gustilo designs

Okay Kids ang daming nangyari sa akin lately, hindi ko alam kung ano uunahin, kaya ngayon lang ako nagkaroon ng moment magkwento. Mas madalas pa ko magbayad ng domain keysa magpost! Susubukan ko talaga magpost nang mas madalas. For now, meron akong balita.

So last December nagkaroon kami ng chance ni Mudrax na pag-usapan ang pangarap naming business: dress shop. Ilang taon na rin namin itong pinag-iisipan pero hindi matuloy-tuloy, hanggang sa isang araw parang nag-align lahat ng maswerteng bituin. Nakakita kami ng magandang location, nakapagplano ng target market, nakapaghanda ng konting capital.

So noong February 1, 2017, ganap na nagbukas ang aming munting dress shop:


Ansabe ng pink poster? Gawa ko yan. (Sideline: kung gusto mo magpagawa for your business, wedding, or personal kaartehan needs, contact me! Kailangan ko ng pera)

Mayroon na kaming dress shop noon pang bata ako. "Doris Dress Shop" nga yun eh. Kumusta mga ka-DDS? Pananahi talaga ang kabuhayan ni Mudrax ever since. Kaya bata pa ako, sanay na ako na napapaligiran ng retaso at sinulid. Ako pa ang nauutusang magdeliver ng mga pinatahi sa mga bahay nila. Going the extra mile ganyan.

Tapos si Khikhi at yung kapatid nya, laging tambay sa shop namin. Yung kapatid nyang si Bunie, Grade 2 pa lang nagpapatahi na kay Mudrax ng wedding gown. As in. Tuwing makikita nya si Mudrax, sisigaw agad sya ng "Mare!!! Yung wedding gown ko ha??? Promise????" at sasagot naman si Mudrax ng "Oo Mare pramis!" Hanggang nung mag-college si Bunie, kapag nagkakasalubong sila ni Mudrax sa Baguio, yan pa rin ang sinasabi nya.

Ngayon after more than 20 years nagbabalik ang dress shop ng kahapon. Sa unang buwan namin in business meron nang mga nagpatahi. Bawat dress or gown na mayari, isinusot namin sa mannequin, tapos kukunan ko ng picture, tapos aayusin ko sa Photoshop, tapos ipopost ko sa aming Facebook page na ako ang nag-mamanage, tapos ipopost ko pa sa Instagram na ako rin ang nag-aasikaso, at kapag may nag-inquire online, ako rin ang sasagot. Ang dami kong ginagawa, do I have to do all the work here???

Joke lang. Wala pa sa 1% ang mga ginagawa ko sa level ng trabahong ginagawa ni Mudrax. Umagang Kay Ganda pa lang, gising na sya at nagkakape. Maliligo na sya, at pagtapos nun, magmula sa Magandang Buhay hanggang sa Ang Probinsiyano, busy na sya sa dress shop.


You would think na nauubos ang oras nya sa pagtabas at pagtahi ng gown, sa pag-isip ng design, o sa solusyon kung paano pagkakasyahin ang tela sa XXXL na katawan. But no. Alam nyo kung ano ang tunay na nakakaubos ng oras nya?

*Knock*knock
Mudrax: Pasok po kayo Ma'am.
Ma'am: Nananahi po kayo?
Mudrax: *Excited* Opo, gown po ba? Dress? Costume?
Ma'am: Magpapaputol po sana ng shorts. Makukuha ba agad? Pwedeng hintayin? Magkano? P50? wala nang bawas?
Mudrax:
Me:
Shorts:

Sa point of view nating mga customers, paputol lang naman diba? Madali lang yun! But no. Una, hahanapan mo ng sinulid na match sa tela. Tapos ilo-load mo yung sinulid sa makina, hindi lang doon sa taas kundi pati sa ilalim, so itratransfer mo yung sinulid sa bobbin. Tapos gugupitin mo na yung tela, dapat pantay na pantay. Tapos tatahiin mo na, dapat diretso rin. Mahaba lang talaga ang pasensya ni Mudrax sa mga pa-repair kasi sila yung mga customers na sooner or later eh babalik para magpatahi talaga ng damit, at mag-iimbita pa ng iba.

Yung iba nga pasaway talaga eh. Kakatok tapos mag-iinquire... kung pwede silang makahingi ng perdible??? Or worse siguro yung isang kumatok at nanghingi ng sinulid... Sige na lang. Baka sa susunod, customers na rin sila.

Ang lakas pa naman ng hatak ng repeat customers at word of mouth doon sa aming neighborhood. Halimbawa yung isang Tyang nagpatahi ng bed sheet (na pinagawang shorts ang natirang tela), bumalik para magpagawa ng sofa cover (at shorts uli ang natirang tela, ewan ko ba, gusto ata nyang mag-camouflage sa paligid nya, gusto nya terno lahat). Maya-maya may dumarating na mga fellow-tyang ni Tyang at nag-iinquire na rin. Tingin ko gusto nila magpagawa ng matching outfits para sa kanilang daily chikahan get-together #squadgoals

Minarket ko na rin sa office namin ang aming business. As in nagdala ako ng mga tela at sinukatan ang mga nagpatahi. Eto ang mga pinagawa ng mga officemates ko. Hindi ko sure kung saan nila balak gamitin, basta gusto nila:




Pero ang pinakanakulit na customers? Mga bata. Kapag may nakita silang dress sa mannequin, hindi na sila mapipigil. Yung iba nagwawala.

In fact, tatlong bata na ang nagtantrum dahil sa Anna costume na ito:


Ang ipinagpapasalamat ko ngayon ay patuloy ang pagdating ng mga customers at mga nag-iinquire sa Facebook. Kahit nagtatanong lang at hindi pa nagpapatahi, malugod namin silang ina-accomodate. So far after 2 months masasabi kong maganda ang takbo ng shop and we're staying positive na sana maging successful ito.

Nakikita ko na sa mga susunod na buwan, magiging mas busy pa si Mudrax, lalo pa at may nakausap na syang magpapatahi ng isang buong wedding entourage. Guess who? Si Bunie, yung kapatid ni Khikhi. Ikakasal na siya next year, at tototohanin ni Mudrax ang pangako nya kay Bunie noong Grade 2 pa sya.

So eto Kids, for your dress and costume needs:

Contact us via:
Facebook Message: Gustilo Designs
Phone: +639568899382
Email: gustilodesigns@gmail.com

Or visit us at:
44 Champaca Street
Unit 8115 Spazio Bernardo Condominium

Sauyo Quezon City


6 comments. Post your comment here.:

AHMER said...

Wow friend. Nakakatuwa naman. Kanina naglalakad ako. Suot ko ung fave shirt ko. At gusto ko ganun ang cut. Naisip ko mag patahi ng 100 pcs ganyan. Wala lang. Miss you Glentot!

Emie GC said...

Ung pajama na patahi ko, ung matira pakigawang bed sheet ha. Gusto ko di nila ako makitang tulog.

khantotantra said...

congrats sa negosyo ni mudrax mo sir glentot.
sana magpatuloy ang ganda ng takbo ng negosyo at sana pati sa blog mo. :D
magiging mabenta mga childrens costume. Partneran na din ng elsa. :D

Overthinker Palaboy said...

Naghahanap ako ng magtatahi ng pajama ko. Sakto. Haha. Sana kaya. Haha!

citybuoy said...

OMG inaantay ko yung punchline kaso di dumating! Congrats kay Tita Doris!

k0tz said...

wow! galing naman pala ni mudra doris mo! God bless sa business nyo!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding