book signing

At nakaraos rin ang Unang Putok Book Signing!!! Nakakapagod, nakakanerbyos, nakakatigyawat sa singit. Ilang araw akong hindi makatulog dahil dito. Kapag nakakatulog naman ako, napapanaginipan ko. First time kong aattend ng book signing. Kinakabahan nga ako kaya muntik na akong di sumipot. Not feeling well featuring headache and cough with diarrhea ganun.

Matapos ang marami-raming death threats na sinend ko kay Khikhi para siguraduhing makakarating siya, she did confirm. In my over 6 years of blogging at pagkukuwento tungkol sa misadventures namin, wala pang nakaka-meet sa kanya in person, at parating may nagtatanong sa akin kung totoong tao sya. This is her time to prove it.

Huwag mo akong ipapahiya papatayin kita.

-- Glentot
Sabado ng umaga, around 10AM nagtext si Khikhi na malapit na siya sa SM North EDSA. Galing pa sya ng Bolinao, straight from her nurse duties. Sa bus nga siya nag-make up eh kaya hindi na ako nag-expect ng masyadong kagandahan.

Dapat 11AM kami magkikita-kita sa National Book Store para makapag-prepare, pero dahil na-late ako, nauna pa si Khikhi sa akin sa venue. Check out below, ilang inches pa sa shorts, lilitaw na yung kagat ng aso (see WickedMouth Unang Putok page 69)

Iniwan ko pa yung pinapaanak ko para lang pumunta dito.

 -- Khikhi. Classic. True story.
After lunch, kinabahan na kami ni Kuya Edsel (publisher) kasi wala pang dumarating. Kailangan ko pang magsend ng panibagong batch ng death threats.

Kuya Edsel: Magtext blast ka na.
Glentot: Wala akong load.
Kaya nung dumating si Nutty (Nutty Thoughts) nakahinga na ako nang maluwag. Dahil may dumating nang isa. Kahit mag-isa lang siya, itutuloy pa rin namin ito.

One by one nagsidating ang mga tao, hanggang dumating ang host ng event na si Crunchy (aka Senyor Iskwater). Yung mga brinaso nya online, napilitang umattend, pero hindi pa sya nasatisfy dun. Kasi kahit yung mga dumadaang tao na walang kamuwang-muwang kung ano Wickedmouth Unang Putok eh napilit nyang bumili. Magmula sa high school student hanggang sa Lolo, naholdap.

Bilhin mo na yan sir nakakatawa yan. Ako nga masyadong natuwa, hindi na nakamove on eh.

-- Crunchy
Saktong 3PM sinimulan na namin ang event, at nagpakilala kami nila Sir Mots at Khikhi. Ang unang tanong sa amin ay "Desrcibe your Unang Putok." Hindi ko na ikukuwento kung ano ang mga naging sagot.

Hindi ko alam kung saan ako kakapit.

-- Khikhi, according to me.
Nagisip kami kung ano mga pwedeng gawin sa program para di mabore ang mga tao.
Glentot: (Whispering) Khi, kanta ka.
Khikhi: Tangina mo!
Glentot: "My Heart Will Go On" Dali na hanggang first chorus lang. Nadownload ko na yung instrumental.
Khikhi: Uuwi na lang ako!
Nagkaroon rin ng maikling Q and A at sa totoo lang dito ako kinabahan, tangina nagkasubukan talaga ng pagkakakilanlan dito. Bago ang event, nagsulat ako ng mga tanong. YUN LANG DAPAT ang itatanong sa amin. Yung mga tanong nakasulat sa Post-Its at dinistribute sa audience.

HALA nung question and answer na, iba ang mga tinanong sa amin! Mahihirap na tanong! HINDI AKO NAKAREVIEW! Nagsalita na lang ako para walang dead-air. Yung ibang mga sagot ko nga eh, matapos kong sabihin mapapaisip ako, Anong sinabi ko? Parang di ko rin naintindihan.

According to Article 295 Section 16 and 3/4 of the Constitution, what is the structure of the acceleration of your Unang Putok as X approaches infinity tonight in the middle of ecstasy?

-- Tanong ni Kumagcow. Hindi exactly ganyan yung tanong pero very very close. Hayup ka John (naka-black), beside him is Crunchy in Putah Red.
Tapos si Khikhi panay pa ang kalabit sa akin para mag-side comments tungkol sa mga observations nya sa audience. Mga observations na hindi ko pwedeng ilathala...

Noong una akala ko kokonti lang ang um-attend. Nung nagsimula na ang book signing doon ko na naramdaman na marami pala sila, na-late lang. Ang dami muntik magka-stampede! Naubusan na ako ng dedication na isusulat sa books, tapos yung "Thanks for coming" pa na dedication ko eh inaagaw ni Khikhi.




Salamat National Book Store ha sa picture.

Namigay rin kami ng posters, T-shirts (color Putah Red, size XL), Peep magazines at clay figures sa mga um-attend. Yung isang clay figure, ninakaw ko para hindi na maibigay sa iba. Namumukhaan ko kasi yun, ako ang gumawa nun noong nagpe-prepare kami days before the event. Ayokong may makakuha nun kasi baka sumama ang loob. Ito ang itsura.

Kill. Me. NOW.

-- Clay
Akala ko may oras pa matapos ang book signing at picture taking para makapagpasalamat ako sa mga dumalo, pero nagulat na lang ako na tapos na pala ang event at nagsiuwan na ang mga tao. So nag-inuman na lang kami ni Khikhi. The End.

Sorry medyo bumakat yata yung abs ko sa polo ko manipis kasi.

Dito na lang po ako magpapasalamat sa lahat ng pumunta sa book signing. Yung iba bumili uli ng books para lang dun. Sana nagustuhan nyo yung mga freebies at sana nag-enjoy rin kayo sa maikling program. Special thanks to BHM Publishing, Peep Magazine, Jumping Clay, syempre sa National Book Store. Salamat Kuya Edsel. Salamat Sir Mots. At salamat Khikhi pakyu siningil mo pa ako ng pamasahe.

Salamat rin kay Gideon na ang lakas maka-"Going" sa Facebook event pero No Call No Show. Buti pa si MarkyJosh na the day before the event eh nagtanong sa akin kung anong oras ang registration, paano daw kung malate sya, pano kung 1 book pero dalawa sila ng kasama nya magreregister, maraming mga katanungan pero di rin pumunta!

Seriously nagpapasalamat po ako sa lahat ng pumunta sa book signing. Mga kaibigan, officemates. fellow bloggers, readers, at mga napadaan lang. Salamat sa lahat ng bumili ng books. Salamat sa suporta at sa pagtulong sa amin sa pagpromote. Salamat sa mga gustong dumalo pero malayo. Naramdaman ko pa rin ang suporta nyo. Labia all!

SCENE AFTER CREDITS...
Khikhi: (While drinking beer) Grabe no nakakatawa si Crispy.
Glentot: Crispy???
Khikhi: Yung host.
Glentot: Crunchy!!!
 Ikaw, DESCRIBE YOUR UNANG PUTOK.

39 comments. Post your comment here.:

jhengpot said...

Ngayong lantad na ang pisikal na pagkatao ni Khikhi hindi ko pa rin maimagine yung mukha n'ya sa mga naisulat mo sa Unang Putok at dito sa blog mo. Di makabasag itlog si ateng! LOLjk! At kamusta naman, kinabog ni senyor yung saleslady ng National Bookstore... pak!

mike said...

i really wanted to come pero there is the issue of distance. anyway, my mom is there on vacay, i'll just ask her to get me a copy :)

Edgar Portalan said...

sayang di me nakapunta , may hassle sa work eh .... anyway , congrats !

Senyor Iskwater said...

Feeling ko tinipid mo si Khikhi sa pulutan kaya crispy ang naisip! Twas a blast! Sana may kasunod pa!

Mamon said...

sayang. di ako nakapunta. di ko tuloy na-meet ng harapan si khikhi, THE Khikhi. hehe

Congrats uli!

Mamon said...
This comment has been removed by the author.
Marshee said...

congrats wow ang galing! :)

zeimaya said...

Basta ako masaya kasi e kinuha ako ng book ni bro at me sign pa nila Sir Glen at Sir mots..

eligadz said...

nagsisisi ako kung bakit di ako nakapunta. naipit ako sa 2 events, sayo at yung sa isang kakilala ko. hirap mamili kaya wala akong pinuntahan. isang malaking SAYANG talaga. pero congrats sir glen. sa pangalawang putok nalang XD

Marjorie G said...

Crispy as in crispy pata yun Christian! Hahaha... Congrats sa kaganapang ito, may nanghihingi ng repeat!

Overthinker Palaboy said...

Hey Glen! Congratulations! :))))))

Geosef Garcia said...

Congrats idol! :)

akoaysalbahe said...

congrats glentot!

Momel said...

Hehe, congrats Andoy! Pirmahan mo libro ko ah! Gusto ko ung aura mo sa book signing, mukhang very happy! Yeahhh, lande! Congrats again! :)

reigun decena said...

CONGRATS! mag world tour na kayo ni khikhi omffffg.

Ang unang putok ko ay parang Krispy Kreme. tenkyu.

Rah said...

Hahaha. Congratulations on your book launching bro. :) Bibili ako ng book mo. Regards kay Khikhi :) Yey! totoong tao pala siya. :))

khantotantra said...

congrats! :D

dahil sa book signing na to, nakita ko ng personal si sir mots at khikhi pati nadin si senyor.

gasolinedude said...

Sana lang ibigay na sa 'kin ni Jepoy ang kopya ko ng book mo. Huhu!

Neways, congrats Glentot! Mukhang bestseller ang Unang Putok.

P.S. Bagay kayo ni Khikhi.

akoysi MEcoy said...

huwaw celebs na celebs ang peg nyo ahh!
kaw na parekoy! sensya di ko pa nababasa ung book, wapang
panahon para makagala at makabili ee

bien said...

Congruch! Di pa kami nagmeet ni Jepoy for the book. Busy sya sa GM diet.

duking said...

nakakalungkot na hindi ako nakapunta pero congrats,sir glen,sir mots and ms. khikhi!

LordCM said...

astig talaga, congrats pre :)

pnx said...

So happy for u, hindi ako nakadalo. Lam mo na Feb 7, 20, 26 sched ko sa Mla this month. See u hopefully soon!

Mister Mischievous said...

hahahha tawa naman ako dito! alam na ba nang mama mo na may isinulat kang aklat? hahahah I would love to describe my unang putok hahahha

Aris said...

kung nalaman ko lang ito nang mas maaga, sana nakapunta ako. congrats! glad to know it was a big success. :)

iya_khin said...

wow congrats sa inyo!!!

kalansaycollector said...

winner. hihi at oo hindi pa ako nakakabili ng libro mo. haha pasensiya mahirap ako ngayon. hahaha

k0tz said...

wow.. nakapagchange outfit pa si khikhi! aihihi.. Congratz!

miahmari said...

Congratulations!:)

citybuoy said...

At ang sinign ni Khikhi sa book ko: have a nice reading! Ang lakas maka-nawasa!

Congrats Glentot! Pacanton ka na! Now na!

Jepoy said...

Tawang tawanko sa comment ni citybuoy!!!! Lol Punyeta ka! Yun lang masasabi mey.

88-Nutty Thoughts-88 said...

nahiya akong itanong (andun kasi si KHIKHI) sa book signing kung okay lang ba na "Ikalawang Pulandit" ang title ng next na book?

Anonymous said...

Hello po. I just wanna know kung kelan po magiging available yung book niyo nationwide? I'm an avid fan of your blog ang everytime nag ne-net ako isa yung site niyo sa unang tab na binubuksan ko. I've been searching for it kaso wala po malapit sa amin eh. Thank you and more power to you! :)

Neneng Kilabot said...

Hindi ko na nabasa, pag ka kita pa lang sa litrato akoy lubos na natuwa. MAY LIBRO NA KAYO!!! :) Ang dami dami ko ng namiss.. haayyy, kaasar. Hahanapin ko talaga ito.

Ang galing! :)

Anonymous said...

Hanggang huli kung makahirit si Khikhi shunalo!hahahahaha...kakainggit naman.ung amo ko kasi utod ng higpit di pmyag lmuwas ako palibhasa tigang zya.anyway congratz idol! impernez ang luzog mo ngaun. kyut..lol!:)

UNGAZ

Stephanie Beliaco - Pablo said...

Congratulations on your book! I saw the advertisement at national Bookstore habang nakapila sa cashier at lumaki mata ko nung makita ko name mo. :) Di pa ako nakakabili kasi paclose na store kagabi at baka may pirated copy :P but I want to congratulate you on your accomplishment.galing :)

Anonymous said...

Bakit di ko na mabasa blog ni Sir Edsel? nakaka miss na yung mga kwento nya sir

KikomaxXx said...

hahaha i love khiki.. paauthograph sa dibdib...

Anonymous said...

Glentot.. ang TABA mo na! anyare? palagi ka bang kumakain while nagsusulat?

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding