eleksyon 2016

If there's anything I learned in the whole duration of the 2016 Philippine elections, it's that Filipinos have absolutely no chill. #Agit kung #agit (agit = agitated). Tempers are lost over the littlest things, magsimula sa registration hanggang sa elections. Lahat ng makita, ikinaka-offend. Lahat ng mabasa, pinapatulan. Makanti nang konti, nanggigigil sa galit.

Isa ako sa mga taong piniling magrehistro sa pinakahuling araw ng registration, because katamaran. Aware naman ako sa mahabang panahon na binigay ng COMELEC para makapagrehistro ang mga tao, pero dahil huling araw ako nagrehistro, pinaghandaan ko na ang mahabang pila. Ang hindi ko napaghandaan ang mga taong nakapila.

Pagbukas pa lang ng mall kung saan ako nagregister, mahaba na talaga pila. Ang expectation ko na matapos ang registration ng isang oras ay isang fairy tale lamang. Ang inasahan kong matapos bago man lang maglunch ay wishful thinking lang. At pagdating ng alas tres ng hapon at nasa pila pa rin kami, nagsisimula na akong maniwalang may forever.

May babae sa harap ko na may kasamang bata. More more likot yung bata, more more stressed yung babae sa kakasaway. Maya-maya pa dumating na yung husband, na nagpunta pala sa desk sa unahan ng pila para mag-inquire.

Husband: Hindi daw pala tayo pwede magregister dito.
Babae: #agit ANO? BAKIT?
Husbad: Mga taga-QC lang daw dito.
Babae: #kalma Ah okay. Saan tayo dapat?
Husband: Sa Masbate.
Babae: #agit ulit. HA???

At umalis silang galit. Maiinis ka nga naman, kasi nag-expect ka na everything's gonna be alright. Hindi ko sila masisi. Wait. Masisisi ko pala sila. Sa panahon ngayon, kasalanan maging uninformed. At kapag nainconvenience ka dahil hindi mo alam ang isang bagay na dapat alam mo na, it's your fault.

Nabasag ang katahimikan sa tinig ng isang babaeng pumunit sa diwa ng lahat.

"HINDI NAMAN SENIOR YAN EH! MAY GANYAN BANG SENIOR CITIZEN?" sigaw ng isang babaeng naka-jersey to the public in general, referring sa isang mtatandang babaeng pinasingit sa pila at pinauna dahil siya daw ay isang senior citizen. Hindi makapaniwala si Ateng Naka-jersey na senior citizen si Lola dahil sa kanyang sexy outfit, blonde hair at stiletto heels. Very responsive naman si Lolang Blonde in Stilettos dahil alam nyang all eyes on her sa kanya ang mga taong #agit.

Ateng Nakajersey: #agit PUCHA NAMAN EH MAGHAPON NA KAMI DITO TAPOS PASISINGITIN NYO YAN?!
Lolang Blonde in Stiletto: Senior na ako, 60 na ako, ang birthday ko ay ~whatever~
Ateng Nakajersey: #kalma Okay.

Paikot-ikot at pakurba-kurba ang haba ng pila, pilit na nagkasya sa atrium ng mall.

Lalaki sa harap ko: #agit HOOY MAY MGA SUMISINGIT DIYAN SA PALIKO TIGNAN NYO! SUMINGIT ANG MGA YAN! WALA YAN KANINA DIYAN! BAKIT NASA UNAHAN NA NATIN YAN! SUMINGIT SILA!
Ako: Hindi po.
Lalaki sa harap ko: #kalma Okay.

Ang mga tao ay maihahantulad sa tuyong dahon sa ilalim ng araw sa gitna ng El NiƱo, at lahat ng mangyari sa paligid ay parang posporong sumindi. You get my analogy. Nagliliyab ang mga damdamin ng lahat.

Pumila ako ng 8AM at natapos ang registration ng 7PM. To be honest, parang mas madali pang magpakamatay keysa sa magregister sa QC on the last day. Kung alam ko lang na ganon ang mangyayari, baka tamarin akong magregister. Bakit ko ba ginawa ito? Bakit hindi ko na lang hinayaan? Pwede ko naman sabihin sa sarili ko na Hmm may next elections pa naman Hmm isang boto lang naman ako Hmm kahit sino naman manalo tamad pa rin naman ako as a person.

Pero hindi ako nagpagapi sa katamaran ko. Gusto ko talagang bumoto uli.

Nang magdeclare ng kandidatura ang mga presidential candidates, nagsimula ang nationwide #agit. Hindi lang ito agitation between presidentiable vs presidentiable, kundi voter vs presidentiable, and later on, voter vs voter.

One time kami ng mga officemates ko ay sumakay sa taxi. It is a well known fact na ang mga taxi drivers ay isa sa mga pinakamatalas na political analysts sa bansa, hands down. Madalas, masarap silang makakwentuhan tungkol sa mga tae-taeng problema ng Pilipinas. Pero minsan makakatagpo ka ng taxi driver na... you guessed it... #agit.

Taxi Driver: Ser, sino presidente niyo?
Officemate: Miriam po.
Taxi Driver: *full-tilt disgust, disappointment, and disturbance* BAKIT???
Kami: *Silence*
Taxi Driver: Ako, ang presidente ko si Binay.
Kami: *Silence* Ah.

To answer Kuyang Taxi Driver, Bakit ko iboboto si Miriam? May sakit siya, baka hindi niya magampanan nang maayos ang role nya.

Ang sagot ko, in my most chill delivery, Noon pa man, gusto ko na si Miriam, to the point na nasabi ko sa sarili ko na sana tumakbo siyang pangulo. At kapag nangyari yun, susuportahan ko siya. At yun nga ang nangyari.

Eh bakit hindi na lang yung ibang candidates na mas healthy? Yung sure win?

Ayokong tulungang manalo ang kandidatong hindi ko gusto. Kung may sure-win na kandidato, eh di manalo siyang wala ang tulong ko.

Baka mamatay na si Miriam.

Baka mas mauna ka.

Ilan kayang pagkakaibigan ang nasira sa Facebook? Maraming mga passionate sa kanilang mga kandidato like they're funding the whole campaign. Meron namang mga simpleng pa-tweetums lang sa election. Kapag sila ang nagmeet sa comments section, it's not a good sight.

May officemate ako na mahilig mag-share ng pro-Duterte articles. Meron syang friend na MAS mahilig mag-share ng anti-Duterte articles... sa timeline ng officemate ko. For every pro-Duterte post nya, may katapat na anim na anti-Duterte articles. Ramdam mo yung poot nung friend nya. Hindi siya chill. I don't expect their friendship to continue LOL.

May officemate nga ako, ang iboboto nyang presidente ay depende sa kausap nya. Kung pro-Duterte, Duterte rin sita. Kung pro-Miriam, Miriam rin siya. Kasi umiiwas sya sa mga #agit. Mahirap nang mapaaway.

Minsan akala mo, OK na kayo:

Friend: Friend, sino presidente mo?
You: Duterte friend! Ikaw?
Friend: Ako rin friend! Apir!
You: Yey!
Friend: Eh sino VP mo friend?
You: Leni. Ikaw friend?
Friend: Bongbong ako. FUCK YOU!

Hindi mo na kasi masabi kung sino ang mga #agit ngayon. Yung mga Facebook friends kong tae-tae ang diwa in person, aba politial analysts na ngayon. #impassioned #palaban #mapagpatol #hindibusy

May friend ako na hindi ko talaga inexpect na may pakialam. Tangina nya, in person hindi sya makausap nang maayos kasi normally wala syang saysay. Siya yung tipo ng taong mag-aalangan kang magtanong kung Pwede bang tumawid dito? kasi hindi ka tiwala sa isasagot nya at malakas ang kutob mong mapapahamak ka nya nang di nya sadya. Siya yung tipo ng tao na hindi mo pagtatanungan kahit ng oras kasi pati yun baka mali. Tapos sa Facebook, #impassioned siya. Sigurado sya sa kandidato nya at sigurado sya na mali ka. Lahat inaaway nya. No chill siyang tunay.

May 9. Ang aga kong nagising as if nakasalalay ang kinabukasan ng Pilipinas sa akin. Naligo ako agad, nagbihis. Si Miriam ang iboboto ko, kaya nagsuot ako ng red polo shirt. Red din ang brief.

Pagpatak ng alas sais, lumabas ng bahay, nagselfie. Naglakad papunta sa elementary school, nag-selfie. Nakarating sa elementary school, nagselfie. Kalma lang, di ko naman pinost lahat ok?

Ayokong maging hassle ang araw na ito. This should be as smooth as fuck. Pagdating ko sa precinct, may lima o anim na tao doon na kausap ang isang volunteer. Guess the mood.

TAUMBAYAN: #agit ALAS SAIS SINGKO NA, BAKIT HINDI PA NAGSISIMULA???
Tibong Volunteer: Yung watcher po ang late, hindi kami. Kaninang alas singko pa kami dito.
TAUMBAYAN #kalma Okay.

Pinapila kami sa loob ng isang empty classroom. At least nakaupo kami. Pang-apat ako. Napatingin ako sa poster ng Comelec, yung may instructions kung paano magbilog-bilog. Bakit nandun si Khal Drogo???

In-announce ng volunteer na start na daw. May dumating na botante at pinapasok ng Tibong Volunteer sa loob ng precinct para bumoto na.

TAUMBAYAN #agit NAUNA KAMI!
Tibong Volunteer: Senior siya.
TAUMBAYAN: #kalma Okay.

Maya-maya pa sinenyasan ako ng Tibong Volunteer na pwede na ako pumasok sa voting room.

BEI#1: Pangalan?
Ako: Tabarejos po. Number 161
BEI#1: *turns to another BEI* Pakihanap nga sya dito, number 161. *sabay abot ng isang bungkos ng coupon bond.
BEI#2: #agit BLANGKO TO TEH?
BEI#1 Baligtad kasi. *fips papers over*
 BEI#2: #kalma Ah.

Nabigyan na ako ng ballot, folder at marker. So naupo ako and started shading. It all boils down to this moment, ang sandali ng pagpili. All those months and months of waiting, reading articles, losing friends, gaining new friends, sifting through muddy Facebook posts, sitting through debate sessions on TV and on taxi rides, listening to campaign jingles that all suck, they all end today. And katapusan na rin ng mga #agit.

May isang boses na pumunit sa diwa ng lahat.

Old guy: #agit TUMATAGOS ANG INK!
Other old guys: OO NGA TUMATAGOS ANG INK!!!
Ako: OO NGA TUMATAGOS!
Old guy: BAKA MALI ANG BASA DITO DAHIL SA TUMAGOS???
BEI: Okay lang po yan.
TAUMBAYAN: #kalma

Na-shade ko na ang dapat ma-shade. Pinasok na sa VCM ang ballot. Inorasyonan ko yung ballot para walang aberya.

♬ Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie Gimmie

Lumabas yung resibo, na ginupit ng BEI. Grabe may gunting talaga. Binudgetan ang eleksyong ito.

Tama naman ang nasa resibo ko. Matiwasay naman ang pagpatak ng indelible ink. Wala pang isang oras, pauwi na ako. Lumabas ng classroom, naupo saglit sa may grotto, nagselfie. Pinicturean ang mandatory kuko shot. Umuwi. Nanood ng Game of Thrones.

If Miriam wins, my vote mattered. If she loses, my vote still mattered. Whoever the new president will be, we'll just need to support them, be disciplined, follow the law, and work towards progress. Otherwise, whoever wins, we all lose as a country.

THE END.

Yung isang kakilala ko, sa sobrang agitation, confusion, init ng panahon, di sinasadyang naiboto nya si Alma.

7 comments. Post your comment here.:

jep buendia said...

Natawa ako dun sa ka-officemate mo na depende ang kandidato sa kausap :)

Aana maging mahusay na leader talaga ang manalo... (as of now Duterte ang nangunguna).

At wag na maging #agit ang mga tao, lalo na pag ang bet nila ay natalo.

khantotantra said...

may friend ako na inunfollow sa fb dahil napuno ako ng wagas sa pagspam ng duterte posts. like every day meron. 2 days before mothers day inunfollow ko. laking ginhawa pala sa timeline hahahah

luridx said...

ako ba ung dinedescribe mo kala mo walang pakialam? LOL
pag nanalo si alma yang kaibigan mo na yan ang may kasalanan. hahaha

nyabach0i said...

hay naku noh! sa sobrang iwas #agit ako, inekis ko ang facebook! best thing i ever did. sa sobrang #agit ko emotionally (may mens ako nung botohan) wala akong binoto sa lahat ng local na tumatakbo. i dont regret what i did.

ignored_genius said...

Buti naman pala e madaling ikalma yung mga agitated. Mabilis lang yung "ok" pag napaliwanag. Parang yoyong martirez lang ah. hehehehe.

Marvie Yap said...

It's nice to know someone out there shared the same sentiments RE: Voting for Miriam. I was 10 when I first learned of her and have admired her ever since. I promised myself I will vote for her when I already can. And the time has come, I still have not changed my heart. Most people have persuaded me to not vote for her because of her health issues, but I did not care. What mattered to me was I'm voting for her because of my strong belief she's right one for me. This was a very fun and entertaining read :).

glentot said...

@Marvie thank you. I'm not surprised to find many people who share the same sentiments. I know there are many of us who admire someone like MDS who values academic and moral excellence. I look forward to hearing more about her and her triumphs.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding