radyo

Isang tahimik at mapayapang Linggo, sumakay ako ng taxi. Sa aking pag-upo, agad-agad binuksan ni Kuya ang radyo. Ang programa ay isang news report na typically ay paboritong pakinggan ng mga taxi drivers. But no, ibahin natin si Kuya, dahil biglang inilipat niya sa ibang station. Gusto ko sana sabihing Kuya, doon na lang uli sa news pero sa wakas, nakapagdesisyon si Kuya na isang drama program ang pakikinggan naming dalawa.

Nagnanarrate ang DJ noong oras na yun. Nagbabasa sya ng isang liham ng isang letter sender, na itatago natin sa pangalang... Ate. Now I'll try to write down kung ano ang naalala ko sa sulat nya, so bear with me.
“Mahirap ang buhay anak, at mag-aral kang mabuti. Huwag kang tumulad sa amin na elementarya lang ang natapos,” ang bilin sa akin ng aking mga magulang.
“Opo Inay, Itay, mag-aaral po akong mabuti,” ang pangako ko naman sa kanila.
“Umiwas ka muna sa pakikipagbarkada, *blah blah other boring stuff*,” sabi ni Inay.
“Opo Inay *blah blah*,” ang sagot ko sa kanila bago sila umalis.

OK na sana ang eksena nang panandaliang tumigil ang DJ sa pagkuwento at pinatugtog ang “From This Moment” ni Shania Twain, na siya namang ikinalito ko. Hindi ko alam kung paano sya naging soundtrack nitong dramatic scene, but what do I know right? Baka yun nga ang akmang awitin. Baka yun ang hinihingi ng moment, ang From This Moment.

Matapos ang unang chorus, nagpatuloy muli ang DJ sa pagsalaysay. Pinutol ang Moment ni Shania Twain. Medyo nawala ang isip ko sa pakikinig dahil hindi pa ako agad naka-recover sa pagkakaputol ng awitin, pero nang mahimasmasan ako, ang sabi ng DJ:

Patuloy ang pagtitig sa akin ng binata, na para bang nagpapacute. Pero sa totoo lang, hindi nya kailangan ang magpacute dahil inborn na ang kanyang kacutean. Noong umpisa ay naiinis ako, pero sa katagalan ay nawala ang inis ko dahil nga sa kagwapuhan nya.

Hala kiriii. May lihim na landi. Pakiramdam ko, nag-uumpisa pa lang ang totoong kwento ng letter sender. Yung bilin bilin ng magulang kanina? Hindi yun yun. Magsisimula pa lang uminit ang mga eksena.

Magkatabi kami ni Mike sa upuan at paminsan-minsan ay dumidikit ang tuhod nya sa tuhod ko. Iba na ang nararamdaman ko noong panahong yun.

Puta sabi na eh.

Magkakatabi rin ang iba pa naming kaibigan habang nag-iinuman, at kanya-kanya na silang magkapares. Iba na rin ang ikinikilos nila.

Nung sinabi nyang "Iba na ang ikinikilos nila" eh malamang nagkakabit-kabit na sila ng esophagus at hindi magkandaugaga sa pagngasab sa nguso at gilagid ng bawat isa. Hala Ate? Diba kabilin-bilinan sa iyo eh huwag kang makikipagbarkada? Ano ito? Ang una mong ginawa talaga ay makipagbarkada? At yung mga kabarkada mo pa, ang hobbies eh mag-make out. Masasampal ko itong letter sender. Hindi nakikinig sa magulang.

Nabigla ako nang halikan ako ni Mike. Mapusok ang halik nya. Kung saan-saan na rin nakarating ang kamay nya sa katawan ko.

AYAN NA NGA BA ANG SINASABI KO SA IYO!!! Yung "kung saan-saan nakarating" na kamay ni Mike, pwede paki-specify kung ano ang kinakalabit nya that time? Tsk tsk. Gusto ko na sanang magwala ngunit nakalma ako nang magpatugtog ang DJ ng awiting tugmang-tugma sa eksena: Kiss Me by Sixpence None The Richer. Ang tagal nya sigurong inisip ito.

Bigla akong nahimasmasan at natigilan. Itinulak ko si Mike at napatakbo ako sa labas ng apartment. Ang mga kaibigan ko ay kanya-kanya na rin ng kapartner at mukhang may ginagawa sa dilim. Hindi ko alam ang gagawin ko. Aalis ba ako, kung saan delikado sa daan sa dis-oras ng gabi, o babalik ako sa loob, kung saan ang ikinakatakot kong bagay kay Mike ay nahawakan ko pa kanina.

Wait. Nahawakan? Ang bagay na ito? Titi ba to ni Mike? Moving on...

Nagsibalikan na ang mga kaibigan namin at patuloy sa inuman. Tahimik lang si Mike, at parang galit. Nang maghiwalay kami matapos ang inuman, hindi ko na sya nakita pang muli.

Ahh OK. Napahiya ako dun ah. Agad kong jinudge si Ate na pamigay. Hindi pala tungkol doon ang kwento. Mabuti naman at nakapag-isip ang letter sender at naalala ang ipinangako sa mga magulang. Mukha namang gusto lang syang pagsamantalahan ni Mike. Congratulations for escaping, it was a close call. Mabuhay ka Ate.

Ako naman eh kinakabahan dahil malapit na akong bumaba pero hindi pa tapos ang drama, at nakuha pa ng DJ na magpatugtog ng awiting “Baby I’m A Want You” by Bread. Parang hindi rin bagay ang Bread dito. May alam akong kantang mas babagay sa kay Ate: Easy by Ambing.



Akmang-akma diba? Huwag kang sasama, kakantutin ka lang nilaaa! Tandaan mo yan Ate.

Maya-maya pa'y pinagpatuloy ng DJ ang kuwento.

Isang araw ay may tumawag sa aking number, hindi ko kilala. Hindi ko ito sinagot dahil inaantok pa ako. Maya-maya pa ay tumunog ang aking cellphone at base sa ringing alert tone, text message ito.

Ano ba? Sinasadya bang pahabain ito? LOLjk nagpapanic lang ako kasi gusto ko talagang marinig yung drama hanggang sa huli.

Si Mike ang nagtext. Magkita daw kami mamayang 8PM sa tapat ng palengke. Ang sabi ko ay wala kaming dahilan para magkita pa. Sabi nya, kung hindi daw ako makikipagkita, hindi na daw nya ako kukulitin. Hindi na ako sumagot sa kanya.
Ngunit maghapon akong hindi mapalagay at nakita ko na lang ang sarili kong nagbibihis upang pumunta sa palengke.

WTF??? At this point marami na akong gustong sabihin sa letter sender. Pwede magpatugtog uli ng song? Huwag mong paubaya, kakangkangin ka lang nilaaa!

Kung fabulous ang meeting place nila sa palengke, it’s about to get more fabulous:

Wala na akong nagawa nang isakay ako ni Mike sa isang tricycle at sinabi sa driver na ihatid kami sa pinakamalapit na hotel.

Kawawa naman si Ate. I don't know. Ewan ko talaga ha. Shit talaga. Sa sobrang stress ba, sa sobrang trauma, sa sobrang bilis ng tricycle driver, hindi nya naisip magsisigaw, humingi ng tulong, umalis, tumakbo, or kahit sabihin man lang na NO AYOKONG SUMAMA. Lahat yan hindi nya nagawa.

Pagpasok namin sa kwarto, tumambad sa amin ang pelikulang pinagbibidahan ni Joyce Jimenez at Albert Mart—

“SCORPIO NIGHTS YAN! SCORPIO NIGHTS YAN!!!” nagulat ako sa biglang sigaw ni Kuya. Nalimutan ko, dalawa nga pala kaming nakikinig. Parang tuwang-tuwa sya.

Kasalukuyang naghahalikan ang dalawang bida at hinalikan rin ako ni Mike.

“Ah oo grabe ang halikan diyan sa pelikula!” dagdag pa ni Kuya. Hindi ako makapagbigay ng input dahil hindi ko pa ito napanood. Note to self.

Hinubad ni Mike ang kanyang damit at boxers na lang ang natira.

Ate, naalala mo pa yung pangako mo sa mga magulang mo? Syempre hindi na, nag-enjoy ka na sa movie reenactment nyo eh.

Humugot na ako ng pambayad sa aking wallet.

Pinahiran ni Albert Martinez ng chocolate ang iba-ibang parte ng katawan ni Joyce Jimenez, habang patuloy si Mike sa kanyang ginagawa, hanggang sa tuluyan nya nang sinakop ang aking--.

“Ihanda mo na ang Bataan,” sabi ni Kuya habang ako ay pababa ng taxi. Tumigil muna sa pagsalaysay ang DJ at ng isang pamilyar na awitin. This time, the DJ got it right.

I feel so unsure.

9 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

malantod si ateng... ayaw makinig sa bilin ng magulangs.

mike said...

ganon ba talaga ka-tanga si ate?? she knows whats going to happen but still she went to meet with Mike? but who am i to judge other people...

Marjorie Gavan said...

Ang aga-aga ang dami kong tawa hahaha... Sayang di mo natapos yung story ni ate haha... Ano kaya naging ending ng di nya pakikinig sa parents haha...

Diane Writes said...

Kung may premyo yun paghula sa movie ni Albert at Joyce, nanalo na si Manong :P Curious ako sa ending... pero sana wag yung tipong panaginip lang pala lahat ... kapagka ganun @#$%^& hahahah

Jenny said...

Haha buti nalang may asawa na ako, kaya feeling ko may consent na ko sa pagbabasa ng mahahalay mong salita Glen(n) haha namiss ko magbasa dito sa blog mo. Hay nako, masasabi ko lang gusto lang talaga ni ateng magpa Pak Ganern! Kunwari pa sya, ano yon kusang sumuot ang damit sa kanya without her knowing? Hahaha

luridx said...

HAHAHA! na-miss ko tong ganitong posts mo brad. Bumalik na ang dating wickedmouth :)

AHMER said...

hmmmm

Mang Juan said...

B I T I N! sana pinaikot ikot mo muna ang taxi hanggang matapos ang drama sa Radio tapos bayad ka doble. Panis hehehe

Lincoln Madison said...

Best Toll Free Numbers are numbers through which prospective customers can call to find more information about the product without being charged for the call.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding