white palace spa

Isang araw nag-iisip ako ng mga problema ng mundo tapos sabi ko WHAT'S THE POINT pare-pareho lang naman araw-araw tapos mamamatay rin naman tayo what if unahan ko na? Magbigti na lang kaya ako? Pero naisip ko rin NO. Baka pagod lang at pagal ang aking katawang lupa at parang kailangan ko lang ma-rejuvenate.

Sakto naman nagyaya ang aking good blogger friend Karl (TuristaTrails.com) na samahan siya sa isang bagong bukas na spa na kanyang gagawan ng review. So betwen pagpapatiwakal at pagre-rejuvenate, pinili ko na lang ma-rejuvenate. Pangalawang beses ko pa lang mag-spa, and the first time was over a year ago so excited ako. Kaya dali-dali kaming nagtungo sa White Palace Spa sa Shaw Boulevard para yun nga. Magpa-rejuvenate.


Did I mention bagong bukas lang ang spa? As in tatlong araw pa lang siyang bukas. Tingin ko, kung napaaga lang kami ni Karl nang konti eh maabutan namin na ginugupit ang ribbon sa door.

Sinalubong kami ni Maricar, ang pretty receptionist na very accomodating. Siguro sa kanyang free time ay nag-aavail siya ng sarili nilang services dahil mukhang rejuvenated si Ate Maricar.

Walang inaksayang oras si Maricar sa pagpapaliwanag sa amin kung ano ang magaganap. Nagkaroon ng tour sa premises at ang una kong napansin ay tahimik sa loob despite the fact na along a  busy road lang ang spa. Hala ang peaceful at calm kaya sa loob WTF.

Pangalawa kong napansin ay bagong-bago talaga ang spa, dahil naamoy mo pa ang pintura. Hindi naman arresting masyado ang amoy masasanay ka rin. In fact na-appreciate ko yung amoy kasi amoy bago. Natakot nga akong dumikit sa wall kasi baka basa pa yung paint LOLjk. So suggestion ko sa mga spa na pinaglumaan na ng panahon, kung wala kayong budget magrenovate, magbukas lang kayo ng lata ng pintura at mangangamoy bago ang inyong spa. Trust me I'm an expert.

Sa sobrang tahimik ng lugar akala ko sarado pa ang spa, kasi walang tao. Yun pala, ayon kay Ate Maricar, off-peak hours kami pumunta kaya walang tao (around 5PM). So kung gusto nyong walang tao, I suggest na ganitong oras pumunta. Yun nga lang, dahil konti ang tao, hindi lahat ng therapists ay available. May dalawang male therapists lang na present.

Eh yung biglang sabi ni Maricar, "Eto ang area para sa foot wash!" I was like Whoa! Tapos TUGSGH! "Dito naman ang toilets!" Tapos konting lakad pa HALA "Dito naman ang body scrub rooms!" nang biglang nagkalahating tumbling si Maricar and all of a sudden "Nandito tayo sa shower rooms!" Pero talagang hindi ko napaghandaan nung napa-cartwheel sya patungo sa massage rooms I was like Huwaaat! No waaay!

JK Arte lang. Basta naisip ko, Tangina... ang tranquil-tranquil naman dito.

Very professional si Maricar sa kanyang tour ng facilities and wala rin akong masabi sa cleanliness ng wet rooms at aesthetics ng massage rooms. Soothing music, check. Dim lights check. Separate or adjoining massage rooms, check. May locker para sa personal stuff. Agad-agad akong nag-shower.

May I just thank White Palace Spa sa choice ng soap: Johnson's Baby Bath. Which is my favorite.

Ang robe na ipinasuot sa akin ay bagong-bago nakikita ko pa ang tupi. Malakas ang kutob ko ako ang unang nagsuot nun. So if you're looking for a reason para pumunta ka sa White Palace Spa at in-ignore mo lahat ng sinabi ko kanina (malinis, tahimik, tranquil), sana huwag mong balewalain ang fact na mauuna kang magsuot ng bath robes dahil nga bago pa lang ang spa.

Tinanong kami ni Maricar kung anong packages ang trip naming subukan. Inisa-isa ko yung buong list, masusi kong pinag-aralan at ang napili ko ay... Package 1.

Ang included sa Package 1 ay White Palace Spa Signature Massage at Body Scrub. Hala akala ko pa-tweetums lang yung scrub. Ang rigorous ng pagkaka-scrub sa likod, arms at hita ko, pakiramdam ko eh pinapalitadahan ako ng therapist. Pero OK naman kasi naramdaman kong natangal ang 87% ng dumi kanal basura putik at foreign objects sa balat ko. Yung natitirang 13% ako na ang naghilod dahil nasa “bikini area” LOL ang arte ng bikini area.


Matapos ang rigorous scrub and shower I proceeded to the massage area at agad akong dumapa sa massage bed na may butas para sa face. CAN I JUST SAY NA HINDI KASYA ANG MUKHA KO SA BUTAS OK moving on to other topics.

Sabi ni Kuyang Therapist (nalimutan ko talaga ang name), “Sir, Hard or Moderate?”

Ipapa-differentiate ko pa sana ang Hard sa Moderate pero sabi ko na lang “Hard” HALA siniko nya ako sa likod. NOPE hindi nya ako binigwasan ng siko I mean, tinukod nya yung siko nya sa likod ko. Parang nanlambot ang aking tense na muscles. Yes may muscles!

Tapos sabi nya “Sir ipu-push ko yung likod nyo ha” sabi ko “OK” akala ko ididiin nya. Hindi. Na-misinterpret ko yung PUSH kasi tinulak nya talaga ang likod ko pabaon napa-exhale ako nang pabuga. Pero effective kasi nagsipag-tunugan ung mga joints-joints ko sa likod. Relaxing talaga.

Eh biglang sabi nya “Sir OK lang ba yung pressure” sabi ko naman “Oo” tapos "Eh eto?" HALA finisting nya ako sa talampakan. NOPE I don’t really mean FISTING ewan ko lang kung anong tawag dun pero yung kamao nya ang pinang-massage nya sa talampakan ko na very effective pangtanggal ng ngawit sa paa.

Mental note: Pagbalik ko sa spa na ito, hard uli ang pipiliin ko.

Sumunod naman kumuha si Kuya Therapist ng hot pack at matapos ang warning na mainit ito at pumayag naman ako ay hinagod nya ito sa aking likuran sabay tanong ng “OK lang ba ang init Sir?” Sabi ko “Oo, ok lang, ok lang” pero tumulo yung luha ko sa sahig buti hindi nya nakita. Pero saglit lang ang kirot dahil naramdaman ko talaga yung mga lamig-lamig ko sa likod eh nawala.

Simple lang naman ang pakay ko nung pumunta ako sa White Palaca Spa. Gusto kolang ma-experience ang relaxation beyond expectation tulad ng nakalagay sa kanilang website. Nang natapos ang massage tumingin ako sa salamin at nasabi ko sa sarili ko Eto na. Na-rejuvenate na ako. THANKS WHITE PALACE SPA!

PROS:

  1. Quiet and peaceful. And tranquil.
  2. Very professional and polite staff and therapists.
  3. Good massage hard kung hard ang gusto mo.
  4. Affordable price.


CONS:

  1. Only three branches for now (Paranaque, Makati and Shaw).
  2. Taga-QC ako.


Thanks uli White Palace Spa and thanks Karl!

16 comments. Post your comment here.:

Senyor Iskwater said...

You got me sa 'FINISTING'! Bet kong i-try jan!

khantotantra said...

tindi ng tip mo na magbukas ng lata ng pintura para mukang bago.

at ang fisting term hahahaha

gillboard said...

suki ako ng white spa dito sa pque. sobra nakakarelax masahe nila.

AnonymousBeki said...

di ko alam yung 'fisting' term kanina so kinailangan ko pang mag-Google, then I was shocked.

kalokah ka. hahahaha

Gabriel Achacoso said...

lol! gusto kong itry yung fistingan haha

insights said...

Thanks for your great review of White Palace SPA Shaw Branch. This is truly appreciated. More Power to you! :-)

June Benitez said...

diosko talaga sa finisting! ang hard ni kuya ha. hahaha

Vince said...

How much is package 1 and where in shaw is white palace spa

Turista Trails said...

Welcome, dude. Fresh pintura pa more LOL *singhot*

Turista Trails said...

Welcome, dude. Fresh pintura pa more LOL *singhot*

ZaiZai said...

oh my ikaw na Glenn! Pwede pala ako matawa ng ganito ka hard sa pagbasa ng review sa isang spa haha!

Jayson Santos said...

Nakakatawa...nope...nakakatuwa pala ang review mo! Naalala ko tuloy si Tom Sawyer. There's wit in your wicked mouth:)

aajao said...

so, kelan mo ko ililibre dyan, boss? :)

SunnyToast said...
This comment has been removed by the author.
SunnyToast said...

I tried the Makati brnch last week same package.. I agree with you the staff are polite and profesnl yong nga lang.. I dn't like the wash room nila...ang ingay lang bawat hakbang dinig na dinig ko ang hakbang parang nag tatampisaw sa tubig pano naka tsinelas c kuya na rubber at naririnig ko yong mga chikahan nila sa lob by kalowka.. at m ay kasabay pa akey ng mga ma arte akala mo naman di ko amoy na bading sarap pag scrub ng mga facelaro ang arte norm al msge lang nman ang avail nila..choz:)

bato said...

lage kami dito ng asawa ko, kaya twice na kami naka experience ng himas massage. parang nakakahiya pa mag reklamo kasi staff naka simangot. I more thing 2 na akong ndi nakakuha na reward points ko. This is refferring to makati branch. Pakisilip naman staff nyo kasi pinag tratrabahuan din namin pinambabayad namin.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding