saranggola blog awards 2014

Last Saturday nalaman ko na magkakaroon uli ng Saranggola Blog Awards na mismong noong Saturday rin. Buong araw kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi, sa kadahilanang wala namang nag-imbita sa akin. Ewan ko ba bakit gusto ko laging dumalo sa SBA kahit wala naman akong entry at madalas wala akong kilala sa mga sumasali bilang mga seryosong bloggers ang mga sumasali at yung mga kilala kong bloggers eh tae-tae (joke lang!)

At bilang tae-tae blogger lang rin naman ako hindi naman ako nag-expect na may mag-iimbita pa sa akin. At nahihiya naman akong pumunta doon na wala akong kakilala, baka nakatayo lang ako sa sulok at walang kausap. Minessage ko si Kumagcow John Bueno kung pupunta siya pero sabi nya, malelate daw siya. Kaya malabo na pumunta rin ako.

Nung gabing iyon, nagpunta ako sa Trinoma para manood ng The Hobbit (isang movie na nakakarelate ako bilang isang hobbit), bumili ng ticket, at habang naghihintay, nakita ko sa Facebook ang post na ito ni Bon Talampas Jr:



Quoting my own thoughts nung nakita ko yung picture, Hayup ka Kumagcow, akala ko malelate ka ng dating, ikaw pa ngayon nasa registration!

Knowing na nandun na si Kumagcow John Bueno at least may isa na akong kakilala doon, pwede na akong pumunta. So minessage ko yung founder ng Saranggola Blog Awards, si Bernard Umali, with only one purpose: to invite myself LOL. Pumayag naman siya. Pasensya na Sir Bernard!

Mabilis akong bumalik sa ticket counter ng Trinoma.

"Miss pwede magparefund ng ticket?"
"Bakit Sir?" *with feelings*
"Emergency lang, may allergy kasi ako sa Ibuprofen."

Tinignan ako ni Ate. Ni hindi ko naman sinabi sa kanya kung nainom ko na ba yung Ibuprofen pero parang na-asssess nya na namamaga ang mukha ko kaya binalik nya ang pera ko. Ang ipinagtataka ko, na malamang ipinagtataka nya rin, Anong pakialam ng The Hobbit sa allergy ko sa Ibuprofen?

Sakay ako agad ng MRT at tumakbo sa ulan papunta sa Flair Towers kung saan dinadaos ang awarding. Kaya pagdating ko doon, hinihingal pa ako habang nagreregister. Umpisa pa lang ng kahihiyan more to come! :) :) :)

Isa-isa nang tinawag ang mga winners sa iba't-ibang categories (and I want to take this moment to congratulate them sa napakagaling nilang panulat).

After the awarding nagkaroon muli ng taunang parlor games kung saan lagi ako minamalas na matawag. Eto yung pinaglaro kami ng Reverse Charades:



Thanks AXL POWERHOUSE PRODUCTION sa isa na namang flattering pic LOL. Pero improvement na yan sa pic ko last year kung saan bukas ang zipper ko.

Here oh:


PUMAYAT BA AKO BE HONEST.

Naglaro kami ng charades at kami ang nanalo yaiy!



Next kahihiyan: pinaglaro rin kami ng "Sweetest Smile After Uminom ng Squeezed Lemon". Hindi ko alam kung sinong nakaisip ng laro na ito. Some sadist LOLjk.

Eto yung group picture. Dahil napunta ako sa likod, dahan-dahan akong nag-tiptoe para makita naman ako. Salamat Berl sa pag-announce ng "YES GLENN???" LOL.



Marami pa akong nakakahiyang moments na ibinaon ko na sa limot because.

Ewan sorry naman sa walang effort na post na ito naisip ko lang naman ikwento at ibahagi na uma-attend ako ng event kahit hindi ako imbitahan pero minsan naman kapag inimbita ako, bigla akong not feeling well.

Maraming salamat sa mga nakilala ko at least I have new friends now yey.

Next year sasali talaga ako sa SBA sa Kwentong Pambata Category. Thanks.

Photo credits:
Bon Talampas of Taragis.com
At ang nag-iisang Axl Powerhouse Production

12 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

nuks, improving ang pic, you look slimmer :D
At bakit di ka binalaan ni axl na bukas zipper mo last year? lols

Gabriel Achacoso said...

hahaha galing mo talaga sumulat idol! hindi ka pwedi sa Kwentong Pambata Category, alam mo yun!

Edgar Portalan said...

invited ako jan kaso di ako nakapunta dahil sabay sa party ng work ....hopefully next year ay maka-attend na me : )

AnonymousBeki said...

Goodluck for the next year!

AHMER said...

mukha kang blooming ngayon glenn! ganyan ba pag single? LoL

Marjorie G said...

To answer your question, oo Glenn, pumayat ka! Hahaha.. Happy New Year!

Bon Talampas said...

yown o! am a fan! haha taragis

KikomaxXx said...

hahaha Glenn, sana tamarin ka sa pagsusulat at sasali ka next year,... hahaha

ZaiZai said...

Oo pumayat ka Glenn! Haha., grabe ka naman sa sarili mo, hindi ka naman mala Hobbit. At wag mo kasing inumin ang gamot ni Josh. Char :)


Happy New Year Glenntot! More of everything to come! :)

YOW said...

Bumalik na ng konti yung leeg mo Idol!

DEMIGOD WINZTON said...

'STIG NAMAN :)

John Michael Bueno said...

Eh totoo naman.... dapat late ako kaso nahiya ako kaya pumunta ako ng maaga at dina sinipot yung isa kong event... biruin mo pagdating ko dun

AKO UNANG UNANG DUMATING

kasama ko mga waiter, mga judge, naknang........... lol

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding