happy birthday khikhi

Madalas kong makitang lasing si Khikhi noong college. Ewan ko ba, adik na adik yun noon sa alcohol. Nag-aaral naman siyang mabuti at hindi nya pinapabayaan ang attendance at grades nya, pero tangina, wasted kung wasted. At hindi namin siya pinipilit, in fact madalas siya ang nag-oorganize ng inuman.

Five days ang pagitan ng birthday namin ni Khikhi  kaya madalas kami magcelebrate nang sabay. At sa mga celebrations na yun, madalas may alak. Well kahit naman walang birthday, laging may alak na involved sa pagkakaibigan namin.

Masarap kainuman si Khikhi pero madalas nakakabwisit rin.



Maliit lang ang pantog ni Khikhi. No, hindi ko pa nakikita ang pantog nya at ang iba nya pang internal organs. Kaya ko nasabi dahil every five minutes sya nagsi-CR. I'm not exaggerating.

Noong nasa dorm pa ako at dumadalaw doon si Khkihi para makipag-inuman sa amin, yun ang ikinakainis ko sa kanya, kasi gusto nyang ihatid ko siya sa girls CR tuwing maiihi sya. Eh yung CR ng girls, nasa mas mataas na floor, so aakyat pa kami, at maya-maya kami umakyat. Kahit naiinis ako, sinasamahan ko siya, pero kapag lasing na sya, dun ko na siya pinapa-CR sa boys kasi mas malapit. Hindi naman nya nahahalata.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may binabalak talagang masama sa akin si Khikhi kapag lasing na ako eh like makita akong gumugulong sa hagdan o umiinom ng toyo. Kaya madalas nyang pagtangkaang lagyan ng vetsin ang beer ko.

Para sa kaalaman ng lahat, nakakahilo ang vetsin. Try it!

One time, nag-inuman kami at nung magpaalam ako na uuwi na ako, ayaw nila akong pauwiin. So Khikhi had a bright idea: palihim na lagyan ng vetsin ang beer ko para mahilo ako at hindi makauwi.

I should mention na nung naisip ni Khikhi na lagyan ng vetsin ang beer ko eh lasing na rin siya. At habang patagal nang patagal ang inuman, lalo syang nalalasing. Yes, kasi yung beer with vetsin na inihanda nya para sa akin, siya rin ang umiinom.

To make matters worse (for her) matapos kaming uminom, nagkayayaan kaming kumain ng goto. Sabi nya, ilibre ko daw sya, pumayag naman ako, lalo pa at ipinabitbit nya sa akin yung coin purse nya containing all her money. So nilibre ko sya ng goto gamit ang pera nya. Syempre hindi nya alam, kaya tuwang-tuwa sya, thank you pa nang thank you. You're welcome Khikhi.

In fairness to Khikhi, alam ko kaya nya ako binivetsin bilang ganti na rin sa lahat ng times na nilagyan ko ng upos ng sigarilyo ang beer nya soweee.

Buti nga eh nalampasan na ni Khikhi yung phase nya na iiyak sya kapag lasing. Emo kung emo. Lahat na lang ng problema nya, naaalala nya kapag lasing sya. Kung ilang beses syang na-brokenhearted, na-traydor, natalo sa singing contest, etc.

One moment nagtatawanan pa kami habang tumatagay, tapos biglang mapapatingin sya sa malayo, tapos umiiyak na pala sya, while saying "Bakit ganun? Ang sakit sakit..."

May time na habang nagwawala sya, naisipan kong i-record ang mga pinagngangawa nya. So dinampot ko ang aking cassette recorder (oo cassette LOL) at nirecord ang mga linya nya like "Bakit hindi nya ako mahal? etc etc" only to find out kinabukasan na napatungan ko ng pag-iyak nya yung tape ko ng Eraserheads. Bwisit.

In fairness kay Khikhi hindi naman sya madalas magsuka. Once ko pa lang sya nakitang sumuka, and it was DISGUSTING.

Khikhi's height is 5' flat.

One time, nag-inuman kami sa balcony ng boarding house ng isang barkada namin. Ang balcony nila ay may mataas na railings....

Nung nahilo na si Khikhi at nagdecide sya na gusto nyang sumuka, imbes na tumakbo sya sa CR (na nasa tabi nya lang), tumakbo sya sa balcony at doon sumuka. Pero dahil mataas ang railings, hindi nya masyadong maabot, halos nakasampay lang ang baba nya sa railings. Kaya sumuka sya nang nakatingala. Lahat ng suka nya, nasa leeg at dibdib nya. Very nice work.

Yung isang barkada namin, crush na crush ni Khikhi that time. As in. Dahil naawa siguro yung crush nya sa itsura ni Khikhi na puro suka ang damit, sya na ang nagkusang linisin si Khikhi, punasan at bihisan ng malinis na damit. Sweet...

Khikhi: (kinabukasan) Talaga best? Siya ang nagbihis sa akin? *kilig*

Me: Oo.

Khikhi: Paano best? Saan?

Me: Sa harap naming lahat, habang nag-iinuman kami.

Khikhi: TANGINA! BEST!!!

This is the same guy na sumipa sa pinto ng CR nung minsang umiihi si Khikhi. Nahuli tuloy namin sya sa akto at nakita namin ang kanyang Poughkeepsie (na hanggang ngayon eh dinideny nya pa rin).

My favorite Khikhi moments are 1) Lasing siya or 2) Nagpapanic sya. And nung minsang nag-birthday kami, nasaksihan ko yun, sabay. As usual we were getting druuuunk na parang wala nang bukas. Syempre hataw na hataw kami kasi Saturday night naman, walang pasok kinabukasan. Galit na galit siya sa alcohol.

Nang malasing na ang lahat, biglang nag-ring ang phone ni Khikhi. Tumatawag si Bruhilda, yung isa naming barkada na classmate nya sa Nursing subjects nya.

Khikhi: Hello best?

Bruhilda: Nasaan ka best?

Khikhi: Katatapos lang magshot best, matutulog pa lang ako best.

Bruhilda: TANGA MAY DUTY TAYO! BEST!!!

Hindi ko alam kung alin ang pinakamabilis na nagawa ni Khikhi: magbihis, magbyahe o magtanggal ng tama, dahil wala syang inaksayang sandali, nagreport talaga sya ng duty sa hospital. Good luck na lang doon sa doctor na in-assist nya. At good luck sa pasyente.

Hindi mahirap yayain si Khikhi sa inuman. Yung ibang friends namin, papilit. Kapag tinext mo, maraming tanong. Sinong kasama? Saan? Anong oras uuwi?

Naalala ko, one time, during exam week, tinext ko si Khikhi para uminom. Isa lang ang reply nya sa akin: "njan n q"

Dahil madali siyang yayain, madali rin syang utusan na dumaan sa grocery para bumili ng alak na iinumin namin. One time, habang naghihintay kami sa dorm, dumating si Khikhi carrying two big plastic bags ng alak... while still wearing her nurse uniform. Ako ang nahiya para sa kanya...

And lastly, like most of us, si Khikhi ay Inglatera pag lasing. Kapag tapos na syang umiyak, magsuka, magwala, umihi sa kung saan-saan, nag-eEnglish na sya.

One time sa Baguio matapos mag-inuman, nagkayayaan kaming mag-Chowking. Any normal person would know na malamig sa Baguio sa kalye sa madaling araw. Not Khikhi. Lumabas sya wearing her plunging shirt and mini skirt.

Habang nangangatog sya sa lamig, bigla nyang hinablot ang kamay ko, and nung tinignan ko ang mukha nya, para syang si Rose sa Titanic nung nakabilad na sya sa Atlantic Ocean. With foggy breath and cracking voice and tears in her eyes sabi nya sa akin...

"B-b-b-best.... I sh-sh-shiv-v-ver..."

Labyu Khikhi happy birthday! 

18 comments. Post your comment here.:

YOW said...

Ang sakit sa ulo ng I sh-sh-shiv-v-ver. HAHAHAHA. Happy Birthday Khiks! Ang buti mong kaibigan Glentot.

Jenny said...

Mahirap maging kaibigan si Glentot, ibubunyag lahat ng kababuyan mo pag birthday mo. hahaha

June | Life and Spices said...

Swerte pa din ni Khi kasi she have a friend like you. And I know she feels the same thing towards you. Nakakaingit ang mga kalokohan niyong dalawa.

Marjorie G said...

Isang napakagandang pabirthday naman to hahaha... Akala ko naubusan ka na ng Khikhi stories, hindi pa pala. Happy birthday Khikhi!

Rix said...

isama mo na lang si khikhi sa baler.... nagsosolo ka eh ahahaha

khantotantra said...

hahahah, siguro si khikhi na ang bestpren/ kapatid mo sa ibang ina,
kakaibang closeness!

habertdei sa kanya at sa iyo :D

Senyor Iskwater said...

kaka-in love talaga si khikhi! wala ba talagang nangyari sa inyo nung mga may amatz kayo? ung totoo

Pao Kun said...

Happy birthday Khikhi! :D Iba ka talaga, parang isinilang ka talaga para pasayahin ang mga nasa paligid mo. haha

Kai Brillantes said...

Happy happy birthday po :)
Kaibril's Sweet Life

kalansaycollector said...

bwahahahaha super funny. hahahahahahahahahappy birthday khi khi! ayan tawid tawid na ang pagtawa ko sa pagbati sa kaniya. haha

ang kyut niyong magbestie! hihi the best yung nilibre mo siya sa sarili niyang pera. bwahaha

EssayniPayoyo said...

Yung tanong ko pareho sa tanong ni Senyor. WALA BA TALAGA?!! KAHIT NA NAG-ALA ROSE NG TITANIC NA SIYA NA NAKA-PLUNGING TOP AT MINISKIRT?!

JoboFlores said...

that guy...na nagbihis sa kanya at naging dahilan ng pagkalantad ng kanyang hiyas sa harapan inyo....ang tindi nang pagnanasa niya kay khikhi...pero i swear parang nakita ko na siya in person....sa yes camp ata, or sa hospital sa dagupan...basta familiar yung mukha ni khikhi

tadong daniel said...

Khikhi! Hahahaha. So magbi-birthday ka na rin pala, sir! Advance! :)

ignored_genius said...

Best birthday greeting post ever. hehehe. Happy birthday sa inyo ni Khikhi.

Mister Mischievous said...

ikaw na talaha Khi-khi! number 1 fan mo na ako! heheh

Olivr said...

sana mapatawad ka ni khikhi sa post mong to. pero hberday khikhi!

ZaiZai said...

Hindi ako maka get over sa pagsuka ni Khikhi sa sarili nya haha! Isang super belated happy birthday sa kanya, sana ang lashengan moments ulit kayo :)

xinoko said...

maliit lang yung khiki, five flat eh :p

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding