how to videoke

Hey Kids. Videoke, one of our national hobbies, should be taken seriously. Hindi ito simpleng pampalipas oras lang. Kahihiyan ang nakasalalay dito. Sa bawat imbitasyon na matatanggap mo na mag-videoke, mahalaga na uuwi kang intact ang dignidad. And here are a few points to consider para naman maging kaaya-aya ang iyong videoke experience.

Pick the right song. Dito nagsisimula ang lahat at ang awiting mapipili mo ang magsasabi kung magtatagumpay ka o hindi ka na maiimbita sa videoke uli. I'm not saying pakaiwasan mo si Mariah Carey o Aerosmith pero minsan kasi hindi naman tugma yung baon mong confidence sa taglay mong skills. Pakiramdaman mo rin.

Kung alam mong #walakangtalent makuntento ka na sa Jose Mari Chan or Natalie Imbruglia (specifically, Torn). Huwag kantahin ang Through The Fire unless nagjojoke ka lang. Sige i-try mo. Yung seryoso ka. Pagtapos ng kanta mo, tingnan mo sa mata ang mga kasama mo, tila nangungusap at nagsasabing #judgingyou #judgingyourightnow #yousuck

There's this one time akala ko kaya ko si Jason Mraz. Hindi pala. Buti hindi nya ako narinig. At least may lesson learned ako noong araw na yun.

Piliin mabuti ang iyong aawitin pero wag naman masyadong magtagal sa pamimili. Kaya importanteng meron kang list ng "default songs": mga awiting sigurado kang maitatawid mo nang matiwasay. A few examples ay Wherever You Will Go at Torete. Ilista mo na ito sa cellphone mo para madali mo na lang hanapin sa next videoke session.

Yung friend kong si Rose, lagi kami nagvivideoke noon. Lagi nyang kinakanta ang Sway. Umulan umaraw bumagyo lumindol, Sway. Kasi kayang-kaya nya. Minsan sumugal sya ng It's All Coming Back To Me Now. Tuwing dadapo sya sa high notes, lumuluwa ang mata nya. Hindi na nya inulit.

May favorite song ka ba? HUWAG MO ITONG KANTAHIN. Tatraydorin mo lang ang sarili mo at baka pagtapos ng iyong song number, hindi mo na ito favorite. Nangyari ito sa akin nung kinanta ko ang Bohemian Rhapsody.

Kung hindi mo naman makontrol ang sarili mong urges at pakiramdam mo kailangang-kailangan mong kumanta ng Celine Dion o Josh Groban, paghandaan mo na yung mga matataas na parte. Mamili between trying to hit that note, or your dignity. Most do not choose dignity (#judgingyou)

Pwede kang mag-cheat like ilayo mo yung mic sa bibig mo. Or isigaw mo yung mataas na tono at magpray. Pwede ring ipilit mo talaga sa falsetto. Ginusto mo yan, magdusa ka. Is it worth it?

Pakaiwasan na sumunod sa taong alam mong magaling kumanta. Huwag kang tatabi dun. Pagtapos nyang kumanta ng All By Myself at sinundan pa ng Total Eclipse Of The Heart at tinapos sa I Will Always Love You na walang kahirap-hirap at walang sabit, huwag mong isusunod yung sarili mong pa-sweet version ng  When You Say Nothing At All. Nakakahiya ka. Maha-highlight yung mga kakulangan mo at macocompare sa achievements nya. I-cancel mo yung song na nilagay mo tapos mag-CR ka muna.

Avoid long instrumental sections para hindi ka magmukhang tanga. So nakapili ka na ng kantang pasok sa iyong kakayahan. So nagkaroon ka na ng self-confidence para bumirit. So maganda ang tanggap ng audience sa pagkanta mo. And then nagkaroon ng instrumental. So nakatanga kayong lahat sa screen, naghihintay. Ang tagal... pinagpapawisan na yung kamay mo sa mic. Ang awkward. Uminom ka ng beer. Sumubo ka ng sisig. Saka naman nagstart uli kung kelan puno na yung bibig mo. Kingina.

So dapat habang namimili ka ng song, isipin mong maigi. Mahaba ba yung instrumental nito?

Isipin mo rin yung ending. Repeat till fade ba ito? Paulit-ulit yung chorus. Pagod ka na hindi pa rin tapos? Matatapos na yung 1 Hour rent nyo hindi pa rin tapos?

You know what your bestfriend is? Alcohol. More more alak, but not for you... for your friends. Habang mas nalalasing sila, mas natatanggap nila ang pagkatao mo pag nakahawak ng mic. Mapapatawad nila yung mga tonong hindi mo naabot at mga kinapos sa paghinga mo. Basta more more beer. Malalaman mong nalalasing na sila kapag yung isa sa kanila eh kumanta na ng Zombie.

One time akala ko lasing na yung mga kainuman ko kaya kumanta ako ng isang awitin ng Coldplay na pinamagatang Yellow. Hindi ko natapos yung kanta kasi pagtungtong ko doon sa mataas na part, nagsuka ako. Mas nauna pala akong nalasing. Hindi ko naman pwedeng sisihin ang Coldplay. I only have myself to blame.

Natutunan ko rin na if you can't sing, mag-rap ka. Wala namang papansin sa tono mo pag nagrarap no. Ayusin mo lang yung pronunciation mo at make sure na masasabayan mo talaga si Nicki Minaj o si Eminem and everybody will have a good time.

Habang may kumakanta, konting respeto naman guys! Huwag naman kayong magkwentuhan na mas malakas pa sa boses nung kumakanta. Yung iba nagtetext, nagbobrowse, umaalis. Syempre nasasaktan rin yung tao, pinaghandaan nya rin naman yung song number nya tapos ganun...

One time kumakanta yung officemate ko ng Regine Velasquez (Dadalhin) tapos nung bibirit na sya sabi ko "Matagal pa ba yan?" ayun hindi nya na tinuloy :(

Wag rin gawing ugali yung mang-correct ng pronunciation that's just a big no-no. Guys, nakakabastos yung pagtatawanan nyo yung kasama nyong kumanta ng Titanium eh "nakalimutan" nya na silent T pala yung "ricochet".

#RICOSHETTT

After a while kapag nagiging boring na ang videoke session nyo, you can play this game called Categories kung saan lahat kayo ay kakanta ng isang song sa napagkasunduan nyong category like for example "90s Boy Bands" or "Divas" or "Mga Patay na Divas" or "One Hit Wonders" or "Mga Patay Na One Hit Wonders" and it goes on and on and on kthnxbye Kids mwahchupa.

25 comments. Post your comment here.:

YOW said...

Nice post! Very informational. Please visit my blog at itsyowtime.blogspot.com

HAHAHAHAHAHA.

Nagvideoke lang kami last week for Kamilkshake's birthday. Nagawa ko lahat ng sinabi mo dito kaya di na lang ako kumanta. LOL

RoVee™ said...

hahaa funny and nakakarelate na naman ako haha kulit lang ^_^

June | Life and Spices said...

Hahahaha I miss you Glentot. Pocha wala ka pa ring kupas. Anung favorite song mo? Tara inuman? hahaha

Bulingit said...

Ricocheeeetttt!! hahahaha.. nakaka aliw pa rin magbasa dito. na miss ko to.. hehehe..

Videoke tayo!! kakanta ako ng.. uhhmmm.. ... ... ... ...
kayo nalang kumanta.. hahaha

iya_khin said...

hahaha! kung nakasama ka lang sana dati sa boracay nakita mo sana kung paano ako naglupasay ng pakantahin ako nila ng "isang lahi" puteek mauubos ang lahi ko! waaaah!!

Wobi said...

Kinanta ko rin yung Bohemian Rhapsody. Pero lasing na lasing na ko nun kaya lusot. -- Gideon

Mamon said...

ang default categories namin ay divas, girl bands, laslas pulso at gilit litid songs. Syempre di mawawala ang spice girls at si marseng Mariah. hehe

kalansaycollector said...

bongga nag-cacategories din kami ng mga friends ko kapag nagbibidyoke kami. haha ang fave category ko ay "a song that describes what you feel right now." i di ba? pak na pak! hihi

syempre may peyb akong kinakanta. ang 'i can' sa doremi movie nina donna, regine at mikee! winner yun. minsan 'crush ng bayan' ni cris villongco!

i looove this post. it changed my life. chos.

Senyor Iskwater said...

Nakanta ka ba? di ko pa nawitness! Pero alam ko fave mo A1 na boy band diba?

chilaxjukebox said...

@senyor iskawater: parang ang natandaan kong sinabi nya sakin na favorite nya, one direction daw e, nakabili na nga siya ng VIP ticket para sa concert nila.

@glenn: naconscious na tuloy ako makipagvideoke, sapul na sapul ako e..hahahaha

pnx said...

tara videoke tayo, timing di tayo nagkikita hahaha sa July 2-4 Mla uli ako pero super busy uwi din right after office ng 4 so next time uli

khantotantra said...

informative much ang post!

true, dapat sa kaya lang ng boses ang song choice.

no no ang mga birit songs na makaputol litid

tadong daniel said...

Sobrang tawa ako sa nag-comment na pinakanta sa Boracay ng "Isang Lahi" Hahahaha.

Ako rito 'yung walang handang kanta tapos 15 minutes nasa akin 'yung song book tapos wala pa ring mapili. -.- hahahaha

Marjorie G said...

Dapat talaga may list ka nang nakahanda sa phone ng songs para anytime na magbi videoke ready ka na at hindi ka na magpepretend mag-isip ng kakantahin. Mas bothered ako sa mga sumasabay sayo habang kumakanta ka na with another mic kesa dun sa mga nagkukwentuhan or nagtetext. Feeling ko kung sino may hawak ng mic, dapat siya lang, moment nya yun, unless duet ang kakantahin nya then fine pero kung pang solo dapat walang agawan ng spotlight :))

Jenny said...
This comment has been removed by the author.
Jenny said...

Oi nakakabuyset din yung feeling concert niya ang gabi. Tipong lahat ng songs na nakaselect eh kanya, tapos makasingit ka man, pinindot pa yung cancel nung song mo na dahil umihi ka. Bwiset di ba? Haha may mga time pa na pag nagiisa ka lang tapos walang mic kaya mong kantahin yung high notes, pero pag may mic na at tugtog, lanja! Biglaan ang piyok. Kainis lang. Gusto kitang makavideoke Glenn! Tipong "Ang kawawang cowboy" o kaya "Tukso" ang kakantahin natin.

Ms. Leeh said...

super relate! nabu-ang ako sa kakatawa.. dahil mahilig ako makipag videoke dati.. medyo matagal naring hindi.. dahil marami naring kahihiyan ang naranasan ko.. kaya siguro hindi narin ako nahilig dyan sa ngayon... wahaha..

panalo itong post mo.. worth it basahin talaga ever..!!

Boffill Bernardes said...

Nakakabadtrip rin sa videoke yung kumakanta ka na, ikaw na yung may hawak ng mic at lahat tapos yung katabi mo nakikisabay sa pagkanta and mas malakas pa yung boses niya sayo. Haha.

ZaiZai said...

#RICOSHETTT haha!

Salamat sa tips Glenn! Wala akong talent sa kanta so shut up ako pag may videoke. Pag pinilit ako, kakanta ako pero sa loob loob ko "pag sisisihan nyo to" at tama, pinag sisihan nga nilang pinakanta pa nila ako haha.

JoboFlores said...

hahahhaah natawa ako sa category na patay na diva..but anyways suicide song din yung this is the moment...

Hello Lysa said...

Hahaha! "May favorite song ka ba? HUWAG MO ITONG KANTAHIN. Tatraydorin mo lang ang sarili mo at baka pagtapos ng iyong song number, hindi mo na ito favorite. Nangyari ito sa akin nung kinanta ko ang Bohemian Rhapsody."

Di nga? Ako rin! Nahirapan ako dun sa biglang tataas at bababang nota. Hahaha. Ang kinalabasan? Para akong biik na lilitsunin! lol.

pusongmangga said...

masubukan nga... ahaha!

k0tz said...

gusto ko ang Stupid Love! ahihihi. nice!! Masunod nga yung mga payo na to.

bagotilyoako said...

napa ROTFl ako dun sa payo mong wag kumanta ng pa-sweet na when you say nothing at all pagkatapos may kumanta ng birit songs with conviction. haha

Eh yung moment na may nagkekwentuhan , isa sa kaliwa , isa sa kanan mo. Nasa gitna ka at kumakanta. Ni rehearse ko pa naman yung song T_T , ni rehearse ko nung moment na yun :p

Mac Callister said...

jan ako tumitiklop sa videokehan nawawala ang kanpidens ko. LOL andaldal ko pa naman sa personal kaso pag kantahan na tyope ako. and salamat na din sa payo hehe ang informative! tseh

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding