17>27

I turned 27 a few months ago. Ito yung edad na na-envision ko noon na masasabi kong "matanda" na ako. Marami akong napapansing mga pagbabago sa sarili ko. Hindi na ako kasing-fresh ng dati (fresh talaga?) Wala na yung dati kong vigor, vibrance and vitality. Paubos na rin yung kokonting alindog. Hindi ko maiwasang ikompara ang sarili ko ngayon sa sarili ko ten years ago.

Noong 17 ako...

Alcohol = Beer or Emperador 100% Yummy . Halos weekly kami uminom. Kasalanan ito ni Khikhi. Siya lagi may pasimuno. May time talaga na alak na ang nananalaytay sa dugo nya. Idinamay nya lang ako. Ako naman walang strength tumanggi (strength?). Kasi nag-eenjoy rin akong makainom, matipsy at mahilo. Minsan kung kelan tipsy na, saka kami lalabas para mag-laughtrip. Kung kelan malamig at mahamog sa Session Road, saka kami pakalat-kalat. Parang ang saya-saya. Woo alak pa!

Ngayon...

Alcohol = Isopropyl or Ethyl 70% Solution. Ayos lang sa akin kung hindi ako makatikim ng alak. OK lang kung may beer na ihain sa akin habang nasa labas ako, andun na eh, pero hindi na ako mapapalabas ng bahay para lang umattend ng inuman. I always say no to hard drinks. Magsasakit-sakitan na lang ako para di umattend. Sorry I can't join you I have goiter ganun. Noong New Year bumili ako ng alak. OK hindi talaga alak. Tanduay Ice LOL. Hanggang ngayon nasa ref pa rin.

Noong 17 ako...

Depression = Magbuhos ng sama ng loob sa mga kaibigan. Maglasing. Ma-badtrip. Make a scene.

Ngayon...

Depression = Is not a valid excuse for sick leave. Kailangan bumangon, maligo, pumasok. Sa weekend lang pwede mag-emote.

Noong 17 ako...

Parang hindi ko kayang mabuhay na walang friends. Kailangan nakikita ko at nakakasama ko sila. Kailangan updated kami sa buhay ng isa't-isa. Kumusta na yung ingrown mo ganun. Kailangan ko silang makausap tungkol sa mga ingrown ko, at kailangan nilang marinig ang advice ko sa mga ingrown nila. Kapag wala silang lahat, pakiramdam ko mukha akong tanga na naglalakad mag-isa sa Session Road.

Ngayon...

What are friends? Hindi ko na alam ang itsura nila. Di na ako updated sa mga kanya-kanyang ingrown. Kapag naaalala ko yung mga ilegal na bagay na kinasangkutan namin noon, it makes me cringe (sabeee cringe). Hindi ko na kayang ulitin. Hindi ko na sila nakikita, minsan kahit sa Facebook hindi na rin. I miss them.

Noong 17 ako...

Naghihintay ako ng text ng friends na nagyayang lumabas, at lagi akong handa sa lakaran. Isang tawag lang, go agad. May pasok bukas? Kebs. May exam bukas? Magdadala ako ng reviewer. OK. Kodigo ang dadalhin ko. Inuman ba? Saan? Parte pa ba ng Baguio yan? Parte pa ng Cordillera? Ah Nueva Vizcaya. Sige wait papunta na ako.

Ngayon...

Naghahanap ako ng ways para umiwas sa gala. Hindi ako nakikipagkita sa kahit kanino kapag weekends. Natutuwa ako kapag nacacancel ang mga lakad ko. Minsan nakabihis na ako tapos matutulog ako uli. Hindi dahil ayaw kong makita ang mga kaibigan ko. Namimiss ko nga eh. Pero mas nangingibabaw yung kagustuhan kong matulog. Wala na akong energy. Wala na akong kapangyarihan. At wala na akong medyas, kaya ung ilalakwatsa ko, ilalaba ko na lang.

Noong 17 ako...

Paborito kong channel ang MTV. Updated ako sa music. Alam ko kung sino ang may bagong album, single, music video. May nakahanda akong music depende sa kung anong mood. Kahit kapag matutulog na ako, nagpapatugtog pa rin ako ng music.

Ngayon...

What is MTV? Hindi ko na alam. Hindi na rin ako updated sa music. Sino ba kasi yang si Magic? At saka ang pinakikinggan ko na lang ngayon eh yung soundtrack ng Game Of Thrones para feel na feel ko habang binabasa ko yung book bilang paghahanda sa Season 4. Kapag matutulog na ako, nagpapatugtog ako ng Rain Sounds. Minsan yung Stormy Sounds. Para feel na feel ko magkumot.

Noong 17 ako...

Wala akong pake sa current events. Kung ano lang ang maikwento sa akin. Nagugulat na nga lang ako kapag may nai-impeach or whatever. Kelan lang naman ako naging aware sa mga ganyan. Recently ko nga lang nakilala si Leila De lima. Akala ko pangalan ng boldstar. Ang ignorante ko lang talaga, hindi dahil hindi ko alam, kundi dahil wala akong interes malaman.

Ngayon...

Naghahanda na akong magpa-rehistro para bumoto. For the second time. Because it's my duty to my country sabeee.

Noong 17 ako...

More more fun! More more adventure! I'm young and free. I can do what I want. This is the life!

Ngayon...

What is life?

Although nararamdaman ko nga na tumanda ako, may parte pa rin naman na pakiramdam ko eh hindi tatanda.



IKAW DO YOU FEEL OLD BE HONEST WHY THANKS.

18 comments. Post your comment here.:

Marjorie G said...

Oh yes I feel old, pero when I was younger hindi ako mahilig sa gala, kasi late bloomer ako. Also, wala pa kong pera nun hehehe... Ngayon, go ng go, hangga't single pa sige lang. Hangga't wala pang rayuma. Pero meron na ding mga bagay na di ko na nasusubaybayan, like you, hindi na din ako updated sa popular music ngayon.

Sepsep said...

Nice comparisons, idol. *hehe* Minsan masarap mag-reflect ng mga ganitong bagay. Emote lang. Naisip ko tuloy bigla 'yung sarili ko nung 14 years old pa lang ako. lol

Mamon said...

Watdapak ang pic! Hehe Totoy!

Mag-Sangobion ka. Asa dugo lang yang vigor at vitality hehe or for more vigor Robust or Rhino lels

katingera said...

Nasa early 20's pa lang ako pero yes, pakiramdam ko, napaglipasan din ako bg panahon. Feeling ko, kalahati ng teenage life ko eh, pinasabog ng time bomb sa dami ng responsibilidad (at bukod sa katotohanang dehins pa ako nagkakajowa.LOL.).


Sadyang di ko magets ang kabataan ngayon, at umiiwasan sa hedonistic na selebrayson.

chilaxjukebox said...

I feel old, but my looks doesn't cooperate. wuw. hahahaha

-mark- said...

tanginang yan. Ako medyo iba, sa galaan noon pag inaya, sige sama agad. hingi pera sa mama, ngayon, sige sama pero libre dapat. pag di libre, me sakit ako. hahaha.. ang tanong, aabot ka kaya ng 28 or mamatay ka din parang si Amy Winehouse. lels

rexbob said...

Pumayat na

eligadz said...

picture palang alam mo nang mabait na bata e. napakawholesome.

k0tz said...

totoy na totoy ang picture! hahaha..

khantotantra said...

baka ang work ang nakaka-apekto sa pag-iisip natin na tumatanda tayo.

you know, stress, stress, at stress drilon more ganyan.

pero malaki ang gap ng 10 years.. kung ano ang ginagawa mo noon, maaaring less na ngayon.

Ako noon laging babad sa TV, pero ngayon tambay ng pesbuk or natutulog lang, dala ng pagod sa trabaho lols

KikomaxXx said...

hahaha mukha mo o... parang ewan lang... rock n roll... hahaha

citybuoy said...

Gagawa sana ako ng ganito kaso I don't remember what it was like to be 8. 18 lang kasi ako. *blush*

Ungaz said...

Dama kita!!! isama mo pa ang pagbagal ng metabolismo! katawang michelin... pfft!

ignored_genius said...

wow, ganda ng comparison ah. tamang tama. andaming makakarelate, isa na ako. hehehe. and siguro kaya di na kayo nagkikita ng kaibigan mo kasi, ganyan na rin sila. tumatakas na rin sa lakad minsan.hehehehe. mas masarap na matulog talaga. pero yup, nakakamiss pa rin ang lakad ng tropa paminsan minsan. :)

AnonymousBeki said...

I'm 18 years old but I couldn't remember I have enjoyed (as teenagers do) my life. I know it's because I have only very few friends and their not so magala. Time is gold talaga so I should enjoy life na to the fullest while I'm still young cause I might regret it when the time comes.

Otakore Literantadodist said...

Iba naiisip ko pag nababasa ko yung 'vigor' hehehe. Ewan...

Diane Writes said...

Welcome to the club! Hahaha Masasabi ko pa din na medyo mapalad ka pa din kasi hindi mo pa nabanggit un putokbatok at weight gain problems. Yung konting kain mo eh, 10x ang balik sa tiyan at timbang mo... leeche lang metabolism yan

June | Life and Spices said...

Laki talaga ng pinagbago mo ha.. physically based sa pictures.

Sapol na sapol ako dun sa depression ha.. not an excuse.. hayy kainis ka!! hahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding