ano yun?

?Alam mo ba yung feeling na may isang bagay na alam na ng lahat ng tao sa paligid mo tapos ikaw na lang ang hindi nakakaalam? It makes you feel schoopid. As if kasalanan ang maging #INNOCENT. Tapos kapag nagtanong ka, mapapahiya ka lang. Madalas, it all starts with these two pahamak words: "Ano yun?"

Example. One time nagbibiruan kami nina Khikhi at isa naming kabarkada, si Caloy. Nag-joke si Caloy tapos ayaw kong tumawa (di ko na maalala yung joke pero I'm sure ako ang subject kaya di ako tumatawa) kaya sabi ko "Har har" in my signature sarcastic monotone.

Tumawa pareho si Khikhi at Caloy. Tapos biglang tumigil si Caloy sa pagtawa at nagtanong,

"Ano yung 'har har'?"

Ang lakas ng tawa namin ni Khikhi sa tanong na yun ni Caloy. Tapos tumigil rin sa pagtawa si Khikhi at  nagtanong.

"Oo nga bez, ano yung 'har har?'"

DUH? Hanggang ngayon natatawa ako pag naaalala ko sila.

Wait ano nga ba yung har har LOL.

Noong bata pa ako may kaibigan si Mudrax Doris, his name is Dolfie, na dumalaw sa bahay kasama ang kanyang misis. Pagtapos nilang mag-usap, nagpaalam na silang umalis at sabi ni Kuya Dolfie, "Paki-remind na lang ako ha?" at sabi naman ni Mudrax "Oo". Tapos na sana ang usapan nila nang biglang nagsalita yung misis.

"Ano yun?" tanong nya sa mister nya, may urgency.
"Yung alin?" sagot ni Kuya Dolfie
"Yung huling sinabi mo?" tanong uli nung misis.
"'Paki-remind'?"
"Oo."

So yun. Hindi nya alam kung ano yung 'paki-remind'. At ang napakabuting si Kuya Dolfie, eto ang isinagot:

"Ulam yun."

TANGINA. At may follow up pa.

"Hindi mo alam yun kasi hindi ka pa nakapagluto nun."

At yun, umuwi na sila.

Noong college ako nagkaroon ako ng roommate na loko-loko. Lagi tumatambay sa room namin yung GF nya. Madalas sila mag-asaran na nauuwi sa awayan at madalas natatawa na lang ako sa away nila. One time pagpasok ko sa room, naabutan ko silang nag-aaway. Yung GF, malapit nang umiyak.

"Glenn?" sabi nya.
"?" sabi ko in my signature ? facial expression.

Dahil teary-eyed na sya pinaghandaan ko na ang isang seryosong tanong.

"Ano yung 'ingrown'?"

TANGINA. Hirap ako sa pagtawa. Yung tawang walang tunog puro hangin. Yung tawang sumisipol. Yung tawa ng obese.

"Wag mong sabihin Glenn!!!" sabi ng roommate ko.

"Huwag kang magulo!!! Glenn?"

Hindi pa rin ako makasagot. Hindi ako makahinga.

"Huwag mong sabihin Glenn! May ingrown siya nakita ko!"

"Tumahimik ka!!! GLENN!!!!"

Break na sila ngayon.

Nung nag-training ako sa isang call center malapit sa amin may nakasabay ako sa training na binansagang "Pretty Boy" dahil kahawig nya si John Pratts. One day siya ang naatasan na magsulat sa board habang dinidictate ng trainer isa isa ang mga good qualities na dapat taglayin ng isang call center agent. Mga katangian gaya ng "Good Listening Skills" at "Cheerful" at iba pang shit.

OK na sana ang lahat, hanggang sa dumating kami sa "Good Rapport".

Sinulat ni Pretty Boy sa board ang salitang "Good"

Sabi ng Trainer, "Good Rapport."

Napatigil si Pretty Boy, napatitig sa salitang "Good." Nung hindi nya na kaya, humarap sya sa aming lahat at nagtanong,

"Ano yun?"

Pinaliwanag naman ng trainer, "Guys, rapport is *blah*blah* *explain*explain* *forgot*what*she*said #NOLISTENING SKILLS... so yun. That's what we call 'Rapport'."

Sabi ni Pretty Boy, "Ahhh" at sinulat sa board ang salitang...

'RAPOR'

OK hindi ko rin alam that time kung ano ang rapport who cares.

One time noong high school during Values Education class, nagkukuwentuhan yung dalawang kaklase kong babae about "Talmud", yung banal na aklat ng Judaism.

Tapos yung isang girl, si Maridol, ay bumulong sa pinakamahina at pinakamaliit niyang boses ng, "Hihi sounds like tamod!!!! Hihihihi!!!!"

Eh narinig ko yung bulong nya.

In my most innocent voice nagtanong ako, "ANO YUNG TAMOD?!?!"

Natigil silang lahat and looked at me like I'm a new breed of schoopid. Hindi ko talaga alam kung ano yung 'tamod'. Second year high school na ako that time. Buti na lang in-explain nila sa akin. During Values Education class. Sa harap ng aming teacher-adviser. Thank you Maridol.

#INNOCENT

16 comments. Post your comment here.:

Marjorie G said...

Hahahaha,,,, Panalo ang tamod bit. Di ko din alam dati meaning nun so when my friends mention it, nagtatawanan sila pag tinatanong ko kung ano yun. Sometimes, being innocent is not helpful :))

Senyor Iskwater said...

Kainis... iba ang inaasahan ko sa topic na 'ano yun?' .... masarap kaya ung pakiremind? Akala ko ba grade 2 pa lang nagbabayas ka na, bakit late mo na natutunan kung ano ang tamod? Hayst.... nag-crave ako bigla!

jep buendia said...

Hahaha :)

Naalala ko tuloy yung kasama namin (na babae). Nag-uusap kaming mga magkakaibigan at hindi ko alam kung paano napunta yun sa 'dildo' hahaha. Tinanong niya tuloy - "Ano yung dildo?" Eh sakto, bukas naman ang netbuk at may wifi rin kaya yung isa naming friend ang sabi (habang inaabot yung netbuk) - "Oh eto i-google mo!"... at nag-search naman siya sa google and then... Boom! hahaha :) Hampasan at paluan ang ending. Na-schock lol.

Sepsep said...

*HAHAHAHAHA* Thanks, idol. Pinasaya mo ko today. :)

Ungaz said...

Painosente much ka idol...hindi bagay!!!hahahaha!!!

Traveliztera said...

Grabe Glenn... Of all people... Hindi mo alam... Ako rin di ko alam hahahahahha

AnonymousBeki said...

Ang dami kong tawa dito. lol
Na-experience ko na rin yan maraming beses na lalong lalo na't di naman ako Tagalog. Recently ko lang first na-encounter ang word na ‘hayok’ habang palihim akong nagbabasa ng wild story sa fb. Ang nakakaloka kay mother ko natanong. ahahah. Nung 3rd year highschool ako, dun ko unang beses na narinig mula sa mga kaklase kong lalake ang word na ‘nililibugan’, although nasa dialect din namin ang salitang yan eh hindi naman ako familiar jan that time. Pagkauwi ng balur ay natanong ko din yan kay mudra. Nakakahiya : O. Nakalimutan ko na yung answer ni mudang.
For me mejo forgivable naman kahit papano yung mga naging tanong ko keysa naman yung tanong nung girl classmate ko sakin nung 4th year hayskul kami. While I was sitting pretty in my chair, she asked me a very very schooopid question. Tanong niya: “Ano ba yung dysmenorrhea?” Na-shock akiz ng bonggang bongga. Pinigilan ko'ng tumawa kasi hindi naman kami close. In-explain ko din naman sa kanya na yun ay pain sa puson during period (and kung lalaki ka iba ang cause nun, Chos!).
Dahil sa mga ganyang eksena, kay Google na lang ako nagtatanong.

reigun decena said...

DI MO ALAM ANG TAHMOWD THAT TIME?

#enough
#letsgohome

Diane Writes said...

Naalala ko, nakakita ako ng twitter account "juan tamod?!?" ang account name. akala ko typo lang. Eh chineck ko yung account... shet ayun na.. naintindihan ko ng walang paliwanag!!!

June Benitez said...

Dati tinanaung ako ni Kuya at ng kaibigan nya kung alam ko daw tamod. Well., ano yun? Ang awkward buti di ko pa alam.

Lalah said...

shit the tamod! hahaha si pretty boy so tamod then! lels.

kalansaycollector said...

bwahaha panalo si maridol. bagay sa kaniyang pangalan yung bumubulong sa klasmeyt about tamod.

maridol. maridol. shet nakaka lss.

Otakore Literantadodist said...

Ingrown for the win! ROFLOL

KikomaxXx said...

hahaha seryuso sa tamod.. so ibig sabihin you have your innocent mind nung high school.. hehehe

Overthinker Palaboy said...

Gusto ko yung wag mong sabihin kung ano ang ibig sabihin ng in grown. Hahahaha! Glenn, ang weird ng mga topics mo. Weird at nakakatawa :))))

Gabriel Achacoso said...

wala na talagang tatalo sayo glen! hahahha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding