facebook fads

Assuming you're on Facebook, nasubukan mo na bang sumali sa kung ano man ang kinalolokohang pauso ng mga tao? Either something cute and nostalgic like #ThrowbackThursday (I'm guilty of this) or something ma-effort like planking? Something short-lived like the Magnum Photo Album (salamat sa Diyos at natapos na yun yuck) or something as old as time and still ongoing, like Nipple Selfie. Joke lang walang ongoing Nipple Selfie pero sana di ba meron?

Ito sana ang aking yearender post for 2014 (yearend posts are also a fad right?) kaso I was busy (mainly on Facebook) kaya ngayon ko lang napost. Gusto kong balikan ang mga pausong napansin ko sa Facebook last year.

Candy Crush. Takang-taka ako nung minsang may nakasabay ako sa MRT na maskulado, putok na putok ang maskels ni Kuya, pero kunot na kunot ang noo at busy sa pag-usog-usog ng mga kendi. Tapos ako na-hook rin. Umabot ako sa punto na aburido akong magkaroon ng life kasi gusto ko nang makalagpas sa kung saang level ako na-stuck. Seeing Candy Crush posts on your news feed is not uncommon. Ngayon, wala na akong kakilang naglalaro nito. Iba na siguro ang kinalolokohang Facebook game ng mga tao ngayon. Baka nag-uusog-usog na ng ibang mga bagay.

Bitstrips. Ang dami kong friends na ganito noon, lalo yung mga mahilig mang-asar. I have nothing against them kasi madalas nakakatawa yung caption. Ang tanging complaint ko lang is yung artwork mismo. I have artist friends who can draw a LOT better than that. Wala na rin akong nakikitang ganito ngayon. Siguro dahil ni-hide ko lahat ng Bitstrip posts para di ko na makita.

Cryptic Status with Secret Meaning. Nagpost ka ba ng "I like it on the table" or "I forgot to wear undies today" na sadyang ipinagtaka ng mga friends mo? Ako ay minsang nagtaka na rin kung ano ang ibig sabihin nito. Yun pala eh isang inside joke (na hindi naman funny kapag nalaman mo na). Pero minsan totoo yung I forgot to wear undies today.

Flappy Bird. UGH. Minsan rin akong naloko ng ibon na ito. Buti na lang mga 3 days ko lang siyang nilaro, lalo kapag nakikita kong ang tataas na ng scores ng iba tapos ako mataas na yung 7. May naglalaro pa kaya ng bird na ito? May nakakaalala pa ba sa bird na ito? Sa pagkakaalam ko, Fappy Bird ang timeless na nilalaro ng mga tao at never nalalaos. Fap fap fap na ang bird!

4 Pics 1 Word. Especially kapag may hindi ka masagot, at magtatanong ka sa Facebook friends mo para matulungan ka nila. Mukhang nabaon na rin sa limot ang larong ito.

BOOM PANES. PAKI-EXPLAN LABYU. VERB-VERB PAG MAY TIME. Lahat ng nausong expression. To be honest hindi ko ginawa ito. Nung umpisa kasi cute. Nung tumagal nakakasulasok na rin makita sa news feed.

Facebook Name Spelled in Reverse. Kumusta ka naman Eniamrahs Zurc? Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan bakit nila ito ginawa. Siguro para hindi sila ma-search agad. Well kanya-kanyang trip yan. Sabi nga ng isang Facebook friend ko, "No shattering of trips."

Make-up Transformation. Noong una nakakaaliw, dahil ang creative. Pero kinalaunan naging excuse na ito para magselfie at mangarap na may kahawig silang artista. May nakita ako, yung college classmate kong mukhang hito, may tatlong pictures nya tapos yung pang-apat eh si Denise Laurel. WOOOOW. Pangarap much. "Your agricultural lime is thick," or simply put, Ang kapal ng apog mo.

ALS Ice Bucket Challenge. Muli, hindi ako mangsha-shatter ng kanya-kanyang trips. May "good cause" naman ang pagligo nila ng yelo. Ano na kaya ang nangyari sa mga may ALS ngayon? Sana natulungan sila ng mga nakalap na donations.

Did I miss anything? Ano kayang mga bagong mauuso sa Facebook ngayong taon? Nipple Selfie? Mas madalas na ba akong magpopost ngayong 2015? What is love? Kthnksbye.

14 comments. Post your comment here.:

Seth said...

Selfies. Yung mga 4-5x magpalit ng profile pic in a day.

Food photos. Lahat na lang ng kinain at ininom nila at inulam sa bahay may litrato na.

#lahat #ng #word #may #hashtag - search engine optimization na ang tawag dapat dun

Marjorie G said...

No shattering of trips hahahaha... May natutunan akong bago today ah. Ano nga pala yung magnum album? Di yata ako aware dun.

I tried several of those trends pero not the facebook name spelled in reverse (sobrang jologs), make-up transformation (para di mapagbintangang nagpi-feeling na kahawig ng artista), ALS ice bucket challenge (walang pang donate, lol), cryptic status, and the "boom panes," well yung ibang expression i tried like "verb verb pag may time" pero yung boom panes mismo, I don't get it.

khantotantra said...

uso yung sharing ng links ng 'blah blah blah title then what happens next is amazing achuchuchu' or mga tips on how to how to thingy na may mga pornish pics. lols

Edgar Portalan said...

Bet ko yang Nipple Selfie huh ... umpisahan mo na Glenn he he : )

AnonymousBeki said...

parang di ata nakaabot dito sa province yung iba diyan, or baka naman di ko lang napansin kasi di naman ako mashadong active sa pesbuk. lols

Diane Writes said...

Salamat sa anghas hirits

"Your agricultural lime is thick,"
"No shattering of trips"

natawa ako, parang dun sa isang book na nabasa. (Rosie Project) The girl is unconventionally attractive... hindi pa dineretso na chaka eh haha

Duns a 4 pics 1 word - lakas maka-bobo feels nyan minsan haha nakakawala ng self esteem kapag d mo masagot... nakakatapak naman ng pride kapag nagtanong ka sa iba hahhaha

jep buendia said...

whahaha :)
grabe naman yung mukhang hito, di ko ma-imagine :)

"Your agricultural lime is thick,"...

...bago sa 'kin 'to hahaha :)

gillboard said...

sobrang lumang fads... pet society... restaurant city... farmville...

YOW said...

Gusto ko yung "Your agricultural lime is thick". Hahahaha. Pwede siyang gawing t-shirt design.

joeyvelunta said...

Ahahahaha mauuso na yang "Your agricultural lime is thick"

kalansaycollector said...

ang loser ko naman. haha kasi sa lahat ng yan sa dalawa lang ako nakiuso. haha

yung candy crush na hanggang ngayon naglalaro pa rin ako!!! haha tsaka yung flappy bird. though hindi ko pinopost ang mga ganap ko sa mga nasabing laro sa fb. baka sabihin sa work oras ng trabaho nagegames lang ako. nyahaha.

well ang gusto ko lang sang matutunan ng mga tao sa fb ay wag masyadong magpapaniwala sa mga satire posts. at hindi basta basta magcocomment lang sa issue na nakikisawsaw lang. peste. okay galit na galit yata ako. haha

nyabach0i said...

tangina nandiri ako bigla sa BOOM PANES entry. yung mga kacheapan na hirit na yan shet! bago bago rin tayo pag may time.

The Oblivious One said...

Hahahaha-lol, oh God, this is so funny: Nipple Selfie. Joke lang walang ongoing Nipple Selfie pero sana di ba meron?

The Oblivious One said...

Hahahaha-lol, oh God, this is so funny: Nipple Selfie. Joke lang walang ongoing Nipple Selfie pero sana di ba meron?

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding