justice 4 riza

Have you ever been so angry that you almost killed someone? Me too. Pero hindi (pa) ako nakakapatay, kasi mabilis naman mawala ang galit ko at madaling magpatawad ang aking puso. Pero nasubukan ko nang makasaksi ng marubdob na POOT at kahit hindi sa akin directed ang galit na nasaksihan ko, kinabahan ako. This is what happened.

Recently, I posted this status on Facebook:

A conversation I'm overhearing right now from the next table:

Gay Guy: Papatayin ko yan!
Girl: Si Riza?
Gay Guy: Oo papatayin ko yang putang-inang yan!

This is not a joke, nangyari talaga ito.

So yun nga one Saturday morning after shift, bago umuwi, nakaramdam ako ng nakaka-palpitate na gutom kaya dumaan muna ako sa isang kainan para kumain. As soon as I entered the door napansin kong may konting tao at medyo maingay. Umupo na ako sa paborito kong pwesto at paglapit ng waiter, nag-order na ako agad-agad.

Bigla kong narinig ang malakas na boses ng isang bading na sinasabi ang mga katagang "Papatayin ko yan! Papatayin ko talaga yan!" na may kaakibat na maraming emosyon ranging from masidhing poot to matinding pagnanasang manakit ng tao. Alam mo yung naririnig mo pa lang ang boses eh ramdam mo na yung pagngingitngit nya? Ganun. I know it's rude to listen to other people's conversations. Syempre nakinig ako.

Ang nagsasalita ay bading na nakaupo sa mismong tapat ko, at sinasabi nya yun sa dalawang magsyota na kasama nya sa table.

"Si Riza?"
"Oo papatayin ko yang putang-inang yan!"

Ang harsh. Agad akong nakaramdan ng kaba. Isa itong krimen for sure, just waiting to happen. Nanganganib ang buhay ni Riza. Narito sa harap ko ang isang baklang nagbabalak na patayin siya.

Maya-maya pa dumating na ang order ko at patuloy pa rin sa pagsasalita ang bading. Tinignan ko siyang maigi. Naka-violet siya, payat at maputi. Medyo nasilip ko ang mukha nya, hawig nya si Caridad Sanchez dahil singkit siya tapos yung hair nya eh Amor Powers. Hindi ko alam kung lasing ba sya, o high, or ganun talaga sya normally. Hard to tell. Ang tanging alam ko lang eh kung balak nga nyang patayin si Riza, mukhang magtatagumpay siya. Tinandaan ko talaga ang mukha nya para kapag naghahanap na ng tetestigo na makakapagturo sa pumaslang kay Riza, ako na yun. Star witness???

Patuloy sila sa pag-uusap nang malakas. Hindi mapigil ng bading ang poot nya, habang ang dalawang kasama nya ay parang pinipigilan siya sa paggawa ng krimen. Hindi ko masyadong marinig ang mga kasama nya pero yung bading, talagang ina-announce sa buong mundo ang balak nyang gawin kay Riza, at napag-alaman ko rin na ito ang dahilan:

Gay Guy: She's a prostitute who used to fuck my cousins and my uncles.

Hala! Assuming na nagsasabi ng totoo si Kuya, eh pakantot pala itong si Riza eh! Patayin na yan! LOLjk. Hindi naman porke pakantot ang isang tao eh deserving siyang mamatay. May pag-asa pa siyang magbago at maging matinong mamamayan sa lipunan. May mga kakilala nga ako eh, ngayon mga matitino at respectable na tao sila, pero dati silang pakantot.


Just a few questions na gusto ko sanang itanong kung hindi lang ako natakot na lumapit sa table nila dahil baka saksakin niya ako ng bread knife:
  1. Bakit nya ba finuck ang cousins and uncles mo? Malakas ang kutob ko na nag-enjoy naman ang ilang myembro ng iyong pamilya kay Riza.
  2. Sabi mo nga, "used to", so tinigil na ni Riza ang pagdale sa mga kapamilya mo. Patawarin mo na lang siya.
  3. Teka bakit ikaw ang galit?
Given na sadyang pakantot itong si Riza. At given na rin na matindi ang nararamdamang poot ni Kuya. Kung seryoso siya sa pagpatay, hindi nya dapat ito inaanunsyo sa publiko. Mangilan-ngilan rin kaming nakapaligid sa table nila na maaaring ituro sya kapag hinahanap na sya ng mga pulis.

Anyway medyo nakaramdam na ako ng nerbyos. Kapag tinitignan ko yung bading, seryoso talaga sya. Gusto talaga nyang sugatan si Riza. Na-visualize ko na, magiging episode ito sa Calvento Files. Lumang-luma???

Riza kung sakaling buhay ka pa, RUN! RUN RUN RUN! May bading na papatay sayo dahil pakantot ka!!! Magbago ka na!!!

And syempre para may pakinabang naman itong post na ito, lalo na kay Kuyang bading na mamamatay-tao, here are some...

TIPS ON HOW TO KILL RIZA

1. NEVER discuss your plans in public. NEVER discuss with anyone. NEVER discuss with Riza.
2. Choose a manner of death fitting Riza's personality. Pakantot siya diba? Saksakin mo siya ng dildo. Yung pointed.
3. Destroy all evidence.
4. Or ngatngatin mo sya sa tinggil.
5. Success.

THE END thx


???

thank you

Ilang araw na akong paulit-ulit nagta-type, nagda-draft at sumusubok na makabuo ng isang masayang pangbungad na post for 2014, but for some reason hindi ko magawa. Noon, kapag nakaisip ako ng masayang topic o kwento, pinopost ko agad. Ngayon, parang may kulang. So I'll take a break from my usual kalaswaan posts for something more personal: isang pasasalamat.

Gusto ko lang sana magpasalamat sa lahat ng mga taong naging parte ng aking 2013. Marami akong na-experience noong 2013, lalo na sa mundo ng blogging, at nagpapasalamat ako na naranasan ko yun lahat. Mahirap isa-isahin lahat ng tao, pero susubukan ko.

Maraming salamat sa PBO, ang sinalihan kong outreach group ng mga bloggers. Nakapunta ako sa mga lugar na hindi ko naman napuntahan dati at nakilala ang mga bagong friends na dati eh nakikita ko lang online. Noong una ayoko sana sumali sa PBO kasi naisip ko, nakakatamad, ayoko mag-effort, walang maniniwala sa akin etc etc. Pero noong nandun na ako at naranasan kong tumulong sa iba, masaya pala. Sana may mahikayat pa ako na sumali, at sana marami pa kaming magawang projects this year.

Maraming salamat kay Sir Bernard Umali at sa SBA, naging memorable yung pag-attend ko. Salamat rin sa mga bloggers na nakilala ko doon. I always find meeting new friends a delightful experience. Ang saya lang na may makilalang mga tao at maka-share ng mga insights at kwento sa kanila.

2013 for me is a year of making a lot of new friends and reconnecting with old ones. At sa paglabas ng aming book, ang Wickedmouth - Unang Putok, I was able to gain so much more.

Maraming salamat sa mga bloggers, non-bloggers, kaibigan, ka-opisina, classmate, kabarkada, ka-Facebook at sa lahat ng bumili ng aming libro. Alam ko yung iba sa inyo, ni-require kong bumili dahil magkaibigan tayo LOL. Yung iba sa inyo, nagpauto sa akin. Pero meron ding iba na kahit wala dito sa Pilipinas o sa Manila ay gumawa ng paraan para makakuha ng kopya. Salamat!!!

Sa lahat ng mga nag-order at nagpa-courier, sa mga nagpabili sa mga kaibigan nila, at sa mga naghintay ng chance makapunta sa Manila para bumili, salamat. Sa mga nagbigay ng oras nila para makipagkita sa akin at personal na bumili ng book, salamat! Sa mga hardcore na nabasa na ang buong blog ko since I began blogging pero bumili pa rin, salamat!

I know I can't please everybody and I'm sure sa bawat taong natuwa sa blog ko at sa book, may katumbas na taong hindi natuwa. I'm thankful na so far, yung mga taong natuwa ang nagbibigay ng feedback either dito sa blog, sa Facebook, Twitter, Instagram at Goodreads. Nakaka-overwhelm ang naging response dahil hindi namin inanticipate na susuportahan kami ng mga fellow bloggers at readers. Nakaka-touch yung mga comments at na-appreciate ko rin yung mga taong nagshare ng links.

Salamat sa mga bumili at nagbasa ng libro. I know hindi naman ako de-kalibre na writer para makipagsabayan sa mga seryosong Pinoy authors at mag-expect na maging bestseller. I've known that right from the start, kaya hanggang ngayon eh nagugulat pa rin ako whenever someone tells me na nag-enjoy sila sa sinulat ko at napasaya sila. Masaya na ako sa ganun.

Sa mga tumulong sa akin habang ginagawa pa lang ang libro. Sa ayaw magpa-mention na tumulong sa akin mag-proofread. Who would have thought na ganun kahirap sundin ang Filipino grammar and spelling??? Sa mga nagbigay ng helpful constructive criticism along the way. Sa mga pumayag mag-share ng kwento, at sa mga hindi pumayag LOL.

Sa mga taong nabanggit sa libro, salamat at naging parte ako ng kwento ninyo. Salamat at game na game kayo nang malaman nyong nasa libro kayo, kahit hindi ako nagpaalam. If I somehow put you in a very negative light, I apologize. I guess the lesson I learned through all these years of writing is, Learn to laugh at yourself. I hope hindi kayo napikon and I hope you laughed it all off.

Khikhi, whatever.

OK sige salamat na rin. Tangina ka kasi. Minsan hindi ka nag-iisip, eh pag kasama kita hindi rin ako nag-iisip, kaya kung ano-anong katangahan ang nagawa natin. Yung iba nakakadiri maalala! Yung iba, NEVER KONG IKUKWENTO dahil either ilegal o kaya imoral shet ka ikaw ang pasimuno ng lahat ng gulo sa buhay ko LOL.

Seriously Khi, salamat. Wala akong narinig na reklamo sa iyo matapos ang lahat ng panlalait na inabot mo sa blog ko, at lalo na sa book. Kung alam ko lang noong una kitang nakilala noong Grade 3 na aabot sa libro ang mga hatid mong sumpa sa buhay ko, I wouldn't change a thing.

Sa mga circle of friends namin ni Khikhi, WOW HA SALAMAT. Akala nyo siguro hindi nakarating sa akin ang balita na ni isa sa inyo walang bumili ng book, at hiniram nyo lang yung complimentary copy na binigay ko kay Khikhi. Mga hayop. Joke lang. Maraming salamat. Ramdam ko yung suporta nyo, kahit yung mga kaibigan natin overseas na nagpabili ng book sa mga kamag-anak nila. I love  and miss you guys.

Kay Sir Mots, na kakilala ko na bago pa gawin ang libro. Maraming salamat Sir dahil napabilang ako sa mga taong naging kaibigan mo. I've always been your fan and will always be. Hindi magiging ganito kasaya ang Unang Putok kung hindi ikaw ang nag-drawing. I know, along the way ang daming naging challenges and nagpapasalamat ako na hindi ka bumitiw sa project. Salamat Sir!

Kay Kuya Ching, the man who saw all this happen way before any of us did. Siya ang nag-envision ng isang libro. Noong una, sabi nya sa akin. "Kahit anong libro Glenn, basta ikaw ang sumulat." Ilang taon ang lumipas bago ko sineryoso yung sinabi nyang yun. Siguro dahil hindi ako nagtiwala sa sarili ko at mas malaki ang tiwala nya sa akin. So salamat Kuya. Isang malaking sugal ang ginawa mo at ng BHM Publishing sa Unang Putok and I hope this is all worth it!

Salamat rin sa pamilya ko, at pasensya na. You're the last people I wanted to share the project with, hindi dahil sa ayaw ko. Ayoko sanang malaman ninyo dahil nahihiya ako. There are so many things I did na nasa libro that I'm not proud of. I grew up na iba ang pagkakakilala ninyo sa akin. Tahimik, masunurin, mabait (no joke here). Sa mga taon ng pagkakakilala nyo sa akin I never gave you any clue sa mga kagaguhang pinaggagawa ko. Ni hindi nga ako nagmumura sa bahay sa harap ninyo. So how do I tell you, Nanay at Tatay, Auntie at Uncle, Ate at Kuya, na meron akong libro, kung sa cover pa lang ay may nakalagay na Warning: Explicit Content?

So here I am trying to find the confidence, and hoping na sana kapag nabasa nyo ang libro ay matanggap nyo na this is part of me. And aaminin ko na Opo, gaya ng nakasaad sa mga kwento sa libgo, sadyang salbahe ako. At kung nababasa nyo itong blog ko, kung saan mas salbahe ako, Opo eto po ako. Sana mataggap ninyo si Glentot bilang parte ni Glenn. I love you.

Ang drama yuck.

Moving forward, here's a video I created to basically give you an idea kung ano ang laman ng libro. If you have already read the book and are recommending it to your friends at may nagtanong sa inyo kung anong meron sa Unang Putok, you can show them this video to give them an idea.



More than a collection of short stories. More than months and months of editing, rewriting and proofreading. More than brainstorming, drawing, arranging and perfecting. Wickedmouth Unang Putok is more than just a silly book. It's my life, summed up in a few pages.

Salamat sa lahat. :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding