bangungot #3

Akala ko ang meaning ng bangungot ay "bad dream" kaya madalas kong sabihing "binangungot" ako. Ang meaning pala nito eh "sudden unknown death syndrome", according to Wikipedia. Ang morbid. Now I'm going to pretend hindi ko nabasa yun so I'll continue saying "binangungot" ako as if anyone cares.

Madalas akong managinip recently. Hindi naman masamang panaginip pero hindi rin maganda.

Una yung natulog ako sa sofa habang nakasindi ang TV at nakatutok sa Channel 2. Manonood dapat ako ng The Voice kaya umidlip ako habang The Buzz kaso yung idlip ko nagdire-diretso hanggang O Shopping.

Alam mo yung nangyayari sa iyo in real life habang natutulog ka eh humahalo sa panaginip mo?

At alam mo yung hindi mo alam na nananaginip ka, akala mo totoo, pero napapansin mong may mali? Ganun yung naramdaman ko nung nasa department store ako at bumibili ng Coocan Diamond Ceramic Pots set.



Kahit sinabi ko sa saleslady (na lalaki ang boses, siguro lalaki ang nagsasalita sa TV that time) na OK bibili na ako, wala syang tigil sa kanyang sales spiel.

"Sa ordinary na pots, dumidikit ang pagkain, ang hirap hugasan, pero sa Coocan Diamond Ceramic Pots set, Oh my God ang bilis hugasan!"

P1,300 ang presyo ng Coocan Diamond Ceramic Pots set kaya inabot ko na kay Ate ang aking credit card at naghintay habang nilalagay nya sa box ang mga pots. Napaisip pa ako, Matutuwa nito si Doris pagdating niya! May free pang dishwashing liquid!

Eh bigla akong nagising. Patuloy pa rin si Kuya sa spiel nya sa Coocan Ceramic Pots Set. At tangina tapos na ang The Voice!

Hindi naman talaga considered na bad dream pero kasi nadismaya lang ako, dahil sa sa O Shopping, P3,900 ang presyo ng Coocan Diamond Ceramic Pots set, eh sa panaginip ko P1,300 lang. May free pang dishwashing liquid.

Nanaginip ka na ba yung may gustong pumatay sayo? Ako madalas.

Noon nanaginip ako na hinahabol ako ng werewolf sa gubat. Eh habang tumatakbo, out of nowhere may naghagis sa akin ng jumping rope kaya nag-jumping rope ako palayo hanggang sa malimutan ko na yung werewolf kasi nag-enjoy na ako sa jumping rope.

Nanaginip rin ako na nasa bahay ako tapos may pumasok na serial killer at may hawak na patalim. Hindi ko siya kilala at hindi ko sya namukhaan. And just like a dumb horror movie character, nagtago ako sa pinakasafe na lugar na naisip ko: sa likod ng kurtina. Ayun agad naman nya akong natagpuan. Mula sa kurtinang see-through nakita kong dahan-dahan syang lumapit, hawak ang patalim at malapit nya na akong tusukin. Sa tindi ng kaba ko nagising akong nagpa-palpitate.

Two weeks ago may gusto na namang pumatay sa akin. This time, kilala ko na. Si Mariah Carey.

Nanonood ako ng TV nang marinig kong may nag-iingay sa may pinto. Nabosesan ko, si Mariah Carey. Nagsisisigaw sya, kumakatok sa pinto, nag-eeskandalo. "Papatayin ko yan! Papatayin ko yan!" sabi nya.

Alam mo yung hindi mo alam na nananaginip ka, akala mo totoo, at kahit alam mong may mali eh tinatanggap mong tama? Ganun yung naramdaman ko habang sumisigaw si Mariah Carey sa labas. Parang hindi ako nagtaka bakit nya ako gustong patayin, parang may nagawa talaga akong kasalanan sa kanya. Wow ah. Ni hindi ko nga tinorrent mga kanta nya.

Tapos bigla syang umalis. Parang may kinuha ata. Binuksan ko ang pinto at chineck, wala na nga siya, nakaalis na. So nanood na ako uli ng TV. Maya-maya, narinig ko nandiyan sya uli. At nalimutan kong i-lock ang pinto!

Dahan-dahan kong kinuha ang kutsilyo sa kusina habang nagsisigaw si Mariah Carey. Maya-maya eh nakapasok na sya sa pintuan. Eto ang suot* nya.


Nakatayo sya sa may pintuan, nakaharap sa mga kapitbahay at dinidiscuss kung paano nya ako papatayin. Lingid sa kanyang kaalaman, hawak ko na ang kutsilyo at handa na akong saksakin siya. Eh nagising ako.

Swerte mo Mariah.

*Salamat kay Xtopher sa pagtulong sa akin humanap ng picture ni Mariah.

22 comments. Post your comment here.:

Senyor Iskwater said...

Azzztig! Pambook 'to!

Senyor Iskwater said...
This comment has been removed by the author.
Sepsep said...

*hahahahaha* Benta sa'kin yung eksena ng jumping rope.

Nag-backread ako dati, nabasa ko lahat mula una, kaso di ko na maalala kung may 'Bangungot #1' at 'Bangungot #2' ba? :P

RoVee™ said...

hahaha I miss your posts... natawa ako promise. More more more pa... ^_^

graveh ka , tawa much ako sa jumping rope hahahahaha

jep buendia said...

"...malimutan ko na yung werewolf kasi nag-enjoy na ako sa jumping rope."

happiness ang dulot ng linyang ito :)

Marjorie G said...

Best part talaga dito yung jumping rope hahahaha...

eligadz said...

yung pinapakinggan ng tatay ko sa radyo minsan humahalo din sa panaginip ko lalo na yung sa "healing galing" para sa "vajeyjey" na binebenta sa Radyo5 (radio station ng TV5)

khantotantra said...

wahahahahaha.

grabe.... hirap ng bangungot ng cookan set! buti di mo napanaginipan yung power shower hose thingy ng O shopping.

nato rivera said...

yes may new post si glentot my loves. charot :)

JoboFlores said...

ganyang ganyan din ba ang pose ni Mariah habang dinidiscuss kung panu ka ididispatsa? hahahaha nkakatuwa

chilaxjukebox said...

tengenang jumping rope yan..hahaha...panalo!

yung kung ganyan ung pose at suot ni mariah nung kinakatok ka, naku, bago pa nya ako masaksak, may matigas na akong naisaksak sa kanya..hahaha

Otakore Literantadodist said...

Ayan yung nanaginip ka ng tulog pero pilit mo na gustong gumising dahil may gagawin kang iba. Sa pilit mo'ng gusto gumising napaghahalo ang reyalidad at panaginip. Sa huli, nagdudulot ito ng P1,300 na Coocan Ceramic Pots Set :D
-
Literateknolohitura.com

John The Papi said...

Hindi kb nagtataka na panaginip yun kay Mariah Carey, kasi nagtatagalog sya.

kalansaycollector said...

panalo ang jumping rope!

ang tanong ko lang, may accent ba si mariah noong sinabi nyang papatayin ka niya?

ZaiZai said...

nakakalurkey ang mga panaginip hahaha!

benta sa akin ang pag jujumping rope mo sa gubat, na deadma tuloy si werewolf at syempre ang pag ta-tagalog ni Mariah. may accent ba at whistle sa end ng mga sentences? :)

Ar-Ar Malalis said...

Naloka ako sa panaginip mo!

Traveliztera said...

Pag nagkazombie apocalypse, ambilis mo siguro madistract lalo na pag may jumping rope hahahaha!

Leo said...

Hahaha! Mariah Carey gone killer. Choz. Natawa ako ng severe sa kabaliwan mo Glen. Walang kupas. That's all.

Jenny said...

Dahil sa panaginip mo na yan kay Mariah, nagdivorce tuloy sila ni Nick. Hahaha, buti pa sa panaginip may discount. Hay nakakainis lang magising kapag super ganda ng panaginip mo, yung tipong kakiss mo crush mo, marami kang pera, party party lang. Pero mas masama kung hindi ka na magising sa sobrang sarap ng panaginip. Haha Jumping rope pa!

ruselle cedeno said...

tawang tawa ako dito. hahaha..

John Michael Bueno said...

Hindi ako natawa... joke

pnx said...

endorsement ba toh sa concert mamaya ni Mariah? hahaha!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding