wickedmouth - unang putok e-book

Hey Kids! Habang pareho tayong naghihintay ng Book 2, sabi ni Kuya Ching (publisher, BHM), gawin na lang muna naming e-book ang Unang Putok para sa mga hindi nakakuha ng copy ng first printing. And that was how the idea was born.

Before I go any further gusto kong magpasalamat. Ang unang printing namin ay 2000 copies and within months, most of it ay naubos na. I had been getting emails from different National Book Store branches na nagrerequest ng new batch of deliveries, kaso hindi na kami nakapagdeliver dahil ubos na rin ang copies sa office ng publisher. Hanggang ngayon may nakikita akong mangilan-ngilang copies sa iba-ibang NBS branches, at paminsan-minsan may nagmemessage pa rin sa akin na nakabili ng book. Maraming salamat!

Ikukwento ko lang ang mga nangyari OK? Just in case you're curious with how to come up with an e-book.

Naghanap ako ng e-book publisher sa Pilipinas at nahanap ko sa Facebook ang Flipside Publishing. Yip just like that! Parang ang kupal ko lang kasi out of the blue bigla lang ako nagmessage sa kanila sa Facebook, at buti at inentertain naman nila. That was March 10, 2015.

You would think na madali lang gumawa ng e-book right? Kasi diba, nakatype na ang manuscript, nakaattach na ang drawings, icoconvert na lang sa .epub or .pdf? I thought so too. Natapos namin ang lahat at napublish ang e-book: December 10, 2015. Exactly ten months!

Matapos ang mga necessary approvals at paperwork, we began work. For my part, kinulayan ko ang mga illustrations ni Sir Mots, with his approval. Eto ang nakaka-enjoy na part. Looking at Sir Mots' drawings in closer detail, talagang na-appreciate ko ang art and it's no surprise that he is steadily making his name in mainstream media.


Hindi malayo na one day, maihahanay si Sir Mots kina Pol Medina at Manix Abrera. I'm sure of it, ipupusta ko ang left ventricle and left testicle ko.

So yun nga, coloring book for adults ang pagkukulay-kulay ko at nang matapos na, I sent everything to Flipside. In fairness sa Flipside Publishing, parang may naka-toka silang palaging online! Ang bilis sumagot sa email.

Then we worked on the text. Dito ko natutunan ang "fixed vs reflowable". Kapag fixed ang text, hindi sya gumagalaw duh. Kapag reflowable, pwede siyang magbago depending sa preferences ng reader. So we opted for reflowable, but that meant a LOT of hard work (for them). In-adjust lahat ng text, pati ang mga special characters like the drop caps and special quotations.

Eto ang tinutukoy kong drop caps. Kung matagal ka nang dumadalaw sa blog na ito, mapapansin mong ganito ang format ng mga posts ko. Ganito ko sinisumulan ang bawat post. For effect? For the economy? Wala lang, hindi ko rin maintindihan why I insist on this. At dahil gusto kong maging consistent sa libro at sa e-book, ipinilit ko talaga ito. Take note that this is pawang kaartehan lamang, pero dito kami nagtagal.

Eto naman ang tinutukoy kong special quotations. Ito ay kaartehan much lang rin at hindi naman talaga ikagaganda ng iyong reading experience. Hindi ko nga alam kung naiinis na ang Flipside sa akin dahil sa kaartehan na ito, ngunit nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil in-accomodate nila ang request kong ito.
Nang matapos ang lahat, akala namin tapos na. Hanggang sa maisipan ko na gusto kong maging transparent ang background ng lahat ng images. Kaya muli kong inulit lahat ng pictures at ipinadala, at muli nilang in-insert paisa-isa. Ito ay pagpapatuloy pa rin ng aking kaartehan na syang tunay na cause of delay.



After the publishing comes the marketing. We thought of fun promotional materials at muli ay nagpapasalamat ako sa Flipside sa pagbigay ng oras at effort na magpromote. They came up with mini-teasers at napakasipag nilang magpost sa lahat ng social media accounts nila.


For my part I made my favorite activity: ang paglaruan ang mga drawing ni Sir Mots at gumawa ng posters.


This whole experience was truly important and meaningful for me. I got to collaborate with people and completed a project which helped me get my work to a new and wider platform.

So Kids I'm inviting you to get a copy of the e-book. Kahit may real copy ka na, download ka pa rin! Sa presyong para ka lang nag-taxi, nag-Jollibee o nagpa-pedicure! I appreciate your support!

So Thank You kay Kuya Ching for coming up with this idea and to BHM Publishing for always lending a supportive hand. And many many Thank Yous to Charles Tan and Denise Bengzon (and the many Flipside Publishing people and teams) who worked diligently and patiently with me on this. Until next time!

Check it out!





Mwahchupa!

office talk 2

believe in the saying IF YOU'RE BORED, IT'S YOUR FAULT. This is why kapag nasa office, we try to make it a little bit more fun to lessen the stress. Sa tagal naming magkakasama halos araw-araw, we have developed our own ways to communicate.... which crosses the line into the realm of ~*sexual harrassment*~. To express ourselves better ganyan. Just for fun.

Calls

Part of our work day is spent calling our clients just to maintain good relations. It's a measure of our productivity and also good way to keep communication lines open. Dami kong sinabi. Basta paramihan at pahabaan kami ng calls!

Me: Boogie, nakailang calls ka?
Boogie: For-ty calls!
Me: WOW for-ty calls! Hanep! Ako six-ty calls!
Boogie: WOOW Kahapon naka-seven-ty calls ako!
Me: WOOOW sana bukas maka-eigh-ty calls ako!
Boogie: WOOOOW sa susunod na araw makaka-nine-ty calls ako!
Me: WOOOOOW Nine-ty calls ang sakit na nun!
Boogie: Wala na ngang lumalabas eh!!!

Get it? Taba ng utak ni Boogie, sa kanya ko natutunan yan.

Calling clients is also a way of escaping unhealthy conversations in the office, for example:

Officemate: Glenn busy ka?
Me: Ako pa ba? Syempre hindi.
Officemate: May hihingin sana akong favor...
Me: *biglang dampot ng phone handset* Hello Steven, this is Glenn. Is this a good time to talk? Great!

TMI

Remember Tito Donpi? Being the shining example of office etiquette, si Tito Donpi ang pasimuno ng TMI, or Too Much Information. Ito ang pantawag-pansin nya kapag may officemate kaming nanganganib maireklamo sa HR for ~*sexual harrassment*~ dahil sa oversharing of personal information.

Me: Boogie, ano yang calendar mo sa phone, bakit puro hearts?
Boogie: Yan yung times na nakipagsex ako.
Tito Donpi: TMI.
Me: Bakit yang isang week, sunod sunod ang hearts?
Boogie: Yan yung araw-araw kami nagsesex.
Tito Donpi: TMI!
Me: Bakit yung Sunday ang daming hearts?
Boogie: Yan yung apat na beses kaming nagsex!
Tito Donpi: TMIIII!!!
Boogie: TMI? As in Too Much Inggit? Hihi.

Hindi ko naman masisisi si Tito Donpi. Madalas talaga may halong ◕‿◕lasciviousness◕‿◕ ang mga nagiging usapan namin. Ewan ko. Palaging humahalo eh, kahit sa pinaka-inosenteng topic. Like for example...

Cake

Sa office, big deal ang birthdays. Hindi pwedeng lumagpas ito na hindi naice-celebrate. At malalaman mo kung may nagmamahal sa iyo kung ibinili ka nila ng cake. Cake is the measure of your worth as a person. Cake = U exist.

Kapag may cake, syempre hihiwain ito. So nasaan banda ang ◕‿◕lasciviousness◕‿◕?

Me: Wow cake.Yahmeeh.
Tootsie: Hiwaan kita?
Me: Oo thanks.
Tootsie: Yan, ok na yang hiwa ko?
Me: Ang liit naman ng hiwa mo.
Tootsie: Nag-expect ka? Ganyan lang talaga ang hiwa ko.
Me: Lakihan mo ang hiwa mo.
Tootsie: Manipis lang talaga ang hiwa ko eh!
Me: Buti pa si Officemate #2 malaki ang hiwa nya! Ang tambok ng hiwa!
Tootsie: Malaki nga ang hiwa nya, tabingi naman!
Me: Hala tignan mo yung hiwa ni Officemate #3, lasog-lasog na! Ang dumi.
Tootsie: Nagmamalinis ka eh kumakain ka naman ng maruming hiwa!
Me: Fuck you!
Tootsie: Promise?

Yun lang, masaya na kami.

Language!

Madalas na ka-partner ng "TMI!" ni Tito Donpi ang "Language!" at para naman ito sa mga taong gumagamit ng words unsuitable for the office environment. Yes, bilang professionals we remind each other para hindi na ito mag-escalate pa.

Me: Nabalitaan mo na? Nag-resign na si Officemate #1.
Officemate #2: WHAT? Eh may utang pa yun sa akin eh. Putangina!
Me: Language! Konting pigil naman, nasa office tayo eh. Baka may makarinig sa atin sa ibang departments.
Officemate #2: Sorry, Glenn. I lost my cool and forgot that we're professionals✓. Nga pala, nabalik nya ba yung payong mo?
Me: Ay oo nga! Putangina nya!
Officemate #2: LANGUAGE!

Liempo

Mabait talaga si Tito Donpi. Kapag may newbie kami sa office, ang pakilala nya ay "I'm Don, I'm the nicest person around." Let's see if it's true.

Lagi akong binibigyan ni Tito Donpi ng food. Minsan dinadalhan nya ako ng adobo, bacon, sisig, pizza at iba pa. Pero ang paborito kong binibigay nya sa akin ay Liempo. Liempo = Love. Tito Donpi is so sweet. But then I realized kaya nya ako binibigyan ng pagkain eh para hindi ako pumayat.

Just like the rest of us, hamon kay Tito Donpi ang pagmaintain ng body na slim and fit. Kailangan may strategic plan. Yung iba sa amin, oatmeal lang ang kinakain kapag lunch. Meron din puro fruits lang kapag lunch. Yung ibang truly successful sa diet, yosi at imahinasyon lang ang lunch.

Pero si Tito Donpi, kakaiba ang strategy sa pagpapapayat:

Kung hindi ako papayat, papatabain ko kayong lahat.

Hence, the liempo. So hindi talaga act of love ang bigayan ng liempo. Liempo =  Death threat.

Tito Donpi: Ang sakit ng gout ko Glenn.
Me: Pag gina-gout ka anong mga namamaga sa iyo?
Tito Donpi: Yung paa ko Glenn, at yung mga daliri.
Me: Ay hindi leeg?
Tito Donpi: Walanghiya ka Glenn, may liempo ka sa akin bukas.

Buhay na Saksi

Ang Buhay na Saksi isang anonymous na taong tagapagdala ng tsismis sa apat na sulok ng opisina. Ayon kay Tito Donpi, ito ang madalas mag-report ng mga kababalaghan, kamunduhan at anomalya. Kahit anong panguuto ang gawin ko kay Tito Donpi, hindi nya inaamin kung sino ang kanyang Buhay na Saksi. Basta ang Buhay na Saksi na ito ay taga-ibang department at umuuwi ng bandang 12 midnight.

Tito Donpi: Glenn, break tayo ng 4AM?
Me: I can't, sorry, marami akong hinahabol na reports.
Tito Donpi: Ay sayang may ikukwento pa naman ako sa iyo, mainit-init pa.
Me: Ano yan? Baka gawa-gawa mo lang yan ah.
Tito Donpi: Hindi, promise. Totoo ito. Ang nagbalita mismo sa akin ay isang Buhay na Saksi. May nahuli siyang nagtutukaan sa elevator.
Me: Tara break na?

Of course, we're friends!

Another reason kung bakit paborito ko si Tito Donpi sa office ay dahil lahat ng hingin ko sa kanya ay ibibigay nya. Ang isasagot nya lang sa akin ay "Of course, we're friends!"

Me: Tito Donpi, samahan mo naman ako sa Columns, magwiwithdraw ako.
Tito Donpi: Yes of course, we're friends!

Me: Tito Donpi, pag napadaan ka sa grocery ibili mo naman ako ng Vanilla Coke.
Tito Donpi: Yes of course, we're friends!

Me: Tito Donpi, haluan mo ng rait poison yung kape ni Officemate #2, ok lang?
Tito Donpi: Yes of course, we're friends!

Ang ka-partner naman ng "Of course we're friends" ay ang version nito na may halong disappointment and the feeling of betrayal: "I thought we're friends!"

Me: Gagaling pa ba ang gout mo?
Tito Donpi: Hindi na Glenn, hindi naman nagagamot ito.
Me: Habangbuhay ka nang may karamdaman?
Tito Donpi: Oo.
Me: Kahit uminom ka ng gamot mong Gouticillin?
Tito Donpi: Mobic ang gamot ko hindi Gouticillin.
Me: If you lose weight, mababawasan ang gout mo?
Tito Donpi: Yes I think.
Me: Yung daliri mo sa kamay at yung paa mo ang namamaga?
Tito Donpi: Yes bakit?
Me: Na-consider mo na bang magpa-amputate?
Tito Donpi: Walanghiya ka Glenn I thought we're friends!

Gripuhan

Malalaman mong galit sa iyo si Tito Donpi kapag nasambit nya ang pangalan mo at ang salitang "gripuhan" in the same sentence. As in:

Itong si (name drop) ay masarap gripuhan sa tagiliran.

Sweets

Kung hindi pork, ang dala ni Tito Donpi para sa akin ay donuts, cassava cake or cupcakes. Mga matatamis. He's sweet like that.... or so I thought, kasi kamakailan lang nagkaroon kami ng ganitong discussion, matapos nya akong pakainin ng leche flan:

Me: Saan si Officemate#1?
Tito Donpi: Nag-asawa na.
Me: Akala ko grinipuhan mo na eh.
Tito Donpi: Hindi naman, pero hintayin nating lumutang.
Me: Paslangin na natin?
Tito Donpi: Inumpisahan ko na Glenn. Kaya nga lagi ko pinapakain ng matamis...

Napa-isip ako ng mga ilang segundo... thinking about the leche flan na kanina lang ay pinipilit nyang kainin ko...

Me: WALANGHIYA KA DON! I THOUGHT WE'RE FRIENDS! I THOUGHT YOU'RE THE NICEST PERSON AROUND!

Kthxbyeeee.

the joy of cooking

don't cook because I can't cook. Hindi yung pa-cute na Hindi ako marunong sa gawaing bahay senyorito ako kind of disability, kundi yung Anong mauunang ilagay, yung mantika o yung tubig kind of disability. Sinusubukan ko naman eh. Hindi lang talaga ako magaling, pero edible naman (for me) ang luto ko.

It's not like I had the best teachers. Sa amin, si Pudrax ang magaling magluto. Name it, nailuto nya na. Papaitan, sisig, kilawin, ganyan. Basta pang-pulutan, kayang-kaya nya lutuin yan. At wala syang patience sa pagtuturo. He's the Kung hindi ka tutulong, umalis ka sa kusina kind of teacher.

Si Mudrax din, nagluluto, not out of joy but out of necessity, dahil kailangan namin ng nutrisyon sa katawan. Hindi ko sinasabing fail ang luto nya. Meron lang time na nag-adobo siya tapos dim lights noon sa kusina, akala ko talaga pakbet yung kinakain ko. Lasang pakbet, tinadtad nya kasi ng luya. She's the Inuubo ka at magandang gamot sa ubo ang luya kind of cook.

Una akong nag-attempt magluto noong high school, nung minsang naiwan akong mag-isa sa bahay. Binilinan ako ni Pudrax na nag-iwan sya ng pork chops sa freezer at ako na lang ang bahalang magprito. At kabilin-bilinan rin nya na wag kong iiwan ang niluluto ko. May history na kasi ako eh, nung minsang nagsaing ako eh dumaan sa bahay ang mga classmates ko at nagyayang magpunta sa beach. Sumama naman ako because you know, peer pressure, at iniwan ko na yung sinaing.

This time, hindi ko na talaga iiwan yung pork chops. And ayokong prito lang, gusto kong gawing adobo. Hindi ko na hiniwa, inadobo ko siya na nakahiwang pork chop. Ako lang naman ang kakain, who's gonna judge me? So nagtext ako sa kaklase ko at nagpaturo ng recipe. Soy sauce, paminta, bawang, suka. So far, so good.

Eh nagkataon namang maganda ang palabas sa TV. So pinanood ko sandali.

Namalayan ko na lang, sumisigaw na ang Tita ko sa likod ng bahay namin, at pagdating ko sa kusina, puro usok na lang ang nakikita ko. Yung pork chop ko, na ayaw kong iprito dahil gusto kong iadobo, naging inihaw.

At least, hindi hilaw.

Noong college, lalo akong hindi nagluluto. Sa labas ako lagi kumakain. Suyod na suyod ko lahat ng carinderia, eatery, canteen, restaurants ("restaurant" yeah), mamihan at tapsilogan sa tabi ng SLU. Tirador rin ako ng pancit canton. Sino bang estudyanteng nagdodorm ang hindi pumatol sa tukso ng pancit canton?

Nagtatrabaho na ako pero mag-isa pa rin ako sa bahay. Hindi praktikal sa akin ang magluto. Mas mahaba pa ang oras ko sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan keysa sa aktuwal na pagkain. To me that sounds unfair.

Last year ko lang naisip bumili ng electric stove. Sabi ko, "It's time." Kapag dumadalaw ang Nanay ko, nagluluto kami. Bale siya ang naghihiwa ng gulay at baboy, siya ang nagtitimpla, siya ang naglalagay sa pot. Ang kontribusyon ko ay ang paghalo-halo at pagdedesisyon kung luto na ito. At ako ang taga-post sa Instagram with hashtag #ICooked

Kapag wala si Mudrax Doris, nag-aattempt pa rin naman akong magluto. Pancit canton ganun. Minsan, full blown meal talaga, like pancit canton with egg. Mostly prito. One time nagprito ako ng hotdogs. Sinundan ko naman ang directions.



At least hindi hilaw. Ayoko lang naman maulit yung one time, naglaga ako ng itlog tapos nung biniyak ko, malamig pa yung yolk. Parang may chance pa sya na mabuo at maging sisiw. So from then on sinisigurado ko na hindi hilaw ang luto ko.

Since last year marami na akong nailuto. Or, nasunog. Nakasunog na ako ng tocino, chicken nuggets, ham...

Pork chops...


Pancakes...


One time naman nagluto ako ng Knorr soup. Can you believe it, nakasunog ako ng soup? Cream of corn yun eh. Noong una hinahalo-halo ko naman at OK pa. Nag-Instagram lang ako sandali, paghalo ko uli, may lumutang na itim. It's too gross for Instagram.

But at least hindi hilaw!

Nagsawa na ako sa kakasunog ng burger patties, beef tapa, pork strips. Naisip ko, panahon na para iba naman ang sunugin ko. So naisip ko mag-adobo uli.

Sabi ko, "It's time."


Ano akala mo fail no? You were saying??? Hindi sya nasunog. At ang daming nag-Like, 23 sila, including Mark "Mugen" Striegl (MMA Fighter) and Vince Golangco (founder of WhenInManila.com). Siguro naghahanap sila ng #adobo that time.

So yun I'm so proud of my adobo.

Actually...

Actually, ganito talaga ang nangyari. Ang sabi sa na-Google kong instructions, i-marinate muna ang pork sa soy sauce at bawang for one hour. Done that.

Tapos ilagay ang marinade sa pot and cook for a few minutes. Done that. Nanood muna ako ng Chappie.

Lagyan ng tubig at paminta. Done that. I didn't bother with the basil leaves shit, dadagdag lang yun sa throwaways. Gusto kong ilutong dishes yung walang buto, tinik, ulo kuko, at dahon-dahon para wala na akong itatapon at mas madaling maghugas ng plates.

Let it boil and simmer for 40 minutes, sabi sa instructions. Masyadong matagal. So naligo muna ako. But of course, hindi ko iniwan yung niluluto ko na nakasalang. I'm not that stupid. So pinatay ko muna.

After ko maligo, pinakuluan ko uli at dinagdagan ng suka. Easy. So far amoy adobo na siya. Naghugas muna ako ng pinggan.

Hala nalingat lang ako saglit, natuyo na ang sabaw. Hindi ito maaari. Ayoko ng adobong walang sabaw, it's like a waste of perfectly good pork.

So dinagdagan ko ng soy sauce.

Noong kumulo, nilagyan ko ng tubig at suka. And this time, hindi ko na iniwan. Kahit hindi ko na naintindihan yuung pinapanood kong Chappie.

Noong nagdecide ako na luto na, ihinain ko na ang adobo sa sarili ko. YUMMY. The end.

Actually no, sumakit ang ulo ko. Ang alat. Lasang baboy at soy sauce. I felt like it gave me cancer. Super malasa siya, bawat hibla ng pork pwede mong iulam sa tatlong sandok ng rice.

Matapos kumain, nanghinayang ako sa pork. Pwede ko pa ito magawan ng paraan eh.

So niluto ko uli. Hinaluan ko uli ng soy sauce, tubig at suka. Nung nagdesisyon ako na luto na uli siya, tinikman ko. Mapait. Lasang pinagsamang lungkot at pighati. Lasang putangina. Natulog na lang ako.

Paggising ko ng 1AM gutom na gutom ako at napagdiskitahan ko na naman yung adobo. Siguro kakadagdag ko ng soy sauce kaya hindi na sya edible. Kasalanan talaga ng soy sauce. Buong bahay nangamoy toyo na nga eh.

Nagpakulo ako ng tubig at saka ihinulog isa isa yung mga pork, without the sabaw. Grabe yung lumabas na soy sauce sa karne, nakabuo ako ng isa pang adobo.

Nung kinain ko na, edible na siya, hindi na gumuguhit sa lalamunan. Pero nakakahurt ng feelings na yung 1/4 kilo ng baboy ay tatlong beses kong inadobo. And hindi na kailangan pang malaman ng 23 kataong nag-Like sa Instagram, including Mark Striegl and Vince Golangco, na ang adobong yun ay cancerous.

I'm the Eat at your own risk kind of cook.

stand by me doraemon movie review

Do you remember where you were when you first heard of Doraemon? I think I was in third year high school. I remember watching it after classes, right when I get home. There was something about this 3-episode daily show that really captured my attention, and in the process I may have lost some precious moments with my high school friends, because instead of hanging out with them, I always had to rush home just to watch this cat robot and his dorky friend.



You can't blame me, hanging out with Doraemon was a lot better than hanging out with my friends. At least Doraemon didn't judge me and my life decisions. I watched religiously like my life depended on it. Mostly because it was fun, but partly because I could relate to Nobita: helpless, weak and lonely.

Doraemon, the blue robotic cat, travelled from the future so he can help Nobita, a bona fide wimpy kid, in his affairs. Doraemon, being from the future, has a wide collection of gadgets with which he helps Nobita in his daily woes. In the process of helping him, they wind up in even bigger trouble, which they eventually get over and they pick up a lesson or two after.

This format, so simple and wholesome during its entire run, is actually endearing even to a grownup like me. If I could, I'd probably still watch Doraemon until now. This is why when I heard of a new Doraemon movie showing in the theaters, I didn't have to think twice.

Like any self-respecting adult I picked the late night showing, hoping that the theater won't be full of kids. I was right. The theater was almost empty. There were probably less than 20 viewers. The only people I saw in the theater were the hardcore Doraemon fans, some even older than me, and some were even wearing Doraemon shirts. These people, just like me, must have at some point forgotten about Doraemon and they joy of watching it, but the nostalgia was just too much to bear. We just HAD to see the movie.

I admit, I wasn't expecting too much. I was aware that I am a twenty-eight fully grown male adult impervious to feelings and emotions and tears but SHIT when Doraemon first showed up in Nobita's room from the table drawer he used to make his entrance in, I just had to suppress an inner shiver, because I felt that just like Doraemon, I was travelling back in time, back to those afternoons after school.

Early on in the movie I went to the toilet to pee, so I won't have to do it later when the important ending scenes come on. I had to run down the stairs and up again just so I won't miss anything. The whole process, from running down, to running to the toilet, peeing, to running back to the theater and up the stairs to my seat - took less than a minute. I did it as quickly as possible so as not to distract the other watchers in the theater.

The story is pretty decent, it can hold itself against other children stories. The 3D version takes some getting used to, and the voices too. Maybe I just miss the old Doraemon version so much, but this doesn't mean the movie did not give it justice, because it did.

In a nutshell, it tells the first meeting of Doraemon and Nobita (named Nobi in this movie). Doraemon was sent from the future to Nobita's timeline, so he can help Nobita set his affairs straight so he doesn't end up growing old and unhappy. Doraemon's task was simplified when he found out that Nobita had a raging, burning crush for Shizuka (Sue in the movie), his classmate. In order to ensure Nobita's happiness in the future, he needed to help him ensure that he marries Shizuka in the future by making him desirable to Shizuka. Until Doreamon succeeds in that, he can never go back to his own timeline.

As expected, Nobita and Doraemon ran into endless shenanigans. Faced with bullies, faling school grades, peer pressure and his love for Shizuka, Nobita turned to Doraemon for everything. And Dorameon tolerated him. So much so that in time, Nobita became too dependent on him that he can no longer function by himself.

Many times Nobita failed, but eventually, he was able to get Shizuka's approval, giving Doraemon a glimpse of their bright future together. Before he knew it, it was time for him to go home.

It was during this scene that I realized, this Doraemon movie is NOT AT ALL a feel good movie. This is not meant to bring back joyful childhood memories or experience the excitement once again. This movie's purpose is to reduce adults to tears. I should have known from the poster itself.

I really let myself go. My tears were just ugh. Yuck. I was crying. Ew. I had human emotions. And I was certain I was not the only one bawling their eyes out, left eye first, right eye next. There is no shame in crying. Even if what it takes for you to cry is a mechanical cat robot with a weird voice.

Towards the end, when Nobita and Shizuka got lost in a blizzard, I felt the need to pee again. And this time I can't just sprint, because these scenes are crucial. This is where everything culminates. Surely my bladders can wait.

A few more minutes, I endured. But during the very final scene, I knew I had to run or risk going home soaking wet. So down the stairs I went, noiseless but aware of all the eyes in the theater probably watching me, alternating between the emotional ending scene and me, running the length of the whole stairs like some pickpocket chased by cops.

In the toilet I went, running to the nearest urinal. I did not bother to wash my hands, I can do that later. The only important thing right now is getting back to my seat. I was running again. Running back up the dark stairs, the outlines of the steps glowing neon blue.

Dramatic music playing in the background... I was sure that this was the ultimate moment and I was missing it. I ran faster up the stairs and suddenly...

Nangudngod ako.

Putangina nangudngod ako sa hagdan.

Shiiit.

And may naririnig akong tumatawa, dun banda malapit sa kinauupuan ko. Pagdating ko sa upuan ko gusto ko nang malusaw. Yung mga taong nanonood, na kanina lang eh nakatutok sa intense na intense na eksena, eh nakasaksi ng taong nagungudngod fuuuck.

Ito na nga marahil ang dahilan kung bakit ako nakakarelate kay Nobita.

st nicholas catering and restaurant

Hey Kids you little shits. Love you. Kumusta kayo? Do you still remember Karl? Siya yung may pakana kung bakit ako napasabak sa mga review-reviewhan ng burger at ng spa. Eto in-invite na naman nya ako, this time food tasting naman ang kaganapan. Exciting! With a friend na sadyang mahiyain sa food, sumabak kami sa St Nicholas Catering and Restaurant para isang umaatikabong hapon ng food tasting. Tikiman kung tikiman! Ihanda ang gums!

Ang St Nicholas Catering ay matagal na sa catering business, at nagbukas sila ng restaurant last year. Relatively new ang restaurant pero ang dishes ay sadyang perfected over the years. Naks.

Whenever I eat at a restaurant the first thing I notice is the “personality” of the design. May restaurants na lively, may very formal, may cozy, may intimidating. Ang St Nicholas ay matatawag kong Fiesta. Nung nagtanong ako kung ano ang theme, sabi sa akin wala raw theme. The owner just brought design inspirations from his travels around the world. And somehow, this is the personality of the restaurant.


Sa nag-uumapaw na gratitude ko sa restaurant owner, si Chef Nick Pelaez, hindi ko lang babanggitin na siya ay isang mabait, talented at creative na chef, gusto ko rin gawin syang isang official hashtag: #CHEFNICKPELAEZ

OK dahil nga food tasting talaga ang ipinunta ko dun, talagang tinutukan ko ang pagtikim sa food. Activated na ang taste buds ko noon, and I really prepared myself mentally and physically. In fact, sa buong maghapon bago pumunta sa restaurant, ang kinain ko lang ay marshmallows.

So yun nga. Ito ang  mga pagkaing dumapo sa aking gums:

Adobong Manok at Baboy sa Dilaw
Sayang hindi ko ito nakunan ng picture. Busy na agad ang gums ko eh. Ito ang una kong tinira, kasi pag-upo ko sa seat sa table ito ang tumapat sa akin at ito ang unang nahagip ng aking paningin. Pagsayad ng adobo sa aking gums I was like Hmm adobo ito pero parang may kakaibang shiznit. Ipinaliwanag lang sa akin na kaya ito tinawag na Adobo sa Dilaw ay sapagkat may ingredient ito na color yellow. I forgot what it is. Sowrry.

Update: It's turmeric.

Okoy
Tinikman ko lang ito a little bit. Pinakaiiwas-iwasan ko ang okoy. I don’t understand why. This must be some deep-seated psychological childhood trauma? Or some catastrophic event from my previous life which imprinted itself onto my present existence? Or does it bring ill thoughts of massacre and genocide, which I subconsciously associate with all those dead shrimps? I definitely need to talk to a psychiatrist about this. This can’t go on. Update U L8r.

Tinolang Chicken sa Pakwan
Eto hindi ko na rin nakunan ng picture kasi nung sinabi na Tinola sa Pakwan talagang nagpanting ang tenga ako at na-excite ako.

Siguro nung naisip ni #CHEFNICKPELAEZ na “Sheht kailangan kong i-revolutionize, i-revamp, at i-overhaul ang boring na tinola” nagkataon naman na nagtitimpla sya ng watermelon juice. It’s a matter of putting two and two together so do the Math kids. And the result is LEGENDARY, like WTF tinola ba to or what? It’s such a wonderful confusion exploding in your taste buds. I wonder kung ano-ano pang ibang fruits ang pinag-eksperimentuhan ni #CHEFNICKPELAEZ before he ended up with watermelons. I can just imagine the trial and error sessions: Tinola sa Ube. Tinola sa  Jackfruit. Or Tinola with Papaya, pero yung Papaya ay Ripe. WTF diba? And on top of that freaky Tinola, super sarap rin nung Sinigang Na Pork in Grapes.

Joke lang walang Sinigang na Pork in Grapes pero sana meron diba? Seriously ang sarap ng Tinolang Chicken sa Pakwan, yummy like a motherfu--.


Ebi Tempura with Suka Dip
Forget the shrimp, it reminds me of the okoy. To me, it’s just a crustacean unlucky enough to get itself caught, skinned, smothered with breading mix and deep-fried and for what? Inialay ng hipong ito ang buhay nya para lang sumayad sa nagngangalit mong gums. Although iniwasan ko ang okoy, that didn’t stop me from eating the tempura. But in the end, for me, yung side dish na talong ang totoong game-changer. Ang sarap. Every coin-shaped slice is so soft and so rich in flavor.



Adobong Crocodile
Akala ko joke lang ito. Totoo palang bwaya yung inadobo. I liked it. Mas flavorful siya pero halos same texture sa pork. Sana meron ding crocodile sa carinderia malapit sa amin.

We also enjoyed the Guinataang Velociraptor. You should try it!

Paru-parong Tilapia with Sweet Tamarind Sauce
Why paru-paro you ask? No, wala itong kinalaman sa Butterfly position involving 3 guys and 1 adventurous girl. Sadyang ini-style na parang paru-paro yung tilapia sa pagkaka-spread ng laman, mukhang butterfly wings and complete with antenna jk.


Sisig
This is the #shit. Ang sarap ng sisig, it deserves its own blog post. OK I don’t really like maaanghang foods and no this is not some psychological trauma, ayoko lang yung pinagpapawisan ako sa anit. Pero sheht ang sarap ng sisig tiniis ko yung katiting nyang anghang. So delicious. To quote ang paboritong linya ng officemate kong si Papi Donpi, “Yuh-meeh”.


Poque Poque
Hindi ako sanay sa ganitong spelling na Poque Poque, this is a little too bourgeoisie for me. Para sa akin, ito ay mananatiling Puke-Pukehhh. Ang sarap lalo noong ihinalo ko ito sa sisig. Powerful combination talaga and I was like Who would have thought, right?

Steamed Rice Plain
This is my favorite! Actually I feel guilty na inatake ko talaga ang rice. Ang pagkakaintindi ko kasi sa “food tasting” eh titikman mo yung mga dishes, hindi lalapain. Eh na-carried away ako. Tuwing titikim ako ng ulam, naghahanap ako ng rice, and before I knew it, piyesta mode na ako. Sorry. This is so unbecoming of me. How do I expect to be respected as a food critic kung patay gutom ako sa rice? Actually I don’t LOL. I came there to enjoy, sorry #CHEFNICKPELAEZ kasi naenjoy ko talagang kumain.

At some point biglang lumabas sa kusina si #CHEFNICKPELAEZ at nagsabing "Guys it's time for desserts" at nagpanting muli ang tenga ko.


Turon de Tsokolate
Hindi ko ito natikman kasi naubos agad. If you look closer sa larawan, kapansin-pansin rin na ang Banana Split ay P149 lamang.



Chocolate Lava Ala Mode
Ang sarap nito, like a motherfu--. And thanks kay #CHEFNICKPELAEZ he made each of us take a choco lava cake home. Yummey. I suggest i-microwave ito to hellish levels of heat to fully experience the lava part.


Honeyed Fruits in Ice Cream
Sa pagbalik ko dito sa St Nicholas, oorder ako uli nito. Hindi lang ito masarap, it's Ansherep.


To officially end the food tasting session, #CHEFNICKPELAEZ made us grab a cup of civet coffee. Ito yung expensive brew dahil galing pa yung beans sa jebs ng civet. Kung may alaga kayong civet sa bahay, try nyo to!

Maya-maya kaming tinatanong ni #CHEFNICKPELAEZ, Masarap ba? This is where I got the idea na ang pagluluto is also like making love. Kailangan mong sarapan. Kailangan masarapan ang pakakainin mo. At kailangan mag-enjoy sya sa pagkain sayo. Kaya kailangan mo talagang tanungin, "S4r4p baH b3h?"

Syempre panay ang sagot ko kay #CHEFNICKPELAEZ ng Opo Chef masarap. Tuwing tatanungin nya ako, alin sa mga dish ang nagustuhan mo, each time nag-iiba ang sagot ko kasi ang hirap mag-decide on just one dish. Kung tutuusin, most of the dishes here ay mahahanap mo rin sa ibang restaurant. So what sets St Nicholas Restaurant apart?

I will definitely say, yung lasa mismo. Kasi nga masarap! Paulit-ulit na ako ha. These dishes come from a chef who had years and years of experience. Eleven years na ang catering services ni #CHEFNICKPELAEZ. Hindi naman siguro aabot ng eleven years ang catering business nya kung ang lasa ng luto nya eh tae-tae much. Moreover, #CHEFNICKPELAEZ strives to put a distinct twist sa mga well-loved dishes natin. Some think it’s gimmicky but this is something I appreciate. Anyone can come up with a decent Tinola but not everyone has the foresight to add watermelon to the mix. Not everyone is willing to go through endless trial and error sessions. Kung tatamad-tamad mag-isip si #CHEFNICKPELAEZ baka may Tinolang Chicken sa Orange Juice sa menu.

Pero the best part of this restaurant is, the food selections are not overpriced. Afford na afford natin ito. Kahit makatatlong servings tayo ng Tinola, wala tayong fear na maglakad pauwi.

If you want to bring your gums here, madali lang matagpuan ang St Nicholas. Dito lang sya banda sa #1 Fatima St., corner San Rafael St., Barangay Plainview in Mandaluyong. So halimbawa, nasa Cavite ka. Tapos papunta kang Laguna. Pwede kang dumaan muna saglit sa Mandaluyong tutal it’s on the way naman so you can check out St. Nicholas Restaurant!

Muli, thanks Chef Nick Pelaez, thanks Karl, and thanks sa mga nakasama ko that one fun afternoon.

Suggestions:
Can we change the name of the Paru-parong Tilapia? It’s kind of misleading. Binuyangyang na Tilapia would be nice. Or Binulatlat na Tilapia. Or Tilapiang Binukaka To the Extreme Limits of Metaphysical Possibilities. Tangina kung ganyan ang pangalan ng dish, tilapia mismo ang magvo-volunteer na mailuto.


That’s #CHEFNICKPELAEZ in front of Mount Mayon near the clouds. (Thanks Karl for the pic)

SOLVED.

Contact Chef Nick Pelaez here:
https://www.facebook.com/st.nicholascater

uke box caffé

Hey Kids what's up? Me? MAsakit ang gums ko kasi nagpabunot ako ng ngipin recently. Other than that, there's not much going on in my life, which is fine with me. I was about to disappear into a gaping pit of oblivion nang biglang nangailangan ng tulong ang isa kong kaibigan. Kung pwede daw ba akong mag-interview at magsulat ng article tungkol sa isang coffee shop. Kahit nagsusumigaw ang gums ko ng No!!! sabi ko Yes!!!


So the coffee shop is called Uke Box Caffé and they have one central theme: ukuleles! I remember naikwento sa akin ni Doris na yung LoLo ko daw ay mahilig mag-play ng ukulele noong nabubuhay pa. Or I could be wrong, baka mahilig syang mag-play noong patay na sya. Minsan kalat-kalat na ang memory ko eh. Itetext ko si Doris to confirm.

Immediately na-excite ako na makita ang Uke Box Caffé. Nakakacurious yung ukes (short for ukulele, if you really have to ask).

Pronounced "Yook-Box", kaya tinawag ang Uke Box Caffé ay dahil sa pwede kang makipagjamming or magrequest ng songs. Parang jukebox you know??? Naalala ko tuloy bigla si Khikhi. Noong nasa Baguio pa kami, napakahilig nyang pumunta sa paborito nyang coffee shop, ang Kaffeeklastch, at makipagjam sa banda doon kahit siya lang naman ang hindi nangingilo sa sarili nyang boses. There were times na nagcocover ako ng tenga.


Hawaiian ang theme ng design ng Uke Box Caffé, makikita mo agad ito pagpasok pa lang. But the Pinoy flavor is very strong. Ang mga ukuleles ng Uke Box Caffé ay galing pa sa Cebu, gawa ng HUNI. Love local sabi nga nila. And we have a very good reason to love local, especially since napakaganda ng gawang ukuleles ng HUNI.


On top of that, may mga available rin na local coffee brews. Something you won't easily find sa mga nagkalat na kape-kape places sa tabi-tabi. I didn't have enough time to really check out the menu, kasi I was also busy mentally preparing my questions for the owner na iinterviewhin ko. Ayoko namang dumating doon in my full-on Glentot mode. Syempre naghanda rin naman ako para hindi ako nakakahiya.

I Don't have the authority to post the interview here. So I'll just write about my Uke Box Caffé experience.

Here's the ten things I loved about Uke Box Caffé:

1) Nakaka-fascinate ang ukulele. I understand bakit maraming nahuhumaling. Minsan nga, kahit bigkasin mo lang ang name nito, nakaka-enjoy na. Ukulele. Yoo-Keh-LLLEH-LLLEHH. Dapat labas na labas ang dila mo habang sinasambit ang LELE kasunod ng UKE. It sounds fun, so laid-back, so easy. Uke = CHILL. That's why noong nalaman kong ukuleles ang theme ng coffee shop na ito, I immediately knew that I'll be going to a fun fun fun place. Hindi ako nagkamali.


2) Although I was told that I can order anything I want, ayoko naman maging kupal at magtuturo ng kung ano-ano. Hindi ko naman sila gagawan ng food review. Isa pa, my fucking gums were throbbing like hell. So nag-order ako ng pa-cute na Iced Mocha. At ang sarap.

It was on my second time at Uke Box Caffé na medyo marami na akong natikman (thanks Mitch for the vouchers).


Above are the Monte Cristo sandwich and their Uke Box Signature Cake, both a must-try. Yung Monte Cristo, dito ko pa lang talaga natikman sa Uke Box Caffé. Yung Signature Cake, very very rich and moist. Yummy. We had the Mt Atok and Mt Matutum coffee, at napanood ko rin kung paano sila i-prepare.

 

Kapag nag-order ka ng kape, the engaging baristas will offer to explain to you just how they prepare your coffee, and I suggest na manood while they do it, so you'll get to know the whole meticulous process.


3) At Uke Box Caffé, kahit naging challenge ang space, hindi sila nagpagapi. Maaari kang umupo sa tables sa harap ng stage and join the fun if you're feeling interactive like that. OR you can hang out at the cabanas and just chill and sit on bean bags and pillows sa floor. Pwede rin sa upper deck ng cabanas if you're feeling like We are the VIP, motherf--. The whole place is clean and tidy. Syempre, clean and spotless rin ang mga uke. Just curious tuloy, paano kaya nililinis yung mga uke? I would guess hinuhugasan rin siguro ang mga ito ano? Or pinupunasan lang?



4) Para sa isang napakacute na musical instrument like the ukulele, parang ang hirap imaginine na ang taong tumutugtog nito ay anything but nice. Come to think of it. Kung katulad kong masama ang ugali, I would play something that can double as a murder weapon (TRIVIA: I used to play the flute noong high school END OF TRIVIA). I can't imagine na someone na may maitim na puso at halang ang kaluluwa ang biglang hahawak ng cute na cute na ukulele at tutugtog ng Somewhere Over The Rainbox/What A Wonderful World. It's just WRONG. So while at Uke Box Caffé, I can't help but feel like I'm surrounded by nice, good, law-abiding people. Because of this flawless logic.

5) According to Apple (owner) meron silang resident ukulele player at pwede kang mag-request ng gusto mong song na irerender sa uke. Naalala ko tuloy bigla nung one time, nag-comedy bar naman kami ni Khikhi, tapos sabi nung bading na comedian, "Anong request mo boy?" Without missing a beat, sabi ko "Bohemian Rhapsody!" Nagbago yung mood nung bading, parang na-bad trip, pero kinanta pa rin nya kasi napasubo na sya eh. Pagdating nya dun sa bandang "Thunderbolt and lightning very very frightening" humarap siya sa akin at sinabi, "Ano masaya ka na?" I wanted to try the same thing sa Uke Box. If I were my shameless, disgusting old self I would have requested TIgidong3X. Para kasing magandang marinig yun sa ukulele you know what I mean? Pero NO. Nagbago na ako. Recently lang.

6) Ang uke ay napakaliit lamang. Maliit lang ang butas nito at maliit lang rin ang tunog. But it's really amazing how that charming little hole can create a beautiful sound. Basta, ang cute-cute ng uke. I did a little research and it turns out, marami ka palang pwedeng gawin sa uke. Of course you can play with it, kung magaling ka na. But for beginners you can just pluck the uke. Plucking or fingering the uke must be so fun. Pero yung isang napanood ko doon, ang galing mag-play ng uke. Effortless ang pag-pluck and pag-strum. ANd parang pinipitik-pitik nya lang? Tapos minsan, tinatampal-tampal nya yung uke, sabay kakalabitin. Bawat kalabit sa uke, may lumalabas na notes. Yung ibang notes matataas, yung ibang notes naman eh mabababa lang. Yung ibang notes maiiksi. Yung iba mahahaba. You get my point. Music is fun!


7) I love the Uke Wall. Ang daming nakasabit na uke. Iba-iba ang itsura, iba-iba ang hugis, iba-iba ang kulay. May ukeng mataba at bilugan. Meron ding ukeng makitid at matulis. Sa dami ng uke, there's one for everyone. Kung pumunta ako sa Uke Box not for the interview with the owner kundi para sa leisure, I would have had the time to enjoy the ukes. That's why I suggest, kung pupunta kayo dito to try playing the ukuleles, eh sipatin mong maigi. Hawakan mo yung mga uke hanggang mahanap mo ang ukeng tama para sa iyo. For example, baka ito ang gusto mo, mapulang uke:


8) Dahil nga Suport Local ang goal ng Uke Box Caffé, puro local ukes ang mahahawakan mo dito. We should be proud of this. Ang mga uke natin ay very much at par sa uke ng mga foreigners. It's one more thing to be proud of, ang ating mga Cebuano luthiers and their world class ukuleles. Go Pinoy Uke!

9) Ang traffic sa labas ng Uke Box Caffé. Busy roads. Busy people. Busy gums. PEro pagpasok mo sa Uke Box Caffé, malilimutan mo ang kabusyhan. Kasi ang mga ukes lang ang busy dito. Tanggal ang pagal. Tanggal ang pagod. Maaari mong ilabas ang lahat ng stress at ibuhos sa uke.

10) Uke Box Caffé is all about community. They promote this through good music and good coffee. Kaya ang mga pumupunta dito have something nice to expect, hindi lang puro kape. Makikita mo rito ang mga kapwa mong mahilig sa uke. Kung ikaw naman ay hindi mahilig sa uke, OK lang, mag-eenjoy ka pa rin. It's the whole Uke Box Caffé experience that keeps you coming here.

Gusto kong magpasalamat sa owners na sina Apple, Mitch and Celina for accomodating me, especially to Apple for taking the time to answer my questions. Mapapublish rin yung interview soon.


Nagreply na si Doris, Ang tinutugtog daw ng lolo ko ay banjo. Mmmkay.

For more info:
https://www.facebook.com/ukeboxcaffe

Thanks MwachuPOP!

cockroach

Marami na akong narinig na mga WTF na katanungan, at isa sa mga pinaka-#PUTANGINA ay nang minsan nasa phone conference ako kasama ang apat kong shungang mga kaibigan nang biglang magtanong ang isa naming kaibigan, si Tupe, ng "Guys, anong gagawin kung nakainom ka ng ipis?"

Actually hindi ganyan exactly ang pagkakatanong nya kundi "Guys *ubo* guys! GUYS! *ubo ubo* Guys anong gagawin *samid* kung nakainom ka UGH nakainom ka ng ipis *duwal*???" Ang tanong nya ay puno ng urgency kaya napatanong rin kami ng BAKIT ANONG NANGYARI and before anything else YUCK.

Sa pagitan ng pandidiri at pagsusuka ni Tupe ay nagawa nyang ikwento sa amin na habang magkakausap kami sa phone ay naisip nyang magtimpla ng Milo. Dahil preoccupied sya sa pag-uusap namin ay hindi nya napansin na mula sa pagsalok nya ng powder ng Milo at pagsalin sa baso ay may sumamang ipis. Paubos na ang Milo nang laklakin nya ito at sumayad ang ipis (pakpak and all) sa kanyang uhaw na gums. Agad kaming nagbigay ng aming edukadong opinions.

"Tupe baka nasa baso yung ipis, di mo lang napansin."

"Tupe tingin ko nasa Milo yun."

"Tupe baka noon pa yun nakatira sa Milo nyo at unti-unting nilalason ang pamilya mo."

"Tupe enjoyin mo na lang."

"Tupe masarap ba ang ipis?"

"Mga putang-ina kayo."

Actually gusto kong ipoint-out kay Tupe na hindi kami ang putangina kundi ang ipis na nainom nya. At kung pagtatabihin si Tupe at ang ipis, I'm sure marami ring opinion ang ipis sa itsura ni Tupe. May diri factor din. Malamang, kung nabigyan ang ipis ng chance na magdecide, ayaw nya ring dumapo sa gums ni Tupe.

But I digress. Kahit kelan pahamak naman talaga ang ipis. May mga restaurants na nasisira ang reputasyon dahil sa ipis. May mga nagkasakit. Mga nasirang pangarap. Mga nawasak na tahanan.

If you'll have the honor na pamugaran ng ipis sa isang parte ng iyong katawan, saan mo pipiliin na dapuan ka? Kindly select:

A) Gums
B) Eardrums

Yung dati kong ka-thesis na si Ervin ang nagkwento sa akin ng isa nyang kakaibang karanasan sa ipis.

Yung ipis na nakaulayaw ni Ervin ay baby pa. Parang kaka-hatch lang sa egg kahapon. Naghahanap siguro ng nest or ng makakain. Sakto naman, ayun si Ervin natutulog. Mukha sigurong welcoming ang tenga nya kaya doon naisipan ng ipis na mag-stay.

Normally si Ervin ay kalmadong tao pero nag-iiba pala ang disposition nya kapag may ipis siya sa tenga. Nagsisigaw raw sya na parang mababaliw sa SOBRANG sakit. As in INTENSE na sakit. As in ALL CAPS na sakit. To the point na sa kakatakbo nya eh nakarating sya sa street. I wish I was there with a video phone.

Eventually natanggal rin ni Ervin ang ipis. Or so he said. During our thesis days napapatingin ako minsan sa kanya at napapaisip ako, Andiyan pa yata yung ipis sa loob.

I don't know why we hate cockroaches so much. Is it because of fear? Siguro. For me, mas gusto kong kagat-kagatin ako ng langgam for two days keysa gapangan ako ng ipis for two minutes. Kaya lagi akong may Baygon. I have it under control dahil ayaw kong matulad kay Tupe.

One time mag-isa ako sa bahay nang may mamataan akong ipis na gumagapang sa wall. Very very chill, with a smug look on her face. I can tell na dayo siya. Mag-isa lang siya eh. Let's call her Angelica. Medyo matagal na akong hindi nakakita ng ipis kaya I was glad for the chance to use my Baygon again. Hindi ko alam kung saan nanggaling si Angelica ngunit alam ko kung saan siya patungo.  Agad kong kinuha ang Baygon like a boss. Pagbalik ko, wala na si Angelica sa wall. Pagtingala ko, nakaakyat na pala siya sa ceiling sa ibabaw ko.

So naturally, ini-sprayhan ko na. Yun naman ang tamang gawin. Right.

My observation on this, if you care to know, is this: Kapag ang ipis nasa sahig at inisprayhan mo, tatakbo sya hanggang manghina ang mga tuhod nya and malagutan sya ng hininga somewhere sa ilalim ng lamesa.

Kapag ang ipis naman ay nasa dingding at inisprayhan mo, susubukan pa nitong manlaban hanggang sa magslide sya sa wall patungo sa sahig at sisiksik sa kung saan madilim at doon maghihintay ma-resurrect into a new being (baka human being na siya next time).

And my last observation: kapag ang ipis naman ay nasa kisame at doon mo siya inatake ng Baygon, may tendency na ma-disorient sya, mawalan ang kapit sa kisame, at mahulog sa iyo.

So Guys, anong gagawin kung nakainom ka ng ipis?. *duwal*

questionable life choices

If you've ever found yourself stuck sitting at some desk from 8 to 5, chances are you're already tried everything to stay awake, alive or sane. Yung iba (me) kinukurot ang sarili nila. Yung iba (me) lakad nang lakad at nambubully ng iba. Yung iba naman nakikinig ng music para manatili sa katinuan.

Pero minsan yung music mismo ang nakakabaliw.

Halimbawa yung isa kong officemate, nalulong sa Chandelier. Maghapon, magdamag, araw-araw, she's gonna swing from the Chandelier. Pagod na si Sia sa kakasigaw pero hindi pa siya nagsawa. Kaming lahat na nakakarinig ng music sa desk nya, nagpa-palpitate na.

Actually, pangalawang pag-aadik nya na yang sa awiting Chandelier. Ang unang phase nya talaga ay We Can't Stop. Paulit-ulit-ulit. She can't stop playing We Can't Stop.

Dumating yung time na yung isa naming ka-team, naging favorite nya rin ang We Can't Stop. So may mga araw na dalawang We Can't Stop ang naririnig namin. Miley Cyrus everywhere hands in the air like we don't care. Unlimited. All night long.

I'm sure ang tanong nyo, bakit hindi sila mag-ear phones? Answer: They're already using earphones. Ganun kalakas.

Same case sa isa ko pang officemate, na naka-headphones pero dinig pa rin ng lahat. Ang tugtugan naman niya, house music. More more David Guetta Calvin Harris. More remix more fun. Kaya yung station nya parang club. Minsan, after nya mag-play ng music, bigla syang aalis pero hindi nya io-off. Kaya kaming lahat na nakakarinig, Partey Partey!

Gawain rin yan ng isang officemate ko. Magplay ng music, tapos iiwan. Pero yung playlist nya, Tootsie Guevarra, Manilyn Reynes, Lilet. Throwback kung throwback. Minsan hinahanap ko talaga yung phone nya para i-off yung music.

Yung isa kong officemate, nag-aadik rin sa isang kanta lang, pero yung song nagbabago everyday. Minsan Drunk On Love, minsan I Don't Give A Fuck. Siya yung minsan eh nag-adik sa We Can't Stop at tumapat sa We Can't Stop nung isa pa. Kapag Friday, pinapatugtog nya yung kanta ni Rebecca Black na Friday. Because it's Friday bitch.

Yung isa kong officemate dati, hiniram ko yung phone para tuminigin ng songs nya. First on his playlist: Raggamuffin Girl. I tried not to judge him naman.

Minsan kailangan mo talaga ng music eh. Para madistract. Ako, madali akong madistract. Kapag may music, nawawala ako minsan sa sarili sa pakikinig. Di ko namamalayan, marami na pala akong natapos na reports at emails. Parang mas magaan din sa pakiramdam.

Yung isang officemate ko dati, kapag nakikinig ng music, hindi lang nadidistract, nake-carried away pa, parang gusto nyang sumayaw. Eh Waka-Waka yung tugtugan niya. Dahil hindi naman sya pwedeng sumayaw talaga, inaalog-alog nya lang yung boobs nya. That's how she gets through her day.

Yung isa pa naming officemate, madalas macarried away sa playlist nya. Madalas sinasabayan nya ng pagkanta. Ang challenge sa aming mga katabi nya ay hulaan kung ano yung kanta. Ang hirap hulaan. Alam na.

So far I have not mentioned any names, pero ang huli ay gusto kong pangalanan: si Tito Donpi. Si Tito Donpi, ni minsan hindi ko narinig kumanta, or nakitang nagsound-trip, or anything. WALA. So tinanong ko siya. "Tito Donpi, anong hilig mong music?"

"HINDI AKO MAHILIG SA MUSIC" sabi nya, with conviction.

Amazing. Siya lang ata ang taong kilala ko na ayaw sa music. Ikaw, challenge for you. Name one person na kakilala mo na hindi nage-enjoy makinig ng music.

Isa lang ang nakikita kong explanation sa hindi pagkahilig ni Tito Donpi sa music: He doesn't need music because he has lots of money. He's busy counting. Nakakadistract kapag may music. Right.

Ako aminado ako minsan questionable rin ang gusto kong music. Madalas akong magplay ng piano music na may kasabay na mga sounds ng ulan, mga crickets, mga forest sounds. Minsan thunderstorms. Minsan mga insekto. Nakakarelax kasi.

Minsan gusto kong takutin ang sarili ko. Bjork, Marilyn Manson, Cannibal Corpse.

Minsan I listen to ASIN. Walang pakialamanan.

Minsan naman I go mainstream. Pop kung pop. Madalas. Deal with it.

And I make my own playlists. Meron akong playlist for:

Magdamagang Trabaho
Umagang Maulan
Mainit na Hapon
Gabing Partey Partey
Gabi, pero tapos na ang Partey Partey
Madaling Araw
2NE1 DON'T JUDGE ME
Habang nagbabasa ng Game Of Thrones
Lumang Kanta kapag Linggo, Habang Naglilins Ng Bahay

Recently may ginawa akong playlist called "Worship Songs" para sa mga taong mahilig sa pwet.
ENJOY!


the week from hell

Hindi ako pala-kwento ng mga experiences ko. Well OK madalas ako magkwento ng mga experiences ko. Pero pinipili ko lang ang ikinikwento ko, dahil kung alam kong boring at walang sustansya, sinasarili ko na lang. Wala namang may pakialam kung saan ako kumain noong weekend or kung gaano kasaya ang aking pagtunganga sa bahay. In short, kung hindi nakakatawa, huwag na lang. Sayang ang kuryente.

But last week must have been the longest week of my life. Like putangina. At gusto ko itong i-share kahit hindi nakakatawa, not even in the slightest. Sisimulan ko ang kwento ko sa Puerto Galera.

"Nothing"

Ilang buwan na ang nakakaraan nang magplano kami ng mga officemates ko na magpunta sa Puerto Galera bago ang Holy Week para mag-unwind. Katapusan ng March ang napili naming date, para hindi kami sumabay sa dami ng mga taong pupunta sa Puerto Galera sa Holy Week. Straight from the office after work, sumakay na kami ng bus at bangka. Naging maayos naman ang byahe at pag-check in namin sa hotel.

Pangalawang beses ko pa lang sa islang ito at wala naman akong masasabing hindi maganda (except for the fact na mas gusto ko pa rin talaga sa aking hometown Bolinao kung beach lang din naman ang pag-uusapan). I was really just looking forward to relaxing, sleeping, eating, more sleeping and generally doing nothing.

Uneventful ang unang araw namin doon dahil natulog lang kami. Nagising kami sa gabi at nanood ng mga standup comedy acts sa mga bars sa beachfront habang kumakain, tumambay sa buhanginan at nagsound trip.

Kinabukasan, maagang naghanda ang mga kasama ko para sa kanilang activity: island hopping. Maaga rin akong naghanda para sa aking activity: generally doing nothing. In fact, sa sobrang daming nothing na ginawa ko, lumipas ang buong araw at inabutan nila ako kung saan nila ako iniwan: sa table sa isang restaurant.

Maaga akong natulog nung gabing yun para maaga uli magising at gumawa ng more more nothing, at bago ako matulog, nagring ang aking phone. At dito na nagsimula ang mahaba kong kwento.

"Something"

Isang text message mula sa aking Nanay, si Doris, na nagsabing "Anak pwede ba kitang tawagan." Agad-agad may nasense akong problema. Sumagot ako agad, at nang tumawag na sya napansin ko kaagad na may something wrong. Hindi ko pa alam, pero may something.

Apparently, galing sya sa palengke noong hapon at pagdating sa bahay, dahil sa pagod sa paglalakad ay uminom sya ng tubig. Pag-inom nya, agad syang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, sobrang kirot, sobrang hapdi. Pinagpawisan sya nang malamig at hindi sya halos makakilos. Ramdam ko sa boses nya yung masakit. Sa oras na yun para syang batang nagsusumbong. Ramdam ko. Siya ang bata at ako ang magulang, at nararamdaman ko yung masakit sa kanya kahit sa boses nya lang.

Kahit masakit, pinilit nyang pumunta sa malapit na drugstore at bumili ng gamot. Dinescribe nya ang nararamdaman nya. Thank God at marunong ang pharmacist na nadatnan nya, dahil niresetahan sya ng tamang gamot.

Umuwi siya sa bahay at pinakiramdaman ang sarili nya. Saka sya tumawag sa akin. Ang una kong naisip, dyspepsia. Yun ang nangyari sa akin noon sa Baguio, nung kumain ako ng isinumpang barbecue. Sabi ko ipahinga nya lang muna. Mga alas dos ng madaling araw, nagtext sya sa akin para sabihing OK na ang pakiramdam nya. Narelieve naman ako.

Kinabukasan, muli akong naghanda para gumawa ng nothing. Ang dami kong nilagay na sunblock kahit hindi naman ako lumabas, habang ang mga kasama ko ay nakabilad sa araw at nagjejetski.

Biglang nagtext si Mudrax at nag-alala ako uli. Nagsusumbong sya uli, na masakit pa rin, na paulit-ulit lang ang sakit. Sinabi ko na pumunta na sya sa hospital at magpacheck up. Dalhin lang nya ang health card nya at wala siyang dapat ipag-alala, at uuwi na rin ako.

Nagpa-check up sya, pero hindi pa masabi ng doctor kung ano ang dahilan. Pero mabilis silang mag-swipe ng health card nya. Walang sabi-sabi, na-charge kami ng 6K, at ang tanging sinabi lang sa kanya ay bumalik kinabukasan para magpa-ultrasound, at niresetahan ng gamot, same gamot na nasimulan na niyang inumin: Omeprazole.

Sabi ko, uuwi na ako, at hintayin nya ako at magpapa-confine na kami. Nagpack up na ako ng mga gamit. Mabilis na kumain ng lunch. Pumila sa bangka. Nakipagsiksikan sa upuan. At nakiramdam.

Hindi maganda ang feeling na nag-aalala, pero mas lalong hindi maganda kung dadagdagan ng pagka-seasick. Normally hindi ako mahiluhin sa boat rides, pero maalon noong araw na yun, at nagbabadyang bumalik ang kinain ko. Sa tabi ko, may nakasabit na isang bungkos na plastic bags, for that very purpose. Pero hindi. Pride ko ang nakasalalay dito. Ayokong mangamoy suka from Mindoro to Batangas.

Think happy thoughts...

Sa bawat pagtaas at pagbaba ng bangka, sa bawat hampas ng alon, para akong hinihila pailalim. Pawis na pawis, hilong hilo, tiniis ko ang lahat. Pagdating namin sa Batangas, nagpahinga ako sandali. Hindi ko kayang sumakay ng bus.

Nakahanap ako ng CR na medyo malayo sa maraming tao. Occupied lahat ng cubicles kaya sa sink na ako dumiretso. At doon, lumabas ang pananghalian ko. May lalaking gusto sana maghugas ng kamay pero nung makita ang ginagawa ko eh nagbago ang isip, Sowee.

Nung mahimasmasan ako, sumakay na ako sa bus. Hancock ang palabas. Sumandal na ako at sinubukang matulog.

Yung babae sa likod ko, panay ang tabig sa likod ng upuan ko. Hinayaan ko muna, baka hindi naman nya sinasadya.

Nakakatawa ba yung Hancock? Kasi tawa nang tawa yung babae. At tuwing tatawa sya, bumubunggo ang tuhod nya sa likod ng upuan ko. Hindi na ako nakapagpigil, humarap ako sa kanya.

"Miss, yung paa mo."
"Ay sorry," sabay may peace sign pa.

Sinubukan kong matulog. Maya-maya, tumatawa na naman yung babae. At this time, may naramdaman akong kakaiba. Yung mga daliri ng paa nya, pilit nyang sinisiksik sa siwang ng sandalan ng upuan ko, at naramdan kong nasa puwet ko na ang paa nya. Humarap ako uli sa kanya.

"Excuse me miss. Yung paa mo pwede? Sinusubukan kong matulog eh."
"Ayy sorry, sorry."

Sinubukan ko uling matulog, pero alam kong maya-maya lang ay uulitin na naman nya ang pambibwisit sa akin, at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kung nagkataon. Baka masugatan ko siya sa gums. May inaalala ako at kailangan kong makauwi agad, at gustong-gusto kong matulog dahil sa pagkahilo. Kaya para hindi na mag-escalate ang mga pangyayari, inunahan ko na. Humarap ako kay Ate, and in my calmest, sweetest voice:

"Isa pa ha, isa pa. Gawin mo pa uli, sasaktan na kita."

Problem solved. Not sure kung na-enjoy nya pa ang panonood ng Hancock.

Pagbaba ko sa EDSA, nag-MRT na ako at pagdating sa bahay, nakahanda na ang mga gamit namin. Agad kaming pumunta sa hospital, dumiretso sa ER, at sa wakas na-ultrasound si Mudrax.

"Everything"

Naramdaman mo na ba yung feeling na ang bagal bagal ng mga pangyayari, nababagot ka kakahintay, and then all of a sudden, ang bilis ng mga pangyayari, hindi ka na makasunod, at parang sumasabay ka na lang sa agos? Kani-kanina lang, bagot na bagot ako sa kakahintay ng doctor na mag-checheckup kay Mudrax, sa result ng ultrasound, ng blood tests, ng pangalawang ultrasound.

All of a sudden, narinig ko na lang ang mga salitang "bato", "pancreatits", at "admit". And before I knew it, ihinahatid na kami sa room, at naka-schedule na bukas na linisin ang pancreas nya. Parang lahat nangyari nang sabay-sabay.

Apparently, may gall stones si Mudrax, at hindi nya ito alam dahil wala naman siyang nararamdaman. Isa sa mga stones ang "nahulog" papunta sa pancreas nya, at bumara. Namaga ang pancreas nya, at yun ang dahilan ng pananakit ng tiyan nya.

Natulog kami, at kinabukasan, 6AM, ginising kami ng mga nurses para lagyan sya ng anesthesia. Nagpaalam ako na mag-aalmusal lang habang nilalagyan sya ng anesthesia, at babalik ako agad kapag gagawin na ang procedure (ERCP).

Hinanap ko ang cafeteria. Pag-upo ko at nang binigay sa akin ang menu, napaisip ako, This is not a fucking cafeteria! P180 ang tocino???

Matapos kumain, bumalik ako sa anesthesia room.

"Nurse, tapos na ba yung kay Patient Tabarejos?"
"Yes sir."
"So after anesthesia, sisimulan na yung procedure?"
"Sir, tapos na yung procedure. Tulog pa po siya."

Everything was happening and nahuli na naman ako. Pinuntahan ko si Mudrax, humihilik sa kama. Naalala ko noong bata ako at ako ang may sakit, nagigising ako na hinahaplos nya ako sa noo at umiiyak siya. Ayoko ng ganung scene ngayon. Lumabas ako ng room at nanood ng Spongebob.

Bumalik kami sa room nang magising siya, at nagdesisyon ng mga susunod naming gagawin. Sabi ng doktor, kailangang tanggalin ang gallbladder nya. Dahil kung hindi, mauulit lang lahat ito. Hindi ko na inintindi ang mga iba pa nyang sinabi, basta Oo na lang ako.

Kinagabihan ang schedule nya. Nang sunduin siya mula sa room papunta sa Operating Room, nagpaalam ako na matutulog, at gigising ako kapag nagsimula na ang operation niya. I expected na by 10PM, tapos na at makakapagpahinga na sya uli sa room.

Nagising ako ng ala una, wala pa siya. Pupungas-pungas, napabangon ako agad at nagbihis. Halos tumakbo ako papunta sa OR. Bakit ang tagal? Bakit walang tumawag sa akin? Magpaliwanag kayo!!!

Apparently, 10PM na nasimulan ang operasyon, at although nagtagal, successful naman ito. Kasalukuyan syang nasa recovery room at minomonitor kung magsusuka siya pagkagising nya. Nangyari na naman ang lahat na wala akong kamalay-malay. Nalalaman ko na lang noong tapos na.

Matapos ang operasyon, naawa ako sa Nanay ko. Ngayon ko lang siya nakitang may sakit. Hindi talaga sya sakitin. Bihira nga lagnatin. Ngayon may tatlong butas siya sa tiyan, at yung isa, may nakasaksak na tubo na nagdedrain ng fluids. Ako ang nahihirapan sa kanya. Hindi siya makakilos masyado. Hindi comfortable sa pagtulog. Pinasasaya ko na lang siya, ginagawang nakakatawa ang sitwasyon para maglighten up. Para walang drama.

Sa ngayon, nagrerecover na siya. Wala namang complications. Naghihilom na ang mga sugat at kagabi inalis na ang tube. Habang nagpapagaling, I was given the lovely task of cleaning the wounds daily. Di nga ako nagnursing kasi ayoko makakita ng sugat eh huhu. Wala eh, only son duties. Pero balewala na. At least that week from hell is over.

Thank you.

movie review: cinderella

Haha last week nanood akong Cinderella. Tangina lang. Andami nyang talandi moments. Glass shoes WTF. Sinong makakasayaw sa glass shoes? Shit, sinong makakatakbo sa glass shoes? And more importantly than the glass shoes, SINONG MAGSUSUOT NG GLASS SHOES? Glass fucking shoes! Eh kung mabasag? Seriously, mas mukhang komportable pa si Lotus Feet.

Here are my thoughts while watching Cinderella:
  1. Why?

  2. Kahit pinagmukha nilang closer to reality ang storya, marami pa ring elements ng pagiging fairy tale: like the Fairy Godmother, love at first sight, they don't take a shower or take a shit, etc.
    • Pero ang pinakamalaking evidence na isa itong fairy tale: nung mga panahong nagugutom si Cinderella, ang tanging karamay nya ay ang mga daga. Kung closer to reality ang storya, naiulam na ang mga daga.
    • Nasaan si Fairy Godmother noong mga panahong gutom si Cinderella? Tae siya, lumalabas lang pag may party.
    • Speaking of the Fairy Godmother, naka-pustiso ba sya? Bakit parang hindi kasya.

  3. Maswerte si Cinderella at may pananim silang kalabasa. Paano na lang kung puro okra ang pananim nila. Wet look siya pagdating sa party.

  4. Ang bilin ng ina ni Cinderella: "Have courage and be kind." Pero hindi sya naturuan ng proper time management.
    • Ang sabi ng Fairy Godmother, hanggang 12 midnight lang ang magic. Kailangan nyang makauwi.
    • Anong ginawa ni Ate mula nang dumating siya sa ball?
      • Sabi niya, dadalo lang siya, hindi sya gagawa ng eksena.
        • Hala kakarating nya pa lang nagpa-pampam na siya like "All eyes on me. Sambahin nyo ako bitches."
        • Maniniwala ka bang hindi sya magpapa-pampam kung ganito ang itsura nya sa poster:



        • In my native dialect, mailalarawan ko sya sa salitang "Sumarampingat!"

      • Yung totoo Cinderella, how do you spend your time at home? Sa pagsisilbi sa evil stepmother and twin sisters, or magpractice ng choreography? Walang naniniwala sayo Cinderella. Wala ka ngang time maligo eh.
      •  Pagtapos sumayaw, proceed na si Cinderella at Prince sa swing.
      • At sila ay nagswing. Nagswing lang.
      • Seryoso yan lang gagawin nyo, magswing? I've seen many more interesting uses of the swing. May kasamang whips, leather and lots of lube. Cinderella, watch 50 Shades of Grey OK.
    • Seriously, Cinderella. Proper time management. Alam mong hanggang 12 midnight lang ang ganda mo. Yung ibang kakilala ko, kung alam nilang hanggang 12 midnight lang sila pwede mag-partey partey, hala 10:30 pa lang eh nakant-- NEVER MIND.

  5. I'm sure, if there's anything relatable sa kwento ni Cinderella, ito yung fact na may curfew ang kagandahan. Marami akong kakilala na maganda lang sa gabi and up to a certain time lamang. Pag lumagpas sa time limit, bumabalik sa dating aswang look. Nagmamadali rin sila at lalong hindi nagpapasikat ng araw. Malulusaw ang lahat ng naipundar nila.

  6. Ayan midnight na. TAKBO CINDERELLA TAKBO!!! Kasalanan mo rin naman yan!

  7. Alam mo kung paano ang dapat na ginawa ng Prince para hindi sila nahirapan hanapin si Cinderella? Kung may registration sa party. Ang kailangan lang nilang gawin ay magpa-raffle, kahit rice cooker lang or groceries from Puregold. Required ilagay sa registration ang name and address. I'm sure ilalagay ni Cinderella ang pangalan nya at tirahan. Kung mananalo siya ng groceries, hindi na masama. Taggutom diba?

  8. Habang nagkakagulo sila sa kung sino ang may-ari ng sapatos at ang mga babaeng mapanlinlang ay nagkakagulo kung paano magkakasya ang glass shoe, ang tanging concern ko lamang ay kung ang glass shoe ay microwaveable. 

  • Di ba para may pakinabang man lang? At least makapag-reheat ka ng ulam or makapagbake ng something.
THE END! PHOTO CREDITS BELONG TO DISNEY or whatever.

movie review: 50 shades of grey

Noong Linggo nagpasya akong bibili na ako ng pitsel once and for all. Yung kasya sa pinto ng ref. Ngayon kasi, sa empty bottles ng 1.5L Coke ako naglalagay ng tubig. Pagdating ko sa mall, buti na lang, buy 1 take 1 yung pitsel! Bumili ako agad baka magkaubusan! Hindi ako maka-get over sa galak kasi dapat isang pitsel lang ang bibilhin ko pero nakakuha ako ng dalawa WTF. Bitbit ang aking pitsel (correction: MGA pitsel) nagawi ako sa cinemas at walang pila kaya naisipan kong manood muna bago umuwi.

So yun nga.



Before anything else, let it be known na binasa ko ang book. Natapos ko ang chapter 1 ng book 1. Kaya ako nanood eh para icomppare kung accurate yung pagkaka-depict ng movie sa chapter 1 book 1.

Maisingit ko lang, grabe ang hype sa pelikulang ito. Dati rati, walang may gustong umamin na nanood sila ng bold (oo bold movie naman to diba?), samantalang ngayon, kanya-kanyang post ang mga tao ng "Off to watch 50 Shades of Grey. See you Christian!"

Sa isang row sa bandang gitna, may nag-iisang upuang vacant so yun ang binili kong seat.

Pagpasok ko sa cinema at pag-upo, napansin ko kaagad ang magsyota sa kaliwa ko. Ayon sa aking masusing pakikinig, nabasa na ni Ate ang buong trilogy ng books at narito sya para husgahan ang movie kasama ang kanyang boyfriend, si Kuya na walang malay at wala ring pakialam.

Yung mokong na nakaupo naman sa harap ko ang liwanag ng cellphone! Tweet nang tweet. Magla-live-tweeting ata ng mga kaganapan mula sa pag-upo nya hanggang sa makaalis sya sa sinehan.

Maya-maya pa, matapos ang mga reminders at trailers, nag-flash sa screen ang isang warning: may mga eksenang naka-blur, madilim, tinakpan ng black.

Habang naka-flash sa screen ang warning, saka dumating ang grupo ng kababaihan sa kanan ko. Kapansin-pansin ang kanilang pagdating dahil isa sa kanila ang malakas na nag-announce: "Ayyyy may blur rin dito!!!"

Okeyyy.

Lima silang girls at ang tantya ko eh nasa college level sila. Kung hindi ko alam na R-18 ang pelikula, mapagkakamalan ko pa silang high school sa kanilang hagikgikan at excitement. Nung lumabas ang logo ng Universal Pictures, ang katabi kong girl na disappointed sa blur, bumulong (nang malakas): "AYAN NA..."

Huy. Di pa nga nagsisimula.

Dahan-dahan akong sumandal sa upuan para masilip yung katabi kong maingay. Nung una akala ko malaki ang boobs nya. Nung nakapag-adjust ang mata ko sa dilim at tinignan ko uli, chubby lang pala siya.

Sa kanilang lima, siya ang pinakamatindi ang excitement. Nung unang lumabas sa screen si Christian Grey, bumuntong-hininga si Chubby Girl. Yung buntong-hininga na nagiging dahilan ng mga tsunami.

Christian Grey: I don't make love. I fuck. HARD!
Chubby Girl: Ahiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii *splash*

Lagi na lang tuwing gagawa ako ng movie review, nadidistract ako sa ibang mga kaganapan sa paligid kaya iwawaksi ko na ang mga ala-ala ni Chubby Girl para maging maayos naman ang aking review.

Maganda si Anastacia Steele. Simple lang yung mukha nya kumbaga parang kaklase mo lang nung college, yung hindi mahilig mag-ayos at pare-pareho ang suot na jacket all week. OK rin siyang umarte, naging kapani-paniwala sya sa kanyang pagiging cute and shy girl-next-door type. Pero hindi ako naniwalang virgin siya. Weh talaga di nga Ate. Sa cuteness mong yan! Eh may mga kakilala nga ako, ang papanget pero may kumant-- ANYWAY not important.

Ewan ko kung talagang hindi nagpapakita ng emosyon si Christian Grey. Hindi kasi ito na-discuss sa part ng book na nabasa ko (chapter 1 book 1). Siguro ganun talaga ang actingan kapag mysterious, sexy billionaire ang ganap.

OK naman ang pace ng storya. Nandun yung build-up mula sa initial attraction hanggang sa-- "AY MAY HUBARANG NAGANAP" tili ni Chubby Girl. Ni-narrate nya yung nangyari sa screen na nakita naman naming lahat. Thanks for the emphasis? OK back to my review.

For me, kahit may mga explicit scenes (na explicit pa rin kahit may blur), hindi naging exploitative ang dating. Tasteful pa rin kasi hindi yung nagsex lang sila para lang mapakitang nagsex. This is coming from someone na nakanood na ng maraming Tagalog bold films, kung saan ipinapakitang naliligo sa banyo ang leading "lady", tabo and timba and all that, para lang maipakita ang bewbs.

Kahit nagpapa-Pilitin mo ko, Pilitin mo ko ang gustong mangyari ni Anastacia Steele, hindi naman nagmukhang rapist si Christian Grey. Samakatwid, sa eksenang hinubad ni Christian Grey ang kanyang suot na-"OH SHET AYAN NA!!!" sigaw na  naman ni Chubby Girl. Malakas talaga ang boses nya at hindi maikakaila na mas excited pa siya kay Anastacia. Akala mo tinggil nya yung pinipindot eh. Pahiramin ko kaya sya ng pitsel bago pa umagos? Basa na sya eh. Back to my review.

Hindi ko gets kung bakit ganun ang fetish ni Christian Grey. Sabagay, iba-iba naman talaga ang gusto ng mga tao pagdating sa sexy times. Kanya-kanyang fetish. Yung iba, na-iistimulate kapag ang ka-partner nila ay naka-French maid uniform or cheerleader costume. Yung iba naman, gusto nila, exhibitionism or voyeurism. May iba nga gusto kumain ng tae. Siguro kaya hindi ko gets ang pinanggagalingan ni Christian Grey ay dahil hindi pa ako umabot sa parte ng book kung saan ito na-discuss, wala pa kasi yun sa chapter 1 ng book 1.

What I really liked about this movie-- BOOM ang liwanag talaga ng cellphone ng nasa harap ko. Mas maliwanag pa sa screeen ng sinehan. Napakalaki pa ng phone nya. Parang Samsung Galaxy S Note Tab 5 Ultra Mega whatever. Tuwing matatapos ang isang sex scene, ilalabas nya agad ang phone nya at magti-tweet. Itatago lang nya uli ang phone nya kapag may sex scene na.

Ang play room ni Christian Grey ay puno ng items na hindi mo basta-basta maibebenta sa sulit.com kapag hindi mo na nagagamit. Habang iniisa-isa nila ang mga items, naiimagine ko na kung ano ang gagamitin kay Anastacia maya-maya at abala ang mata ko sa paghahanap ng electronic dildo na umiikot ang ulo pero wala, nagconcentrate sila sa mga whips at -- "HALA AYAN NA YUNG LATIGO" Okay thanks Chubby Girl for your keen observation. Sa kanya lang ako nakakita ng babaeng naexcite makakita ng latigo.

Hindi kinakaya ni Chubby Girl ang mga nagaganap. Mula sa kiss sa elevator ("OH MY GWOOAAD!" hanggang sa paluin ni Christian Grey si Anastacia Steele  sa pwet ("AYIIIIE HIHIHI") ay may input siya. Akala ko ako lang ang naiinis ngunit biglang nagsalita ang isang kasama nila: "Ano ka ba? Para namang first time mong napanood!"

Tangina nung marinig ko yun muntik ko syang hampasin ng bitbit kong MGA pitsel. Napanood mo na pala hindot ka.

Siguro dahil si Christian Grey ay billionaire, bata at gwapo. Hindi tuloy mawaglit sa isipan ko ang katanungan: kung si Christian Grey ay hampaslupa, uugud-ugod na at mukhang akyat-bahay, kiligin kaya itong si Chubby Girl?

Habang nginangatngat ng matandang hukluban ang hiyas ni Anastacia Steele, makuha pa kayang mapahagikhik ni Chubby Girl? Exciting pa ba?

Habang iginagapos ng dugyuting tambay si Anastacia Steele sa kama gamit ang neck tie, magkakayayaan kaya sila Chubby Girl na manood? O uwian na lang?

Habang binabanatan ng mukhang agaw-cellphone si Anastacia (and to be fair, kung si Anastacia naman eh mukhang babaeng pakantot sa nakaparadang jeep kapalit ng Angel's Burger), magreklamo kaya si Chubby Girl na bakit maraming blur?

Ako manonood pa rin ako. The Human Centipede nga pinanood ko eh. Pati part 2.

Thanks Chubby Girl. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa 50 Shades of Grey. Naaawa ako sa mga taong nanood ng pelikula na hindi ikaw ang katabi. See you sa Fifty Shades Darker.

More important and mas nakakakilig than 50 Shades of Grey, grabe ang tindi nung mga pitsel. Kulay yellow green ang takip. Di ako makaget over WTF.

Photo: EOnline

white palace spa

Isang araw nag-iisip ako ng mga problema ng mundo tapos sabi ko WHAT'S THE POINT pare-pareho lang naman araw-araw tapos mamamatay rin naman tayo what if unahan ko na? Magbigti na lang kaya ako? Pero naisip ko rin NO. Baka pagod lang at pagal ang aking katawang lupa at parang kailangan ko lang ma-rejuvenate.

Sakto naman nagyaya ang aking good blogger friend Karl (TuristaTrails.com) na samahan siya sa isang bagong bukas na spa na kanyang gagawan ng review. So betwen pagpapatiwakal at pagre-rejuvenate, pinili ko na lang ma-rejuvenate. Pangalawang beses ko pa lang mag-spa, and the first time was over a year ago so excited ako. Kaya dali-dali kaming nagtungo sa White Palace Spa sa Shaw Boulevard para yun nga. Magpa-rejuvenate.


Did I mention bagong bukas lang ang spa? As in tatlong araw pa lang siyang bukas. Tingin ko, kung napaaga lang kami ni Karl nang konti eh maabutan namin na ginugupit ang ribbon sa door.

Sinalubong kami ni Maricar, ang pretty receptionist na very accomodating. Siguro sa kanyang free time ay nag-aavail siya ng sarili nilang services dahil mukhang rejuvenated si Ate Maricar.

Walang inaksayang oras si Maricar sa pagpapaliwanag sa amin kung ano ang magaganap. Nagkaroon ng tour sa premises at ang una kong napansin ay tahimik sa loob despite the fact na along a  busy road lang ang spa. Hala ang peaceful at calm kaya sa loob WTF.

Pangalawa kong napansin ay bagong-bago talaga ang spa, dahil naamoy mo pa ang pintura. Hindi naman arresting masyado ang amoy masasanay ka rin. In fact na-appreciate ko yung amoy kasi amoy bago. Natakot nga akong dumikit sa wall kasi baka basa pa yung paint LOLjk. So suggestion ko sa mga spa na pinaglumaan na ng panahon, kung wala kayong budget magrenovate, magbukas lang kayo ng lata ng pintura at mangangamoy bago ang inyong spa. Trust me I'm an expert.

Sa sobrang tahimik ng lugar akala ko sarado pa ang spa, kasi walang tao. Yun pala, ayon kay Ate Maricar, off-peak hours kami pumunta kaya walang tao (around 5PM). So kung gusto nyong walang tao, I suggest na ganitong oras pumunta. Yun nga lang, dahil konti ang tao, hindi lahat ng therapists ay available. May dalawang male therapists lang na present.

Eh yung biglang sabi ni Maricar, "Eto ang area para sa foot wash!" I was like Whoa! Tapos TUGSGH! "Dito naman ang toilets!" Tapos konting lakad pa HALA "Dito naman ang body scrub rooms!" nang biglang nagkalahating tumbling si Maricar and all of a sudden "Nandito tayo sa shower rooms!" Pero talagang hindi ko napaghandaan nung napa-cartwheel sya patungo sa massage rooms I was like Huwaaat! No waaay!

JK Arte lang. Basta naisip ko, Tangina... ang tranquil-tranquil naman dito.

Very professional si Maricar sa kanyang tour ng facilities and wala rin akong masabi sa cleanliness ng wet rooms at aesthetics ng massage rooms. Soothing music, check. Dim lights check. Separate or adjoining massage rooms, check. May locker para sa personal stuff. Agad-agad akong nag-shower.

May I just thank White Palace Spa sa choice ng soap: Johnson's Baby Bath. Which is my favorite.

Ang robe na ipinasuot sa akin ay bagong-bago nakikita ko pa ang tupi. Malakas ang kutob ko ako ang unang nagsuot nun. So if you're looking for a reason para pumunta ka sa White Palace Spa at in-ignore mo lahat ng sinabi ko kanina (malinis, tahimik, tranquil), sana huwag mong balewalain ang fact na mauuna kang magsuot ng bath robes dahil nga bago pa lang ang spa.

Tinanong kami ni Maricar kung anong packages ang trip naming subukan. Inisa-isa ko yung buong list, masusi kong pinag-aralan at ang napili ko ay... Package 1.

Ang included sa Package 1 ay White Palace Spa Signature Massage at Body Scrub. Hala akala ko pa-tweetums lang yung scrub. Ang rigorous ng pagkaka-scrub sa likod, arms at hita ko, pakiramdam ko eh pinapalitadahan ako ng therapist. Pero OK naman kasi naramdaman kong natangal ang 87% ng dumi kanal basura putik at foreign objects sa balat ko. Yung natitirang 13% ako na ang naghilod dahil nasa “bikini area” LOL ang arte ng bikini area.


Matapos ang rigorous scrub and shower I proceeded to the massage area at agad akong dumapa sa massage bed na may butas para sa face. CAN I JUST SAY NA HINDI KASYA ANG MUKHA KO SA BUTAS OK moving on to other topics.

Sabi ni Kuyang Therapist (nalimutan ko talaga ang name), “Sir, Hard or Moderate?”

Ipapa-differentiate ko pa sana ang Hard sa Moderate pero sabi ko na lang “Hard” HALA siniko nya ako sa likod. NOPE hindi nya ako binigwasan ng siko I mean, tinukod nya yung siko nya sa likod ko. Parang nanlambot ang aking tense na muscles. Yes may muscles!

Tapos sabi nya “Sir ipu-push ko yung likod nyo ha” sabi ko “OK” akala ko ididiin nya. Hindi. Na-misinterpret ko yung PUSH kasi tinulak nya talaga ang likod ko pabaon napa-exhale ako nang pabuga. Pero effective kasi nagsipag-tunugan ung mga joints-joints ko sa likod. Relaxing talaga.

Eh biglang sabi nya “Sir OK lang ba yung pressure” sabi ko naman “Oo” tapos "Eh eto?" HALA finisting nya ako sa talampakan. NOPE I don’t really mean FISTING ewan ko lang kung anong tawag dun pero yung kamao nya ang pinang-massage nya sa talampakan ko na very effective pangtanggal ng ngawit sa paa.

Mental note: Pagbalik ko sa spa na ito, hard uli ang pipiliin ko.

Sumunod naman kumuha si Kuya Therapist ng hot pack at matapos ang warning na mainit ito at pumayag naman ako ay hinagod nya ito sa aking likuran sabay tanong ng “OK lang ba ang init Sir?” Sabi ko “Oo, ok lang, ok lang” pero tumulo yung luha ko sa sahig buti hindi nya nakita. Pero saglit lang ang kirot dahil naramdaman ko talaga yung mga lamig-lamig ko sa likod eh nawala.

Simple lang naman ang pakay ko nung pumunta ako sa White Palaca Spa. Gusto kolang ma-experience ang relaxation beyond expectation tulad ng nakalagay sa kanilang website. Nang natapos ang massage tumingin ako sa salamin at nasabi ko sa sarili ko Eto na. Na-rejuvenate na ako. THANKS WHITE PALACE SPA!

PROS:

  1. Quiet and peaceful. And tranquil.
  2. Very professional and polite staff and therapists.
  3. Good massage hard kung hard ang gusto mo.
  4. Affordable price.


CONS:

  1. Only three branches for now (Paranaque, Makati and Shaw).
  2. Taga-QC ako.


Thanks uli White Palace Spa and thanks Karl!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding