overheard

I'm no eavesdropper, sadyang may mga tao lang na naka-loudspeaker ang mga bibig in public and I cannot help but overhear (remember the Riza incident?) kung ano man ang mga kwento nila sa buhay. Akala kasi ng mga taong ito kapag nasambit na nila eh tapos na. Malay ba nilang may isang tulad kong nagmamasid, taimtim na nakikinig at tinatandaan ang mga sinabi nila para magawan ng blog post.

One time nanood ako ng The Hobbit: The Desolation of Smaug. Pagtapos ng almost 3-hour na movie na yun, nagmadali ang mga tao palabas ng cinema. On my way out I heard this guy right behind me talking on his phone like this:

Sir pasensya na ha, ngayon lang natapos yung meeting. Oo seminar kasi. Tatawagan na lang kita later.

HALA! Kasinungalingan. Nilingon ko talaga si Kuya at tinignan nang masama as his lies went on and on, wala syang tinag. WOW. Sana inagaw ko yung phone nya tapos sinabi ko "Yes I confirm umattend ng seminar si Kuya... sa Middle Earth. At isa ako sa mga hobbits."

Noong college, may nakasabay ako sa jeep, dalawang college girls on their way para maglakwatsa and their conversation went like this:

Girl#1: Haixt. Girl galit na naman sa akin si Mama.
Girl#2: Bakit naman Girl? Etc etc.
Girl#1: Eh kasi Girl, etc etc.
Girl#2: Girl, teka, bakit ganyaan ang daliri mo sa paa? Naka-fuck you?

Napatingin ako sa paa ni Girl#1. Nakasuot sya ng sandals and I can see nga na mahaba nga yung gitnang daliri, mas mahaba keysa sa iba, kaya agaw-atensyon.

Girl#1: Girl hayaan mo na ganyan talaga yan.
Girl#2: Promise Girl! Naka-fuck you ka Girl! Bad yan Girl!

As in. Kung hindi nga inexplain ni Ate na in-born yun eh muntik na akong ma-offend. Pilit binabago ni Girl#1 ang topic pero ayaw tumigil ng friend nya.

Girl#1: Buti nga pinayagan pa akong lumabas ngayon ni Mama eh kahit galit sya etc etc.
Girl#2: Sana tinapat mo sa Mama mo yung paa mo tapos sabi mo Eto ka!!! Pakyu!!!
Sana sa oras na iyon, natutunan ni Girl#2 ang ibig sabihin ng "tactfulness", "discretion" at "friendship over".

May narinig akong conversation one time sa grocery malapit sa main gate ng SLU. Dalawang girls uli, and this time mahina ang boses nila pero sadyang matalas ang pandinig ko.

Girl#1: Ate, meron po kayong... condom?
Cashier: Ha?
Girl#1: condom po?
Cashier: Wala! Hindi kami nagbebenta nyan!
Girl#2: Hala... paano na yung... uhmm.. project natin???

Pagkasabi nila, tumakbo silang dalawa palabas ng grocery, I assume dahil sa kahihiyan. I can just imagine kung anong klaseng self-confidence ang inipon nilang dalawa para lang magtanong kung meron bang condom dun sa grocery, para lang masigawan at magtatakbo palayo. Sana lang nakabili nga sila ng condom sa ibang tindahan at sana nagamit nila ito. On each other... wait, what?

#eggplant

Last Valentine's Day sumakay ako ng FX pauwi. Tapos may sumakay sa bandang likuran na someone na may malakas na boses. I could tell bading yung sumakay. Nung nag-abot sya ng bayad nyang 20 pesos, inabot ko naman, sabi nya "Salamat Kuyaaahhh", na-tempt akong lumingon at tignan sya pero di ko ginawa. Hindi ko tuloy alam ang itsura nya. Pero alam na alam ko ang kwento ng pagkasawi nya (abridged):

Hello?
Saan ka na ba?
Ako na ang mamamlantsa.
Sa bahay ka na kumain.
Kumain ka habang nagpaplantsa ako.
Dalhin mo na ha.
Sa bahay ka na maligo, may hot water ako doon.
Oo nga, yung banyo ko may hot water.
Shower.
Bibigyan nga kita. Oo.
Ako magbibigay ng pang-formation mo.
Ako na rin magbibigay ng pang-tikas pahinga. HAHAHA!
Ganito na lang. Ako na lang pupunta diyan sa hypermarket.
Saan ka ba nakawesto?
Malapit lang ako diyan sa hypermarket.
Nasa entrance ka ba?
Eh di mag-gogrocery ako uli.
Ipaggo-grocery na rin kita. HAHAHA!
Umiinom ka ba?
Pag may occasion lang?
Sa Sunday punta ka.
Ah eh di may occasion sa Sunday.
Punta ka sa bahay.
Gagawa ako ng occasion.
Dalhin mo na friends mo.
Magdadala rin ako ng friends.
Kelan ba yang next time na yan?
Anong araw yan?
Anong araw ang next time?
May kalendaryo ako dito, walang namang araw na nakalagay eh "Next time".
Hindi ko nga alam yang pasa-load na yan.
Punta ka na lang sa bahay at doon mo kunin ang load. (Wushu... para-paraan...)
Kasya na ba ang 500?
Kunin mo sa bahay ha.
O ako na lang ang pupunta diyan?
Sige basta pupunta ako diyan bukas ha.
Sige na nga sa Sunday na lang. Babye.
I love you.
Huy, I love you.
Mag-I love you too ka naman.
Sabihin mo lang I lo--

THE END!

You know what else I overheard? Wickedmouth Unang Putok is still available sa National Book Store! At nasa Bestsellers of the Month list!!!


Ayan nasa number 10 lang but it feels like number 1 :)

Maraming salamat sa mga bumili, sa mga nag-invite sa mga kaibigan nila na bumili, at sa mga gustong bumili... Maraming maraming salamat po! Mwahchupa!!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding