tatlong taong walang diyos


Okay so recently may napanood ako sa Netflix, isang brutal na pelikulang pinamagatang Revenge. Tungkol ito sa babaeng ginahasa and tinangkang patayin, ngunit hindi sya mamatay-matay at naghiganti sya nang wagas. Sobrang daming harsh scenes that made me squirm (arte lang) like may natusok ng kahoy sa tiyan, may nakatapak ng bubog, may lumabas na bituka ganyan ETC so after mapanood ito naghanap ako ng feel good romantic comedy chick flick ganyan.


Sakto naman ito ang palabas sa TV. So nanood ako. Wala akong idea eh. Tatlong taong walang diyos? Hmmm incheesting... Sounds fun? I don't know. Naka-pigtails si Nora Aunor. Exciting.


PUTA WALA PANG 30 MINUTES NIRERAPE NA SI NORA AUNOR.

So ang mga kaganapang ito ay noong 1940s noong sepia colored pa ang mundo. Ang indication na lumang pelikula talaga ito: may buhok pa si Bembol Roco. Ang karakter nya ay si Crispin na isang gerilya(?) at aalis siya para lumaban sa gyera so nagpapaalam na sya sa kanyang kasintahang nakapigtails, si Rosario.

The next day habang nakadungaw si Rosario sa bintana dumaan yung friend nyang extra tapos sabi ni Friend "Huy Rosario umalis ka na diyan, balita ko ginagahasa ng mga Hapon ang mga kababaihan, lalo na ang magaganda!"

"So wala kang dapat ikatakot!" sabi ni Rosario, throwing some serious shade. Joke lang. Pero sabi nya "Hindi yan!" at hindi sya nagpatinag sa pagdungaw nya sa bintana during wartime.

Kinagabihan dumating si Christopher de Leon. Ang karakter nya ay half-Japanese na ang pangalan ay Masoogie (spelling?) kasama ang bestfriend (wink*wink) nyang si Dr Francis na kasama nya hanggang sa pag-ihi. Kumatok sila sa bahay ni Rosario at naghanap ng inumin. Inalok naman ng Tatay ni Rosario ang kanilang lambanog. Maya-maya nalasing na si Masoogie.

"Ubusin nyo na yan at umalis na kayo!" sabi ni Rosario. Hala si Masoogie lasing na lasing. Unang kita pa lang nya sa pigtails ni Rosario tinamaan kaagad sya. Gandang ganda. Takam na takam.

Hinabol nya, dinakma, dinala sa bodega at ginahasa si Rosario.

Tapos matapos nyang gahasain saka nagtanong si Masoogie "Anong pangalan mo?" what an asshole.

By the way, here are some screenshots. LITERAL na screenshots, pinipicturan ko ang TV. I hope I don't get in trouble for this LOLX SOWEE.



Syempre nagpupuyos sa galit si Rosario. VIRGIN KAYA SYA! ALAM MO BA KUNG GAANO KAHIRAP IMAINTAIN YUN??? Tapos ganun ganun lang. Nirereserve nya kaya to kay Crispin. Kaya tuwing babalik si Massogie sa bahay nila para mag-sorry (as in "SORRY LASING AKO NUN TSAKA ANG GANDA GANDA MO EH" like a proper rapist) eh binabato ni Rosario lahat ng object na maabot nya. Kulang na lang pati yung Nanay nyang konsintidora naibato nya na rin.

Masoogie: "Patawarin mo ako!"
Rosario: "Putangina mowaahhh!" -- Syempre lip reading lang, ni-mute ng ABS CBN yung words, but for clarity, ako na lang ang nag-assume ng mga sinabi nya from here on to properly tell this story.

Dumating si Masoogie may dalang bigas.
Rosario: "Kiking-ina moooohh gaguuuuuu" -- *sabay hagis ng bigas*

Yung Nanay ni Rosario, puta pinulot yung mga butil ng bigas. Taggutom kasi that time.

Eto pala si Mosoogie pag naka-uniform parang senior high school lang tapos parang tatay nya si Bembol.



Naglalaba si Rosario sa ilog tapos dumating si Masoogie.
Rosario: Hoooyyyy fuuuckkk youuuuu ka *sabay hagis ng labada eh di madumi na ulit?*

Masoogie: *niyakap si Rosario*
Rosario: "Bitiwan mowaahh akowaaahh! Nasasaktan akowwahhh!"
Masoogie: "Bakit ba???"
Rosario: "Buntis ako!"

Awww. Yun lang.

Yung Nanay ni Rosario nakakita ng opportunity: "Kalimutan mo na si Crispin patay na yun! Bakit ba galit na galit ka kay Masoogie! Eto nga ang dami nyang regalo sa atin."

Rosario: "Ayoko ng mga regalo nya."
Nanay: "Pero kinakain mo!" Hinard sya ng Nanay nya.

Kaaway ang mga Hapon. Pinapatay nila ang mga Pilipino. So kung tatanggapin ni Rosario si Masoogie, magagalit ang buong barangay.

Taong-bayan: "HOOOY TRAYDOOOR KA ASAWA NG HAPONNNN"
Nanay: "Deadma na."

Mapilit si Masoogie ah. Lakas ng tama nya kay Rosario. Wala na yung hangover ng lambanog pero gustong gusto nya talaga si Rosario.

"Bakit ba mahal mo ako?" tanong ni Rosario.
"Hindi ko alam, basta ang alam ko mahal kita!"

WOOOW sweet imagine your rapist telling you that.

Niyakap ni Masoogie si Rosario.
"Bitiwan mo aqquuuhhh!"

Masoogie walks away tapos bago lumabas sa pinto sabi nya "Mahal kita..." sabay alis.
*crickets*
*crickets*
after 3 minutes
"SINUNGALING!!! SINUNGALING KA!" Ang tagal nagsink in kay Rosario.



So nanganak si Rosario and one time gusto nya na itapon sa bangin yung baby pero nagbago ang isip nya tapos nagsimula na syang maniwala na mahal talaga siya ni Masoogie.



Tapos medyo na-enjoy nya pa yung perks of having a Japanese husband kasi nung pinatay ng mga Hapon lahat ng matatandang kalalakihan sa baryo nila except yung tatay ni Rosario kasi nga kakampi sila so that's nice I guess.

Hala one day guess who walked in.



Crispin. Buhay pa sya. Ang iniwan nyang girlfriend, ngayon ay asawa na ng Hapon at may anak na. Ang lungkot lungkot nya.

PASOK MOIRA! *Malaya ka na...*


"Mahal mo ba xa?"

Pinigtas ni Crispin ang rosary. Eh diba Rosario ang name nya! HALA FORESHADOWING?

Kinasal sina Masoogie at Rosario. Nag-honeymoon sila. Tapos one day just for fun pinatay ng mga taong bayan ang mga magulang ni Rosario kasi nga traydor daw sila. Nanaig ang poot sa puso ni Rosario kaya naman...


"Tatlong taong walang diyos mga ulul!" 

Meanwhile may gyera pa rin.




Gyera time, gyera things etc.

So hinabol sila ng mga sundalo tapos...



Let's talk about Francis. Si Francis na bestfriend ni Masoogie. Sa pagtakas nila nabaril si Francis.

And then in the next scene nagtatago sa kubo si Rosario at nagluto sya ng nilagang buto-buto...



WTF INULAM NYO SI FRANCIS!

Hala natunton sila ng mga taong bayan. Hilarity ensues.



Pinatay ng mga taongbayan si Masoogie. Tumakas uli si Rosario at humingi ng tulong kay Father.

"Father natatakot po ako."
"Bakit hindi mo subukang magdasal?"
"Kasi diba nga tatlong taong walang diyos? Pero sige itry ko po yan."


So pumunta si Rosario sa simbahan para magdasal...


...kung saan sya kinuyog ng mga taongbayan.



"Pahamak ka Father!!!"

Ang dami nila tapos mag-isa lang si Rosario. By the way...

Anong sinabi ng mother!

Anong sinabi ni Malena...


Si Rosario ang nauna. #trendsetter

Binigyan ng taongbayan si Rosario ng nanay haircut. Mabuti naman gupit lang. Akala ko sya na isusunod ng mga mamamatay-tao nyang ka-barangay.

Then some thing incheesting happend. So may commercials right?



TAPOS BIGLANG...


WAIT WAIT HOLD UP WTF ANYARE?

Marumi at patay na si Rosario WHAT HAPPENED I feel like I missed something here.

To end, may tanong si Crispin kay Father.


"Bakit ganito Father? Tatlong taon. Walang Diyos."


"Hindi Crixpn ang Diyos ay hindi nawala masdan mo ang bulag masdan mo ang pilay araw-araw silang nandito at sila ay nagdarasal at masdan mo kayong tatlo nina Rosario at Masoogie dahil sa tatlong taon ang pagmamahal ninyo ay hindi nawala sa inyong puso at ito ang nagbibigay sa atin ng lakas upang tayo ay mabuhay..."


"Ah."

THE END.

Ang Tatlong Taong Walang Diyos ay isang chick flick in the-more-you-hate-the-more-you-love kind of way, na sinahugan ng gyera, rape, at patayan. At cannibalism.

Seriously though this is a true Filipino cinematic classic SABEEE BIGLANG BUMAWI.


"UTUSAN WTF Hindi nyo man lang ako nabigyan ng pangalan?!?!" -- Estrella

4 comments. Post your comment here.:

YOW said...

HAHAHAHAHAHA. Tawang tawa pa rin ako sa pagsusulat mo Idol!! Parang panghorror yung pigtail ni Ate Rosario mo.

Magbaback read ako, ignore mo na lang mga random comments sa posts lol

Edgar Portalan said...

Ang guwapo pala ni Bembol kapag may buhok . At saka can it be na ang title ng pelikula ay tungkol sa tatlong tao na walang Diyos ? he he he

Diane Writes said...

Ang napansin ko lang sa old Pinoy movies, laging complicated at mabigat ang story line (literally and figuratively haha). Laging may plot twist, ang hirap i-predict ng ending.

Next time, pwede mag-request, pa -review naman ng isang MMK episode? hahahaha Yung mga reflection cheverlooo ni Charo Santos, totoo yung sabi mo eh.. lakas maka hugot minsan

khantotantra said...

clap clap clap.

interesting ang film!

at sobrang astig ka talagang mag movie post! Walang panama ang mga movie critics.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding