ang pamilyang hindi lumuluha

Swear, nung una kong nabasa yung title akala ko Ang Pamilyang Hindi Lumuluwa. So swallowers sila ganyan. Lumuluha pala, my bad. Lahat kasi ng makita ko nagagawan ko ng kabastusan. Talent ko na sya. Tapos yung movie still na nakita ko, si Ate Shawie nagbabalat ng onions. So ang hula kong plot nito, walang tear ducts si Ate Shawie and magiging challenge sa kanya ang pag-acting dahil hindi sya pwedeng umiyak to convey emotion ganyan-ganyan. Mali ako uli.

OK seryoso na ako, this is my serious face.

SPOILERS

May empty nest syndrome si Cora (Sharon Cuneta) matapos magsilisan ang mga anak nya na may total of 60 seconds screentime combined, at yun eh matapos pa syang iwan ng asawa nya na may total of 2 seconds screen time. Mag-isa syang namumuhay sa isang bahay na depressing lagi ang atmosphere. Samahan pa ng flashbacks ng kanyang failed career. Sa kanyang pangungulila, naging kakampi nya ang alak. I think half of this film, lasing siya.

Hanggang sa dumating sa buhay nya si Bebang (Moi Bien), isang kasambahay na mas efficient sa pagbitaw ng punchlines keysa sa pagperform ng actual household chores. Sa katagalan naging karamay na rin ni Cora si Bebang sa kanyang pangungulila at naging kasama nya na rin sa inuman.

Naalala ni Cora ang isang kwento sa bayan nila tungkol sa isang pamilya na hindi lumuluha. Literal na hindi sila umiiyak kahit ilang sibuyas ang hiwain sa harap nila. May dalang milagro ang pamilyang ito sa kung sino man ang taong magpapatuloy sa kanilang tahanan. Sa kagustuhan ni Cora na magsibalik ang kanyang pamilya, naniwala sya sa milagrong ito. Sa tulong ni Bebang at ng tiyuhin nya (Nino Muhlach) hinanap nila at binuo ang pamilyang hindi lumuluha.

Right off the bat may napansin na si Cora na kakaiba sa pamilyang ito. Tigtatlong araw sila kung matulog. May mga ritwales silang parang dalawang kandila na lang ang kulang eh Satan party na. Tapos yung anak nilang si Kiko Matos, he seemed up to no good. And soon enough nalaman ni Cora ang lihim na itinatago ng pamilya.

Hindi ko na bubuuin ang kwento para panoorin nyo muna sa commercial run itong Cinemalaya entry na ito, pero magbibigay na ako ng feedback:

I LIKED
Yung supernatural elements! More folklore more fun. My only wish is sana nadagdagan pa ng ganitong dimension yung istorya, tutal doon na rin naman sya nagsimula, para naging mas magical and heartbreaking yung ending. The opening sequence set the tone, pero tingin ko medyo nasubdue sya dahil nanatili sa realistic plane ang kwento.

Yung deadpan ni Bebang! First time kong napanood si Moi Bien and nakakaaliw siya. Hindi naman yata siya umaacting, pakiramdam ko ganun talaga siya, kasi ganun rin sya magsalita nung inintroduce sila ng cast at director sa na-attendan kong block screening. Perfect sa kanya yung role kasi sakto yung delivery nya ng mga linyang sinulat para sa character nya.

Yung maldtia side ni Ate Shawie, na hindi ko madalas mapanood. Yung pagka-campy baliw-baliwan nya. May scene na naulinigan niya si Bebang na nagsusumbong sa nanay nya tungkol sa amo nya, pero imbes na magalit, sumenyas lang sya ng gunshot. Shoutout ba to sa bashers? LOL. Sana, minaximum nila yung kabaliwan, tutal nandun na rin naman siya. Yung no explanations, baliw lang talaga. Riot yun. For some reason, yung character ni Cora made me think of Meryl Streep sa Death Becomes Her or Eugene Domingo sa Zombadings.

Yung tanong na naiwan sa isip ko: may lugar ba ang mga alamat, kwentong bayan, myth, sabi-sabi, etc sa modern times? Sa panahon ngayon, mali ba ang sumugal sa superstition? I need answers kasi I'm about to check with an albularyo soon, pakiramdam ko may nagpapakulam sa akin kaya ako nagka-pimples (no joke, post soon).

I DIDN'T LIKE
Nakakabitin. Pakiramdam ko, may mga tinanggal na parte ng kwento kaya bigla itong natapos. Siguro mas naging kumpleto sya kung naextend pa ng konti yung ending.

Sudden shift ng emosyon. Kung tama ang suspetsa ko na may mga nawawalang parte ng kwento, ito ang magpapaliwanag kung bakit biglang bumaligtad ang mundo ni Cora sa final revelation.

Swift resolution. Sa huling eksena nasolusyunan lahat ng problema ni Cora. Hindi ko tuloy sigurado kung gawa ba ito ng milagro or hindi naman nya talaga ito problema in the first place. I think it might also work kung hindi sya happy ending. I think fans are ready for sad endings.

Siguro naging mas makulay ang kwento kung nagkaroon ng journey sina Cora at Bebang para hanapin ang pamilyang hindi lumuluha imbes na ipahanap kay Nino Muhlach. Or what if baligtad ang characters nila, si Bebang ang amo at si Cora ang kasambahay? Pwede diba?

To sum it all up, maganda at masaya ang pelikula ngunit hindi perpekto. Maraming posibilidad na hindi na naisakatuparan. Siguro kung naging mas tight ang kwento, mas mairerekomenda ko ito hindi lang sa lahat fans ni Sharon Cuneta kundi para sa masa.

0 comments. Post your comment here.:

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding