title

So while browsing the great vastness of the world wide web may natagpuan akong isang compilation: "What's the laziest thing you've ever done?" May mga sagot na super DUGYOT and may mga sagot na talagang GENIUS and somehow I was reminded of my own katamaran.

Hindi ko naman idinedeny na tamad talaga ako simula childhood. Lahat ng kailangang gawin sa bahay ay kailangang iutos sa akin which is a constant source of away dahil si Pudrax at si Mudrax ay sadyang masisipag na tao at hindi ako nagmana sa kanila. Ang lagi nilang concern is: Paano na kapag malaki ka na at mag-isa ka na lang, hindi ka marunong magluto/laba/plansta/linis/ligpit?

 Pero hindi naman porke tamad eh negative na agad ang dating. Ang taong tamad, nakakahanap ng easier way to do things, ang komplikado ay nagiging simple at sadyang gumagaan ang buhay. At ngayong malaki na ako at mag-isa na, tamad pa rin ako, and I'm doing juuust fine.

  • Noong Christmas bumili ako sa officemate ko ng dalawang CDO Christmas hams. Yung isa, niluto ni Mudrax Doris noong dumalaw sya noong Christmas. Yung isa, sabi ko lulutuin ko at uulamin ko ng first week ng January every day hanggang maubos. Nung mangalahati na ang ham sa freezer, tinatamad na ako iluto dahil kailangan kong hugasan ang frying pan at sandok every time. So nagdesisyon akong itapon na lang ang ham... noong first week ng March. LOL.

  • Kapag kumakain ako ng ice cream, gusto ko sa bowl. Pero tamad akong maghugas ng bowl after kumain. Kaya kapag binalik ko na yung ice cream sa freezer, kasama ang bowl at spoon.

  • Actually hindi lang yung bowl. Anything na ayaw ko munang hugasan goes to the fridge. Gross I know. I'm not even sorry.

  • Bumili ako ng isang pack ng plastic spoons, plastic forks, paper plates at plastic cups. It's called innovation.

  • Eventually, kapag iinom ako ng tubig, hindi ko na ginagamit yung plastic cups dahil naiipon sa basurahan. Kaya bumibili ako ng 1.5L na softdrinks, at kapag naubos na, pinapalitan ko ng tubig. Tapos tinutungga ko na lang tuwing mauuhaw ako.

  • Dahil nakakatamad hugasan yung 1.5L bottle ng softdrinks, pag ubos na ang tubig, tinatapon ko na yung bottle. Time to buy new softdrinks.

  • Tamad akong magwalis, at parang hindi naman effective kasi maalikabok pa rin. Kaya bumili ako ng vaccum cleaner. Na tinamad akong gamitin kasi mabigat, mainit at maingay. Kaya bumili ako ng Tornado Mop, yung hindi mo na kailangan pigain, i-spin mo lang sa basin. Na tinamad akong gamitin kasi lilinisin ko pa yung basin pagtapos ko magmop. So ginagamit ko na uli ang walis tambo.

  • Sa rare times na nagwalis ako, kapag naipon ko na ang alikabok sa dust pan, normally dapat nilalagay yun sa garbage bag na eventually ay itatapon sa labas diba? Not me. FLUSH lang ang katapat nyan. 


  • Sa apartment namin may nagse-service ng pagkain. Ite-text mo lang sila, tapos ite-text nila ang menu, at kung ano ang mapili mo, ide-deliver nila sa iyo. Gusto ko yun dahil naka-styro ang food at kutsara na lang ang huhugasan ko. Minsan nag-order ako ng pagkain, inutusan ko silang bilhan ako ng 1.5L na Mountain Dew sa tindahan para hindi ko na kailangang lumabas pa. *smile*

  • May mga sneakers akong simula nang binili ko hanggang sa mapudpod, mabutas at masira ay never nakatikim ng laba.

  • Sa office, magkatabi ang toilet at ang pantry kung nasaan ang water dispenser. Yung desk ko, malayo sa pantry at toilet. Kaya iinom lang ako ng tubig kapag naiihi na ako, or iihi lang ako kapag iinom na ako ng tubig, para sabay ko silang puntahan.

  • Dati tamad akong maglaba, dahil tinatamad akong umakyat sa rooftop ng building namin para magsampay. So bumili ako ng drying rack, with wheels na hihilain ko lang malapit sa washing machine kapag magsasampay na ako, at hihilain ko sa bintana kung saan may sikat ng araw. Kapag natuyo na, hihilain ko yung rack papasok sa kwarto, sa tabi ng closet ng mga damit ko. Hindi ko na inaalis sa rack, dun ko na kinukuha ang susuutin ko. Kaya every week, pare-pareho ang suot ko. Kasi hindi ko na nabubuksan ang closet.

  • Needless to say, hindi ako namamlantsa ng isinusuot ko papasok sa office. Because CONSERVE ENERGY that's why.

So sa mga nagtatanong kung bakit madalang ako magpost...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding