the conjuring 2

Based on true events daw so this is 100% real and legit. The Conjuring 2. Featuring the husband and wife tandem of Ed and Lorraine Warren, from The Conjuring 1. I'd like to think they are also in the same universe as Insidious, Annabelle and Saw. It's all James Wan right?

May I just say right now, this film  is dark. And I mean dark as in the MADILIM sense of dark. Ang dilim. Ang dilim talaga. Parang budhi mo jk. Uy joke lang.

Spoilers ahead!

The movie opens with the Warrens investigating their most popular case: the Amityville Horror. Coincidentally, just recently napanood ko ang Amityville Horror (Ryan Reynolds) at The Conjuring 1 so handang-handa ako sa movie na i—HALA PUTANGINA MAY DEMONYONG MADRE!

No amount of watching Marilyn Manson music videos could have prepared me. Natakot ako I almost shit my pants, and I was having diarrhea that day so I was extra careful.

Lorraine did her out-of-body thingie at nag-explore sa loob ng Amytiville house hanggang sa ma-encounter nya yung Madreng demon na mahilig manggulat, at binigyan sya ng vision: yung asawa nyang si Ed ay mamamatay soon. So sabi ni Lorraine sa asawa nya, Itigil na itong raket na ito dahil kung hindi, matitigok ka. Oo ikaw lang, hindi ako kasali.

So they stopped their ghostbusters gig and started doing seminars and interviews where they got accused of fraud (addressing the fact that in reality, the Warrens were indeed accused of fraud).

Meanwhile, miles away, a haunting begins. Doon sa isang bahay na madilim. Isang nanay, apat na anak, tapos ang ilaw nila sa bahay parang dadalawa lang. Mas marami pang tao keysa sa ilaw. And yung mga ilaw na meron sila, wow, parang flashlight na lowbatt, naghihingalo. Parang tig-2 Watts.

Soon enough nagstart na ang pagmumulto sa anak na si Janet. I'm not really sure kung ano ang trigger, because unllike most haunting stories, hindi naman sila bagong lipat doon sa bahay. So what caused the evil spirit to manifest?

In my opinion, dahil umabot na sa critical levels ang dumi ng bahay:

To be fair, this is during the haunting, pero wala naman masyadong difference kahit nung hindi pa sila minumulto.

Yes in addition to being madilim, ang dumi rin ng bahay. Pakiramdam ko naghahalo ang malinis at marumi nilang damit. In my opinion mukhang malagkit yung sahig. Parang puro amag ang mga dingding. Para kang makakakuha ng sakit kapag binuksan mo ang mga cabinets. Yung nanay nilang si Frances O'Connor parang busy sa maraming bagay EXCEPT maglinis. Sabagay, paano nga siya maglilinis kung hindi nya makita yung lilinisin nya? Kasi nga, ang dilim. And parang hindi rin sya naliligo much.

Nagsimula sa nightmares, sleepwalking, banging on walls, the whole is-that-a-ghost-or-just-my-imagination starter kit, naging mas aggressive ang multo, naglilipat ng channel ng TV. Kahit sino naman maiinis. And very insistent yung multo, naninigaw, kanya raw yung bahay. Almost immediately you'll think, Ah previous resident yung multo, it's THAT subtle. Matapos ang mga What's-that-noise-better-investigate scenes, sinasaniban na si Janet, nag-iiba-iba na ang boses nya, nagte-teleport na sya, she defies gravity, the whole possession-by-a-ghost starter kit.

So as the story progresses, may isang tanong sa isip ng lahat: Haunted house, or just dirty house? Ayaw maniwala ng mga tao sa haunting na nagaganap sa bahay. Imahinasyon lang daw. Fraud daw. Woo tae mo Janet. Gusto lang daw nilang lumipat sa bagong government sponsored housing, which I suspect too. At this point, mas madaling lumipat ng bahay keysa maglinis!

Instead of investing in good quality light bulbs, napagdesisyunan nila na humingi ng tulong kina Ed and Lorraine Warren, na hindi na busy kasi wala nang gigs. Si Ed nga, maraming free time, nagpainting. Sa dami ng pwedeng subjects like, I don't know, landscapes or vegetables, ang napili nyang i-paint ay yung putanginang Madreng mahilig manggulat.

One day habang nagbabasa ng Bible si Lorraine at yung anak naman nya ay naggagantsilyo or something, nag-checkout ang kaluluwa ni Lorraine at naglakad lakad sa bahay nila hanggang sa ma-encounter nya yung painting ng putanginang Madre. Hala hinabol sya nung painting! Damn it Ed kung nagpaint ka ng flower vase eh di wala sanang ganyang problema.


"Ed you think that's a good idea?"


"Tangina ka talaga Ed!"

Of course the Warrens go check out the haunted house and the family plagued with the ghost, because they want to help. You know how when people get invited to a house the first time, they usually say "You have a lovely home" or some other default line? Well the Warrens, fraud or not, couldn't lie like that. Ang dumi nga kasi ng bahay, baka pati yung ghost naalibadbaran konting-konti na lang siya na mismo ang magwawalis.

But instead of highlighting the importance of cleaning, nag-experiment sila para malaman kung totoong may sanib si Janet o gawa-gawa nya lang because she's bored. So they tried to conjure the malevolent spirit (yes nagamit ko na ang term na conjure). Hala biglang mahiyain yung ghost. Ayaw nya kasi marami daw tao. I don't know what kind of ghost logic exists, pero diba nga habang mas maraming tao, mas lalo ka dapat mag-show off?

Actually even at this point I'm still not convinced. May mga bata talagang parang may sanib ng demonyo. Kids can be really evil. In fact nung sinaniban ung bata and she screamed at her mom, "Shut up you old cow!" I just rolled my eyes and said to myself, Hayyy kids these days. Typical.

Habang sinusubukang i-exorcise yung bahay nila (please note at this point, wala pa ring nagsuggest na maglinis, and nakapag-install sila ng more than 100 crucifixes pero ni hindi makapagpakabit kahit isang fluorescent lamp) nakituloy muna ang pamilya sa kapitbahay, and even there sinundan sila ng ghost. Wanna know why? Kasi kahit yung bahay ng kapitbahay madilim! Goodness.

Also, this is the reason I don't make friends with neighbors. Kapag minulto sila sa bahay nila, I don't think I can accomodate them.

And just when you think na nakita mo na kung gaano karumi ang bahay, they went to the basement and WOW MAS MARUMI. And may tubig baha pa. So habang inaayos ni Ed yung sirang tubong sanhi ng baha, binabantayan lang siya ni Frances O'Connor. Alam mo yung style niya na kunwari gusto mong tumulong pero ang totoo ayaw mo talagang marumihan? "Uy sure ka ba kaya mo yan? Sige ilawan kita ng flashlight, dito lang ako bantayan kita."

But then biglang nagpakita na naman yung ghost. "Ed there's something behind you!!!" Kung ako kay Frances O'Connor, hindi ko muna sasabihin hangga't hindi nya naayos yung tubo. You wanna get this fixed or what?

Dahil nga mismong si Frances O'Connor eh nandidiri sa sariling bahay nya, ayaw nyang lumusong sa tubig. Well well well napansin yun ng ghost so what did he do?



"Yan maligo ka tangina mo!" -- Ghost

Nilublob ng ghost si Frances O'Connor sa tubig. So ang ending, kahit si Ed ang lumusong sa tubig, si Frances O'Connor ang mas nabasa.

And the best part, kinagat siya ng multo, tapos naiwan ng multo yung pustiso nya MY GOD I wish I was joking but this really happened in the movie, and there's a 50% chance this actually happened in real life. At tangina nung pustiso, parang exam, one seat apart.

Still, even the Warrens were convinced, tae-tae si Janet. It's all smoke and mirrors. So umalis na lang sila. Nung pauwi na sila saka lang nila narealize, yung ghost na nanghahunt sa pamilya is also being haunted by the Madre. Oo yung multo, minumulto. Kaya naiwan ng ghost yung pustiso nya, sa takot sa Madre.

So nafigure out nila na totoo ngang minumulto ang bata, and not only that, nai-connect nila ito sa visions ni Lorraine at sa Madre. Nalaman ni Lorraine na ang pangalan ng demon ay Valak at iyon ang ginamit nya upang icast out ito.

"I condemn you back to hell!"
"OK lang baka mas malinis pa dun!"

This is what you get for decorating your house with a demon's name. Napansin nyo? Nagkalat ang V-A-L-A-K sa bahay ng mga Warren. To the Warrens: malinis nga bahay nyo at maliwanag, nagtatawag naman kayo ng demons. Tapos nagcocollect pa kayo ng ghost memorabilia. You're really asking for it.

Also maidagdag ko lang, hindi adviseable manood ng horror sa sinehan kung matagal nang showing yung movie. Kasi, ang tendency ay konti lang ang nanonood. Actually noong nanood ako, parang wala pang sampu ang tao sa sinehan. May point pa na out of 10, yung apat na magkakasama, sabay-sabay nag-CR. Muntik na akong sumama. Nakakapraning. Kaya nga kapag may naglalakad na usher tinitignan ko kung tao ba talaga siya.

So here's my rating.

"Ang dilim. Ang dumi."



Yes, 5 stars. 5 out of what, you ask? That's for you to decide LOL.

Images from
www.hollywoodreporter.com
www.indiewire.com
Screencaps from the Youtube trailer

7 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

hahahaha.... naku, pano pa kapag pinanood yan dun sa haunted theater na ang chika ay akala mo madami kang kasama sa loob tapos pagkabukas ng ilaw, poof, konti lang kayo.

aabangan ko na lang sa dvd to, tas panonoorin ko ng nakabukas ang ilaw at mga bintana hahaha

Xhann said...

Di talaga ako nanonood ng mga ganitong movie kasi madali akong matakot and I really avoid paranormal thingies because of personal belief. Pero my goodness, thanks sa post mo, nakakatawa, kaya ko pang matitigan si Valak kasi nga nawala na yung takot, puro katatawanan pumapasok sa isip ko. So the moral lesson here is that dapat malinis ang bahay para di multuhin.

Echoserang Mango said...

OMG! Maglilinis na nga ako ng bahay huhuhu

jep buendia said...

Ang talagang moral ng movie - cleanliness is next to Godliness :) kaya walang demon :)

mem'ries said...

baka may magalit nanaman nyan, sabihin ang gara mo mag review hahahaha

mike said...

i haven't seen the movie yet but based on your description, super dumi talaga ng bahay. it's best na i don't watch otherwise baka katihin lang ako sa dumi.

Diane Writes said...

Yung dumi ng bahay ang tumatak sa isip ko :p Eh naisip ko hindi ata exorcist kelangan nila. Si Marie Kondo ata ang kailangan nila para umayos buhay nila

Gusto ko mag comment sa x-men review mo.. kaso naman, wala sa mundo ko ang marvel. Saka baka mamaya, awayin din ako at masabihan ng "baduy" Gaya nga ng sabi ni Daniel Padilla.. shut up na lang ako bwahahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding