the joy of cooking

don't cook because I can't cook. Hindi yung pa-cute na Hindi ako marunong sa gawaing bahay senyorito ako kind of disability, kundi yung Anong mauunang ilagay, yung mantika o yung tubig kind of disability. Sinusubukan ko naman eh. Hindi lang talaga ako magaling, pero edible naman (for me) ang luto ko.

It's not like I had the best teachers. Sa amin, si Pudrax ang magaling magluto. Name it, nailuto nya na. Papaitan, sisig, kilawin, ganyan. Basta pang-pulutan, kayang-kaya nya lutuin yan. At wala syang patience sa pagtuturo. He's the Kung hindi ka tutulong, umalis ka sa kusina kind of teacher.

Si Mudrax din, nagluluto, not out of joy but out of necessity, dahil kailangan namin ng nutrisyon sa katawan. Hindi ko sinasabing fail ang luto nya. Meron lang time na nag-adobo siya tapos dim lights noon sa kusina, akala ko talaga pakbet yung kinakain ko. Lasang pakbet, tinadtad nya kasi ng luya. She's the Inuubo ka at magandang gamot sa ubo ang luya kind of cook.

Una akong nag-attempt magluto noong high school, nung minsang naiwan akong mag-isa sa bahay. Binilinan ako ni Pudrax na nag-iwan sya ng pork chops sa freezer at ako na lang ang bahalang magprito. At kabilin-bilinan rin nya na wag kong iiwan ang niluluto ko. May history na kasi ako eh, nung minsang nagsaing ako eh dumaan sa bahay ang mga classmates ko at nagyayang magpunta sa beach. Sumama naman ako because you know, peer pressure, at iniwan ko na yung sinaing.

This time, hindi ko na talaga iiwan yung pork chops. And ayokong prito lang, gusto kong gawing adobo. Hindi ko na hiniwa, inadobo ko siya na nakahiwang pork chop. Ako lang naman ang kakain, who's gonna judge me? So nagtext ako sa kaklase ko at nagpaturo ng recipe. Soy sauce, paminta, bawang, suka. So far, so good.

Eh nagkataon namang maganda ang palabas sa TV. So pinanood ko sandali.

Namalayan ko na lang, sumisigaw na ang Tita ko sa likod ng bahay namin, at pagdating ko sa kusina, puro usok na lang ang nakikita ko. Yung pork chop ko, na ayaw kong iprito dahil gusto kong iadobo, naging inihaw.

At least, hindi hilaw.

Noong college, lalo akong hindi nagluluto. Sa labas ako lagi kumakain. Suyod na suyod ko lahat ng carinderia, eatery, canteen, restaurants ("restaurant" yeah), mamihan at tapsilogan sa tabi ng SLU. Tirador rin ako ng pancit canton. Sino bang estudyanteng nagdodorm ang hindi pumatol sa tukso ng pancit canton?

Nagtatrabaho na ako pero mag-isa pa rin ako sa bahay. Hindi praktikal sa akin ang magluto. Mas mahaba pa ang oras ko sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan keysa sa aktuwal na pagkain. To me that sounds unfair.

Last year ko lang naisip bumili ng electric stove. Sabi ko, "It's time." Kapag dumadalaw ang Nanay ko, nagluluto kami. Bale siya ang naghihiwa ng gulay at baboy, siya ang nagtitimpla, siya ang naglalagay sa pot. Ang kontribusyon ko ay ang paghalo-halo at pagdedesisyon kung luto na ito. At ako ang taga-post sa Instagram with hashtag #ICooked

Kapag wala si Mudrax Doris, nag-aattempt pa rin naman akong magluto. Pancit canton ganun. Minsan, full blown meal talaga, like pancit canton with egg. Mostly prito. One time nagprito ako ng hotdogs. Sinundan ko naman ang directions.



At least hindi hilaw. Ayoko lang naman maulit yung one time, naglaga ako ng itlog tapos nung biniyak ko, malamig pa yung yolk. Parang may chance pa sya na mabuo at maging sisiw. So from then on sinisigurado ko na hindi hilaw ang luto ko.

Since last year marami na akong nailuto. Or, nasunog. Nakasunog na ako ng tocino, chicken nuggets, ham...

Pork chops...


Pancakes...


One time naman nagluto ako ng Knorr soup. Can you believe it, nakasunog ako ng soup? Cream of corn yun eh. Noong una hinahalo-halo ko naman at OK pa. Nag-Instagram lang ako sandali, paghalo ko uli, may lumutang na itim. It's too gross for Instagram.

But at least hindi hilaw!

Nagsawa na ako sa kakasunog ng burger patties, beef tapa, pork strips. Naisip ko, panahon na para iba naman ang sunugin ko. So naisip ko mag-adobo uli.

Sabi ko, "It's time."


Ano akala mo fail no? You were saying??? Hindi sya nasunog. At ang daming nag-Like, 23 sila, including Mark "Mugen" Striegl (MMA Fighter) and Vince Golangco (founder of WhenInManila.com). Siguro naghahanap sila ng #adobo that time.

So yun I'm so proud of my adobo.

Actually...

Actually, ganito talaga ang nangyari. Ang sabi sa na-Google kong instructions, i-marinate muna ang pork sa soy sauce at bawang for one hour. Done that.

Tapos ilagay ang marinade sa pot and cook for a few minutes. Done that. Nanood muna ako ng Chappie.

Lagyan ng tubig at paminta. Done that. I didn't bother with the basil leaves shit, dadagdag lang yun sa throwaways. Gusto kong ilutong dishes yung walang buto, tinik, ulo kuko, at dahon-dahon para wala na akong itatapon at mas madaling maghugas ng plates.

Let it boil and simmer for 40 minutes, sabi sa instructions. Masyadong matagal. So naligo muna ako. But of course, hindi ko iniwan yung niluluto ko na nakasalang. I'm not that stupid. So pinatay ko muna.

After ko maligo, pinakuluan ko uli at dinagdagan ng suka. Easy. So far amoy adobo na siya. Naghugas muna ako ng pinggan.

Hala nalingat lang ako saglit, natuyo na ang sabaw. Hindi ito maaari. Ayoko ng adobong walang sabaw, it's like a waste of perfectly good pork.

So dinagdagan ko ng soy sauce.

Noong kumulo, nilagyan ko ng tubig at suka. And this time, hindi ko na iniwan. Kahit hindi ko na naintindihan yuung pinapanood kong Chappie.

Noong nagdecide ako na luto na, ihinain ko na ang adobo sa sarili ko. YUMMY. The end.

Actually no, sumakit ang ulo ko. Ang alat. Lasang baboy at soy sauce. I felt like it gave me cancer. Super malasa siya, bawat hibla ng pork pwede mong iulam sa tatlong sandok ng rice.

Matapos kumain, nanghinayang ako sa pork. Pwede ko pa ito magawan ng paraan eh.

So niluto ko uli. Hinaluan ko uli ng soy sauce, tubig at suka. Nung nagdesisyon ako na luto na uli siya, tinikman ko. Mapait. Lasang pinagsamang lungkot at pighati. Lasang putangina. Natulog na lang ako.

Paggising ko ng 1AM gutom na gutom ako at napagdiskitahan ko na naman yung adobo. Siguro kakadagdag ko ng soy sauce kaya hindi na sya edible. Kasalanan talaga ng soy sauce. Buong bahay nangamoy toyo na nga eh.

Nagpakulo ako ng tubig at saka ihinulog isa isa yung mga pork, without the sabaw. Grabe yung lumabas na soy sauce sa karne, nakabuo ako ng isa pang adobo.

Nung kinain ko na, edible na siya, hindi na gumuguhit sa lalamunan. Pero nakakahurt ng feelings na yung 1/4 kilo ng baboy ay tatlong beses kong inadobo. And hindi na kailangan pang malaman ng 23 kataong nag-Like sa Instagram, including Mark Striegl and Vince Golangco, na ang adobong yun ay cancerous.

I'm the Eat at your own risk kind of cook.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding