overheard

I'm no eavesdropper, sadyang may mga tao lang na naka-loudspeaker ang mga bibig in public and I cannot help but overhear (remember the Riza incident?) kung ano man ang mga kwento nila sa buhay. Akala kasi ng mga taong ito kapag nasambit na nila eh tapos na. Malay ba nilang may isang tulad kong nagmamasid, taimtim na nakikinig at tinatandaan ang mga sinabi nila para magawan ng blog post.

One time nanood ako ng The Hobbit: The Desolation of Smaug. Pagtapos ng almost 3-hour na movie na yun, nagmadali ang mga tao palabas ng cinema. On my way out I heard this guy right behind me talking on his phone like this:

Sir pasensya na ha, ngayon lang natapos yung meeting. Oo seminar kasi. Tatawagan na lang kita later.

HALA! Kasinungalingan. Nilingon ko talaga si Kuya at tinignan nang masama as his lies went on and on, wala syang tinag. WOW. Sana inagaw ko yung phone nya tapos sinabi ko "Yes I confirm umattend ng seminar si Kuya... sa Middle Earth. At isa ako sa mga hobbits."

Noong college, may nakasabay ako sa jeep, dalawang college girls on their way para maglakwatsa and their conversation went like this:

Girl#1: Haixt. Girl galit na naman sa akin si Mama.
Girl#2: Bakit naman Girl? Etc etc.
Girl#1: Eh kasi Girl, etc etc.
Girl#2: Girl, teka, bakit ganyaan ang daliri mo sa paa? Naka-fuck you?

Napatingin ako sa paa ni Girl#1. Nakasuot sya ng sandals and I can see nga na mahaba nga yung gitnang daliri, mas mahaba keysa sa iba, kaya agaw-atensyon.

Girl#1: Girl hayaan mo na ganyan talaga yan.
Girl#2: Promise Girl! Naka-fuck you ka Girl! Bad yan Girl!

As in. Kung hindi nga inexplain ni Ate na in-born yun eh muntik na akong ma-offend. Pilit binabago ni Girl#1 ang topic pero ayaw tumigil ng friend nya.

Girl#1: Buti nga pinayagan pa akong lumabas ngayon ni Mama eh kahit galit sya etc etc.
Girl#2: Sana tinapat mo sa Mama mo yung paa mo tapos sabi mo Eto ka!!! Pakyu!!!
Sana sa oras na iyon, natutunan ni Girl#2 ang ibig sabihin ng "tactfulness", "discretion" at "friendship over".

May narinig akong conversation one time sa grocery malapit sa main gate ng SLU. Dalawang girls uli, and this time mahina ang boses nila pero sadyang matalas ang pandinig ko.

Girl#1: Ate, meron po kayong... condom?
Cashier: Ha?
Girl#1: condom po?
Cashier: Wala! Hindi kami nagbebenta nyan!
Girl#2: Hala... paano na yung... uhmm.. project natin???

Pagkasabi nila, tumakbo silang dalawa palabas ng grocery, I assume dahil sa kahihiyan. I can just imagine kung anong klaseng self-confidence ang inipon nilang dalawa para lang magtanong kung meron bang condom dun sa grocery, para lang masigawan at magtatakbo palayo. Sana lang nakabili nga sila ng condom sa ibang tindahan at sana nagamit nila ito. On each other... wait, what?

#eggplant

Last Valentine's Day sumakay ako ng FX pauwi. Tapos may sumakay sa bandang likuran na someone na may malakas na boses. I could tell bading yung sumakay. Nung nag-abot sya ng bayad nyang 20 pesos, inabot ko naman, sabi nya "Salamat Kuyaaahhh", na-tempt akong lumingon at tignan sya pero di ko ginawa. Hindi ko tuloy alam ang itsura nya. Pero alam na alam ko ang kwento ng pagkasawi nya (abridged):

Hello?
Saan ka na ba?
Ako na ang mamamlantsa.
Sa bahay ka na kumain.
Kumain ka habang nagpaplantsa ako.
Dalhin mo na ha.
Sa bahay ka na maligo, may hot water ako doon.
Oo nga, yung banyo ko may hot water.
Shower.
Bibigyan nga kita. Oo.
Ako magbibigay ng pang-formation mo.
Ako na rin magbibigay ng pang-tikas pahinga. HAHAHA!
Ganito na lang. Ako na lang pupunta diyan sa hypermarket.
Saan ka ba nakawesto?
Malapit lang ako diyan sa hypermarket.
Nasa entrance ka ba?
Eh di mag-gogrocery ako uli.
Ipaggo-grocery na rin kita. HAHAHA!
Umiinom ka ba?
Pag may occasion lang?
Sa Sunday punta ka.
Ah eh di may occasion sa Sunday.
Punta ka sa bahay.
Gagawa ako ng occasion.
Dalhin mo na friends mo.
Magdadala rin ako ng friends.
Kelan ba yang next time na yan?
Anong araw yan?
Anong araw ang next time?
May kalendaryo ako dito, walang namang araw na nakalagay eh "Next time".
Hindi ko nga alam yang pasa-load na yan.
Punta ka na lang sa bahay at doon mo kunin ang load. (Wushu... para-paraan...)
Kasya na ba ang 500?
Kunin mo sa bahay ha.
O ako na lang ang pupunta diyan?
Sige basta pupunta ako diyan bukas ha.
Sige na nga sa Sunday na lang. Babye.
I love you.
Huy, I love you.
Mag-I love you too ka naman.
Sabihin mo lang I lo--

THE END!

You know what else I overheard? Wickedmouth Unang Putok is still available sa National Book Store! At nasa Bestsellers of the Month list!!!


Ayan nasa number 10 lang but it feels like number 1 :)

Maraming salamat sa mga bumili, sa mga nag-invite sa mga kaibigan nila na bumili, at sa mga gustong bumili... Maraming maraming salamat po! Mwahchupa!!!

27 comments. Post your comment here.:

kalansaycollector said...

panalo yung nakapakyu! haha nakakaloka insensitive si friend sa kalagayan ni ateng. kung ako kay ateng na may nakapakyung paa, sa kausap ko yun itatapat. haha

Marjorie G said...

Favorite ko yung nakapakyu na daliri sa paa hahaha... Kawawa naman yung bading sa number 3, kung maka-push walang hanggan!

Senyor Iskwater said...

U got me at tikas pahinga! Relate much! Hahaha...

Congrats sa Top 10 eme!

jep buendia said...

gusto ko yung nanuod ng sine at gumawa pa ng alibi :)
sana talaga inagaw mo yung phone at sinabi kung saan talaga siya nagpunta lols

saka yung girl na naka-F u ang daliri sa paa hahaha,
magkaibigan pa ba sila ng friend niya ngayon? :)

congrats sa iyong libro! galing! :)

SkySaunter™ said...

nakakatawa ^,^ galing mo talaga...

Anonymous said...

Chismosong itik na to!hahahaha...npakatalas ng tenga at memorya mo idol pagdating sa kabulastugan.gud job!btw lakas maka best seller....:) -Ungaz

Edgar Portalan said...

ha ha , galing mo mag-eavesdrop he he ... congrats sa book : )

jobologist said...

nakakatawa yung nakapakyung daliri sa paa. hindi ako makaget over...congrats! last month hinahanap ko sa nbs yung libro mo...bili ako sa sweldo tapos gawa ako ng review review han heheheh

Overthinker Palaboy said...

ayan ka na naman at ang matalas mong tainga :P

Eagleman said...

natawa ako sa friend ni ate na naka pakyu ang daliri sa paa ^_^

teka teka teka... naghahanap ako ng unang putok sa rob galleria wala na ako makita! ipang reregalo ko sana sa friend ko ehe..

khantotantra said...

kahiya yung eksenang bumili ng condom? pero bakit kailangan pa nila itanong e diba usually nasa rack lang yun sa tapat ng cashiers?

well, heniway, congrats sa pagkakapasok sa top 10!

Geosef Garcia said...

Talas pa rin ng tenga at memorya mo idol. *hahaha!*

ignored_genius said...

uy congrats. nakita ko nga sa list ng National Bookstores yung book mo being on the top 10. Isa ako sa mga naunang bumili nito. And salamat sa pagbisita at pagcomment din sa aking blog. :)

ignored_genius said...

by the way, kung ako yung nakarinig dun sa naka pakyu na daliri, baka di ko napigilang tumawa. hehehe

alencious said...

Salamat naman sa pagsira ng buhay ko for the past 3 days. Oo sa loob ng 3 araw na yan non-stop kong binasa ang blog mo. Simula sa post na to pabalik sa kauna-unahang post mo. Dito lang ako nagcomment kasi baka naman sabihin mong naka super stalker mode ako kung magcocomment ako sa post mo tungkol sa pagbura mo ng mga old post mo. Nagulat pa ako kasi napapaisip ako bakit nagfe-friendster pa kayo yun pala nasa 2008 na pala yung date ng blog post mo. Oo binasa ko sya sa cellphone ko kaya tumaas lalo grado ng mata ko. Ewan ko bakit ko binasa wala naman kwenta yung iba pero para kang sumpa na ayaw akong tantanan. Minsan nahihilo na ako kasi ikaw ba naman magbasa sa cellphone ng non stop ewan ko lang kung matuwa ka pero di ko pa din kinayang tigilan. Minsan tingin ko tumitirik na mata ng anak ko dahil wala na sa oras yung pagpapakain ko sa kanya pero syet go pa din ako sa pagbabrowse ng pekpek mong blog. Pasensya na sa mga nasabi ko di ko mapigil ang galit ko dahil kahit 31 na ako ngayon ko lang natutunan ang word na iyot. Dito lang sa blog mo. At dahil jan bibili ako sa weekend ng book mo.

Anonymous said...

Number 1 naman Glen eh, nagka 0 lang ahehe. Congrats sa book - Marvin, este Martin (tinamabd gumawa ng account pang comment haha)

petitay said...

isa lang masasabi ko huwag sana tayo magkasalubong hahaha. at baka isang araw kwento ko na ang nakapost sa blog mo! haha

Hi! I am LiLi! said...

Matalas ang pandinig ko pero di ganyan ka talas ng memory ko sa conversation.

Congrats sa top ten spot na feels like top one.

iya_khin said...

LOL!! oo nga narinig at nabalitaan ko din yan, nasa TOP 10 na ang unang putok! congrats!!

June | Life and Spices said...

hahahahahahahaha, made my day. Para talagang therapy ang blog mo.. kakagaan feelings.

Jhanz A. said...

Haha this post made my day! Congrats sa iyong libro! Wishing you more success! :D

xinoko said...

grats po sa book, nice post btw, digs na digs

xinoko said...

ow, twas added in my read/link list, ayus!

Mister Mischievous said...

the best ka talaga sir glen! nag-aabang na po ako dito sa mga branches ng National Bookstore CdeO para sa Unang Putok mo, kaya lang wala pa po.

eli avellanoza said...

haha. rockenroll

-mark- said...

hahaha putang inang fuck you finger sa paa. lakas ng tawa ko.di ko mapigil tangina! yung mga kaibigan ko, mga pinilit kong bumili ng libro mo, pagkabili nila, napaisip ako, putang ina yung blog ko nasa blogroll mo patay, buti na lang pgcheck ko ngayon ay wala na. nawala ang kaba ko. wahaha.

KikomaxXx said...

hahaha oo na sige na kung di lang sumegway.. pero may nagregalo na sa akin ng libro mo atleast di ko binili pero ako parin pinalad hahaha...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding