wonder woman

Hindi ako masyadong mahilig sa superhero movies (except X-Men, because X-Men). Nakatulugan ko sa sinehan sina Batman, Iron Man, Captain America, at yung pagsasanib-pwersa nila ng mga Avengers. Pati nga si Logan, nakatu-Logan ko rin. Hindi dahil sadyang komportable ako sa sinehan. Kapag lumipas na ang intrigue at puro na lang sabugan at hampasan ng mukha, nakakatulog na ako around 2/3 ng pelikula.

Iba itong Wonder Woman - nakatulog ako sa bandang 3/4.

Spoilers ahead. Nga pala HINDI ITO MOVIE REVIEW!

Namulat si Diana (played by Gal Gadot) sa kwento ng Nanay nya na siya ay hinugis lamang sa putik at binigyang buhay ng hininga ni Zeus. Nakatira sila sa isang lihim na isla na puro mga Amazona lamang ang nakatira - no boys allowed.

Pinili nilang manirahan sa islang ito dahil nag-away away ang mga Gods sa simula. Ngunit matapos ang ilang negosasyon, ito'y matapos na mag-disperse sila, pagkatapos nito, ah, hindi na sila nag-away, nag-away sila sa simula, pagkatapos nito'y nagkaroon na sila ng, ah, pag-aaway na sa simula (channeling my Michael Fajatin storytelling skills here).

Basta yan na yung back story. Sabi ng Nanay ni Diana, Hindi ka pwedeng mag-training as a fighter, I forbid it! Ang pagkaka-intindi yata ni Diana sa salitang "forbid" ay "encourage" dahil kung ano ang finorbid ng Nanay nya ay siya namang ginawa nya. Samakatwid, nagkaroon ng isang training montage to illustrate na nag-training siya sa simula, pagkatapos nito'y nagkaroon na sila ng, ah, pag-training na sa simula.

Gustong-gusto ni Diana na magtraining bilang mandirigmang Amazona dahil 1) Wala naman syang ibang career choice sa isla nila and 2) yung kwento ng Nanay nya about Ares, the God of War, na isang threat sa kanilang isla, ay tunay na inspiring. Ramdam ni Diana na dapat nyang puksain si Ares.

Sabi rin ng Nanay ni Diana huwag na huwag nyang gagalawin ang "God Killer", ang tanging espada na makakapuksa sa kaaway nilang God of War na si Ares. Hindi raw para sa kanya yun para pakialaman pa.

One day may nag-crash na eroplano mala-Lost (yung TV series) at niligtas ni Diana yung piloto. Matapos ang konting pag-aaway nga sa simula (SHET DI KO NA MAALIS SI MICHAEL FAJATIN) nalaman nila sa pilotong yun kung ano ang tunay na nagyayari sa outside world: the war. Not just a war, but the war to end all wars. Merong konting war nga sa simula.

Sure na sure si Diana, kagagawan ni Ares ang gyerang ito, at kailangan nyang sumama sa pilotong si Steve (played by Chris Hemsworth Evans Pratt Pine) pabalik sa outside world para tapusin ang gyera. Pero bago ang lahat, sinilipan muna ni Diana si Steve, bale first time nyang makakita ng etits.

Sabi ng Nanay ni Diana, "Nope not gonna happen I forbid it" so syempre alam na, yun mismo ang ginawa ni Diana. At yung kabilin-bilinan nyang "God Killer" na sword na huwag papakialaman? Yun lang ang binitbit ni Diana.

So what follows are "fish out of water" scenes kung saan nanibago si Diana sa mundo ng mga normal na tao at chinallenge nya ang existing norms and fashion choices and you get the drill. Before you know it, papunta na sila sa war!

May nadaanan silang mga war victims doon tapos may tinatawag na No Man's Land kasi walang makatawid doon sa area na yun dahil bantay sarado yun ng mga Germans, so kahit gustuhin nilang iligtas ang mga civilians doon, hindi nila magawa. Sabi ni Steve kay Diana, You can' go there, I forbid it.

"Watch me whip" sabi ni Wonder Woman sabay labas ng latigo.

So yun lakad sya sa putikan pero hindi sya napuputikan. Samantalang ang mga hamak na tagalupa sumakay lang sa MRT sandali, paglabas ng tren hulas hulas na. Si Wonder Woman, hindi pumapangit. Parang kahit subukan nyang pumangit hindi nya kaya.

Konting effort lang ubos na ni Wonder Woman yung mga kalaban. Dito yung part na medyo nilalabanan ko na ang antok. Syempre biglang magkakaroon ng party, at kahit inaasikaso nila yung gyera, kailangan pa rin nilang umattend. Dito nakilala ni Diana yung isang high ranking sundalo at malakas ang kutob nya na yun si Ares, God of War, who is trying to sow ill will and discord among people.

So may habulan bugbugan and female empowerment. Lilipad sa ere ang sipa ni Wonder Woman sabay zoom in sa eyes, tapos slow-mo, tapos may sasapakin sya tapos zoom-in sa lips, tapos hair flip. Tapos kapag patay na yung kalaban, strike a pose.

Then na-corner na ni Diana yung sundalo tapos sinaksak nya tapos strike a pose, tapos wala naman nangyari, may gyera pa rin at kasamaan sa mundo?

Ito yung huling naaalala ko. Nung nagising ako, patay na si Steve!

And then nalaman ni Diana na yung isa palang sundalo rin na tumutulong sa kanila, siya pala talaga si Ares, God of War. At yung "God Killer" na espadang pinagmamalaki ni Diana, dinurog lang ni Ares in seconds, diretso sa junkshop. It's obvious, ang God Killer ay si Diana, dahil anak sya ni Zeus!

"Wait so you mean yung sabi ng Nanay ko na nag-blow si Zeus sa putik at nabuhay ako, hindi totoo?"

"Nag-blow si Zeus pero hindi sa putik wink-wink."

Tapos ayun na labanan na sila ng liwanag. Eto yung part ng movie na mga energies in the form of light na lang ang naglalaban tapos may sasabog na something. In this case, ang nakapagpasabog kay Ares, God of War, ay ang April Boy Regino pose ni Wonder Woman.


Sana kanina mo pa yan ginawa!

So napatay na nya si Ares, tapos strike a pose, tapos wala naman nangyari, may gyera pa rin at kasamaan sa mundo? Pagkatapos nito'y nagkaroon na sila ng, ah, pag-aaway na sa simula. THE END.

Sabi nga ni Wonder Woman,

"It's not about deserve, it's something else but not deserve."



Wala lang. Bye.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding