questionable life choices

If you've ever found yourself stuck sitting at some desk from 8 to 5, chances are you're already tried everything to stay awake, alive or sane. Yung iba (me) kinukurot ang sarili nila. Yung iba (me) lakad nang lakad at nambubully ng iba. Yung iba naman nakikinig ng music para manatili sa katinuan.

Pero minsan yung music mismo ang nakakabaliw.

Halimbawa yung isa kong officemate, nalulong sa Chandelier. Maghapon, magdamag, araw-araw, she's gonna swing from the Chandelier. Pagod na si Sia sa kakasigaw pero hindi pa siya nagsawa. Kaming lahat na nakakarinig ng music sa desk nya, nagpa-palpitate na.

Actually, pangalawang pag-aadik nya na yang sa awiting Chandelier. Ang unang phase nya talaga ay We Can't Stop. Paulit-ulit-ulit. She can't stop playing We Can't Stop.

Dumating yung time na yung isa naming ka-team, naging favorite nya rin ang We Can't Stop. So may mga araw na dalawang We Can't Stop ang naririnig namin. Miley Cyrus everywhere hands in the air like we don't care. Unlimited. All night long.

I'm sure ang tanong nyo, bakit hindi sila mag-ear phones? Answer: They're already using earphones. Ganun kalakas.

Same case sa isa ko pang officemate, na naka-headphones pero dinig pa rin ng lahat. Ang tugtugan naman niya, house music. More more David Guetta Calvin Harris. More remix more fun. Kaya yung station nya parang club. Minsan, after nya mag-play ng music, bigla syang aalis pero hindi nya io-off. Kaya kaming lahat na nakakarinig, Partey Partey!

Gawain rin yan ng isang officemate ko. Magplay ng music, tapos iiwan. Pero yung playlist nya, Tootsie Guevarra, Manilyn Reynes, Lilet. Throwback kung throwback. Minsan hinahanap ko talaga yung phone nya para i-off yung music.

Yung isa kong officemate, nag-aadik rin sa isang kanta lang, pero yung song nagbabago everyday. Minsan Drunk On Love, minsan I Don't Give A Fuck. Siya yung minsan eh nag-adik sa We Can't Stop at tumapat sa We Can't Stop nung isa pa. Kapag Friday, pinapatugtog nya yung kanta ni Rebecca Black na Friday. Because it's Friday bitch.

Yung isa kong officemate dati, hiniram ko yung phone para tuminigin ng songs nya. First on his playlist: Raggamuffin Girl. I tried not to judge him naman.

Minsan kailangan mo talaga ng music eh. Para madistract. Ako, madali akong madistract. Kapag may music, nawawala ako minsan sa sarili sa pakikinig. Di ko namamalayan, marami na pala akong natapos na reports at emails. Parang mas magaan din sa pakiramdam.

Yung isang officemate ko dati, kapag nakikinig ng music, hindi lang nadidistract, nake-carried away pa, parang gusto nyang sumayaw. Eh Waka-Waka yung tugtugan niya. Dahil hindi naman sya pwedeng sumayaw talaga, inaalog-alog nya lang yung boobs nya. That's how she gets through her day.

Yung isa pa naming officemate, madalas macarried away sa playlist nya. Madalas sinasabayan nya ng pagkanta. Ang challenge sa aming mga katabi nya ay hulaan kung ano yung kanta. Ang hirap hulaan. Alam na.

So far I have not mentioned any names, pero ang huli ay gusto kong pangalanan: si Tito Donpi. Si Tito Donpi, ni minsan hindi ko narinig kumanta, or nakitang nagsound-trip, or anything. WALA. So tinanong ko siya. "Tito Donpi, anong hilig mong music?"

"HINDI AKO MAHILIG SA MUSIC" sabi nya, with conviction.

Amazing. Siya lang ata ang taong kilala ko na ayaw sa music. Ikaw, challenge for you. Name one person na kakilala mo na hindi nage-enjoy makinig ng music.

Isa lang ang nakikita kong explanation sa hindi pagkahilig ni Tito Donpi sa music: He doesn't need music because he has lots of money. He's busy counting. Nakakadistract kapag may music. Right.

Ako aminado ako minsan questionable rin ang gusto kong music. Madalas akong magplay ng piano music na may kasabay na mga sounds ng ulan, mga crickets, mga forest sounds. Minsan thunderstorms. Minsan mga insekto. Nakakarelax kasi.

Minsan gusto kong takutin ang sarili ko. Bjork, Marilyn Manson, Cannibal Corpse.

Minsan I listen to ASIN. Walang pakialamanan.

Minsan naman I go mainstream. Pop kung pop. Madalas. Deal with it.

And I make my own playlists. Meron akong playlist for:

Magdamagang Trabaho
Umagang Maulan
Mainit na Hapon
Gabing Partey Partey
Gabi, pero tapos na ang Partey Partey
Madaling Araw
2NE1 DON'T JUDGE ME
Habang nagbabasa ng Game Of Thrones
Lumang Kanta kapag Linggo, Habang Naglilins Ng Bahay

Recently may ginawa akong playlist called "Worship Songs" para sa mga taong mahilig sa pwet.
ENJOY!


10 comments. Post your comment here.:

Senyor Iskwater said...

Sino ung adik sa mga songs nila Tootsie Guevarra, Manilyn Reynes??? So oldies and jologs!

May pinarinig ka sa akin na lumang song na bastos! Bakit hndi mo namention? Kakabaliw din tallaga ung pagkaadik ni Doti sa Chandelier! Minsan napapanaginipan ko pa at napapabilang ako ng 1,2,3...1,2,3...

Jenny said...

Uy! Helpful ang music saken lalo na pag madaming paper works. Iba't ibang genre din. Haha may afternoon songs which is for heartbroken, sa umaga naman mga pop and rnb pampagising. Yung panguwian mga pang party. Astig officemates mo, dito kaso mashonda na mga tao tas paulit ulit pa yung playlist ng isa kong katrabaho .

Seth said...

I used to listen to calls so music is a break for my ears. Ngayun naman back office na account ko I listen to the radio to keep me awake. Updated na din ako sa mga bagung kanta kahit papaano :)

reigun decena said...

Matindi ang playlist mo. Solid yan, lalo na ang klasikong Thong Song at Milkshake. Maganda ang mga titik ni Marilyn Manson. Nakakacleanse ng feeling. Lalo na mga Slipknot ganyan.

yccos said...

hongsoyo-soyo lang ha!

Traveliztera said...

GO JOLINA! I-ADD MO SI JOLINA!

Marjorie G said...

Meron din akong friend na ganyan, mahilig mag loop ng music haha...

stevevhan said...

ako distracted sa music, kahit musician ako, hindi ako nakkapagfocus talga sa music while working, mas gusto ko i accompany ang music sa travel. :)


kawawang sia, buti si ed hindi nauso? at ang all of me? ahhahahahaha

ZaiZai said...

Hahaha love the Worship song playlist! Pwet kung pwet!

YOW said...

Hahahahahaha. Binastos mo ang worship songs!!

As you get older, parang nagiging questionable nga ang mga choices mo sa kanta. One time I found my self listening to Rico J Puno sa youtube then nung narealize ko, I was like.. Yuck!! Hahahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding