the love inside

Madalas ko naman maikwento noon pa na nakahiligan namin nila Khikhi and another friend Junn na magcompose ng mga songs noong college. Hobby lang bakit ba? Kung narinig nyo na yung Vanishing Away (na inalay namin sa aming dearly departed friend Caloy miss you Dwarf!), here's another original composition and this time it's a love song. Cornyyy.

Originally performed by Khikhi and Junn on acoustic guitar, ni-remake ko sa Garageband ang audio. Oo yun lang ang tanging contribution ko dahil wala naman akong vocal talent. Hanggang Garageband lang talaga.

Unfortunately busy sina Khikhi at Junn sa kani-kanilang raket kaya hindi namin nagawang i-record uli. Buti na lang, hindi masyadong busy ang nag-uumapaw sa talent na si ChilaxJukebox aka Ian Angelo Gaspe (siya rin yung nag-cover version ng Vanishing Away noon) at nahila ko siya, at nahila naman nya ang kapatid nyang hindi rin masyadong busy, si Maria Angelica Gaspe.

We had fun recording this and I hope you like it.

!!!


Sorry about the title kung nakakaisip kayo ng kung ano-ano like creampie (or ako lang yun?) wala lang talaga kaming maisip. MWAHCHUPA.

facebook fads

Assuming you're on Facebook, nasubukan mo na bang sumali sa kung ano man ang kinalolokohang pauso ng mga tao? Either something cute and nostalgic like #ThrowbackThursday (I'm guilty of this) or something ma-effort like planking? Something short-lived like the Magnum Photo Album (salamat sa Diyos at natapos na yun yuck) or something as old as time and still ongoing, like Nipple Selfie. Joke lang walang ongoing Nipple Selfie pero sana di ba meron?

Ito sana ang aking yearender post for 2014 (yearend posts are also a fad right?) kaso I was busy (mainly on Facebook) kaya ngayon ko lang napost. Gusto kong balikan ang mga pausong napansin ko sa Facebook last year.

Candy Crush. Takang-taka ako nung minsang may nakasabay ako sa MRT na maskulado, putok na putok ang maskels ni Kuya, pero kunot na kunot ang noo at busy sa pag-usog-usog ng mga kendi. Tapos ako na-hook rin. Umabot ako sa punto na aburido akong magkaroon ng life kasi gusto ko nang makalagpas sa kung saang level ako na-stuck. Seeing Candy Crush posts on your news feed is not uncommon. Ngayon, wala na akong kakilang naglalaro nito. Iba na siguro ang kinalolokohang Facebook game ng mga tao ngayon. Baka nag-uusog-usog na ng ibang mga bagay.

Bitstrips. Ang dami kong friends na ganito noon, lalo yung mga mahilig mang-asar. I have nothing against them kasi madalas nakakatawa yung caption. Ang tanging complaint ko lang is yung artwork mismo. I have artist friends who can draw a LOT better than that. Wala na rin akong nakikitang ganito ngayon. Siguro dahil ni-hide ko lahat ng Bitstrip posts para di ko na makita.

Cryptic Status with Secret Meaning. Nagpost ka ba ng "I like it on the table" or "I forgot to wear undies today" na sadyang ipinagtaka ng mga friends mo? Ako ay minsang nagtaka na rin kung ano ang ibig sabihin nito. Yun pala eh isang inside joke (na hindi naman funny kapag nalaman mo na). Pero minsan totoo yung I forgot to wear undies today.

Flappy Bird. UGH. Minsan rin akong naloko ng ibon na ito. Buti na lang mga 3 days ko lang siyang nilaro, lalo kapag nakikita kong ang tataas na ng scores ng iba tapos ako mataas na yung 7. May naglalaro pa kaya ng bird na ito? May nakakaalala pa ba sa bird na ito? Sa pagkakaalam ko, Fappy Bird ang timeless na nilalaro ng mga tao at never nalalaos. Fap fap fap na ang bird!

4 Pics 1 Word. Especially kapag may hindi ka masagot, at magtatanong ka sa Facebook friends mo para matulungan ka nila. Mukhang nabaon na rin sa limot ang larong ito.

BOOM PANES. PAKI-EXPLAN LABYU. VERB-VERB PAG MAY TIME. Lahat ng nausong expression. To be honest hindi ko ginawa ito. Nung umpisa kasi cute. Nung tumagal nakakasulasok na rin makita sa news feed.

Facebook Name Spelled in Reverse. Kumusta ka naman Eniamrahs Zurc? Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan bakit nila ito ginawa. Siguro para hindi sila ma-search agad. Well kanya-kanyang trip yan. Sabi nga ng isang Facebook friend ko, "No shattering of trips."

Make-up Transformation. Noong una nakakaaliw, dahil ang creative. Pero kinalaunan naging excuse na ito para magselfie at mangarap na may kahawig silang artista. May nakita ako, yung college classmate kong mukhang hito, may tatlong pictures nya tapos yung pang-apat eh si Denise Laurel. WOOOOW. Pangarap much. "Your agricultural lime is thick," or simply put, Ang kapal ng apog mo.

ALS Ice Bucket Challenge. Muli, hindi ako mangsha-shatter ng kanya-kanyang trips. May "good cause" naman ang pagligo nila ng yelo. Ano na kaya ang nangyari sa mga may ALS ngayon? Sana natulungan sila ng mga nakalap na donations.

Did I miss anything? Ano kayang mga bagong mauuso sa Facebook ngayong taon? Nipple Selfie? Mas madalas na ba akong magpopost ngayong 2015? What is love? Kthnksbye.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding