inagaw mo ang lahat sa akin

Hey Kids! I'm back. Tell a friend... So today it's movie time and we're discussing an important classic na (baka/sana) hindi nyo pa napanood. Ito ay ginawa ni Carlos Siguion-Reyna at pinagbibidahan ni Maricel Soriano, Snooky Serna, Tirso Cruz III, at Eric Quizon, etc. Ang pamagat ay very subtle, it leaves room for interpretation, sobra as in mapapaisip ka feel good movie ba to???

๐ŸŽ€  ๐ผ๐’ฉ๐’œ๐’ข๐’œ๐’ฒ ๐‘€❤ ๐’œ๐’ฉ๐’ข ๐ฟ๐’œ๐ป๐’œ๐’ฏ ๐’ฎ๐’œ ๐’œ๐’ฆ๐ผ๐’ฉ  ๐ŸŽ€

Before we start better sit down and have a glass of water ready dahil magpapalpitate kayo sa mga tema, lengguwahe, karahasan at kalaswaan. OK let's go.

The first thing we see ay si Padre, out of the blue, na pinupuri si Aling Almeda (Armida Siguion-Reyna) like "Dapat nyo syang tularan, tunay na anak ng Diyos and ilaw ng tahanan and all that" ganyan-ganyan. Excuse me Father, kung totoo yang sinasabi nyo, I would think si Nida Blanca or Gloria Romero ang gumanap, but no. This is fucking Armida Siguion Reyna we're talking about, you know what I mean?

"Itay? Itay ayoko po. Itay maawa kayo sa akin. Itay ayoko na..."

Sabay nagising si Jacinta (Maricel Soriano) sa malaswa nyang panaginip. Hala dream sequence pala yun to set the tone...

To cope with it, nagtalik sila ng kanyang asawang si Peping (Tirso Cruz III) kahit hindi pa sila nagtoothbrush.

From 0 to 100 real quick, and time check, it's only been 6 minutes.

Tension is mounting dahil sa nalalapit na pagbabalik ng nakababatang kapatid ni Jacinta na si Clarita (Snooky Serna) mula sa Maynila. Ano ang dahilan ng kanyang pagbabalik? May binabalak ba syang masama? May balak ba syang... agawin?

Peping: PAG-IINTERESAN NYA LANG LAHAT NG INIWAN SA INYO NG INYONG AMA! LIKE YUNG LUPA GANYAN!
Jacinta: Hindi naman siguro, kasi maganda na ang buhay nya.
Peping: SAKIM SYA! BAKA PATI YANG DAMIT MO AGAWIN NYA! PAALISIN MO NA LANG SYA!
Jacinta: Eh may karapatan rin sya sa bahay na ito eh!
Me: Guys, almusal pa lang ang intense nyo na. Paabutin nyo naman yan ng lunch.

Nag-uulyanin na si Aling Almeda kaya inaalagaan na sya ni Jacinta bilang isa syang ulirang anak. Meanwhile here are some village chismosas trying to give some exposition:

Itsura pa lang alam mo nang chismis ang inaalmusal right?

Chismosa 1: Napakabait na anak ni Jacinta, ang swerte ng Nanay nya.
Chismosa 2: No sis, maswerte si Peping at sya ang napangasawa nya, hindi si Clarita.
Chismosa 3: True, cyst. Namatay na nga yung tatay nya, ni hindi man lang bumalik.
Me: Thanks guys, ang daming nareveal na plot points sa seemingly mindless chatter nyo this fine morning.

What we know so far, ex ni Peping si Clarita pero hindi sila nagkatuluyan dahil umalis si Clarita nang walang paliwanag just "Later hoes!" and went away. So si Jacinta ang napangasawa ni Peping.

Sa bukid...

Peping: *Gets angry again at Jacinta for no reason*
Jacinta: Maganda ang ani. Sigurado maganda ang bigas. At ikaw ang pinakamagaling magsaka dito.
Me: Aw yeah. Kanina lang inaararo ka nya di ba.

Syempre may input na naman yung mga chismosa.


Chismosa 1: Terible talaga yang si Jacinta, martir na martir!
Chismosa 2: Korek mamshie. Halos sambahin nya na ang asawa nya.
Me: Di kayo titigil?

Chismosa 1: Totoo bang darating si Clarita?
Jacinta: Oo. Maganda na ang buhay nya. Nakarating na kung saan-saang sulok ng mundo.
Chismora 2: Eh di ba ikaw ang nagpaaral dun? Kung hindi mo sya tinustusan hindi sya makakatapos.

OK we get the picture. Clarita is a fucking bitch.

Clarita snookies into the scene.

Yeah.

Pagdating pa lang, intense na rin agad si Clarita at ang asawa nyang mayaman, si Joey (Eric Quizon).

Clarita: *breathes*
Joey: I don't understand you why are you always like this maliit na bagay pinaalaki mo langgam ginagawa mong ipis yung ipis ginagawa mong ibon ewan ko ba sayo ano bang problema mo ha ano bang nangyayari sayo hindi na nakakatuwa yang ginagawa mo alam mo nagbabalak pa lang tayong pumunta dito weird ka na ngayong nandito na tayo ayan ka na naman alam mo napipikon na ako Clarita naiinis na ako malapit na akong maubusan ng pasensya.

Wow. Looks like there's a bigger bitch than Clarita.

So after 10 years na hindi umuwi si Clarita a lot has changed. Patay na ang kanilang Itay. Hindi na sya makilala much ng kanilang Inay. And yung kapatid nya, asawa na ng ex nya. Ang saya nito.

On the surface okay naman si Jacinta at Clarita but you can tell there's something underneath na iniiwasan nilang pag-usapan... there's a hint of malice... a coldness...

Jacinta: Ilang taon mong boss si Joey?
Clarita: Asawa ko sya.
Jacinta: Hindi ba ganun yun. Kapag napangasawa mo na, boss mo na. Si Peping kulang na lang, subuan ko.
Clarita: Sabagay, bata pa lang tayo, mapagsilbi ka na.

Kung subtle si Jacinta, Peping is like...

Peping: *walks in angrily for no reason*
Clarita: Peping, ito pala pasalubong ko sayo.
Peping: NAKUKUHA PA NG TAWAS ANG AMOY KO HINDI KO KAILANGAN NG PABANGO!
Jacinta: Clarita pasensya ka na sa bayaw mo.
Peping: HOY JACINTA HUWAG MO AKONG IPAGHIHINGI NG PAUMANHIN KAHIT KANINO!
Me: Peping, fucking take it down a bit. Bakit ba lagi kang #attacked?

Peping is the ultimate DONTME na feeling laging inaapi kahit hindi naman, so he's always on the offensive. Si Clarita yung typical may tinatago kaya erratic ang behavior. Si Joey yung clueless conyo who doesn't know what he got himself into.

And Jacinta, she's... weird.

Jacinta whistles while plucking malunggay leaves.

Jacinta ikaw ang bida but you're creeping me out.

Ayan dinnertime na underneath a single light bulb na somehow nailawan ang buong dining room:


Jacinta: Nay kain ka na po.
Aling Almeda: Baka mabusog ako, walang kasabay kumain ang Itay nyo.
Jacinta: Baka kumain na ho yon sa kaibigan nya.
Aling Almeda: Wala syang kaibigan. Hindi sya umaalis ng bahay.
Clarita: Talaga! Ikaw lang naman ang alis nang alis!
Me: Wwwwwaaait Hold up... where is this coming from?
Joey: Bakit hindi natin dalhin ang Inay sa Maynila?
Peping: BAKIT PA?
Joey: Well,--
Peping: DITO SA AMIN, ANG WELL, BALON! HINDI GAMOT ANG KAILANGAN NG INAY, KUNDI PAGMAMAHAL. NAIBIGAY NA YUN NI JACINTA. SI CLARITA NA LANG ANG KULANG!
Me: Kumakain pa yung Nanay nyo respeto naman guys.
Clarita: Hindi na kami magtatagal.
Peping: GANYAN KA NAMAN EH. PALIBHASA MAY NUNAL SA TALAMPAKAN.
Joey: Nunal?
Peping: HINDI MO ALAM MGA NUNAL NG ASAWA MO? TALO PA PALA KITA EH.
Me: Wow what the fuck that escalated quickly.

Pansin ko lang ha, lahat ng usapan, nagsisimula sa inosenteng bagay, nauuwi sa sigawan match like WTF there's no chill in here. Pwede ba??? Mula almusal hanggang hapunan ganyan kayo?

So next doon naman sila sa bakuran, hindi pa sila tapos:

Peping: BAKIT KA PA BUMALIK? HINDI MO MAKUKUHA ANG LUPANG PINAGHIRAPAN NAMIN NG ATE MO!
Clarita: Wala akong balak na kunin! Palalagyan lang ng titulo something ganyan.
Peping: BUMALIK KA NA SA PALASYO MO AT DOON HUMIGA SA PERA!
Clarita: Naghirap rin ako sa Maynila. Nagworking student ako dahil kulang ang padala ng Ate. Pumapasok ako na pudpod ang sapatos!
Peping: MAY SAPATOS KA? ANG ATE MO NAKAPAA.

Meanwhile, through the open window...



Joey: Bakit hindi malapit ang mother nyo kay Clarita?
Jacinta: Hindi malapit ang mother namin kahit kanino, kahit kay Itay. Kasi buhos na buhos ang oras nya sa simbahan kaya wala na syang panahon sa amin. Pakiramdam nga ni Clarita, walang nagmamahal sa kanya.
Joey: Ikaw?
Jacinta: Hindi ako mapagtanim eh. Ayaw kong mabuhay sa kahapon.#FORESHADOWING #LIES
Joey: Sometimes I feel may itinatago si Clarita sa akin.
Jacinta: Ay naku mahirap ang ganun. Hindi ko kaya na may tinatago.
Aling Almeda: *SCREAMS!!!* Anak nakita ko ang mga sulat, nabasa ko sila!
Joey: Ano ang mga sulat na iyon?
Jacinta: Ah wala, wala yun. Wala lang yun parang tanga tong si Inay. Wala... Wala promise.
Me: Tsk tsk Jacinta ah, may tinatago ka sa amin ha hmmm kakasabi mo lang ha....

Kinabukasan... as in umagang-umaga kakagising pa lang nila... nagpapaturo si Jacinta kay Clarita kung paano gamitin ang pasalubong nyang make-up.

Clarita: Ate, anong naalala mo noong mga bata pa tayo... dito sa bahay...
Me: Oh no Clarita don't fucking start wala pang 6:30AM
Jacinta: Naiinggit ako sa iyo noon eh. Kasi ako, sa labas natutulog mag-isa, samantalang ikaw, diyan sa tabi ng Inay at Itay.
Me: Uh-oh here we go.
Clarita: Ano pa? Ano pang natatandaan mo? Yung mga nangyayari dito sa bahay?
Jacinta: Seen 6:26AM


Jacinta: Bakit wala pa kayong anak?
Clarita: Natatakot ako. Paano ko mamahalin kung lalaki. Kapag babae naman, paano kung mapalapit sya sa asawa ko?
Jacinta. Aah, akala ko dahil kay Inay, kasi namamana daw ang sakit nya. Kapag may isang luka-luka sa pamilya, sigurado meron pang isa.
Me: Ang mean!

Jacinta has some dark, deep seated issues. I  ~literally~ cannot.

Meanwhile, sa bakuran, as in 10 steps away...

Joey: Pare...
Peping: WALA AKONG ANAK. KUNG MERON MAN, HINDI KITA KUKUNING NINONG! *angrily walks out*
Joey: Nakikipagkaibigan lang ako sayo.
Peping: PUMUNTA LANG KAYO DITO PARA HAMAKIN AT KUTYAIN KAMI!
Me: Peping oh my fucking god.

I need water. OK going back.



Peping: TANGGALIN MO NGA YANG KOLORETE SA MUKHA MO!
Me: Oo nga Jacinta naman bakit ka nagsasaka na naka-blue eyeshadow sa ilalim ng araw.

You know the mildest, gentlest, most well-mannered people, they take all your bullshit in quietly pero the moment sumabog sila and they choose to have a meltdown, they do it in the most embarrassing time and place - sa sakahan in front of all the farmers.

Jacinta: PALAGI NA LANG GANITO ANG BUHAY KO! BIGAY NANG BIGAY! ASIKASO NANG ASIKASO SA IBA! WALA NAMANG NAGPAPASALAMAT SA AKIN!
Me: Uh, guys? I suggest you don't do that here in front of everyone, because...

Chismosa 1: Luh kawawa ka naman Jacinta... chos
Jacinta: Anong gagawin ko, mahal ko ang asawa ko at ang kapatid ko???
Chismosa 2: Wag kang mamili! Ang syang pinakasalan ang pakikisamahan hanggang kamatayan!
Me: Alam nyo kayo, hindi kayo nakakatulong. You don't even advance the plot.

A little later sa beach...

Joey: Bakit kayo nagbreak ni Peping?
Clarita: Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanya noong umalis ako. Wala syang sinagot ni isang sulat ko sa kanya. Minsan lang sya sumulat para sabihing hindi na kami bagay, na si Jacinta na ang pakakasalan nya.
Me: Damn isa syang asshole.

Then doon sa bahay a similar conversation is happening...

Jacinta: Anong sasabihin ko kay Clarita tungkol sa titulo?
Peping: LOLOKOHIN NYA LANG TAYO!
Jacinta: Hindi ganun si Clarita.
Peping: MINSAN NYA NA AKONG NILOKO. SINUSULATAN KO SYA NOON. WALA SYANG SINAGOT NI ISA. HINDI BA'T IKAW ANG PINAGDADALA KO PARA SIGURADONG MAKARATING?
Jacinta: *is quiet* *goddamn crickets up in here*
Me: Uh oh... Oh no... I think I know the plot...

Peping: KUNG HINDI KA MAGIINGAT, KUKUNIN NYA ANG LUPA.

Maingat ako Peping. Kung ano ang akin, akin.

Yo listen up Peping. Seryoso na si Jacinta in bold letters.


May time pa ba for a monologue? Of course meron, sa sementeryo sa puntod ni Itay:

Jacinta: Itay bakit sya ganun? Maganda naman na ang buhay nya. Bakit lagi nyang kinukuha ang akin. Alam ko hindi lang naman ang lupa ang habol nya, kundi si Peping. Bakit kung sino ang mahal ko, yun ang pilit nyang inaangkin?

All these back and forth bangayan is just creating more and more tension and muddying up the waters between the sisters and their partners and you can just tell that Jacinta has had it up to here, malapit na sya sa boiling point and Clarita you better watch your back because your wig is about to be SNATCHEDT swear to God.

Clarita: Joey, kapag ba may nalaman ka tungkol sa akin, magbabago ka?
Joey: Bakit ba ang hilig mong magpaligoy-ligoy, just go straight to the point!

Jacinta: Mahal mo pa ba si Clarita?
Peping: IKAW ANG PINAKASALAN KO!
Jacinta: Kung sakaing may nalaman kang isang bagay na ginawa ko, hindi mo ba ako iiwan?

It's basically the movie Closer, just dirtier and with more problematic characters, and add malunggay. Pagsamahin mo ang issues ni Jacinta at ang issues ni Clarita, idagdag pa ang issues ni Peping at sariling issues ni Joey, mas marami pa silang issues keysa sa Reader's Digest.

Suddenly, Joey can't take it anymore. Kinompronta nya si Peping over some trivial stuff na OF COURSE nauwi sa suntukan, until...


Hala wait. Bakit ganyan...

Afterwards, sa dayamihan:

Jacinta: Peping magpaalam ka na kina Clarita, paalis na sila.
Peping: AANHIN KO SYA?
Me: I'm getting tired. Kapagod kayo.
Jacinta: Yakapin mo ako kagaya noong umalis si Clarita.
Peping: ANO BA JACINTA!
Jacinta: Diba minsan mo akong sinubukan? Nalaman mong mas masarap ako magmahal Peping diba? Kaya ako na lang ang minahal mo diba?
Peping: GUSTO MO BANG MALAMAN ANG TOTOO? NABALING ANG PAGTINGIN KO SAYO NANG MAWALA ANG MAHAL KO. SINUBUKAN KITANG MAHALIN PERO SI CLARITA PA RIN ANG MAHAL KO!
Me: OH SHI--
Jacinta: Nagbibiro ka Peping!


And then Peping delivers the death blow.

Fucking Peping: SABIHIN LANG NI CLARITA NA KAILANGAN PA NYA AKO, KAHIT TAGASILBI, MALUWAG KONG TATANGGAPIN MAKITA KO LANG SYA ARAW-ARAW.

Holy shet and I mean ho-ly-fuc-king-shet.

I kinda lost track for a bit sa gulat because you know, Peping, isang oras ka nang galit-galitan ganyan-ganyan tapos may bigla kang reveal qaqo! Before I knew it, kausap na ni Peping si Clarita.

Peping: *Now talks in small caps* Ikaw ang unang lumimot sa akin bhie...
Clarita: Ikaw ang nagpakasal sa kapatid ko hmpft
Peping: Ni isang sulat ko wala kang sinagot...
Clarita: Ako ang panay ang sulat sa iyo, ipinaabot ko pa sa Ate...

*silence*

Peping and Clarita: LUH?!?!?!?!?!?!?
Me: Jacinta I got some news for you. Basically you're fucked.

So at this point malinaw na ang lahat. Pilit pinaghiwalay ni Jacinta sina Peping at Clarita para mapasakanya ito. Pinag-aral nya si Clarita sa Maynila, even if it means sacrificing her own right to have an education, para lang mapasakanya si Peping. At ngayon, ang big reveal: mahal pa rin ni Peping si Clarita!!! DAMN ANG XAKIT XAKIT.

That must be it right? May big confrontation, mapapakamatay si Jacinta or some funny shit happens, magkakabalikan si Clarita and Peping, may malaking kasalan, Joey can go fuck himself, tapos may sayawan sa beach.

The End.

Nope, there's more. Brace yourselves because you're gonna shit.

Syempre merong flashback. Prepare the wigs.

*From here on I'll try to keep it as close to the exact script dahil gusto kong maranasan nyo ang umaatikabong movie linesssssst*

Arcadio: Tinago mo ang mga sulat ng kapatid mo?
Jacinta: Huwag mo akong saktan Itay!
Arcadio: Saan sya nagpunta? Saan sya nakatira!
Jacinta: Bakit ba gusto nyong malaman?
Aling Almeda: Para maparating namin kay Clarita na napunta na sa iyo si Peping!


Arcadio: Hindi basta napunta sa kanya si Peping! Inagaw nya!



Jacinta: Lalong hindi ko sya inagaw! Siniguro ko lang na sa isang desenteng katulad ko sya mapupunta at hindi sa isang PUTA!

Me: WHAT.

Jacinta: Bakit, hindi nyo matanggap na puta sya? Gusto nyo ulitin ko, ipagsigawan ko? Pwes, makinig kayo at lalakasan ko pa! Puta sya! Puta ang mahal nyong anak!
Aling Almeda: Nakikiusap ako tama na!

Jacinta: Inay, kailangang malaman nyo! Si Itay mismo ang kasiping ng bunso ninyo!

Me: FUCK THIS!!!!11111

Arcadio: Jacinta magtigil ka!
Aling Almeda: Hayup ka! Demonyo ka! Buhay ka pa sinusunog ka na sa impyerno hayup ka!
Arcadio: At kasama kita sa mainit na apoy! Malayo sa malamig na santong batong kinababaliwan mo!

Arcadio: Dalhin mo ako sa kapatid mo!
Jacinta: Hindi! Ayoko! Ayoko!
Arcadio: Maawa sa kanya! Wala syang ikinabubuhay!
Jacinta: Meron, pinadadalhan ko, kumukupit ako sa benta ng palay!
Arcadio: Walanghiya ka talaga!

Jacinta: Walanghiya na kung walanghiya! Mangyari na ang mangyayari, mabubulok ang pagnanasa mo kay Clarita, hindi mo na sya magagalaw muli! Puta! Puta ang mahal mong anak! Puta! Putaaa!

ME: ๐Ÿ…ต๐Ÿ†„๐Ÿ…ฒ๐Ÿ…บ ๐Ÿ…ผ๐Ÿ…ด๐Ÿ…ด๐Ÿ…ด Huhu tama na auq nua

Sabay itinulak ni Jacinta ang Itay nya sa kubo, kung saan may nakasabit na jungle bolo? Not sure what the fuck that is basta anyway:


Aling Almeda: Patay na ang Itay mo! Patay na sya! Pinatay mo sya!


Jacinta: Kayo ang pumatay sa amin. Sa lahat ng panahong nagkulang kayo bilang asawa't ina. Wala kayong alam kundi mag-ilaw ng mga santo sa simbahan at kapilya samantalang ang sarili nyong bahay iniiwanan nyong madilim! Wala na kayong pupuntahan Inay! Kahit saan kayo magsuot, kailangan nyo ang katotohanang kayo ang nagtulak kay Itay para bumaling kay Clarita! Akuin nyo ngayon ang dilim ng kanyang kamatayan!

Me: Mga putangina nyo ang gulo ng pamilya nyo.

I don't know about you guys, but I'm shaking.  And just when I thought okay na and we can all calm ourselves down, tapos na oh no...

Would you believe we've only just begun????

... sapagkat....

Jacinta: Hindi nyo binigay sakin ang buhay nyo. Pero ngayon, patay ka na masosolo na kita. Wala nang ibang magmamahal sa iyo ngayon kundi ako na lang. Akin ka. Akin ka...






Me: No... no.... NO NO NO p̸̨̧̛̦̯̝̲͓̬̱̎̈̿̎͆̔̈̂̏̒̽͘̚͠ṵ̷̡̢͍̩̼̰͇̫̳͖̯͓͕̒̆̋̓͒͑̈́͆͝ṭ̶̦̯͆a̷̢̬̭̪̹̟͇̻͔͊͂̊͐̈́͗͗̂̄̂͋͜͝͝n̴̢̡̦͍̼̿g̵̢̨̜̰͇̺͎͒͊͒̀̔̅̔͂̏͋͗̈́ḯ̴̢̦̻͍̗͍̖̙̝̈́͒͂̋̓͆̂̓ͅͅń̴͔̞͉͔͖̟̹͇͉͓̰̅̉́̓͛ͅā̶̘̼̗̮̬͇̇̃̾͝ ̷̳͎͖̹̲̰̗̦̟̜̹̌̀̀́͂͌̏͝͝k̸̢̨̢̯̝̻̰͓͖͈̣̱̉͊̔͒͊̓͒̈́̉̈̓́͐̄͆a̶̮̙̤̘͇̥̱͍̻̮̫̾͊̃͆̒̈́͗̊̓̚ͅ COVER YOUR EYES






`•.,¸¸,.•´¯ Jesus Christ JACINTA!!! ¯`•.,¸¸,.•´

Sabay kaming sumigaw ni Armida Siguion Reyna.

Me: Stop it stop it di ko na kayaaaa *faints sideways* *arte lang*

End of flashback, and we're back sa sementeryo.

The end. ษชษด๊œฑแด‡ส€แด› แดแดแด ษชแด‡ ส€แด‡แด ษชแด‡แดก สœแด‡ส€แด‡




Just kidding.

Hindi pa tapos!!!!!!!

Clarita: Jacinta Nakakadiri ka!
Me: Finally someone said it.

Jacinta: Naroroon ako at naririnig ko kayo. Kasiping ka sa kama samantalang ako magisang natutulog sa sahig. Inalagaan ka ng Itay, ibinigay nya lahat sayo na dapat para sa akin dahil ako ang panganay na anak. Kung ako na nga ang gumagawa sa loob ng bahay, inako ko na pati tungkulin ng Inay, bakit hindi pati maging asawa ng Itay? Kasi kinuha mo pati ang karapatang iyon!

And these lines gave way to the Best Catfight in the History of Philipine Cinemaso I clipped it, exported it, uploaded it and pasted it here for you Kids so YOU BETTER FUCKING WATCH IT PUTANGINA HUH MAIKLI ANG PASENSYA KO TODAY




Marami pang nangyari pero wala na akong enerhiyang magkwento guys ubos na ubos na ako. Bilisan ko na lang. Yung scene na pinupuri ng Pari si Aling Almeda, flashback pala yun. Because on that day, lingid sa kanyang kaalaman dahil busy sya sa simbahan, hinahalay na naman pala ng asawa nya ang kanilang anak na si Clarita. Nang manlaban si Clarita at nakatakbo palayo, frustrated si Itay, and in comes Jacinta na nagvovolunteer na sya na lang (WTF). And nireject sya ni Arcadio, spawning in Jacinta a deep-seated hatred and insecurity and insatiable lust and a will to avenge herself ganyan, culminating in that spectacular sampalan scene.

Updates na lang kasi pagod na talaga ako.

Nagkaayos na sina Clarita at Peping, at pinili ni Clarita ang kanyang asawang si Joey. Bumalik na sila sa Maynila kasama si Aling Almeda. Naiwan si Peping para alagaan si Jacinta, na nag-regress to childhood, living out her darkest incest fantasies na maging kabit ng kanyang ama, and Peping plays the role. The fuckedupness just won't quit.

Wow. Just, wow. It really went there. I think this is the reason hindi natin ito napapanood sa TV (duh you think) so I guess an ABS-CBN restoration is not gonna happen?

As for the violence in that fight scene, ang masasabi ko lang ay *buntong-hininga* FuuuuuucK. Walang acting-acting. Sapakan kung sapakan. (Legend has it, totoong magkagalit sina Maricel and Snooky so yan ang resulta). Somewhere, Dorina and Lavina are like, "WHAT THE FUCK BES", drinking the wine na dapat isasaboy nila sa isa't-isa.

And that one-take rolling shot is nothing short of iconic.

I really liked how dark the story went, but of course it won't get fleshed out without the mastery of the four major players. Eric Quizon, to be fair to him, kuhang-kuha nya yung maarteng cityboy. Tirso Cruz III threw major bitch fits every few minutes, so when he did a 180 and showed tenderness, it was so unsettling, ang galing. Snooky Serna showed serious chops, hindi rin nagpatalo, kahit yung jawline nya umaarte. May scene na naglalakad sya while delivering a serious line tapos muntikan syang matumba dahil natisod sya sa lubak but she delivered that line like a pro.

And Maricel Soriano... every second her face is on the screen is just art. Every twitch, every glare, every subtle switch between the meek wife and the scheming bitch. And her pivotal meltdown scene. Hindi ko makalimutan.

Overall I liked this movie although I'm so scarred and I'm still experiencing side effects.

In the last scene, syempre merong final input:


Chismosa 1: Ang bait talaga nyang si Peping ano girl?
Chismosa 2: Korek cyst. Napakaswerte ni Jacinta sa kanya.
Chismosa 3: Sayang at hindi si Clarita ang kanyang nakatuluyan
Me: Mga putangina nyo ayaw nyong tumigil.

Ayan I fixed the title:



Special thanks to Sir Jek Josue David for making this possible LOL.

11 comments. Post your comment here.:

Kareef Arzadon said...

I am not so prepared for this, Glenn. May ganyan pala tayo ka-dark na pelikula. I really admire how you review classic Filipino films. Please, keep it up.

iamgertrude said...

Oh shit! Napagod ako sa binasa ko. Ang galing mooooo magkuwento idol. At meron palang ganyang movie... Ayoko na tuloy panoorin hahaha

zniralc11 said...

pls glentot saan ba ito mapapanood???

Xhann said...

Grabe!

John Michael Bueno said...

Hoy ipaparating ko to Kay Maricel wait ka Lang LOL

Unknown said...

Pucha napanood ko to nung elementary ako e ganun pala story nun haha grabi

pnx said...

Na culture shock din ako sa deep content ng movie na toh. Mahilig na din ako manuod ng classic sa PBO. Sign of aging na ba toh hahaha

Wobi said...

Thank you for doing the god’s work of uploading that iconic fight scene. Ang ganda nung pag gulong nila tas kita yung binti nina Peping at Joey.

Pinoy Highlander said...

ang haba! nag alangan ako na basahin hahaha

Diane Writes said...

naloka ako ng una ko 'to napanood sa cinemaone ... hardcore drama at naman, inubos lahat ng plot twist sa mundo :p

awi said...

Hahaha this is my fav pinoy classic film. Nakakaloka talaga to nung napanood ko dati sa cinema one ang daming eksena na ang reaction ko ay kuhang kuha mo, like "whaaaat!?, wtf!???"hahahha Pero ngayun ko lang napagtanto, mga advance pala sila mag isip. Hahahah

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding