book signing

At nakaraos rin ang Unang Putok Book Signing!!! Nakakapagod, nakakanerbyos, nakakatigyawat sa singit. Ilang araw akong hindi makatulog dahil dito. Kapag nakakatulog naman ako, napapanaginipan ko. First time kong aattend ng book signing. Kinakabahan nga ako kaya muntik na akong di sumipot. Not feeling well featuring headache and cough with diarrhea ganun.

Matapos ang marami-raming death threats na sinend ko kay Khikhi para siguraduhing makakarating siya, she did confirm. In my over 6 years of blogging at pagkukuwento tungkol sa misadventures namin, wala pang nakaka-meet sa kanya in person, at parating may nagtatanong sa akin kung totoong tao sya. This is her time to prove it.

Huwag mo akong ipapahiya papatayin kita.

-- Glentot
Sabado ng umaga, around 10AM nagtext si Khikhi na malapit na siya sa SM North EDSA. Galing pa sya ng Bolinao, straight from her nurse duties. Sa bus nga siya nag-make up eh kaya hindi na ako nag-expect ng masyadong kagandahan.

Dapat 11AM kami magkikita-kita sa National Book Store para makapag-prepare, pero dahil na-late ako, nauna pa si Khikhi sa akin sa venue. Check out below, ilang inches pa sa shorts, lilitaw na yung kagat ng aso (see WickedMouth Unang Putok page 69)

Iniwan ko pa yung pinapaanak ko para lang pumunta dito.

 -- Khikhi. Classic. True story.
After lunch, kinabahan na kami ni Kuya Edsel (publisher) kasi wala pang dumarating. Kailangan ko pang magsend ng panibagong batch ng death threats.

Kuya Edsel: Magtext blast ka na.
Glentot: Wala akong load.
Kaya nung dumating si Nutty (Nutty Thoughts) nakahinga na ako nang maluwag. Dahil may dumating nang isa. Kahit mag-isa lang siya, itutuloy pa rin namin ito.

One by one nagsidating ang mga tao, hanggang dumating ang host ng event na si Crunchy (aka Senyor Iskwater). Yung mga brinaso nya online, napilitang umattend, pero hindi pa sya nasatisfy dun. Kasi kahit yung mga dumadaang tao na walang kamuwang-muwang kung ano Wickedmouth Unang Putok eh napilit nyang bumili. Magmula sa high school student hanggang sa Lolo, naholdap.

Bilhin mo na yan sir nakakatawa yan. Ako nga masyadong natuwa, hindi na nakamove on eh.

-- Crunchy
Saktong 3PM sinimulan na namin ang event, at nagpakilala kami nila Sir Mots at Khikhi. Ang unang tanong sa amin ay "Desrcibe your Unang Putok." Hindi ko na ikukuwento kung ano ang mga naging sagot.

Hindi ko alam kung saan ako kakapit.

-- Khikhi, according to me.
Nagisip kami kung ano mga pwedeng gawin sa program para di mabore ang mga tao.
Glentot: (Whispering) Khi, kanta ka.
Khikhi: Tangina mo!
Glentot: "My Heart Will Go On" Dali na hanggang first chorus lang. Nadownload ko na yung instrumental.
Khikhi: Uuwi na lang ako!
Nagkaroon rin ng maikling Q and A at sa totoo lang dito ako kinabahan, tangina nagkasubukan talaga ng pagkakakilanlan dito. Bago ang event, nagsulat ako ng mga tanong. YUN LANG DAPAT ang itatanong sa amin. Yung mga tanong nakasulat sa Post-Its at dinistribute sa audience.

HALA nung question and answer na, iba ang mga tinanong sa amin! Mahihirap na tanong! HINDI AKO NAKAREVIEW! Nagsalita na lang ako para walang dead-air. Yung ibang mga sagot ko nga eh, matapos kong sabihin mapapaisip ako, Anong sinabi ko? Parang di ko rin naintindihan.

According to Article 295 Section 16 and 3/4 of the Constitution, what is the structure of the acceleration of your Unang Putok as X approaches infinity tonight in the middle of ecstasy?

-- Tanong ni Kumagcow. Hindi exactly ganyan yung tanong pero very very close. Hayup ka John (naka-black), beside him is Crunchy in Putah Red.
Tapos si Khikhi panay pa ang kalabit sa akin para mag-side comments tungkol sa mga observations nya sa audience. Mga observations na hindi ko pwedeng ilathala...

Noong una akala ko kokonti lang ang um-attend. Nung nagsimula na ang book signing doon ko na naramdaman na marami pala sila, na-late lang. Ang dami muntik magka-stampede! Naubusan na ako ng dedication na isusulat sa books, tapos yung "Thanks for coming" pa na dedication ko eh inaagaw ni Khikhi.




Salamat National Book Store ha sa picture.

Namigay rin kami ng posters, T-shirts (color Putah Red, size XL), Peep magazines at clay figures sa mga um-attend. Yung isang clay figure, ninakaw ko para hindi na maibigay sa iba. Namumukhaan ko kasi yun, ako ang gumawa nun noong nagpe-prepare kami days before the event. Ayokong may makakuha nun kasi baka sumama ang loob. Ito ang itsura.

Kill. Me. NOW.

-- Clay
Akala ko may oras pa matapos ang book signing at picture taking para makapagpasalamat ako sa mga dumalo, pero nagulat na lang ako na tapos na pala ang event at nagsiuwan na ang mga tao. So nag-inuman na lang kami ni Khikhi. The End.

Sorry medyo bumakat yata yung abs ko sa polo ko manipis kasi.

Dito na lang po ako magpapasalamat sa lahat ng pumunta sa book signing. Yung iba bumili uli ng books para lang dun. Sana nagustuhan nyo yung mga freebies at sana nag-enjoy rin kayo sa maikling program. Special thanks to BHM Publishing, Peep Magazine, Jumping Clay, syempre sa National Book Store. Salamat Kuya Edsel. Salamat Sir Mots. At salamat Khikhi pakyu siningil mo pa ako ng pamasahe.

Salamat rin kay Gideon na ang lakas maka-"Going" sa Facebook event pero No Call No Show. Buti pa si MarkyJosh na the day before the event eh nagtanong sa akin kung anong oras ang registration, paano daw kung malate sya, pano kung 1 book pero dalawa sila ng kasama nya magreregister, maraming mga katanungan pero di rin pumunta!

Seriously nagpapasalamat po ako sa lahat ng pumunta sa book signing. Mga kaibigan, officemates. fellow bloggers, readers, at mga napadaan lang. Salamat sa lahat ng bumili ng books. Salamat sa suporta at sa pagtulong sa amin sa pagpromote. Salamat sa mga gustong dumalo pero malayo. Naramdaman ko pa rin ang suporta nyo. Labia all!

SCENE AFTER CREDITS...
Khikhi: (While drinking beer) Grabe no nakakatawa si Crispy.
Glentot: Crispy???
Khikhi: Yung host.
Glentot: Crunchy!!!
 Ikaw, DESCRIBE YOUR UNANG PUTOK.

pbo - kanlungan ni maria

It feels nice to be able to add a new PBO experience na maikukwento dito sa blog. Last Saturday, PBO held its first anniversary and the organizers chose to celebrate it in the most meaningful way possible - by helping others. Ang napiling bahagian ng konting tulong ay ang Kanlungan Ni Maria, isang home for the aged sa Antipolo.

When I was told about the anniversary outreach activity weeks prior, ni-clear ko talaga agad ang calendar ko without even asking kung saan yun o kung sino ang sasama at ano ang dapat gawin. Base kasi sa experience ko sa PBO, sigurado na ako na it will be fun. I know our previous activities didn't go as perfectly as we had hoped they would, but we still had the best possible outcome and that's good enough for me.

A few things didn't go as planned, but there were a few nice surprises too. The travel time was not too long. I was overwhelmed by the number of people who showed up: over 50. PBO volunteers, friends and officemates were there to lend a hand. Muntik na kaming hindi magkasya sa venue.

I guess the best surprise of all was how refreshing it was to speak to an elderly person. Akala ko kapag matanda, na boring na kausap. I was so wrong. I haven't had a good laugh in a while, until I met Nanay Pina.


Ang Lolang ito ay puno ng kwento, ngiti, tawa at "picket line" gaya ng "Orange ka ba? Sunkist naman diyan."

Ayon sa nagpapalakad ng Kanlungan ni Maria na si Father Dari Dioquino, hindi pumapalya ang biyaya sa kanila. That's why when he spoke to us, kakaiba ang sinabi nya sa mga ibang napuntahan kong outreach. Kung yung iba, ang laging sinasabi ay "Kailangan namin ng ganito, ng ganito, ng ganito," ang sabi ni Father ay "Marami kaming supplies, kasya na ito, at kapag sumobra, ibinibigay namin sa iba."

So to Lola Pina and the rest of the elders na nakilala namin sa Kanlungan ni Maria, at kay Father na nagpasalamat sa amin sa pagbibigay namin ng aming oras, I'll say Salamat sa inyo, at sa oras na ibinigay ninyo sa amin.

I made this video to commemorate this event. I hope my fellow PBO volunteers and readers like it.



Sa mga PBOers and PBO friends, thanks for joining and it was nice to meet so many new people. See you again soon!

At sa mga Lolo at Lola sa Kanlungan ni Maria, Don't give up, because you are loved.

---
Music: Josh Groban, "You Are Loved"
Photos: PBO Volunteers

Thank you :)

Join us!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding