movie review: 50 shades of grey

Noong Linggo nagpasya akong bibili na ako ng pitsel once and for all. Yung kasya sa pinto ng ref. Ngayon kasi, sa empty bottles ng 1.5L Coke ako naglalagay ng tubig. Pagdating ko sa mall, buti na lang, buy 1 take 1 yung pitsel! Bumili ako agad baka magkaubusan! Hindi ako maka-get over sa galak kasi dapat isang pitsel lang ang bibilhin ko pero nakakuha ako ng dalawa WTF. Bitbit ang aking pitsel (correction: MGA pitsel) nagawi ako sa cinemas at walang pila kaya naisipan kong manood muna bago umuwi.

So yun nga.



Before anything else, let it be known na binasa ko ang book. Natapos ko ang chapter 1 ng book 1. Kaya ako nanood eh para icomppare kung accurate yung pagkaka-depict ng movie sa chapter 1 book 1.

Maisingit ko lang, grabe ang hype sa pelikulang ito. Dati rati, walang may gustong umamin na nanood sila ng bold (oo bold movie naman to diba?), samantalang ngayon, kanya-kanyang post ang mga tao ng "Off to watch 50 Shades of Grey. See you Christian!"

Sa isang row sa bandang gitna, may nag-iisang upuang vacant so yun ang binili kong seat.

Pagpasok ko sa cinema at pag-upo, napansin ko kaagad ang magsyota sa kaliwa ko. Ayon sa aking masusing pakikinig, nabasa na ni Ate ang buong trilogy ng books at narito sya para husgahan ang movie kasama ang kanyang boyfriend, si Kuya na walang malay at wala ring pakialam.

Yung mokong na nakaupo naman sa harap ko ang liwanag ng cellphone! Tweet nang tweet. Magla-live-tweeting ata ng mga kaganapan mula sa pag-upo nya hanggang sa makaalis sya sa sinehan.

Maya-maya pa, matapos ang mga reminders at trailers, nag-flash sa screen ang isang warning: may mga eksenang naka-blur, madilim, tinakpan ng black.

Habang naka-flash sa screen ang warning, saka dumating ang grupo ng kababaihan sa kanan ko. Kapansin-pansin ang kanilang pagdating dahil isa sa kanila ang malakas na nag-announce: "Ayyyy may blur rin dito!!!"

Okeyyy.

Lima silang girls at ang tantya ko eh nasa college level sila. Kung hindi ko alam na R-18 ang pelikula, mapagkakamalan ko pa silang high school sa kanilang hagikgikan at excitement. Nung lumabas ang logo ng Universal Pictures, ang katabi kong girl na disappointed sa blur, bumulong (nang malakas): "AYAN NA..."

Huy. Di pa nga nagsisimula.

Dahan-dahan akong sumandal sa upuan para masilip yung katabi kong maingay. Nung una akala ko malaki ang boobs nya. Nung nakapag-adjust ang mata ko sa dilim at tinignan ko uli, chubby lang pala siya.

Sa kanilang lima, siya ang pinakamatindi ang excitement. Nung unang lumabas sa screen si Christian Grey, bumuntong-hininga si Chubby Girl. Yung buntong-hininga na nagiging dahilan ng mga tsunami.

Christian Grey: I don't make love. I fuck. HARD!
Chubby Girl: Ahiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii *splash*

Lagi na lang tuwing gagawa ako ng movie review, nadidistract ako sa ibang mga kaganapan sa paligid kaya iwawaksi ko na ang mga ala-ala ni Chubby Girl para maging maayos naman ang aking review.

Maganda si Anastacia Steele. Simple lang yung mukha nya kumbaga parang kaklase mo lang nung college, yung hindi mahilig mag-ayos at pare-pareho ang suot na jacket all week. OK rin siyang umarte, naging kapani-paniwala sya sa kanyang pagiging cute and shy girl-next-door type. Pero hindi ako naniwalang virgin siya. Weh talaga di nga Ate. Sa cuteness mong yan! Eh may mga kakilala nga ako, ang papanget pero may kumant-- ANYWAY not important.

Ewan ko kung talagang hindi nagpapakita ng emosyon si Christian Grey. Hindi kasi ito na-discuss sa part ng book na nabasa ko (chapter 1 book 1). Siguro ganun talaga ang actingan kapag mysterious, sexy billionaire ang ganap.

OK naman ang pace ng storya. Nandun yung build-up mula sa initial attraction hanggang sa-- "AY MAY HUBARANG NAGANAP" tili ni Chubby Girl. Ni-narrate nya yung nangyari sa screen na nakita naman naming lahat. Thanks for the emphasis? OK back to my review.

For me, kahit may mga explicit scenes (na explicit pa rin kahit may blur), hindi naging exploitative ang dating. Tasteful pa rin kasi hindi yung nagsex lang sila para lang mapakitang nagsex. This is coming from someone na nakanood na ng maraming Tagalog bold films, kung saan ipinapakitang naliligo sa banyo ang leading "lady", tabo and timba and all that, para lang maipakita ang bewbs.

Kahit nagpapa-Pilitin mo ko, Pilitin mo ko ang gustong mangyari ni Anastacia Steele, hindi naman nagmukhang rapist si Christian Grey. Samakatwid, sa eksenang hinubad ni Christian Grey ang kanyang suot na-"OH SHET AYAN NA!!!" sigaw na  naman ni Chubby Girl. Malakas talaga ang boses nya at hindi maikakaila na mas excited pa siya kay Anastacia. Akala mo tinggil nya yung pinipindot eh. Pahiramin ko kaya sya ng pitsel bago pa umagos? Basa na sya eh. Back to my review.

Hindi ko gets kung bakit ganun ang fetish ni Christian Grey. Sabagay, iba-iba naman talaga ang gusto ng mga tao pagdating sa sexy times. Kanya-kanyang fetish. Yung iba, na-iistimulate kapag ang ka-partner nila ay naka-French maid uniform or cheerleader costume. Yung iba naman, gusto nila, exhibitionism or voyeurism. May iba nga gusto kumain ng tae. Siguro kaya hindi ko gets ang pinanggagalingan ni Christian Grey ay dahil hindi pa ako umabot sa parte ng book kung saan ito na-discuss, wala pa kasi yun sa chapter 1 ng book 1.

What I really liked about this movie-- BOOM ang liwanag talaga ng cellphone ng nasa harap ko. Mas maliwanag pa sa screeen ng sinehan. Napakalaki pa ng phone nya. Parang Samsung Galaxy S Note Tab 5 Ultra Mega whatever. Tuwing matatapos ang isang sex scene, ilalabas nya agad ang phone nya at magti-tweet. Itatago lang nya uli ang phone nya kapag may sex scene na.

Ang play room ni Christian Grey ay puno ng items na hindi mo basta-basta maibebenta sa sulit.com kapag hindi mo na nagagamit. Habang iniisa-isa nila ang mga items, naiimagine ko na kung ano ang gagamitin kay Anastacia maya-maya at abala ang mata ko sa paghahanap ng electronic dildo na umiikot ang ulo pero wala, nagconcentrate sila sa mga whips at -- "HALA AYAN NA YUNG LATIGO" Okay thanks Chubby Girl for your keen observation. Sa kanya lang ako nakakita ng babaeng naexcite makakita ng latigo.

Hindi kinakaya ni Chubby Girl ang mga nagaganap. Mula sa kiss sa elevator ("OH MY GWOOAAD!" hanggang sa paluin ni Christian Grey si Anastacia Steele  sa pwet ("AYIIIIE HIHIHI") ay may input siya. Akala ko ako lang ang naiinis ngunit biglang nagsalita ang isang kasama nila: "Ano ka ba? Para namang first time mong napanood!"

Tangina nung marinig ko yun muntik ko syang hampasin ng bitbit kong MGA pitsel. Napanood mo na pala hindot ka.

Siguro dahil si Christian Grey ay billionaire, bata at gwapo. Hindi tuloy mawaglit sa isipan ko ang katanungan: kung si Christian Grey ay hampaslupa, uugud-ugod na at mukhang akyat-bahay, kiligin kaya itong si Chubby Girl?

Habang nginangatngat ng matandang hukluban ang hiyas ni Anastacia Steele, makuha pa kayang mapahagikhik ni Chubby Girl? Exciting pa ba?

Habang iginagapos ng dugyuting tambay si Anastacia Steele sa kama gamit ang neck tie, magkakayayaan kaya sila Chubby Girl na manood? O uwian na lang?

Habang binabanatan ng mukhang agaw-cellphone si Anastacia (and to be fair, kung si Anastacia naman eh mukhang babaeng pakantot sa nakaparadang jeep kapalit ng Angel's Burger), magreklamo kaya si Chubby Girl na bakit maraming blur?

Ako manonood pa rin ako. The Human Centipede nga pinanood ko eh. Pati part 2.

Thanks Chubby Girl. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa 50 Shades of Grey. Naaawa ako sa mga taong nanood ng pelikula na hindi ikaw ang katabi. See you sa Fifty Shades Darker.

More important and mas nakakakilig than 50 Shades of Grey, grabe ang tindi nung mga pitsel. Kulay yellow green ang takip. Di ako makaget over WTF.

Photo: EOnline

19 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

walang mintis ang posts mo.

Nako, yang chubby girl na yan ata ang naririnig sa DVD cinema copy na binili ng mudraks ko. Guskopongpineapple, andaming sidecomment sa bawat eksena.

jep buendia said...

Congrats sa bago mong pitsel! Dalawa pa ah, naks :)

Ang saya naman basahin nito, dami kong tawa :)
HIndi ko pa nabasa ang book, at lalong hindi ko pa napanuod ang pelikula... pero mukhang mas interesting yung mga pipol at observation mo sa paligid habang nanunuod ka ng movie hahaha :)

The Oblivious One said...

Medyo praning lang yung mga nanunuod sa sinehan kapag sex scenes...hahaha-lol

Traveliztera said...

Hindi ko pa napanood yung film and hindi ko rin nabasa yung books. Pero okay na okay tong review mo at thank you sa mga katabi mong nagpasaya sa experience mo. Hahaha!

www.traveliztera.com

Jayson Santos said...

Sa pelikulang ito, isinabuhay ni Mr. Grey ang pantasya ng karamihan ng mga babae. Isang romantiko, gwapo, at bilyonaryong di mo aakalain na magkakagusto sa isang ordinaryong babae. I think marami ang nagi-identify kay Anastasia na inaalagaan mula sa pagkain niya hanggang sa susuutin niya. Sadly, one in a billion din si Mr. Grey kaya sana huwag niyo siyang sambahin.

mike said...

if i were you, i would have thrown those pistel to the chubby girl just to shut her up. and at least, she can feel the pain similar to being whipped. LOL!!!!!!!!!!!! #s&m

AnonymousBeki said...

Di ko pa nababasa yung book at di ko pa napapanood 'tong film. Pero thanks to your review. Super nakakaaliw haha. Babasahin ko ulit 'to next time para may guide sa panonood :D

Anyway, buti na lang di nagtaka yung ibang tao kung bakit may dala kang dalawang pitsel lalo na't R-18 yung film, (pangsahod ba?) hahaha chos! Yung totoo, alin ang mas entertaining yung film o yung chubby girl? :)

Marjorie G said...

Buti na lang pala at nandyan si Chubby Girl, nabigyang buhay ang panonood mo ng 50 Shades hahahaha...

ssshhhtella said...

whoah! tagal ko din di nakapag blog hop at napagawi dito. langya wala ka pa ring kupas. haha! namiss ko to :)

-ethel

ZaiZai said...

Oh chubby girl, asan ka nung nanuod ako ng 50 shades? lol

Rakwil Avila said...

Digs man!!

SunnyToast said...

na imagine ko tlga yong frnd kng chubby girl buti nalang talga di ako na nuod with her baka lumabas ang pagiging kabayo ko at nasipaan ko ng bongga! or na ipalunok ko yong pitsel sa knya.

grabe tawa ko ditey! gling mo tlga!

Leo said...

Buti na lang hindi ko pinanood yan. More importantly, gusto ko makita yung pitsel mo. Favorite ko kasi ang yellow green. Charlot. Hahaha. Benta yung napanood na pala ni chubby girl at kung maka-react ang bakla. Hahaha!

kalansaycollector said...

pitsel for the win talaga. haha

hindi ko binasa. hindi ako nanood. wala akong balak panoorin.
suplada ako e. kthanksbye!

Mr. Tripster said...

I still can't believe na pinatulan mo ang movie. I never thought that you could go so low. hahahaha! Although binasa ko ang first book. Nakaabot ako hanggang sa kalahati. Hindi ko kaya ang sex scenes at naiinis lang ako kay Ana.

Otakore Literantadodist said...

May censorship pala yung ipinalabas sa sinehan. Buti na lang may nahanap akong uncut version :D

By the way, ano nga pala amoy nung tumayo sa pagkakaupo si Chubby girl matapos ang palabas? Basang-basa siguro yung upuan niya. HAHAHA

Paunawa: magpa-reserve ng seat sa First Showing. May bakas na kasi ang mga upuan pag second and the latter.

Wobi said...

Napanood ko din Human Centipede 1 and 2. Waiting for part 3. Lol.

cherie ann said...

best review for this movie... :D dami kung tawa

Diane Writes said...

Maiba lang.... ano kaya reader mo si chubby girl ahahahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding