! sana meron na nyan dito. ahihihi,, inaabangan ko pa sa bookstore.

Eagleman said...

feeling ko ang KJ ko... ako nalang yata ang hindi pa nakaka basa ng unang putok. kahit na nandito lang naman ako sa Pinas :(

akoysi MEcoy said...

wait wa pa ko copy ng book mo,
at wa naman ako makita sa smb last time haha, tinatamad naman ako
gumala, pwede ba umorder magkalapit lng nman office ntin hehe

bagotilyo said...

hindi pumasok yung comment ko last week. ang bagal ng internet connection ko.


Happy new year Glenn!

Napa LOL ako dun sa comment na " Marami siyang sinirang buhay"

#LolMuch #Hahaha

reigun decena said...

yoko pa sana magcomment until mapasa mariang palad ko na ang unang putok. pero naeeksoyt na ko mabasa at punitin ang libro mo sa tuwa.

again congrats at putukan mo na ko plis!

SunnyToast said...

you really had a good year and wishing you a new book i guess this year:) I'm proud of you bitch! and I still have no copy of your book...hahahaha

Ipelicious said...

PUTANG INA. :) Be happy. Happier, HAPPIEST. Ingats lang lagi. -markpatatas

Anonymous said...

pwedeng pa xerox na lang o i-pdf na lang? hehhee

chingoy, the great chef wannabe said...

touched... hehehe

LJ said...

Grabe, ang ganda ng post na ito. Salamat sa iyo dahil isa ka sa mga naging dahilan bakit ginusto kong mag blog ulet.

The best ang libro mo. Ang dami kong tawa sa trust fall niyo ni khikhi.

Antayin ko ang next. :D

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding