kita kita

Napanood ko ang trailer months ago at kahit ayokong ngumiti hindi ko napigil. Arte lang. Hindi kasi talaga ako mahilig sa love story. I'd really rather watch serial killers skinning people alive than be confronted with my own emotions (sabe?) Pero dahil natuwa ako sa napakasimpleng trailer I said, It's a Yes from me.


Ang istorya ay tungkol kay Lea at Tonyo, na sumasalamin sa istorya ng napakaraming "mismatch" couples na nakikita natin sa Facebook. Alam mo yun? Yung mga mapapaisip ka, Wow love is blind talaga. Ang ganda ni Ate mukhang dyosa tapos si Kuya, mukhang mabait. True love bes. Walang halong pretensions. Walang alarm walang anything.

SPOILERS BEGIN HERE!

Tour guide si Lea sa Japan. Proposal na lang ang hinihintay niya sa boyfriend nyang Hapon nang makatanggap sya ng isang anonymous tip at natimbog nya ang Hapon na nakikipagtukaan sa iba. Sa sobrang stress nya, nabulag sya. I don't know if this really happens in real life, kaya iiwas na lang ako sa stress kasi greatest fear ko ang blindness, next to erectile dysfunction.

So nag-aadjust si Lea sa buhay bulag. And then Tonyo enters the picture. Bagong kapitbahay sya at madalas nyang pagmasdan si Lea na nakasimangot sa garden nya. Araw-araw nyang dinadalhan ng pagkain si Lea kahit sinusungitan siya. Hanggang sa nahulog na ang loob ni Lea sa kanya. Siguro it helps na bulag sya? Is this the point of the story?

So they got closer, pasyal-pasyal sila sa Japan (both of them jobless by the way so I'm not sure where the unlimited funds are coming from, ito ang concern ko talaga). Muling nahanap ni Lea ang saya niya, so nawala ang stress nya. As a result, bumalik ang paningin nya. Sakto naman right that very moment, the first thing she sees is Tonyo... na nasagasaan ng ten-wheeler truck or something.

OK so he died. Tragic diba.

And then here we go sa second half ng pelikula, ang point of view ni Tonyo. Tulad ni Lea, brokenhearted rin sya at ang lupasay moments nya ay humantong na sa homeless person levels. Personally, ikinakatakot ko itong mangyari sa akin. Paano kung di ko namamalayan palaboy na pala ako sa kalye dahil lang sa pag-ibig? Ang baho ko na nun, baka ang maging movie ko ay Amoy Kita.

Nakakatawa right... until it happens to you.

Matagal na palang inii-stalk ni Tonyo si Lea. Siya yung anonymous whistleblower sa extra-curricular actvities ng boyfriend ni Lea na Hapon. Siya yung nakasama ni Lea na naglasing in a banana costume (ang saging ay sumasagisag sa... saging I guess). At siya yung homeless person na binibigyan ni Lea palagi ng food. And all this exposition via a conveniently placed love letter.

Hala tulo ang luha ni Lea oh. Di ako naiyak I swear to God hindi talaga yuck ha. Sus. Wala, hindi talaga Bimb. Fuck you.

Ang ending, binalikan ni Lea lahat ng lugar na pinasyalan nila. Somehow hindi nya makita ang ganda nila, until she puts on a blindfold, at doon nya naramdaman ang presence ni Tonyo. Then we all realize, minsan nasa harap na natin hindi natin pinapansin. Kapag hindi natin nakikita, saka natin nararamdaman. Sabeee.

Liked:

All the subdued pastel colors - para kang nanonood ng isang mahabang Instagram video na may faded filter.

Lea's character - masusubaybayan mo kung paano siya na-develop kay Tonyo.

Alessandra de Rossi - she's infectious. Just when you thought nakita mo na lahat ng pwede nyang i-offer and she's a bit old for the role, here she is looking all cute. You just can't help but smile when she laughs (candidly I assume) sa mga ad-lib jokes ni Empoy

Empoy - surprisingly likeable. OK lang sa akin yung humor nya on TV, which he somehow brought to this movie at an acceptable level. You can almost always tell when he's ad-libbing. I think the strength of this acting is his gameness to play this "ugly guy" role. He really embraced it pero hindi naging degrading sa kanyang pagkatao. Nabanggit ko nga you can almost see in him yung mga guys sa Facebook na binabash dahil napakaganda ng kanilang GF - mga members ng www.gayuma.com

Simple Plot - nothing unncessary was added onto it. Not even yung sister ni Lea, na magpahanggang sa huli ay nanatiling boses lamang sa phone. Walang extra people and extra storylines. Next to Tonyo and Lea, ang major character na siguro eh yung bartender.

Satisfying ending - since inevitably tragic ang kanilang love story, at least nagkaroon si Lea ng quiet moments sa pagbabalik nya sa mga lugar na pinasyalan nila to reminisce, and we the audience are given some time to take it all in as well.

Didn't like:

Yung Count-to-ten! I agree na kapag galit ka, bumilang ka hanggang sampu bago magsalita para mapag-isipan mo ang mga sasabihin mo at hindi ka makasakit ng kapwa (I agree but I don't do it especially since ang goal ko ay masaktan si kapwa). Ngunit hindi ako agree dun sa actual na pagbibilang with meaning attributed sa bawat number, like "Anim - anim na beses kong pinigil ang ihi ko noong gabing yun dahil ayaw kong mawala ka sa paningin ko kahit sandali" something like that. It's too... I don't know... it's the stuff of high school love letters. I should know kasi nagawa ko rin yang kalandiang love letter na yan noon. Sampu - sampung beses akong nag-cringe.

Two Less Lonely People In The World - for a movie whose strength is its subtletly, biglang full blast ang awiting ito. Not for me I guess. Pero hindi naman nakasira. Nag-stick out lang.

Tonyo's character - although I'm not sure kung ilang percent si Tonyo and ilang percent si Empoy - it feels like they built the character just for him - nakakaaliw si Tonyo dahil sa pagka-Empoy nya. Puta, first time pa lang ipakita si Tonyo si screen, wala pang linya, lumingon pa lang, nagtawanan na ang mga tao eh.

My problem is, you'll have to think, patulan kaya ni Lea si Tonyo kung hindi sya nabulag? Did he take advantage of her blindness? Is this tantamount to emotional rape?

Things happen just like that - sa bilis at simple ng plot, may mga bagay na nangyayari na lang basta-basta, nothing is explained. Nabulag si Lea. Nasagasaan si Tonyo, (which by the way felt too contrived for me - iniwan nya si Lea - si Lea na bulag - mag-isa sa sidewalk, may binili sya sa kabilang side ng kalsada, tapos nung patawid na sya pabalik kay Lea, saka sya nasagasaan - sana hindi nya na iniwan si Lea para di na nya kailangang tumawid pabalik right?) But what do I know though. I'm just a viewer.

Honestly nagustuhan ko itong movie. LOVED. IT. BES. Huli kong naramdaman ang ganitong pagkagusto noong napanood ko yung movie na may Arrow with a vagina pierced through it or something. Mas gusto ko ito.

Thanks Kids bye see you next post ko next quarter.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding