uke box caffé

Hey Kids what's up? Me? MAsakit ang gums ko kasi nagpabunot ako ng ngipin recently. Other than that, there's not much going on in my life, which is fine with me. I was about to disappear into a gaping pit of oblivion nang biglang nangailangan ng tulong ang isa kong kaibigan. Kung pwede daw ba akong mag-interview at magsulat ng article tungkol sa isang coffee shop. Kahit nagsusumigaw ang gums ko ng No!!! sabi ko Yes!!!


So the coffee shop is called Uke Box Caffé and they have one central theme: ukuleles! I remember naikwento sa akin ni Doris na yung LoLo ko daw ay mahilig mag-play ng ukulele noong nabubuhay pa. Or I could be wrong, baka mahilig syang mag-play noong patay na sya. Minsan kalat-kalat na ang memory ko eh. Itetext ko si Doris to confirm.

Immediately na-excite ako na makita ang Uke Box Caffé. Nakakacurious yung ukes (short for ukulele, if you really have to ask).

Pronounced "Yook-Box", kaya tinawag ang Uke Box Caffé ay dahil sa pwede kang makipagjamming or magrequest ng songs. Parang jukebox you know??? Naalala ko tuloy bigla si Khikhi. Noong nasa Baguio pa kami, napakahilig nyang pumunta sa paborito nyang coffee shop, ang Kaffeeklastch, at makipagjam sa banda doon kahit siya lang naman ang hindi nangingilo sa sarili nyang boses. There were times na nagcocover ako ng tenga.


Hawaiian ang theme ng design ng Uke Box Caffé, makikita mo agad ito pagpasok pa lang. But the Pinoy flavor is very strong. Ang mga ukuleles ng Uke Box Caffé ay galing pa sa Cebu, gawa ng HUNI. Love local sabi nga nila. And we have a very good reason to love local, especially since napakaganda ng gawang ukuleles ng HUNI.


On top of that, may mga available rin na local coffee brews. Something you won't easily find sa mga nagkalat na kape-kape places sa tabi-tabi. I didn't have enough time to really check out the menu, kasi I was also busy mentally preparing my questions for the owner na iinterviewhin ko. Ayoko namang dumating doon in my full-on Glentot mode. Syempre naghanda rin naman ako para hindi ako nakakahiya.

I Don't have the authority to post the interview here. So I'll just write about my Uke Box Caffé experience.

Here's the ten things I loved about Uke Box Caffé:

1) Nakaka-fascinate ang ukulele. I understand bakit maraming nahuhumaling. Minsan nga, kahit bigkasin mo lang ang name nito, nakaka-enjoy na. Ukulele. Yoo-Keh-LLLEH-LLLEHH. Dapat labas na labas ang dila mo habang sinasambit ang LELE kasunod ng UKE. It sounds fun, so laid-back, so easy. Uke = CHILL. That's why noong nalaman kong ukuleles ang theme ng coffee shop na ito, I immediately knew that I'll be going to a fun fun fun place. Hindi ako nagkamali.


2) Although I was told that I can order anything I want, ayoko naman maging kupal at magtuturo ng kung ano-ano. Hindi ko naman sila gagawan ng food review. Isa pa, my fucking gums were throbbing like hell. So nag-order ako ng pa-cute na Iced Mocha. At ang sarap.

It was on my second time at Uke Box Caffé na medyo marami na akong natikman (thanks Mitch for the vouchers).


Above are the Monte Cristo sandwich and their Uke Box Signature Cake, both a must-try. Yung Monte Cristo, dito ko pa lang talaga natikman sa Uke Box Caffé. Yung Signature Cake, very very rich and moist. Yummy. We had the Mt Atok and Mt Matutum coffee, at napanood ko rin kung paano sila i-prepare.

 

Kapag nag-order ka ng kape, the engaging baristas will offer to explain to you just how they prepare your coffee, and I suggest na manood while they do it, so you'll get to know the whole meticulous process.


3) At Uke Box Caffé, kahit naging challenge ang space, hindi sila nagpagapi. Maaari kang umupo sa tables sa harap ng stage and join the fun if you're feeling interactive like that. OR you can hang out at the cabanas and just chill and sit on bean bags and pillows sa floor. Pwede rin sa upper deck ng cabanas if you're feeling like We are the VIP, motherf--. The whole place is clean and tidy. Syempre, clean and spotless rin ang mga uke. Just curious tuloy, paano kaya nililinis yung mga uke? I would guess hinuhugasan rin siguro ang mga ito ano? Or pinupunasan lang?



4) Para sa isang napakacute na musical instrument like the ukulele, parang ang hirap imaginine na ang taong tumutugtog nito ay anything but nice. Come to think of it. Kung katulad kong masama ang ugali, I would play something that can double as a murder weapon (TRIVIA: I used to play the flute noong high school END OF TRIVIA). I can't imagine na someone na may maitim na puso at halang ang kaluluwa ang biglang hahawak ng cute na cute na ukulele at tutugtog ng Somewhere Over The Rainbox/What A Wonderful World. It's just WRONG. So while at Uke Box Caffé, I can't help but feel like I'm surrounded by nice, good, law-abiding people. Because of this flawless logic.

5) According to Apple (owner) meron silang resident ukulele player at pwede kang mag-request ng gusto mong song na irerender sa uke. Naalala ko tuloy bigla nung one time, nag-comedy bar naman kami ni Khikhi, tapos sabi nung bading na comedian, "Anong request mo boy?" Without missing a beat, sabi ko "Bohemian Rhapsody!" Nagbago yung mood nung bading, parang na-bad trip, pero kinanta pa rin nya kasi napasubo na sya eh. Pagdating nya dun sa bandang "Thunderbolt and lightning very very frightening" humarap siya sa akin at sinabi, "Ano masaya ka na?" I wanted to try the same thing sa Uke Box. If I were my shameless, disgusting old self I would have requested TIgidong3X. Para kasing magandang marinig yun sa ukulele you know what I mean? Pero NO. Nagbago na ako. Recently lang.

6) Ang uke ay napakaliit lamang. Maliit lang ang butas nito at maliit lang rin ang tunog. But it's really amazing how that charming little hole can create a beautiful sound. Basta, ang cute-cute ng uke. I did a little research and it turns out, marami ka palang pwedeng gawin sa uke. Of course you can play with it, kung magaling ka na. But for beginners you can just pluck the uke. Plucking or fingering the uke must be so fun. Pero yung isang napanood ko doon, ang galing mag-play ng uke. Effortless ang pag-pluck and pag-strum. ANd parang pinipitik-pitik nya lang? Tapos minsan, tinatampal-tampal nya yung uke, sabay kakalabitin. Bawat kalabit sa uke, may lumalabas na notes. Yung ibang notes matataas, yung ibang notes naman eh mabababa lang. Yung ibang notes maiiksi. Yung iba mahahaba. You get my point. Music is fun!


7) I love the Uke Wall. Ang daming nakasabit na uke. Iba-iba ang itsura, iba-iba ang hugis, iba-iba ang kulay. May ukeng mataba at bilugan. Meron ding ukeng makitid at matulis. Sa dami ng uke, there's one for everyone. Kung pumunta ako sa Uke Box not for the interview with the owner kundi para sa leisure, I would have had the time to enjoy the ukes. That's why I suggest, kung pupunta kayo dito to try playing the ukuleles, eh sipatin mong maigi. Hawakan mo yung mga uke hanggang mahanap mo ang ukeng tama para sa iyo. For example, baka ito ang gusto mo, mapulang uke:


8) Dahil nga Suport Local ang goal ng Uke Box Caffé, puro local ukes ang mahahawakan mo dito. We should be proud of this. Ang mga uke natin ay very much at par sa uke ng mga foreigners. It's one more thing to be proud of, ang ating mga Cebuano luthiers and their world class ukuleles. Go Pinoy Uke!

9) Ang traffic sa labas ng Uke Box Caffé. Busy roads. Busy people. Busy gums. PEro pagpasok mo sa Uke Box Caffé, malilimutan mo ang kabusyhan. Kasi ang mga ukes lang ang busy dito. Tanggal ang pagal. Tanggal ang pagod. Maaari mong ilabas ang lahat ng stress at ibuhos sa uke.

10) Uke Box Caffé is all about community. They promote this through good music and good coffee. Kaya ang mga pumupunta dito have something nice to expect, hindi lang puro kape. Makikita mo rito ang mga kapwa mong mahilig sa uke. Kung ikaw naman ay hindi mahilig sa uke, OK lang, mag-eenjoy ka pa rin. It's the whole Uke Box Caffé experience that keeps you coming here.

Gusto kong magpasalamat sa owners na sina Apple, Mitch and Celina for accomodating me, especially to Apple for taking the time to answer my questions. Mapapublish rin yung interview soon.


Nagreply na si Doris, Ang tinutugtog daw ng lolo ko ay banjo. Mmmkay.

For more info:
https://www.facebook.com/ukeboxcaffe

Thanks MwachuPOP!

4 comments. Post your comment here.:

reigun decena said...

Matagal na akong gustong makahawak at makaexperience ng Uke. Sana'y magtagal at mag boom pa lalo ang shop na ito para naman maabutan ko sa aking pamamasyal.

P.S. Fill in the blanks:
Kung flute player ka noon, ibig sabihin magaling kang ___________.

Marjorie G said...

Ngayon lang ako nakabasa ng article na maraming uke hahahaha.... Gusto ko yan puntahan. San ba tong Uke Cafee na to? Ay nag-iwan ka nga pala ng FB link, dun ko na lang tignan, hehe...

Jayson Santos said...

Mahusay ang pagkakahabi ng mga salita! Hehehe! Fascinating ang pangalan ng cafe', interesting sa unang dinig. Gustung-gusto ko yung items # 6 at 7 :). Gusto ko ring tumugtog ng uke at sana mahanap ko yung uke na tama para sa akin. Gusto ko ng blue! Parang masyadong daring ang red for this humble instrument. Sa tanong mo kung pano 'to nililinis, sa tingin ko pinupunasan lang. Masyadong sensitive ang design niyan para hugasan.

ZaiZai said...

Cute ng Uke Box Caffe! Sa posts mo sa IG inassume ko na part owner ka Glenn haha :)

Dami ko natutunan about Ukelele, pwede na i-link ang post na ito sa Wikipedia. Hope I get to visit Uke Box Caffe too :)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding