aswang

Hey Kids! Happy Halloween! Or if you hate Halloween, Happy Friday! Noong bata ako, paborito ko ang Araw ng mga Patay kasi mahilig ako sa katatakutan. Ang saya lang makipagkwentuhan ng "multo-multo" matapos dumalaw sa puntod ng mga yumaong kamag-anak at mag-marathon ng horror shows and movies. Sadly, hindi na ito ang uso ngayon.

Nais kong ibalik ang integridad ng Araw ng mga Patay!

At dahil diyan, binalikan ko ang isang paborito kong pelikulang tumakot sa akin noon: Aswang


Pinanood ko uli itong movie, ang saya!!! Yung iconic scene kung saan naglalakad si Alma Moreno sa gubat at nagbabagong-anyo sya into Lilia Cuntapay, WTF CREEPY. At yung bubungan scene kung saan kinain ni Alma Moreno ang buntis na si Janice de Belen? MORE NIGHTMARES MORE FUN

Walang iniwang rekado ang pelikulang ito. Horror kung horror. Manilyn Reynes and Aiza Seguerra combo: check. Janice de Belen: check. Lilia Cuntapay: check. Pati si Mary Walter: check.

At dahil enjoyable pa rin ito after all these years, gumawa ako ng sarili kong trailer. Mejo binaboy ko siya. Enjoy Kids!




Thanks Kids, mwahchupa.


In memory of Mary Walter, Berting Labra, and very recently, Dick Israel, and my most favorite Filipino actress, Lilia Cuntapay. May you all find eternal rest.

I don't own any of the movie clips or music.

don't breathe

Some movies make you question your morals, check your code of ethics, or at least wonder if you have a conscience. Take for example this home invasion movie, Don't Breathe. By default, we should all hate the villains (home invaders) and root for the victim (home invadee). But just as soon as the movie started, for some reason, we immediately root for the akyat-bahays. Or baka ako lang, because of my mild sociopathic tendencies?

Huwag malinlang, ang "Don't Breathe" ay hindi istorya ng katabi mo sa MRT na may hiningang nananapak at kumakapit pa sa damit. Tungkol ito sa tatlong magnanakaw at sa matandang bulag na pinagnakawan nila. This sounds easy enough right? Not much skills required. In and out. Bakit ginawan pa to ng movie?

Dahil nagkamali sila ng biniktima.

Spoilers alert!


We have some criminal intent.

Itong tatlong akyat-bahay na ito (si Money, ang girlfriend nyang si Rocky at si Alex) ginawa nang career ang pagnanakaw sa mga bahay. Hindi na ito hobby or just a phase. Napapasok nila ang mga bahay dahil nadidisable nila ang alarm. Marami-rami na silang nanakawan. Mga bes masama ang magnakaw. I'm so disappointed in the three of you.

But it turns out, gusto na talaga nilang huminto. One last job na lang daw tapos ayawan na.

Last na bes? Promise?

May nagbigay sa kanila ng tip: isang bahay sa isang tahimik na neighborhood, at ang nakatira ay isang ex-army na nabulag. Years before, nagkaroon sya ng maraming pera dahil nabundol ang anak nya, at nakipagsettle sya sa babaeng nakabundol to the tune of $300,000. So in short, marami siyang pera sa bahay.

Imagine, $300K cold hard cash just waiting for you to take it! Natukso sila bes. Sheht kahit ako matutukso rin.

OK I have to stop myself sa pag-visualize ng mga gagawin ko kapag nakuha ko yung $30K. Baka ma-inspire akong gumawa ng masama.

At this point you tell yourself, Hala masama magnakaw di ba. And then the movie shows that Rocky has a little daughter and she wants to move away to another state so they can start a new life. So we tell ourselves, Ah yun naman pala. Justified ang pagnanakaw. Hindi ba ganyan tayo tuwing may sob stories ang mga kriminal at excuse nila eh may anak silang nagugutom?

Night falls and so the three proceed to the house to do some burglary activities. In all seriousness, itong tatlo na ito ang pinaka-amateur akyat-bahays na nakita ko. Seriously! Maraming Pinoy akyat-bahays na mas magaling sa tatlong ito. You should learn from the best.

Hindi pa sila bihasa in the akyat-bahay department.

Dear reader, if you ever find yourself in a situation wherein mag-aakyat-bahay ka, here are some tips:

1) Huwag maingay.
2) Putangina huwag maingay sabi!

That's it. Pero itong tatlong ito akala mo namamasyal. Walang urgency. Bulag ang may-ari ng bahay, hindi bingi. This is not a fucking joke!

Sorry for the unpleasant words, na-carried away ako. Moreover, I had to stop myself again right there because I realized that this movie is really making me root for the bad guys.

Eventually nakapasok sila sa bahay but not without making unnecessary noise. Shet hindi nila mahanap ang $300K cash. Syempre hindi lang pakalat-kalat yun mga bessy. Ineexpect nyo ba na nasa arinola yan sa tabi ng altar?

If I had $300K sa bahay (which I don't, just to be clear) itatago ko ito sa lugar na hindi agad mahahanap: sa isang beltbag na nakatali sa katawan ko. Yep. Hindi ko ilalayo sa katawan ko yung pera. Kakain, matutulog, jejebs akong may beltbag.


"Hu u?"

Sa paghahanap ni Kuya Money at pag-iingay, SURPRISE! nagising bigla si Kuya. And he's pissed.

Can I just express that I totally agree with how Kuya Blind Guy straight up jumped to conclusions na masasamang tao ang pumasok sa bahay nya and his first impulse was to kill them? Ganun ako minsan sa bahay eh, kapag may unexpected na kumatok. Naiisip ko kaagad, Sino to? Patayin ko to?

And then I realize, Ay nagpa-deliver nga pala ako ng tubig.

Kayo ba ganun rin?

Nahuli agad ni Kuya Blind si Kuya Money, who insisted na mag-isa lang siya. Ayun binaril siya ni Kuya. Na-shock si Ate Rocky like WTF.


OMG "Gasp!"

Pero syempre quiet lang sya para di sya mabisto kasi papatayin talaga sya ni Kuya.

Agad-agad nagtago si Rocky sa loob ng isang closet. Agad-agad naman si Kuya pumasok sa closet para i-check ang safe, kung nandun pa yung pera nya. Agad-agad rin naman sinilip ni Rocky ang PIN code. Hala si Ate. Nawala bigla ang shock nya nung nasilip nya kung saan nakatago ang pera eh.

This is where we start to realize na hindi ordinaryong matanda ang kalaban nila. On top of his training in the military, kabisado nya ang kanyang bahay at napakalakas ng kanyang ibang senses. Kaya nga nung nagkasalubong sila ni Rocky, hindi huminga si Rocky kasi maamoy ang hininga niya. Kaya nga Don't Breathe! LOL.

It didn't take Kuya too long to discover na may mga kasama pa yung binaril nya. Hunt mode, commence.

So habulan sila right? Narealize nila na nakalock lahat ng labasan at na-trap na sila sa loob. So doon sila tumakbo sa nakalock na door, papunta sa basement... and you're gonna shit.


HALA "Gasp!"

May nakataling girl sa basement. From clues lying around it is revealed na itong babaeng nakatali ang babaeng nakasagasa sa anak ni Kuya years prior. Hala ginawa syang pet. Now, our rooting for the akyat-bahays is justified. Kuya is legit 100% crazy.

Pinakawalan nila si Ateng nakagapos at nag-attempt sila tumakas kaso pinagbabaril sila ni Kuya at nasapol si Ate.

Nainis na si Kuya so pinatay nya ang ilaw like Tangina nyo ha, ayan. Sanay ako sa dilim.


Sheht GASP!

So habulan na naman sila. Pati yung alagang aso ni Kuya, sumali na rin sa habulan hanggang sa masaksak ni Kuya si Kuya Alex at mahuli si Ate Rocky, na nawalan ng malay.

Nang magising si Rocky... you're gonna shit. Nakaposas na sya sa basement. It's official: this is not a pleasant evening.

Mental note: huwag papasok sa bahay ng iba.

Meanwhile abala si Kuya na parang may niluluto syang something. Hala, kaya nya pala binihag yung unang babae kasi binuntis nya pala yun via artifical insemination. At ngayong deads na si Ate, si Rocky na lang. Inihanda na ni Kuya ang niluluto nya: pinakuluang tamod. At iinject nya ito sa kepzz ni Ate Rocky.

Syempre struggle struggle si Ate Rocky. Wala ito sa plans nya tonight. This is not funny at all!

Buti na lang buhay pa si Alex! Binigwasan nya nang isang matindi si Kuya tapos pinosasan nila and stuff. Gusto na nilang lumabas doon sa bahay! Gusto na nilang umalis! Pero hindi sila pwede humingi ng tulong. Hindi sila makatawag sa pulis because duh.


SHOCKS "Gasp!"

Hala buhay pa si Kuya! Binaril nya si Alex. Si Ate Rocky naman, kinuha yung pera. Buti nakatakas si Ate Rocky at nakatakbo palabas, pero hinabol sya ng kinginang aso. I'm normally a dog person pero yung aso dito, mamamatay-tao.

So hinabol sya right? At this point yung mga tao sa sinehan sumuko na eh. Ako rin nawalan na ako ng pag-asa. Sige na Ate paubaya mo na. Pakamatay ka na lang. Pa-inseminate ka na. Nakakapagod na eh.

Na-trap ni Ate yung aso sa kotse, kaso nahuli naman siya ni Kuya at kinaladkad pabalik sa house. Hala inumaga na sila sa paghahabulan.


"You guys are ~so~ annoying."

At this point pagod na si Ate pero sure sya na pagod na rin si Kuya. Pinatunog nya yung house alarm  tapos hinampas nya si Kuya ng bakal so nadisorient si Kuya hanggang sa mahulog sya sa basement.

So nakatakas na sya. Kaso nahabol sya ni Kuya. Tapos binaril nya si Kuya. So nakatakas na sya. Kaso nahabol siya ni Kuya. Tapos hinampas nya tapos ayun. So nakatakas na sya. Eh kaso hinabol sya ni Kuya. Joke lang. But it does feel that way.

Noong totoong finally nakatakas na si Ate, syempre dala-dala nya ang pera. Yang perang yan kaya ang pinag-ugatan ng lahat ng ito. Ang ending, mayaman na si Ate at buhay pa si Kuya.

Don't Breathe. Don't torrent... dahil ilegal yun mga bes.

Ang mga larawan ay pawang Ginoogle lamang at hindi ko inaangkin. Aanhin ko naman?
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding