title

So while browsing the great vastness of the world wide web may natagpuan akong isang compilation: "What's the laziest thing you've ever done?" May mga sagot na super DUGYOT and may mga sagot na talagang GENIUS and somehow I was reminded of my own katamaran.

Hindi ko naman idinedeny na tamad talaga ako simula childhood. Lahat ng kailangang gawin sa bahay ay kailangang iutos sa akin which is a constant source of away dahil si Pudrax at si Mudrax ay sadyang masisipag na tao at hindi ako nagmana sa kanila. Ang lagi nilang concern is: Paano na kapag malaki ka na at mag-isa ka na lang, hindi ka marunong magluto/laba/plansta/linis/ligpit?

 Pero hindi naman porke tamad eh negative na agad ang dating. Ang taong tamad, nakakahanap ng easier way to do things, ang komplikado ay nagiging simple at sadyang gumagaan ang buhay. At ngayong malaki na ako at mag-isa na, tamad pa rin ako, and I'm doing juuust fine.

  • Noong Christmas bumili ako sa officemate ko ng dalawang CDO Christmas hams. Yung isa, niluto ni Mudrax Doris noong dumalaw sya noong Christmas. Yung isa, sabi ko lulutuin ko at uulamin ko ng first week ng January every day hanggang maubos. Nung mangalahati na ang ham sa freezer, tinatamad na ako iluto dahil kailangan kong hugasan ang frying pan at sandok every time. So nagdesisyon akong itapon na lang ang ham... noong first week ng March. LOL.

  • Kapag kumakain ako ng ice cream, gusto ko sa bowl. Pero tamad akong maghugas ng bowl after kumain. Kaya kapag binalik ko na yung ice cream sa freezer, kasama ang bowl at spoon.

  • Actually hindi lang yung bowl. Anything na ayaw ko munang hugasan goes to the fridge. Gross I know. I'm not even sorry.

  • Bumili ako ng isang pack ng plastic spoons, plastic forks, paper plates at plastic cups. It's called innovation.

  • Eventually, kapag iinom ako ng tubig, hindi ko na ginagamit yung plastic cups dahil naiipon sa basurahan. Kaya bumibili ako ng 1.5L na softdrinks, at kapag naubos na, pinapalitan ko ng tubig. Tapos tinutungga ko na lang tuwing mauuhaw ako.

  • Dahil nakakatamad hugasan yung 1.5L bottle ng softdrinks, pag ubos na ang tubig, tinatapon ko na yung bottle. Time to buy new softdrinks.

  • Tamad akong magwalis, at parang hindi naman effective kasi maalikabok pa rin. Kaya bumili ako ng vaccum cleaner. Na tinamad akong gamitin kasi mabigat, mainit at maingay. Kaya bumili ako ng Tornado Mop, yung hindi mo na kailangan pigain, i-spin mo lang sa basin. Na tinamad akong gamitin kasi lilinisin ko pa yung basin pagtapos ko magmop. So ginagamit ko na uli ang walis tambo.

  • Sa rare times na nagwalis ako, kapag naipon ko na ang alikabok sa dust pan, normally dapat nilalagay yun sa garbage bag na eventually ay itatapon sa labas diba? Not me. FLUSH lang ang katapat nyan. 


  • Sa apartment namin may nagse-service ng pagkain. Ite-text mo lang sila, tapos ite-text nila ang menu, at kung ano ang mapili mo, ide-deliver nila sa iyo. Gusto ko yun dahil naka-styro ang food at kutsara na lang ang huhugasan ko. Minsan nag-order ako ng pagkain, inutusan ko silang bilhan ako ng 1.5L na Mountain Dew sa tindahan para hindi ko na kailangang lumabas pa. *smile*

  • May mga sneakers akong simula nang binili ko hanggang sa mapudpod, mabutas at masira ay never nakatikim ng laba.

  • Sa office, magkatabi ang toilet at ang pantry kung nasaan ang water dispenser. Yung desk ko, malayo sa pantry at toilet. Kaya iinom lang ako ng tubig kapag naiihi na ako, or iihi lang ako kapag iinom na ako ng tubig, para sabay ko silang puntahan.

  • Dati tamad akong maglaba, dahil tinatamad akong umakyat sa rooftop ng building namin para magsampay. So bumili ako ng drying rack, with wheels na hihilain ko lang malapit sa washing machine kapag magsasampay na ako, at hihilain ko sa bintana kung saan may sikat ng araw. Kapag natuyo na, hihilain ko yung rack papasok sa kwarto, sa tabi ng closet ng mga damit ko. Hindi ko na inaalis sa rack, dun ko na kinukuha ang susuutin ko. Kaya every week, pare-pareho ang suot ko. Kasi hindi ko na nabubuksan ang closet.

  • Needless to say, hindi ako namamlantsa ng isinusuot ko papasok sa office. Because CONSERVE ENERGY that's why.

So sa mga nagtatanong kung bakit madalang ako magpost...

29 comments. Post your comment here.:

Geosef Garcia said...

Ako rin ambassador ng katamaran. Hindi rin ako nagpaplantsa ng damit, except for formal and special occasions, dahil nagtitipid rin ako sa kuryente (yeah, yun talaga ang reason? *hahaha*).

yccos said...

Haha.. Winner ang *FLUSH* moments. At mahal ko ang 360 degrees spin mop. Gamit namin yan ng mga bagets ko sa classroom.

Kita ko nga sa office dati, halos di na gumalaw sa upuan mo. Lols.

Para kang housemate ko, yung mga tirang food ilalagay sa ref, sasabihin ko na lang sa kanila na meron sila nun kapag itatapon ko na :D :D

Overthinker Palaboy said...

Tinatamad ka na rin magpost? Hahahaha.

Ako kapag tamad maglaba ng pantalon, bumibili na lang ng bago tapos diretso suot. Hahaha.

mike said...

i don't think na your tamad, you are just practical. di ba??

:)

eligadz said...

minsan yung katamaran nagiging sanhi ng pagiging "maparaan". medyo nakakadiri lang yung pagflush ng kanin sa banyo.

Marshee said...

hahaha GRABE! ok pa pala ako salamat pare i feel like a good person now HAHAHA. natawa ako dun sa walis tambo naexcite pa naman akong malaman kung ano gagawin mo para iresolve ang groundbreaking dilemma na iyan. sobra kang adik galing mo lang. hahaha.

AT naging precious tuloy yung comment mo sa blog ko knowing na lagi kang tinatamad magblog. rakenrol!

fiel-kun said...

ako naman tamad maglaba ng bedsheets at kumot... hong laki naman kaseeeeee... ang hirap pigain lol

RoVee™ said...

nice... we are totally opposite dude ^,^ gusto mo ako gumawa ng mga yan para sau ... lol ...

jep buendia said...

hahaha ang galing naman ng mga ginagawa mo :)
kakaiba na creative hahaha

siguro pag nabasa to ng nanay ko, hindi na niya ako pagsasabihan na maglinis ng kwarto lols :)

jobologist said...

glentot ubos ang libro mo sa sm batangas tapos trinay ko rin sa national bookstore sa market market wala...kaya nganga pa rin ako hanggang ngayon...bukas try ko sa megamol para sigurado na hahahha

Diane Writes said...

relate na relate! hahaha naniniwala ako, lahat tayo ay may unique kind of katamaran.. depende sa personality na lang yan haha

kapag hindi ka dinatnan ng katamaran sa buong buhay mo, pa check up ka din.. baka may diprensya ka haha

kalansaycollector said...

well well bakit nga naman kailangang gawin ang isang bagay kung pwede mo namang ipagawa sa iba? bwahaha..

uhmm ako? minsan tamad minsan masipag minsan pakitang tao. bwaahaha

Jenny said...

After kong basahin toh, napaisip ako. Ano kayang mangyayari, pag si Glenntot ang napangasawa mo? Hahahahaha

jhengpot said...

Relate much sa bandang huli. Pagkatapos mag-laba ng tatay ko (yes, sya ang naglalaba kasi tamad kami) eh isasampay ko yun o nung kapatid ko. After nun, basta na lang 'yun mauubos sa sampayan ng hindi tinutupi. Rekta suot na. Araw-araw para kaming namimitas ng dahon sa sampayan. Kapag naglaba na ulit si pudra at meron pang-nakasampay, tsaka namin tatanggalin at itatambak sa kwarto. Pero di pa rin yun itutupi. Tapos araw-araw kaming namamalantsa, di uubra yung isang bagsakan o lingguhang plantsa. Kakatamad.

John Michael Bueno said...

okay lang yan. mas mabuti nga tamad kesa naman pagod diba... tsaka what's your point? skip read ito.. tamad ako magbasa.... hahaha

Marjorie G said...

Naku akala ko pa man din tamad ako, pinagmukha mo tuloy akong masipag hahaha...

Senyor Iskwater said...

so tinamad ka na rin magpaliwanag kung bakit ka madalang magpost? paano na ang mga tinatamad mag-isip? kakarelate much ako sa sapatos na naluma na't lahat-lahat ay hindi nakatikim ng laba...

xinoko said...

I don't know if its just me or (waw ingles) maybe:

baka kelangan lang muna nating maging gurang para maging masipag at masinop.. ewan ko lang din

Anna Marie Dalusong said...

ay relate na relate ako hahaha

KikomaxXx said...

Yeah i know right.. so effort pala ang paggawa ng libro buti di ka tinamad on the process.. hahahaha...

zeimaya said...

right time will come sisipagin ka din... kasi e consider mo rin yung health mo siguro dahil bata ka pa kaya oks lang pero pag nagka pamilya ka na at nag ka anak.. sisipagin ka rin... sisipagin kang mag utos hahahahahahahahaha

Anonymous said...

nakakahiya ka.. and you call yourself human.
Hindi magtatagal, maghihirap ka at marealize mo na kailangan mo nang maging responsabling tao. kelan ka pa magbabago? kung saan may cancer ka na?

glentot said...

huh? I never call myself human.

ikloykolokoy said...

Hindi nga naman katamaran, innovation. hehehe

May maliit na butas sa ilalim ng desk sa office. Doon ko shinoshoot yung mga tira-tirang mga dumi sa pagkain, etc. panis. literally, panis. LOL

June | Life and Spices said...

TAMAD. lols. Wala namang masama wag lang sobra. Pero you really find way to make it less hard on your part.

jobologist said...

galit na galit si Anonymous...writer siguro siya ng wansapanataym at narealize niyang hindi effective yung show para baguhin ang katamaran ni glentot...or baka hindi siya talaga nanonood nun...maganda yung "hungry games" at wansapanatay presents zyril manabat in lara laro...baheheheh

chingoy, the great chef wannabe said...

lagot ka kay anonymous

ignored_genius said...

Da best yung "Walis Tambo Cycle". hehehe. yung sa sapatos at damit, magkapareho tayo sa mga bagay na yun. paulit ulit na suot (plus na, may naglalaba naman at nagpplantsa na sa min) at yung shoes na di nakakatikim ng linis mula ng nabili at napudpod. hehehe.

Mister Mischievous said...

hahahaha naligaw yata si Anonymous dito!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding