hele sa hiwagang hapis movie review

I know right? Seryoso ako nung nag-tweet ako kaya tinuloy ko talaga. Doon ako nanood sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound. Hindi naman ako nagpunta doon na clueless. Alam kong 8+ hours yung movie. So pagkagaling ko sa work, natulog naman ako ng 2 hours bago sumabak. At nagbaon ako ng dalawang bags ng Jagabee. I was all set for the Hele challenge.

IMAGE CREDIT: Ginoogle ko lang ito at hindi ko ito inaangkin thank you.

Puta challenge nga! Yung paghahanap pa lang sa Dolphy Theater eh pagsubok na. I must say, being passed from one guard to one tour person to another guard to another tour person, and being asked for passes/credentials each time is a wonderful experience. Ang saya.

At nung sinabihan ako na bawal kumain sa loob ng Dolphy Theater, talagang this day is going well. Dali-dali akong kumain ng hotdog sandwich sa cafeteria dahil hindi pa ako nag-aalmusal. Mahirap naman kung Hele Challenge na nga eh Hunger Games pa.

Just a quick setting ng backdrop and mood, malamig sa loob ng Dolphy Theater at buti na lang may dala akong jacket with hood. Karamihan sa mga nanood kay mga ABS-CBN employees yata. Yung katabi kong babae mahaba ang baba.

The movie started with Ely Buendia writing a love letter to some Pepita chick. Tapos tumugtog sya ng gitara. END SCENE.

Next scene: Mausok ang paligid. Si John Lloyd, nagmo-monologue sa may ilog.

Next scene: Si Ely Buendia, bumibili ng puto:

Ely: Mamaya, bibitatayin na si Dr Jose Rizal sa Bagumbayan.
Puto Vendors: *crickets* *kebs* *Jose who?* *Don't know don't care* *BYEEE*

Yung lalaki sa harap ko ay nagsimula nang mag-Instagram browsing. Buhay nya yun. Hindi ko na sya pinakialaman.

Scene: Madilim ang paligid. Hinaharana ni Ely Buendia si Pepita. Binasted sya.

Scene: Mausok ang paligid. Hinahanap ni Piolo Pascual yung libingan ni Maria Clara sa gubat. Ayun nahanap naman nya.

Scene: Mausok ang paligid. Kumakanta si Ely Buenda sa gubat with some Katipuneros(?):

♪ Inay, Itay, ako po ay lilisan
Patutunguhan ko ay isang digmaan
Mag-aalay ako ng panahon at buhay..
Para sa kalayaan..

Next scene: Deads na yung mga Katipuneros, pinagbabaril. Tapos kinuha ni Ely Buendia yung gitara nya sa tabi ng mga bangkay. Kakanta ba sya uli?

Ely Buendia: Inay, Itay, ako po ay--
Soldier: *Shoots Ely* *BYEEE*

Scene: May batang bulag na nagperform ng Mi Ultimo Adios sa plaza.

Piolo: Saan mo natutunan ang tula?
Blind Girl: Kay Dr Jose Rizal
Piolo: Here take my money!
Blind Girl: YOU'RE KIDDING?
Piolo: SERIOUS. *BYEE*

Scene: Mausok ang paligid. Patay na si Andres Bonifacio at ikinulong ang misis nyang si Gregoria "Oryang" de Jesus sa banyo. And then kinuha ng mga sundalo ang bangkay ni Andres Bonifacio. And then pinakawalan na si Gregoria de Jesus. Eh di ngayon hinahanp nya yung bangkay. Yun ang ganap nya sa buong movie, kasama sina Alessandra "Pinakamagandang Dilag sa Silang" De Rossi and Susan "Wala akong karamdaman this time" Africa.

Scene: Kwentuhan si Piolo at yung isang kalbong guy, in Spanish. Perfect time to sleep. Eto talaga yung "hele" part. Sarap ng tulog ko dito.

Ang ipinagdadasal ko talaga eh hindi "Sana huwag akong makatulog" kasi alam kong mangyayari at mangyayari yun, ang akin lang eh "Lord huwag sana akong hihilik nakakahiya" kasi nangyari na yun sa akin dati noong nanood ako ng 300 Part 2. May nanggising sa akin na hindi ko kakilala. As in from malayo, naglakad sya papunta sa upuan ko para yugyugin ako. Nakakahiya.

So yun nga, nagising ako sa sarili kong hilik nang maraming beses. Nakailang out of body experience na ako, nakarating na ako sa iba-ibang dimensyon sa kalawakan, HALA hindi pa rin tapos yung kwentuhan nila Piolo at nung kalbo, in Spanish.

Scene: Tinalo ni Gregoria de Jesus ang mga cartographer sa pagsuyod nya sa gubat na parang gumagawa sya ng mapa. Mausok pa rin ang paligid.

Scene: May tatlong bading(?) at nagkwentuhan sila ni Piolo tapos tawa sila ng tawa I don't know, is there an inside joke na hindi namin lahat nagets WHY ARE YOU LAUGHING? Hindi ko lang maalalala yung eksaktong dialogue pero parang ganito:

Piolo: Uminom tayo ng wine.
Bakla 1: Oo inom tayo.
Bakla 2: Tayo ay iinom.
Bakla 3: Wine ang iinumin. HAHAHA!
Piolo: HAHAHA!
Bakla 1: HAHAHA!
Bakla 2: HAHAHA OMG!

Scene: Yung kalbong kakwentuhan ni Piolo? Ang kausap naman nya ngayon, in Spanish, ay sina Bernardo "Ulit Ulit Market Market" Bernardo, Angel "Too Pretty for a Tikbalang" Aquino at Cherie "Nilaplap nya yung Kalbo" Gil, bilang mga Tikbalang. Nakabukas ang bintana. Mausok sa labas.

I know, right? Tikbalangs, tapos si Gregoria de Jesus and Friends nasa gubat may hinahanap? It's a recipe for disaster, or an 8-hour movie. Nag-krus ang kanilang mga landas at yun nga, naligaw sila Gregoria de Jesus. As in paikot-ikot sila sa isang puno. For how long, I lost track. Or consciousness.

Scene: Yung katabi kong babaeng mahaba ang baba, nagkukuyakoy. Hindi ko sya masaway kasi ako nga, humillik diba? Tingin ko defense mechanism nya yun sa nagmumurang kaantukan. Hindi ko sya masisi. Pagdating ng 3 hours, ramdam ko na gusto nang umalis ng mga tao. Buti na lang, nagkaroon ng 30 minute break, so bumalik ako sa cafeteria, nag-order ng chicken caldereta, tapos nag-order pa ako uli pang-take out. Sabay uwi.

YUP. Sorry Lav Diaz. I like the film but I also like my backbones. Hindi kayang tiisin ng likod ko ang 5 hours more. Ano to? Kaya nga tamad akong umuwi sa Mudrax ko sa Baguio dahil nahahabaan ako sa byaheng 5 and 1/2 hours.

Good points:


  • Ang gagaling nila mag-memorize ng lines huh. Pero pinaka-napabilib ako talaga doon sa isang matandang lalaki na nadaanan ni Gregoria de Jesus sa gubat, at nagtanong siya doon sa matanda kung nakita ba nila si Andres Bonifacio like "Nakita nyo ba si Andres Bonifacio?", tapos sabi ng matanda, hindi daw nya nakita, with full conviction, resounding wisdom, and boundless emotional depth. Galing nya.

  • Maganda ang story, lalo siguro kung natapos ko panoorin.

  • Nakakapukaw ng atensyon ang kinamatisang sapsap na in-order ni John Lloyd dun sa isang carinderia. It's like a metaphor for war ganun.

  • Hindi ka mabibitin sa movie. Wow ha.

  • Buti na lang talaga, laging mausok ang paligid.



Bad Points:


  • Bad points, aside from (possibly) WALONG ORAS KANG MAY KATABING NAGKUKUYAKOY? Wala naman much.

  • Sa mga eksenang tig-15 minuto each, ang pelikulang ito ay muntik nang maging dragging.

  • Sabi sa IMDb entry according to Philstar ang Hele ay "Interconnected narratives on the Philippine Revolution against the Spanish characterize a discourse on the Filipino psyche." Ah. Yun pala yun.

  • If I were a high school student and my teacher required me to write a reaction paper to HHH, I will do it. And then susunugin ko ang bahay nila after ng graduation.

  • Yung paghahalo-halo ng historical figures, fictional characters at mythological creatures ay sumasalamin sa katotohanang hindi ako nagbigay ng atensyon sa mga bagay na ito noong nag-aaral ako kaya litong-lito ako like WTF how do I know na hindi totoong tao si Bernardo Carpio please.

  • Yung mga major EVENTFUL moments ay pahapyaw na napag-usapan lang habang ang paggalugad ni Gregoria de Jesus sa bawat square inch ng gubat ay sinundan ng camera. Am I really not getting it?

  • Ewan ko kung bumalik pa yung babaeng nagkukuyakoy para ihele ang hapis nyang mahiwaga.



THE END.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding