third world problems

So sa office, pagpatak ng 6AM kamay sa dibdib na agad at unahan sa elevator diretso sa exit para abangan yung isang ka-carpool namin pauwi. But there are days na naka-VL yung car owner (si Russell, 6-ft in height, long-hair hanggang beywang), at nade-Depress talaga kami kasi ang hirap kumuha ng taxi from Makati going to Visayas Ave tapos may dalawang stops on the way. Grab and Uber are both overpriced kapag ganitong oras, so minabuti naming mag-taxi upang hindi na namin danasin ang hirap ng ating mga kababayang nagtitiis sa MRT sa umaga.

Kaso madalas, tumatanggi ang mga taxi drivers, o kaya nanghihingi ng dagdag, o kaya papayag siya pero may passive-aggressive shit lines like "Tsk tsk tsk ang daming bababa ~BUNTONG-HININGA~." HMPFT. So it's not a good day kapag wala kaming carpool, Depressed™kaming tunay.

One hot morning, it's another NOT GOOD DAY. Naka-vacation leave uli si Russell so we're anticipating choosy/moody/irate drivers. We're wrong! Yung unang napara namin at nasakyan, pumayag agad. At hindi lang yun, very accomodating pa siya like "Sir ituro nyo na lang po kung saan bababa yung iba". Sana maraming katulad niya.

The next day was another Depressing™ day. Sana maubusan na ng VL si carpool officemate Russell. We expected the worst uli but no. Masayahin yung nasakyan namin. Walang asim, walang Bitterness®, walang alarm walang anything. Puro sweetness lang. More music trip lang siya. Hindi ko lang masyado magustuhan yung music nya like yung original version ng Papa Cologne (pero parang French or Spanish or whatever) at saka yung kantang Run Samson Run Delilah is Coming to Town whatever. Sige na lang, at least hindi kami sinungitan on this hot morning.

In conclusion, in light of recent events like Taxis vs Grab and Uber issue and yung mga taxi drivers gone wild caught on cam, I think it had a good effect in general because they started behaving as in "all eyes on me" behave, which can only mean good for the riding public.

The next day, naka-VL pa rin si carpool officemate but we have a good feeling sa mga taxi. Ang kasama ko ay sina Raymund (edad 30 pataas, athletic build, laging naka-tuck in) at si Mary Carol (edad 44; overweight; ang nickname nya ay Tirrah Curls). Haixt. Alam mo yung hihinto sa harap mo tapos bubuksan ang bintana, tapos kapag sinabi namin "Visayas Ave" eh biglang magmememake-face like similar to constipation, or ngingiwi na para bang diring-diri sa sinabi namin, or biglang roll-eyes sabay alis.Yung first two taxis na pinara namin they chose to be choosy... so nung may huminto at pumayag, sumakay na kami agad.

WHAT.
THE.
FUCK!!!

Hindi pa sumasayad ang pwet ko sa seat, I immediately knew we made a big mistake. Nagkatinginan kami ni Mary Carol at sa pamamagitan ng aking mga mata nai-communicate ko sa kanya na WE MADE A ~BIG~ MISTAKE: ang baho ng taxi.

Pagkaupo ni Raymund sa harap, ang una nyang sinabi ay "Tirrah Curls meron ka bang alcohol" which means he can smell what we can smell. Hindi namin ito guni-guni.

Just to give you an idea kung ano ang amoy: it smells like dead fish na naresurrect after three days ngunit namatay muli. Amoy natuyong dugo at laway at mucus and other bodily fluids. Amoy lower echelon. Amoy gates of hell.

Actually I asked my friend Dante Alighieri because nakapunta na sya sa hell and diniscribe ko sa kanya yung amoy ng taxi and he was like You know what though, mas mabango pa sa dun inferno so fuck that.

Hindi na kami makababa kasi nakakahiya na kay Manong driver. Tahimik lang si Manong. Hindi nya kami tinanong kung "OK ba kayo guyze? Everything alright? Nakakahinga ba kayo nang mabuti?"

Inisprayhan ko agad ng Nenuco Baby Cologne yung bag ko sabay niyakap ko siya nang mahigpit para yun lang ang maamoy ko pero wala, hindi mapakiusapan yung amoy. Si Mary Carol sumasakit na ang ulo. Si Raymund kumakanta, ng Papa Cologne para siguro mabaling sa iba ang atensyon niya.

Nagkatinginan kami ni Mary Carol at nangusap ang mga mata. No words.

Saan galing ang amoy?
I don't know. Check mo nga kung may bangkay sa sahig.
Anong gagawin natin?
Sabihin mo kay Manong.
Ayoko!

"Sana makatulog ako at paggising ko, Quezon City na" sabi ko out loud. Hindi ko masabi kay Manong na parusa ang bawat paghinga, masakit talaga sa ilong, gumuguhit. Kapag sa bibig naman ako huminga, parang nalalasahan ko siya? WTF nasa Paseo de Roxas pa lang kami!

~Ubo~Ubo~ si Mary Carol, nakalawit na yung dila nya tapos lumuluha na siya. Pakiramdam ko susuka sya any moment eh.

"Tirrah Curls, paki-sprayhan mo nga ng cologne ito" sabi ni Raymund sabay abot ng panyo niya. Hindi na rin nya kinakaya ang mga kaganapan.

Walang tinag si Manong.

Madalian kong in-analyze ang sitwasyon ni Manong Driver. Hindi nya alintana ang amoy. Parang wala lang. Hindi nya alintana ang pagdurusa namin. Hindi nya alintana ang traffic. Hindi nya alintana ang lahat! Samakatwid animo'y kebs sya sa buhay in general.

Naisip ko tuloy, hindi bago ang amoy na ito kay Manong. Nasanay na siya, kaya malamang noon pa ito, baka since 2006. And what's sad is... baka sanay na siya sa ganung amoy hanggang pag-uwi sa bahay... baka it's not any better. Nakakalungkot ito. Let's not judge.

For his own benefit at sa mga susunod pang pasahero, gusto kong kausapin si Manong nang masinsinan, "Kyah, may dapat kang malaman. May nag-iwan ng hindi magandang amoy sa iyong taxi at hindi ito kaaya-aya sa mga pasahero. Baka ito ay makaapekto sa iyong paghahanapbuhay. Pag-isipan mo ito." Ngunit minabuti kong tumahimik na lamang dahil tuwing ibubuka ko ang bibig ko, pumapasok agad ang amoy at para akong kinukuryente sa ulo.

Pero sa kabilang banda, hindi ko na matiis. Kailangan kong makaisip ng solusyon agad-agad. Para hindi naman mapahiya si Manong driver may naisip akong paraan. "Naku Raymund parang nilalagnat si Mary Carol. Tingin ko aabsent ito mamaya."

~Ubo-Ubo~ pa rin si Mary Carol pero sumisenyas sa akin ng GAGO KA.

"Huwag kang aabsent Tirrah Curls masisira ang attendance record natin." Nalimutan ko palang banggitin, team lead ni Mary Carol si Raymund.

Nilagay ko ang palad ko sa malapad na noo ni Mary Carol at sabing "Hala mainit ka na nilalagnat ka na nga. Raymund, giniginaw na si Mary Carol, pwede ba pakipatay ang aircon?"

"Kyah, patayin natin aircon ha?" sabi ni Raymund. Tulo pa rin ang luha ni Mary Carol.

Finally: "Raymund, mainit pala kapag walang aircon, what if... BUKSAN NA LANG NATIN ANG BINTANA!!!1"

"Kyah, buksan natin ang bintana huh" sabi ni Raymund. As expected kebs lang si Kuya kaya unahan kaming tatlo sa pag-roll ng windows para papasukin ang smoky, polluted, Pasig River scented Guadalupe morning air. It felt like heaven, naappreciate ko talaga. Nilanghap namin lahat ng polusyon hanggang makababa.

In conclusion, ubos na ang VL ni Russell. The End.

Bye.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding