cheese boi

Saturday morning and I'm on my way home from a long night’s hard work. It’s a cold, dark morning, thanks to the stormy weather. I take a cab with three workmates, and as we speed through EDSA, we catch a glimpse of a naked, dead man lying on the middle of the road, surrounded by cops on the wet pavement. Puta parang may #sinalvage ohmygod!

Seriously, I just wanna go home and watch color TV. A corpse is not part of my weekend plans. But I’m only human, and these things affect me. Ito na ba yung Change is coming?

“Hala #sinalvage yan sure ako!” sabi nung isang officemate kong laging sure sa lahat ng bagay. “Walang naaksidente sa motor na naka-brief lang!” May point siya. Baka tama siya. Baka #sinalvage nga si Koya.

Nowadays it’s so easy to believe anything could happen because of what we see on the news: killings of drug pushers. See if you can hear these headlines in your head:

LALAKING HINIHINALANG TULAK NG DROGA, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULIS

BAHAY NG HINIHINALANG PUSHER, NIRAID. SUSPEK,  PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULIS

SOME RANDOM GUY,  PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULIS

Parang nauuso na diba? Sana naman hindi tayo masanay sa mga ganitong balita dahil nakakabahala talaga. I don’t know, baka totoong nanlaban nga sila kaya napatay. Nakakalungkot lang marinig paulit-ulit.

“Hala kumustahin kaya natin yung kakilala nating…?”

“Buhay pa yun tangek nagpopost pa sa Instagram.”

“Tsaka yung #sinalvage kanina eh maputi at fit, wala syang flabs.”

“So yung kakilala natin, may flabs?”

“Nakakatakot lang talaga. Hindi talaga ako lalabas ngayong weekend.”

“Parang The Purge!” sabi nung isa ko pang officemate.

“Ang nakakatakot ngayon, kung nasa wrong place at the wrong time ka,” sabi nung officemate kong bading. Parang ang dami namin sa taxi no?

“Kaya ikaw huwag ka na ring labas nang labas, mamaya mapagkamalan kang adik!” suggestion ko lang.

“Mag-eexplain ako sa pulis, ‘HINDI PO AKO ADIK, BAKLA LANG!’”

Pagbaba ko sa drop-off point ko, sumakay naman ako ng FX. It’s called downgrade. Kapag sa FX, dun ako sumasakay sa likod kasi mas maluwag doon unlike sa harap (lifehack?). Nung binubuksan ko yung pinto ng FX, ayaw agad magbukas. May tao naman sa loob pero di ako tinulungang buksan kaya nakailang pihit pa ako bago bumukas ang pinto. Pagkaupo ko, nagmasid ako agad. Hindi mahirap magmasid kung halos nagakauntugan na ang mga tuhod namin sa sobrang closeness.

Si Koyang nasa loob ng FX na hindi ako pinagbuksan, kumakain ng chichirya. Tangina busy pala ang gums ni Koya kaya hindi ako naaccommodate. At ang aga aga nyang mag-junk food. But what do I care right? Digestive system nya yun, di ko dapat pakialaman.

You know this Sherlock Holmes trick where he takes one look at the person and can deduce a whole lot of facts about the person? I tried it on Koya. Ang kinakain nya ay Oishi Potato Fries, Cheese Flavor. May cheese flavor pala nun? From this I can tell na galing si Koya sa 711 kung saan ako sumakay. Base sa kasalukuyang oras, 6:30AM, at base sa sigasig ni Koya sa pagnguya with cheese bits on his beard, I can tell na wala syang pakialam, he really let himself go. At base sa intensity ng pagsayad ng gums ni Koya sa Potato Fries, I can tell na hindi siya nagmimiryenda, nag-aalmusal siya. Gutom siya.

Personally, I’m not a fan of cheese snacks. It’s one of those chichirya na masarap lang kapag humingi ka pero kapag ikaw ang bumili, biglang may umay factor.

Tuloy-tuloy sa pagnguya si Koya. Big size yung Potato Fries at mukhang kayang-kaya nya yun ubusin. Panay ang dukot nya sa plastic and shen shoving the cheese sticks into his gaping mouth.

So mabalik tayo doon sa #sinalvage. As I was saying, nakakabagabag ito nang bahagya. Sana ay mayroong due process sa lahat ng bagay, kahit sa pagbigay ng hukom sa mga pusher. Sila ay tao rin at Pilipino rin, sila ay mayroon ring karapatang ipagtanggol ang kanilang ohmygod sinusuyod ni Koya yung kailaliman ng plastic. Ubos nya na! Eh ang dami nun. Kinukuha ni Koya yung mga bits na nakasiksik sa corner ng plastic. Gutom siya.

But I digress.

As I was saying, hindi makatarungang basta na lamang paslangin ang mga drug pusher without due process. Haixt. Paano kung napagbintangan lang sila? O kaya, paano kung may kaaway lang sila at pinalalabas na pusher sila? Napatingin ako sa labas ng bintana, sa madilim na kalsada, sa pagpatak ng ulan, sa aking paligid, at sa kay Koya ohmygod dinidilaan nya ang mga daliri niya. IN PUBLIC tangina. Gusto ko siyang i-video. Gusto ko siyang tanungin, Yummy? Gusto kong pigilan ang kamay nya at sabihing Tama na yan… magtira ka naman ng dignidad. But no. He licked his fingers one by one. Nilabas ko ang cellphone ko at nagkunwaring nagbabasa ng funny text dahil hindi ko na mapigilang ngumisi. Tapos biglang tinupi nya yung plastic at tinapon sa sahig.

Baboy ang putanginang to. Licking and littering.

So yun nga. Aabangan ko na lang sa news kung ano ang istorya sa lalaking nakabrief na namatay sa EDSA. Isa ba siyang halang ang kaluluwang tulak ng ipinagbabawal na gamot, isang kasangkapan sa pagkasira ng buhay ng iba, o isa rin ba siyang biktima? Biktima ng mundong umiikot sa salapi ng mga ganid at mapagsamantala hala putangina, si Koya sinusungkit ang naiwang cheese sa ilalim ng mga kuko nya, gamit ang pangil nya. Gutom pa sya. Kulang pa. More cheese more fun.

Sana maimbestigahan nang maayos ang kaganapan sa EDSA kanina. Sana lumitaw ang salarin. Sana maging malinis ang katarungan. Kasinglinis ng kuko at daliri ni Koya ngayon. Putangina nya para syang naghugas ng kamay sa bunganga nya. Bumaba na ako ng FX sabay nagtricycle. It’s called downgrade.

So Kids, maging maingat tayong lahat. Here’s some advice: Huwag manlaban sa pulis!

Happy weekend!

6 comments. Post your comment here.:

Marjorie Gavan said...

Hahaha... Ang dami ko na namang tawa. Nakakamiss talaga magbasa dito sa blog mo Glentot. Nakakatuwa, nai-relate mo talaga si kuyang kumakain ng chips sa drug pushers hahaha... Very connected at very funny disturbing nga talaga si kuya hahaha...

denggoy said...

hahaha. tangina katawa ko dito. asa office pa man din ako. di nako kakain ng cheese kahit peyborit ko cheez whiz dahil maaalala ko si koya sa taas. lol

Edgar Portalan said...

The moral of the story : lumaban na sa pulis dahil itutumba ka rin naman ng mga iyan at pangasin ang daliri gamit ang bibig dahil mahal ang cheese sticks na galing 711

pnx said...

Yuck si kuya. Sinisira nya imahe ng cheese chips >.<

Xhann said...

Haha!Nakakatawang post na naman kuya. Lumala ubo ko kakatawa, ang sakit sa lalamunan. Anyway, I'm half guilty about kay koya, parang ganun din ako minsan.

Jenny said...

Bwiset ka Glen(n)! Haha, mukhang si Koya naman talga ang headline mo dito at hindi ang sinalvage! Nakakainis, bakit kasi tinitigan mo pa si kuyang simot sarap?! You should take a nap nalang while bumabyahe.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding