christmas carols

Oh hey Kids, Merry Christmas! Or if you don't celebrate, Happy random Tuesday! Bilang Katoliko pakiramdam ko Christmas is in my DNA, para bang ito lang ang pinakahihintay kong panahon bawat taon hanggang mamatay ako. Totoong it's the most wonderful time of the year. I think dahil parang lahat ng tao, laid back? Alam mo yun? Parang lahat ng tao friends kahit hindi naman? Kahit yung mga nabibwisit sa akin, toned down din ang pagkabwisit nila? Tapos ang mga tao puro aligaga sa mga small things na pampa-happy. Parang lahat ng tao nagse-second childhood. Observation ko lang naman so don't attack me.

Now that I'm 31, Christmas partly means traffic, agawan sa taxi, mahabang pila, maraming gastos, weight watching, body shaming, office parties, office bunutan, year-end dance presentations and many other ways na masadlak sa kahihiyan. But it also means the true spirit of Christmas: Mariah Carey vs Jose Mari Chan sa malls. Christmas songs everywhere. Ang saya ko kasi gustong gusto kong nakakarinig ng Christmas songs and carols. Yung iba nga in-analyze ko pa to the point of murder.

Question: madali lang sagutin ang Ano ang paborito mong Christmas carol, pero try mong sagutin ang Ano ang pinakaayaw mong Christmas song, baka mapaisip ka saglit. Pero ako, may nakahanda akong sagot. Story time!

Naaalala ko pa ang unang Christmas carol na nagustuhan ko: Deck the Halls. Alalang alala ko ito kasi pinaturo ko sa Nanay ko ang lyrics (na alam naman nya ang first stanza, which is the only stanza that matters, so sinulat ko sa pad paper habang dinidictate nya). Hindi ko alam kung bakit ito ang paborito ko noon. Another questionable choice na hindi ko maipaliwanag.

Isang araw noong Grade 4, in-announce ng teacher namin na magkakaroon ng choral group performance ng Christmas carols ang bawat section.  "Choral group" na may quotation marks kasi buong section namin ang kakanta at tatlo lang ang katanggap-tanggap ang singing voice (na sa di malamang dahilan ay kabilang si Khikhi), the rest are synchronized noise, including me. Pero hindi mahalaga yun. Ang mahalaga, kakanta kami sa town plaza ng song na mabubunot ng teacher namin.

Nagdasal ako kay Baby Jesus mabunot namin ang Deck the Halls, or kung hindi man, at least ang O Holy Night (ito ang second favorite ko, wala pang Mariah Carey whistle version noon). Or kung mamalasin talaga, kahit Silent Night na lang, damang dama ko kasi ung lyrics na Holy infant so tender and mild, sleep in heavenly peace feeling ko ako ang tinutukoy nya ganun?

But no. Hindi dininig ni Baby Jesus ang dasal ko. Nabunot ng teacher ko ang worst possible Christmas carol in the history of man. Ang nabunot nya ay isang awiting kung tawagin ay...

O Little Town of Bethlehem.

Noong sinabi nya sa class na yun ang ipeperform namin ang naisip ko ay... Ano yun, never heard, I don't know her, baka flop yan or one hit wonder ganyan.

So sinulat ni Ma'am ang lyrics sa board and kinanta nya para sa amin.

Matapos syang kumanta, naisip ko, Christmas song yan? Sure??? Bakit ang lungkot? Bakit parang may namatay?

If you know this song which I hope you DON'T, it's a super slow song as in parang 24 bpm ganyan. Nakakamuryot siya. Hindi ka magkakaroon ng holilday spirits. More like Semana Santa feels. Sana ni-remix na lang para mas masaya.

Hindi ako nakaimik. Hindi ako makareact. Hindi ako makasigaw ng "Huwag yang song na yan, walang mag-eenjoy diyan! O Little Town of Bethlehem how still we see the lie and then ano naman? So what? Yet in thy dark streets shineth the everlasting light o tapos anong nangyari? Wala much diba?" Grabe ang galit ko.

Ewan ko basta, ayoko talaga yung song. Baka dahil wala siyang holiday cheer ng Deck the Halls (ipinipilit ko talaga ito). Mas maayos pa sana kung O Come All Ye Faithful kasi diba kapag narinig mo, kahit di mo man alam ang lyrics, alam mong pang-Christmas yun and sabi nya rin O cum yeah o cum yeah to Bethlehem so may pagmention din ng Bethlehem and ~obviously~ it's the more superior choice. Ngunit hindi. Hindi nagtagal nasa town plaza na kami singing O Little Town of Bethlehem to a VERY BORED CROWD.

I think at that moment, dun ako naging Grinch.

As I grew up I learned to appreciate other carols like Hark the Herald Angels Sing and yung isang song na mabilis yung Ten-tenenen, ten-tenenen (alam mo kung anong tinutukoy ko I'm sure). Ayoko na sa Deck the Halls, my new favorite is Little Drummer Boy because of the EMOTIONS behind the song. It speaks of poverty and having zero money (hashtag relate). Do you even appreciate where that little drummer boy is coming from? I AM A POOR BOY TOO, I HAVE NO GIFTS TO BRING TO LAY BEFORE THE KING pero andito ako to HONOR HIM with my music. Ang deep.

As for O Little Town of Bethlehem? Never heard it again. FLOP

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding