general motors diet

Minsan na lang ako magbloghop, ikaka-bother ko pa pala nang matindi. Napadaan kasi ako sa blog ni Jepoy, yung blogger na nagpapanggap na balingkinitan. Eh sabi dun sa post nya, he lost 84 kilos daw dahil sa General Motors Diet. Amazzzing, knowing yan si Jepoy personally, kumakain yan ng lard. Kung nag-lose talaga sya ng weight, either nag-work yung GM Diet, or may pina-amputate sya sa katawan nya. So sabi ng puso kong inggitero much, Dapat matry ko rin yan.

NOT that I need it that much hindi naman ako masyadong obese. Nasa gitna lang ng Stage 4 chunky and morbidly chubby.  I just need to lose .027 pounds.

Eto ang tinatawag na GM Diet. More Fruits, More Veggies, More Fun!



Eh saktong darating si Mudrax Doris from Baguio, kaya nung nakapagdesisyon na ako na gawin ang GM Diet, nagpabili ako sa kanya ng fruits and veggies. Now is the time.

Day One Fruits


This set of fruits is brought to you by Doris. Ewan ko bakit ayaw ma-rotate nyang picture nung inupload ko. May bayad na ba mag-rotate?

So all day and all night akong nagprutas and uminom ng maraming maraming tubig during my shift, habang yung katabi ko nung lunch eh kumakain ng pritong bangus! Sarap na sarap sya, parang gusto kong hablutin yung bangus nya. Now I know and understand ang pakiramdam ni Katniss.

Pag-uwi ko sa bahay, fruits pa rin ang kinain ko. Si Doris naman had a bright idea, nagluto sya ng longaniza. Amoy na amoy ko yung halimuyak. Pero pinigil ko ang urges ko at natulog na lang ako nung sumakit na ang ulo ko. #criedmyselftosleep

Day Two Veggies


Did you know na kapag nginuya mo ang brocolli nang very very slow ay magiging lasang corn siya? Pwede ring naghahallucinate na ako noon kasi nga deprived ako sa kanin at karne.

And just so you know, hindi pa rin ako nagpupu. Two days na. Bakit kaya? Tapos sumasakit pa rin ang ulo ko. At nararamdaman ko talaga yung gutom ko, gumuguhit pataas. Hinang-hina ako and I'm not my usual lively witty fun self.

Anyway I weighed myself para makita ko ang progress ko. Kinuha ko rin ang aking body mass index at blood pressure at fat index at pulse rate at pasado naman lahat. Umay na ako sa gulay kaya hindi ko na kinain. Tiniis ko talaga ang gutom ko buong shift hanggang sa noong pauwi na ako. And then.



Day Three Fruits and Veggies Combo Meal

Ang sakit sakit na ng ulo ko. Sabi sa mga online forums, psychosomatic lang daw ang pagsakit. Kaso parang gusto ko rin manakit ng tao. Psychosomatic pa rin kaya kapag nanampal ako bigla? Ang bilis kong mapikon today at ayaw kong binibiro ako.

Buong shift kong tiniis ang pananakit ng ulo ko. Umiiwas pa rin ako sa kanin. Veggies kung veggies. Fruits kung fruits. And then suddenly nag-message sa akin ang boss ko during shift, nandiyan na daw yung in-order kong lechon. HALA! Nawala sa isip ko na nag-order pala ako sa kanya last week. Pero OK lang kasi nandiyan naman si Doris, siya na lang ang kakain.


Ang sarap.

Kudos talaga sa boss ko kasi ang galing ng pagkakaluto, hindi nakakaumay, kahit yung laman-laman malasa talaga. One kilo na oorderin ko next time.

ANYWAY actually, hindi naman nasira ang pag-diet ko kasi sabi ng boss ko, vegetarian yung baboy na kinatay. That's why it's called organic lechon. So technically, I'm still eating veggies.

And veggies din ang rice kasi plant yun diba.

Nagweigh ako uli, I lost .5 kilos which is 1 pound. Not only am I on the right track, na-exceed ko pa yung goal ko.

 Day 4 Milk and Bananas

Joke ba ito? HA HA. Skipping this day.

Day 5 Tomatoes and Rice

Um-attend ako ng birthday ng anak ng former officemate ko. Bale nag-one cup of rice lang ako. Kaso walang tomatoes. Buti na lang merong alternative na fish fillet, beef and mushrooms, chicken cordon bleu, sanz rival at ice cream so I think that should make up for the lack of tomatoes.

Day 6 Vegetable Day

Sabi dun sa GM Diet kung hindi mo nagawa yung 7 days na dire-diretso you can start all over again sa Day 1 yeah hahaha good luck with that.

Day 7 Rice and Veggies

You're still reading? LOL.

So in conclusion GM Diet really works bye.

One more conclusion huwag basta basta sasabak sa diet without proper research and preparation.

And one more conclusion kung mataba ako, eh di mataba bye!!! 

27 comments. Post your comment here.:

RoVee™ said...

dont worry dude, cute naman ang pagiging mataba ^,^ tsaka may karamay ka, ako haha


seriously konting exercise lang yan or mag jog ka minimum 30mins taz lessen mo rice mo, for sure, papayat ka.. it will take time pero at least may improvement ..

Otakore Literantadodist said...

Nag-ganyan-ganyan rin ako dati. Totoo yun na sasakit yung ulo pag sumabak ka sa ganyang diet.

Nag lose ako ng 21 pounds pero di ko natiis, eventually, mas kumain ako ng marami.

Pero ang goal ko kasi maging lean lang, yung tama lang. Ang ginawa ko, naging habit ko na tumatakbo ng 5k or 10k thrice a week. Okay naman yung result, di ako tumataba kahit kumain ako ng masasarap :)

Mamon said...

lakas ng tawa ko sa morbidly chubby :))
dapat ng carbo- and protein-loading ka muna bago mag GM diet para may reserve pa sa katawan mo, parang bear lang na magha-hibernate :))

khantotantra said...

hahahha, grabe naman dun sa amputate thingy for jepoy kapag nabawasan ng timbang.

Anhirap naman ng diet na yan... walang lasa ang fruits and veggies much... parang hahanap-hanapin mo yung pork, chicken, beef. lols

Traveliztera said...

Nag try ako nung ganito dati and hay nako sira mood ko haha! Tapos nag restricted calories nalang ako without having to choose what to eat... tapos ngayon KAHIT ANO GAMEEEE! hahaha! basta mag eenjoy ako!

Diane Writes said...

Lakas ng tawa ko sa pag-appear ng pambansang bubuyog ahahaha Sa lahat ng nabsa ko na dumaan sa ganitong diet.. common complain yung sinasapian ng katawan ng babaeng may period :) Gusto ko tuloy i-try, hanggat wala pa akong klase

jobologist said...

ang sarap nung lechon...bahahahaha hirap tanggihan...

June | Life and Spices said...

Sayang. si ka tumagal glen! next time na lang. At kung di mo mapagtagumpayan ulitin mo na lang..

KULAPITOT said...

Sarap kumaen bawal diet diet haha

Anonymous said...

Diet is just DIE with a T...hahahaha!tama na hawt body mo idol.kakyot kyot e!! -Ungaz

zeimaya said...

Diet hahahaha nakita ko yang GM diet na yan.. sinubok ko pero day 1 pa lang bagsak na ako, magluto ba naman ng pakbet ang jowaers kung hubby .. so to hell if mataba basta cute naman hehehehehe... pero di dapat ganun we should watch for our health kasi health is wealth sabi nga.. kaya kahit lumalamon ako ng lamon na sandamakmak kailangan ko rin sunugin ang mga fatz na na collect ko ng kakalamon, exercise not necessary na you have to go to the gym, maglakad lakad ka ng 30 min para matagtag ang taba at mapunta sa bowel movement ng yung katawan, tapos drink lots and lots of water.

Geosef Garcia said...

Para sa'kin, hawt na hawt ka na idol. :)

Anonymous said...

kaya ako pabalik balik sa .com na ito ay dahil na papagaan nito ang stressful na trabaho ko.. Thank you so much Sir Glen.. :)

joeyvelunta said...

hahahahaha may roon palang ganito? "Nasa gitna lang ng Stage 4 chunky and morbidly chubby"

Mahirap po talaga yang mga ganyang diet. Tinesting muna sa hayop yan tapos angwork kaya sinubukan sa tao hahaha. Juklang!

Nabigla siguro yung katawan mo sa diet na yan. Di kaagad nakapagadjust.

iya_khin said...

hahahahah!!! di naman advisable na mag GM diet agad-agad at hindi ka din dyan papayat basta-basta. you need proper DIET and a proper EXERCISE!

hindi naman sinabi na ideprayb mo sarili mo sa pagkain, dapat alam mo lang ang tamang kain at hindi lamon!

lalo na pagnag uumpisa ka palang, mahirap talaga kaya mali ang ganyan agad.

hehe! ok lang kahit mataba ka, kyut ka naman!! inuman na!!!! :*

k0tz said...

naku.. ang hirap naman ata ng diet na to. parang nakakamatay.. lol.. chubbies are cute! lol

YOW said...

Okay, nagpaparamdam lang. Alam mo bang masyado din akong nagtiwala kay Jepoy at nag-balak ako subukin ang diet na ito? Kaso nasa planning pa rin siya for the past 2 weeks.

Mahina ako. Marupok. Vulnerable.
Lubayan yang GM diet na yan, sa mga Indians lang siya nagwowork. LOL

Ikaw na sexy, Jeps. Balingkinitan!

Mister Mischievous said...

mag Paleo diet ka hehhehe ok rin ung to stay chubby. sabi nga nang kabit ko, este kaibigan pala, gustong-gusto raw nya akong ihug dahil chubby ako. parang unan lang ung peg heheheh

kalansaycollector said...

wahahaha! jusko hindi uubra sa akin ang diet diet na yan!

i love eating. hihi

pero infair natutunan ko nang magone rice na lang every meal. im so proud of myself. haha

chilaxjukebox said...

pota ang sarap nung lechon :(
orderan mo naman ako.....hehe

ZaiZai said...

Galing! Sobra sobra pa sa .027 pounds ang na lose mo. Baka underweight ka na Glen! :)

MITCH said...

I love fruits, I usually make it into smoothies :9

xx,
felishmichelle.blogspot.com

BisayaBlogger said...

Ang hirap palang hanapin ng book mo sa cebu. Buti nalng nakuha ko last copy sa ayala cebu. hahaha

anotherbisayablogger.wordpress.com

gillboard said...

parang ganyang ganyan din naranasan ko nang sinubukan ko yang general motors diet!

buti na lang tinigdas ako kaya ako namayat. lol

Guyrony said...

Made me laugh.

Not because you couldn't stick to the plan but with your comic lines.

And you are correct, with proper research and preparation (mind set), you can achieve the weight you want to.

Marjorie G said...

Nagtry ako minsan mag detox, yung puro fruits lang kinakain, ang alam ko lang hindi ako masigla nang mga panahong yun haha... Nabasa ko na dati yang GM diet pero baka pag ginawa ko yan wala nang matira sa akin haha...

Senyor Iskwater said...

Nakakainit naman ng ulo ang GM Diet na yan! Di ko keri! Mabuti naman at pialaya mo ang sarili mo sa kalokohang yan! bwahahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding