movie review: cinderella

Haha last week nanood akong Cinderella. Tangina lang. Andami nyang talandi moments. Glass shoes WTF. Sinong makakasayaw sa glass shoes? Shit, sinong makakatakbo sa glass shoes? And more importantly than the glass shoes, SINONG MAGSUSUOT NG GLASS SHOES? Glass fucking shoes! Eh kung mabasag? Seriously, mas mukhang komportable pa si Lotus Feet.

Here are my thoughts while watching Cinderella:
  1. Why?

  2. Kahit pinagmukha nilang closer to reality ang storya, marami pa ring elements ng pagiging fairy tale: like the Fairy Godmother, love at first sight, they don't take a shower or take a shit, etc.
    • Pero ang pinakamalaking evidence na isa itong fairy tale: nung mga panahong nagugutom si Cinderella, ang tanging karamay nya ay ang mga daga. Kung closer to reality ang storya, naiulam na ang mga daga.
    • Nasaan si Fairy Godmother noong mga panahong gutom si Cinderella? Tae siya, lumalabas lang pag may party.
    • Speaking of the Fairy Godmother, naka-pustiso ba sya? Bakit parang hindi kasya.

  3. Maswerte si Cinderella at may pananim silang kalabasa. Paano na lang kung puro okra ang pananim nila. Wet look siya pagdating sa party.

  4. Ang bilin ng ina ni Cinderella: "Have courage and be kind." Pero hindi sya naturuan ng proper time management.
    • Ang sabi ng Fairy Godmother, hanggang 12 midnight lang ang magic. Kailangan nyang makauwi.
    • Anong ginawa ni Ate mula nang dumating siya sa ball?
      • Sabi niya, dadalo lang siya, hindi sya gagawa ng eksena.
        • Hala kakarating nya pa lang nagpa-pampam na siya like "All eyes on me. Sambahin nyo ako bitches."
        • Maniniwala ka bang hindi sya magpapa-pampam kung ganito ang itsura nya sa poster:



        • In my native dialect, mailalarawan ko sya sa salitang "Sumarampingat!"

      • Yung totoo Cinderella, how do you spend your time at home? Sa pagsisilbi sa evil stepmother and twin sisters, or magpractice ng choreography? Walang naniniwala sayo Cinderella. Wala ka ngang time maligo eh.
      •  Pagtapos sumayaw, proceed na si Cinderella at Prince sa swing.
      • At sila ay nagswing. Nagswing lang.
      • Seryoso yan lang gagawin nyo, magswing? I've seen many more interesting uses of the swing. May kasamang whips, leather and lots of lube. Cinderella, watch 50 Shades of Grey OK.
    • Seriously, Cinderella. Proper time management. Alam mong hanggang 12 midnight lang ang ganda mo. Yung ibang kakilala ko, kung alam nilang hanggang 12 midnight lang sila pwede mag-partey partey, hala 10:30 pa lang eh nakant-- NEVER MIND.

  5. I'm sure, if there's anything relatable sa kwento ni Cinderella, ito yung fact na may curfew ang kagandahan. Marami akong kakilala na maganda lang sa gabi and up to a certain time lamang. Pag lumagpas sa time limit, bumabalik sa dating aswang look. Nagmamadali rin sila at lalong hindi nagpapasikat ng araw. Malulusaw ang lahat ng naipundar nila.

  6. Ayan midnight na. TAKBO CINDERELLA TAKBO!!! Kasalanan mo rin naman yan!

  7. Alam mo kung paano ang dapat na ginawa ng Prince para hindi sila nahirapan hanapin si Cinderella? Kung may registration sa party. Ang kailangan lang nilang gawin ay magpa-raffle, kahit rice cooker lang or groceries from Puregold. Required ilagay sa registration ang name and address. I'm sure ilalagay ni Cinderella ang pangalan nya at tirahan. Kung mananalo siya ng groceries, hindi na masama. Taggutom diba?

  8. Habang nagkakagulo sila sa kung sino ang may-ari ng sapatos at ang mga babaeng mapanlinlang ay nagkakagulo kung paano magkakasya ang glass shoe, ang tanging concern ko lamang ay kung ang glass shoe ay microwaveable. 

  • Di ba para may pakinabang man lang? At least makapag-reheat ka ng ulam or makapagbake ng something.
THE END! PHOTO CREDITS BELONG TO DISNEY or whatever.

13 comments. Post your comment here.:

Mar Verdan said...

ah yan pala kwento ni Cinderella, now I know! Lesson learned, may curfew ang kagandahan, wag magpalinlang hahaha

Artiemous said...

kung ako man ang maging si prince charming hindi lang 10:30 baka nga pagkainom pa lang nya ng isang basong juice eh nakant-- NEVER MIND.

luridx said...
This comment has been removed by the author.
citybuoy said...

The Stark family jewels.

Senyor Iskwater said...

Inaano ka ba ng glass shoes? Nagustuhan mo ba ung movie o ano? Kasi ako bet ko kahit walang twist. Saw this last Sunday.

khantotantra said...

di marunong bumagito moment ang prince, dapat sa stairs nia dalhin ang kangkarot na si cinderela.

ignored_genius said...

ang tanong ng misis ko after namin manood, bakit yung sapatos e hindi nawala after 12 e part din naman sya ng magic ni Fairy Godmother? onga no?

Traveliztera said...

haha! alam mo, yan din naisip ko sa Fairy Godmother na yan! Choosy!!!

www.traveliztera.com

AnonymousBeki said...

Malalandi naman talaga ang mga fairy tales.

Mac Callister said...

Ang maganda dun e nabasag un glass shoes at nagkansugat sugat paa nya lol

Diane Writes said...

Medyo nasira ang childhood ko ahahaha
Pero isa lang tanong ko dati, talagang siya lang ang may ganung size ng paa? :)

ZaiZai said...

e di syempre tawa na naman ako ng tawa kababasa haha! winner ang number 5, agree kasi minsan relate ako haha.

ang naisip ko naman, kung ako si Cinderella, aba kakain ako agad pag dating sa ball! puro tinapay at tira tira ang laps sa bahay kaya buffet agad!

iya_khin said...

"may curfew ang kagandahan" wahahaha!!!!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding