patay na si hesus

Patay na si Hesus guysttt. Balita ko binash ang movie title sa Facebook sa basis ng... title lang. Blasphemous daw! Sinumbong pa nga kay Digong. Nung una kong nakita ang poster I was like OK here's a Filipino comedy movie that deals with senakulo and stuff which will push the boundaries and will shake the very foundations of Christianity. Buti na lang I used my God-given right to THINK AGAIN and naisip ko Ah baka ibang Hesus to, because as we all know Jesus is a pretty common name, in fact it's the 347th most popular boy name in the US. (I Googled)

Sa office nga namin merong Jesus eh but he spells it as Jess because he's gay (according to him).

SPOILERSTTT mga besssttt.

If I see Jaclyn Jose in another impoverished/drug related role I'm gonna shit, buti na lang ang role nya dito ay isang normal nanay na hiwalay na sa asawa nyang si Hesus, whose role is to be dead. When Jaclyn learns that her estranged husband suddenly died, she had to break the news to their three children and haul their asses from Dumaguete to Cebu (or Cebu to Dumaguete ba yun?) to attend the libing.

Nagdadalawang-isip ang tatlo niyang anak kung dadalo ba sila sa grand finale ng lamay kasi wala naman silang nararamdamang grief para sa yumaong ama, na ang tanging contribution lamang sa kanilang buhay ay sperm. Ang hindi nila alam, ang road trip na ito ay hindi talaga para sa kanilang ama kundi para marediscover nila ang kanilang pamilyang nagsisimula nang magwatak-watak.

Hindi ako magkukwento dahil simple lang naman ang plot: road trip, may challenges, dumating sila sa lamay, umuwi. Ang tunay na strength ng pelikulang ito ay nasa little moments. Yes nakakatawa, lalo na ang mga puki jokes. HELLO THAT IS MY TURF. Nakakatawa ang characters, lalo na yung tiyahin nilang madreng baliw (that holy water scene is the best!). Nais ko lamang idagdag na yung madreng baliw ay nasa pelikulang Zombadings rin bilang baliw na policewoman (sobrang tawang-tawa ako sa kanya dun lalo sa scene na "Shi Mang Berting, pupunta ba sha sa hell?").

Kung weak man ang plot (by the way bakit tayo maghahangad ng komplikadong plot, title nga ang simple at straightforward lang eh like patay na si Hesus say what now) at ang strength ay nasa characters and dialogue, ang tunay na takeaway sa pelikula, para sa akin, ay forgiveness. Sabi? May ganun akong thoughts?

Sa daan nila naencounter ang kanya-kanyang challenges, heartbreak at revelations, but all of it leads to one thing: forgiveness. Bawat character ay sinubok, at bawat isa ay nagpatawad. Hala? Did I just say that? May sanib ba ako?

Also, is there anything Jaclyn Jose can't do? Deliver kung deliver mapa-comedy, light drama, heavy drama, bold (I think nag-bold siya nung 80s o guni-guni ko lang yun?)

Inererekomenda ko ang pelikula na ito na panoorin kapag may patay, during lamay. Para masaya guysssttt!

OK yun lang masasabi ko sa Patay na si Hesussstttt.

Bye?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding