taxi story: pokpok

Isang gabi sumakay ako ng taxi. Medyo kakaiba itong experience ko na ito and medyo buwis buhay so listen up you're gonna shit. Umpisa pa lang ng byahe nakapansin na ako ng kakaiba kay Kuya, pero kadalasan naman ang mga kakaibang bagay, hindi na natin iniisip much. Pagtapos ng lahat ng kaganapan, kapag nireview mo na ang buong kwento, saka mo lang maiisip na Oo nga no? It all adds up.

Pagpara ko sa taxi at pag-upo:

"Kuya. Trinoma po."

"Saan yun?"

Hala si Kuya. Inisip ko na lang na baka hindi talaga siya masyadong nagagawi sa Quezon City kaya hindi nya alam kung nasaan ang Trinoma.

"Diretso lang po."

Kasalukuyang tumutugtog sa radyo ang awiting I'm Yours ni Jason Mraz na parang hindi naman nagustuhan ni Kuya (Sorry Mister A-Z) kaya nagsalang siya ng CD. Oo CD, uso pa rin yun ngayon. At ang tugtugang gusto ni Kuya ay...

Bakit ang sabi mo, binata ka?
Walang sabit at malaya pa?

Well anyway, who am I to judge ang mga ganitong music choices, ako na nagpapatugtog ng mga morally questionable songs tulad ng My Pussy Belongs To Daddy. Pero hindi pa naman ako humantong sa pagpapa-burn ng CD ng Bakit Ang Sabi Mo Binata Ka?

Alam nyo yung tinatawag na ice breaker? Opening statements para mawala ang awkwardness, to "break the ice" ganyan.

"Ang kukulit nung naisakay kong pokpok kanina" ang ice breaker ni Kuya. Hindi ko napigil ang tawa ko. Siguro kung nakapustiso ako, nahulog na. Nag-elaborate naman si Kuya.

"Sabi nila, sa *** (business name ng isang night club) lang sila, eh wala namang ganun sa Mindanao Ave, sa Quirino Highway meron nun!

Isip-isip ko, tado ka, kabisado mo ang beerhouse, hindi mo alam kung nasaan ang Trinoma! Pero tumatawa pa rin ako sa ice breaker nya, lalo pa at itinuloy nya ang kwento.

"Sabi ko nga, Ang gaganda nyo, papalapa lang kayo sa mga lasing doon? Oo Sir ang gaganda nung dalawa, ang babata pa siguro dise-siete lang."

Tahimik lang ako.

"Sinagot ba naman ako ng Magsalsal ka na lang para wala kang problema!"

Puta yung tawa ko wagas.

"Tanginang mga pokpok. Tangina talaga yang mga pokpok na yan. May pumara sa akin minsan, akala ko pasahero. Pagkaupo, ang sabi agad, Alam mo, hiwalay na ako sa asawa. Pwede mo gawin lahat ng gusto mo.

"Ano po ang sinagot nyo?"

"Baba!"

Kunwari nagkakamot ako ng tenga at pasimpleng tinignan ang itsura ni Kuya. Mukha syang komedyante. Patuloy pa rin si Kuya sa pagkwento nya sa mga naisakay nyang pokpok. Naisip ko, pokpok kaya talaga sila? O assumption nya lang? Minsan kasi mahirap masabi eh.

Aaminin ko (alam ko marami magagalit sa akin) minsan, napag-iisipan kong professional sex officer ang isang girl na nakakasabay ko sa jeep kapag 1) Luwa ang cleavage hanggang pusod 2) iba ang kulay ng mukha sa leeg 3) Iba ang kulay ng leeg sa dibdib 4) bumaba sa Makati Ave. Sorry na. I promise hindi ko na uulitin ang ganitong sexist na thinking.

But come to think of it, ano naman ang masama kung mapagkamalang pokpok? As far as I know isa itong marangal na hanapbuhay. But anyway, natigil saglit sa pagkwento si Kuya.

"Diretso ba tayo? Diyan yung Trinoma?"

"Opo, pagtawid nyo ng North Avenue Trinoma na yun."

"Panggabi ka?"

"Opo."

"Ano trabaho mo?"

Sasagot pa lang sana ako nang biglang hinulaan ni Kuya ang trabaho ko.

"Security guard?"

Puta laglag ang imaginary pustiso ko sa sahig. #Polident

Hindi naman ako physically fit para maging gwardiya. Pero madalas nga ako mapagkamalan for someone na hindi naman ako. Like nung minsang ang aga-aga ko sa Starbucks para magkape, kabubukas pa lang ng store. Paglapit ko sa cashier, sabi sa akin, "Applicant?"

Or yung one time nasa Penshoppe ako tapos may nag-aabot sa akin ng Tshirt at nagpapahanap ng medium. Madalas rin akong biktima ng assumptions.

Sasakyan ko sana yung hula ni Kuya just to see kung mapapaniwala ko sya na guard nga ako, kasi nakakaflatter naman, ngunit biglang--

"AY PUTANGINA KA TARANTADO KA GAGU KA!" sigaw ni Kuya sa isa pang taxi na biglang kumaliwa sa harap namin at muntik na talagang mabangga.

Pinulot ko ang nagkalat na imaginary pustiso ko sa sahig sa lakas ng preno ni Kuya.

"Malas talaga itong byahe ko ngayong araw na ito. Yan muntikan na mabangga. Pangalawa na yan. May nabundol na akong single kanina."

OK...

"Nahuli na nga ako dalawang beses kanina."

"Bakit ho?"

"Ewan ko, sobrang init, nawawala na ako sa katinuan."

Buti na lang Trinoma na. Binigay ko na yung bayad ko at hindi na hiningi ang sukli.

"Magingat po kayo Kuya."

Aabangan ko siya sa news.

8 comments. Post your comment here.:

Jenny said...
This comment has been removed by the author.
Jenny said...

Hahahaha. #polident bwiset ka Glenn. Hmmm di ba may height requirement sa mga security guard? So bat ka napagkamalan? hahahaha

Emie GC said...

Isoli mo ung polident ko. Family size un...naubos mo?

Babae Pala si Satanas said...

NABASAG ANG BUONG IMAGINARY PUSTISO KO SA PARTE NG

"SECURITY GUARD?"


Ang sakit magpigil ng tawa pero napa-literal na LOL ako huhuhu

AHMER said...

potakels ka glentot. haha

Mr. Tripster said...

Nice one! Hahaha!

momel8 said...

Haha hayup yan, sarap ng tawa ko rito sa post mo Andy

xinoko said...

good read :)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding