questionable life choices

If you've ever found yourself stuck sitting at some desk from 8 to 5, chances are you're already tried everything to stay awake, alive or sane. Yung iba (me) kinukurot ang sarili nila. Yung iba (me) lakad nang lakad at nambubully ng iba. Yung iba naman nakikinig ng music para manatili sa katinuan.

Pero minsan yung music mismo ang nakakabaliw.

Halimbawa yung isa kong officemate, nalulong sa Chandelier. Maghapon, magdamag, araw-araw, she's gonna swing from the Chandelier. Pagod na si Sia sa kakasigaw pero hindi pa siya nagsawa. Kaming lahat na nakakarinig ng music sa desk nya, nagpa-palpitate na.

Actually, pangalawang pag-aadik nya na yang sa awiting Chandelier. Ang unang phase nya talaga ay We Can't Stop. Paulit-ulit-ulit. She can't stop playing We Can't Stop.

Dumating yung time na yung isa naming ka-team, naging favorite nya rin ang We Can't Stop. So may mga araw na dalawang We Can't Stop ang naririnig namin. Miley Cyrus everywhere hands in the air like we don't care. Unlimited. All night long.

I'm sure ang tanong nyo, bakit hindi sila mag-ear phones? Answer: They're already using earphones. Ganun kalakas.

Same case sa isa ko pang officemate, na naka-headphones pero dinig pa rin ng lahat. Ang tugtugan naman niya, house music. More more David Guetta Calvin Harris. More remix more fun. Kaya yung station nya parang club. Minsan, after nya mag-play ng music, bigla syang aalis pero hindi nya io-off. Kaya kaming lahat na nakakarinig, Partey Partey!

Gawain rin yan ng isang officemate ko. Magplay ng music, tapos iiwan. Pero yung playlist nya, Tootsie Guevarra, Manilyn Reynes, Lilet. Throwback kung throwback. Minsan hinahanap ko talaga yung phone nya para i-off yung music.

Yung isa kong officemate, nag-aadik rin sa isang kanta lang, pero yung song nagbabago everyday. Minsan Drunk On Love, minsan I Don't Give A Fuck. Siya yung minsan eh nag-adik sa We Can't Stop at tumapat sa We Can't Stop nung isa pa. Kapag Friday, pinapatugtog nya yung kanta ni Rebecca Black na Friday. Because it's Friday bitch.

Yung isa kong officemate dati, hiniram ko yung phone para tuminigin ng songs nya. First on his playlist: Raggamuffin Girl. I tried not to judge him naman.

Minsan kailangan mo talaga ng music eh. Para madistract. Ako, madali akong madistract. Kapag may music, nawawala ako minsan sa sarili sa pakikinig. Di ko namamalayan, marami na pala akong natapos na reports at emails. Parang mas magaan din sa pakiramdam.

Yung isang officemate ko dati, kapag nakikinig ng music, hindi lang nadidistract, nake-carried away pa, parang gusto nyang sumayaw. Eh Waka-Waka yung tugtugan niya. Dahil hindi naman sya pwedeng sumayaw talaga, inaalog-alog nya lang yung boobs nya. That's how she gets through her day.

Yung isa pa naming officemate, madalas macarried away sa playlist nya. Madalas sinasabayan nya ng pagkanta. Ang challenge sa aming mga katabi nya ay hulaan kung ano yung kanta. Ang hirap hulaan. Alam na.

So far I have not mentioned any names, pero ang huli ay gusto kong pangalanan: si Tito Donpi. Si Tito Donpi, ni minsan hindi ko narinig kumanta, or nakitang nagsound-trip, or anything. WALA. So tinanong ko siya. "Tito Donpi, anong hilig mong music?"

"HINDI AKO MAHILIG SA MUSIC" sabi nya, with conviction.

Amazing. Siya lang ata ang taong kilala ko na ayaw sa music. Ikaw, challenge for you. Name one person na kakilala mo na hindi nage-enjoy makinig ng music.

Isa lang ang nakikita kong explanation sa hindi pagkahilig ni Tito Donpi sa music: He doesn't need music because he has lots of money. He's busy counting. Nakakadistract kapag may music. Right.

Ako aminado ako minsan questionable rin ang gusto kong music. Madalas akong magplay ng piano music na may kasabay na mga sounds ng ulan, mga crickets, mga forest sounds. Minsan thunderstorms. Minsan mga insekto. Nakakarelax kasi.

Minsan gusto kong takutin ang sarili ko. Bjork, Marilyn Manson, Cannibal Corpse.

Minsan I listen to ASIN. Walang pakialamanan.

Minsan naman I go mainstream. Pop kung pop. Madalas. Deal with it.

And I make my own playlists. Meron akong playlist for:

Magdamagang Trabaho
Umagang Maulan
Mainit na Hapon
Gabing Partey Partey
Gabi, pero tapos na ang Partey Partey
Madaling Araw
2NE1 DON'T JUDGE ME
Habang nagbabasa ng Game Of Thrones
Lumang Kanta kapag Linggo, Habang Naglilins Ng Bahay

Recently may ginawa akong playlist called "Worship Songs" para sa mga taong mahilig sa pwet.
ENJOY!


the week from hell

Hindi ako pala-kwento ng mga experiences ko. Well OK madalas ako magkwento ng mga experiences ko. Pero pinipili ko lang ang ikinikwento ko, dahil kung alam kong boring at walang sustansya, sinasarili ko na lang. Wala namang may pakialam kung saan ako kumain noong weekend or kung gaano kasaya ang aking pagtunganga sa bahay. In short, kung hindi nakakatawa, huwag na lang. Sayang ang kuryente.

But last week must have been the longest week of my life. Like putangina. At gusto ko itong i-share kahit hindi nakakatawa, not even in the slightest. Sisimulan ko ang kwento ko sa Puerto Galera.

"Nothing"

Ilang buwan na ang nakakaraan nang magplano kami ng mga officemates ko na magpunta sa Puerto Galera bago ang Holy Week para mag-unwind. Katapusan ng March ang napili naming date, para hindi kami sumabay sa dami ng mga taong pupunta sa Puerto Galera sa Holy Week. Straight from the office after work, sumakay na kami ng bus at bangka. Naging maayos naman ang byahe at pag-check in namin sa hotel.

Pangalawang beses ko pa lang sa islang ito at wala naman akong masasabing hindi maganda (except for the fact na mas gusto ko pa rin talaga sa aking hometown Bolinao kung beach lang din naman ang pag-uusapan). I was really just looking forward to relaxing, sleeping, eating, more sleeping and generally doing nothing.

Uneventful ang unang araw namin doon dahil natulog lang kami. Nagising kami sa gabi at nanood ng mga standup comedy acts sa mga bars sa beachfront habang kumakain, tumambay sa buhanginan at nagsound trip.

Kinabukasan, maagang naghanda ang mga kasama ko para sa kanilang activity: island hopping. Maaga rin akong naghanda para sa aking activity: generally doing nothing. In fact, sa sobrang daming nothing na ginawa ko, lumipas ang buong araw at inabutan nila ako kung saan nila ako iniwan: sa table sa isang restaurant.

Maaga akong natulog nung gabing yun para maaga uli magising at gumawa ng more more nothing, at bago ako matulog, nagring ang aking phone. At dito na nagsimula ang mahaba kong kwento.

"Something"

Isang text message mula sa aking Nanay, si Doris, na nagsabing "Anak pwede ba kitang tawagan." Agad-agad may nasense akong problema. Sumagot ako agad, at nang tumawag na sya napansin ko kaagad na may something wrong. Hindi ko pa alam, pero may something.

Apparently, galing sya sa palengke noong hapon at pagdating sa bahay, dahil sa pagod sa paglalakad ay uminom sya ng tubig. Pag-inom nya, agad syang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, sobrang kirot, sobrang hapdi. Pinagpawisan sya nang malamig at hindi sya halos makakilos. Ramdam ko sa boses nya yung masakit. Sa oras na yun para syang batang nagsusumbong. Ramdam ko. Siya ang bata at ako ang magulang, at nararamdaman ko yung masakit sa kanya kahit sa boses nya lang.

Kahit masakit, pinilit nyang pumunta sa malapit na drugstore at bumili ng gamot. Dinescribe nya ang nararamdaman nya. Thank God at marunong ang pharmacist na nadatnan nya, dahil niresetahan sya ng tamang gamot.

Umuwi siya sa bahay at pinakiramdaman ang sarili nya. Saka sya tumawag sa akin. Ang una kong naisip, dyspepsia. Yun ang nangyari sa akin noon sa Baguio, nung kumain ako ng isinumpang barbecue. Sabi ko ipahinga nya lang muna. Mga alas dos ng madaling araw, nagtext sya sa akin para sabihing OK na ang pakiramdam nya. Narelieve naman ako.

Kinabukasan, muli akong naghanda para gumawa ng nothing. Ang dami kong nilagay na sunblock kahit hindi naman ako lumabas, habang ang mga kasama ko ay nakabilad sa araw at nagjejetski.

Biglang nagtext si Mudrax at nag-alala ako uli. Nagsusumbong sya uli, na masakit pa rin, na paulit-ulit lang ang sakit. Sinabi ko na pumunta na sya sa hospital at magpacheck up. Dalhin lang nya ang health card nya at wala siyang dapat ipag-alala, at uuwi na rin ako.

Nagpa-check up sya, pero hindi pa masabi ng doctor kung ano ang dahilan. Pero mabilis silang mag-swipe ng health card nya. Walang sabi-sabi, na-charge kami ng 6K, at ang tanging sinabi lang sa kanya ay bumalik kinabukasan para magpa-ultrasound, at niresetahan ng gamot, same gamot na nasimulan na niyang inumin: Omeprazole.

Sabi ko, uuwi na ako, at hintayin nya ako at magpapa-confine na kami. Nagpack up na ako ng mga gamit. Mabilis na kumain ng lunch. Pumila sa bangka. Nakipagsiksikan sa upuan. At nakiramdam.

Hindi maganda ang feeling na nag-aalala, pero mas lalong hindi maganda kung dadagdagan ng pagka-seasick. Normally hindi ako mahiluhin sa boat rides, pero maalon noong araw na yun, at nagbabadyang bumalik ang kinain ko. Sa tabi ko, may nakasabit na isang bungkos na plastic bags, for that very purpose. Pero hindi. Pride ko ang nakasalalay dito. Ayokong mangamoy suka from Mindoro to Batangas.

Think happy thoughts...

Sa bawat pagtaas at pagbaba ng bangka, sa bawat hampas ng alon, para akong hinihila pailalim. Pawis na pawis, hilong hilo, tiniis ko ang lahat. Pagdating namin sa Batangas, nagpahinga ako sandali. Hindi ko kayang sumakay ng bus.

Nakahanap ako ng CR na medyo malayo sa maraming tao. Occupied lahat ng cubicles kaya sa sink na ako dumiretso. At doon, lumabas ang pananghalian ko. May lalaking gusto sana maghugas ng kamay pero nung makita ang ginagawa ko eh nagbago ang isip, Sowee.

Nung mahimasmasan ako, sumakay na ako sa bus. Hancock ang palabas. Sumandal na ako at sinubukang matulog.

Yung babae sa likod ko, panay ang tabig sa likod ng upuan ko. Hinayaan ko muna, baka hindi naman nya sinasadya.

Nakakatawa ba yung Hancock? Kasi tawa nang tawa yung babae. At tuwing tatawa sya, bumubunggo ang tuhod nya sa likod ng upuan ko. Hindi na ako nakapagpigil, humarap ako sa kanya.

"Miss, yung paa mo."
"Ay sorry," sabay may peace sign pa.

Sinubukan kong matulog. Maya-maya, tumatawa na naman yung babae. At this time, may naramdaman akong kakaiba. Yung mga daliri ng paa nya, pilit nyang sinisiksik sa siwang ng sandalan ng upuan ko, at naramdan kong nasa puwet ko na ang paa nya. Humarap ako uli sa kanya.

"Excuse me miss. Yung paa mo pwede? Sinusubukan kong matulog eh."
"Ayy sorry, sorry."

Sinubukan ko uling matulog, pero alam kong maya-maya lang ay uulitin na naman nya ang pambibwisit sa akin, at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kung nagkataon. Baka masugatan ko siya sa gums. May inaalala ako at kailangan kong makauwi agad, at gustong-gusto kong matulog dahil sa pagkahilo. Kaya para hindi na mag-escalate ang mga pangyayari, inunahan ko na. Humarap ako kay Ate, and in my calmest, sweetest voice:

"Isa pa ha, isa pa. Gawin mo pa uli, sasaktan na kita."

Problem solved. Not sure kung na-enjoy nya pa ang panonood ng Hancock.

Pagbaba ko sa EDSA, nag-MRT na ako at pagdating sa bahay, nakahanda na ang mga gamit namin. Agad kaming pumunta sa hospital, dumiretso sa ER, at sa wakas na-ultrasound si Mudrax.

"Everything"

Naramdaman mo na ba yung feeling na ang bagal bagal ng mga pangyayari, nababagot ka kakahintay, and then all of a sudden, ang bilis ng mga pangyayari, hindi ka na makasunod, at parang sumasabay ka na lang sa agos? Kani-kanina lang, bagot na bagot ako sa kakahintay ng doctor na mag-checheckup kay Mudrax, sa result ng ultrasound, ng blood tests, ng pangalawang ultrasound.

All of a sudden, narinig ko na lang ang mga salitang "bato", "pancreatits", at "admit". And before I knew it, ihinahatid na kami sa room, at naka-schedule na bukas na linisin ang pancreas nya. Parang lahat nangyari nang sabay-sabay.

Apparently, may gall stones si Mudrax, at hindi nya ito alam dahil wala naman siyang nararamdaman. Isa sa mga stones ang "nahulog" papunta sa pancreas nya, at bumara. Namaga ang pancreas nya, at yun ang dahilan ng pananakit ng tiyan nya.

Natulog kami, at kinabukasan, 6AM, ginising kami ng mga nurses para lagyan sya ng anesthesia. Nagpaalam ako na mag-aalmusal lang habang nilalagyan sya ng anesthesia, at babalik ako agad kapag gagawin na ang procedure (ERCP).

Hinanap ko ang cafeteria. Pag-upo ko at nang binigay sa akin ang menu, napaisip ako, This is not a fucking cafeteria! P180 ang tocino???

Matapos kumain, bumalik ako sa anesthesia room.

"Nurse, tapos na ba yung kay Patient Tabarejos?"
"Yes sir."
"So after anesthesia, sisimulan na yung procedure?"
"Sir, tapos na yung procedure. Tulog pa po siya."

Everything was happening and nahuli na naman ako. Pinuntahan ko si Mudrax, humihilik sa kama. Naalala ko noong bata ako at ako ang may sakit, nagigising ako na hinahaplos nya ako sa noo at umiiyak siya. Ayoko ng ganung scene ngayon. Lumabas ako ng room at nanood ng Spongebob.

Bumalik kami sa room nang magising siya, at nagdesisyon ng mga susunod naming gagawin. Sabi ng doktor, kailangang tanggalin ang gallbladder nya. Dahil kung hindi, mauulit lang lahat ito. Hindi ko na inintindi ang mga iba pa nyang sinabi, basta Oo na lang ako.

Kinagabihan ang schedule nya. Nang sunduin siya mula sa room papunta sa Operating Room, nagpaalam ako na matutulog, at gigising ako kapag nagsimula na ang operation niya. I expected na by 10PM, tapos na at makakapagpahinga na sya uli sa room.

Nagising ako ng ala una, wala pa siya. Pupungas-pungas, napabangon ako agad at nagbihis. Halos tumakbo ako papunta sa OR. Bakit ang tagal? Bakit walang tumawag sa akin? Magpaliwanag kayo!!!

Apparently, 10PM na nasimulan ang operasyon, at although nagtagal, successful naman ito. Kasalukuyan syang nasa recovery room at minomonitor kung magsusuka siya pagkagising nya. Nangyari na naman ang lahat na wala akong kamalay-malay. Nalalaman ko na lang noong tapos na.

Matapos ang operasyon, naawa ako sa Nanay ko. Ngayon ko lang siya nakitang may sakit. Hindi talaga sya sakitin. Bihira nga lagnatin. Ngayon may tatlong butas siya sa tiyan, at yung isa, may nakasaksak na tubo na nagdedrain ng fluids. Ako ang nahihirapan sa kanya. Hindi siya makakilos masyado. Hindi comfortable sa pagtulog. Pinasasaya ko na lang siya, ginagawang nakakatawa ang sitwasyon para maglighten up. Para walang drama.

Sa ngayon, nagrerecover na siya. Wala namang complications. Naghihilom na ang mga sugat at kagabi inalis na ang tube. Habang nagpapagaling, I was given the lovely task of cleaning the wounds daily. Di nga ako nagnursing kasi ayoko makakita ng sugat eh huhu. Wala eh, only son duties. Pero balewala na. At least that week from hell is over.

Thank you.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding