Hey Kids! We started a podcast! Wait lang we can explain. Basta nangyari na lang like everything else in this world. Ito ang dahilan kung bakit di ako nakakapagpost dito sa blog lately. This is all Gideon's idea so siya ang mananagot LOL. On a serious note, medyo matagal ko na rin naiimagine paano kaya feeling magkaroon ng podcast? So the day Gideon brought this idea up, go na agad.

So after a few (or one) brainstorming sessions we came up with Creepsilog! Creepypasta with Pinoy flavor? Pwede. Catalogue of creepiness. We just want to spread wisdom and knowledge (ulul).

We're gonna talk about a lot of weird, scary, and disturbing stuff. If you're into these things, this podcast is for you! And even if you're not, it's still me and my friend talking so if you enjoy this blog, you might enjoy listening to my awkward voice from the depths of the abyss.

We get into details sa aming pilot episode. We share creepy things that happened to us: Gideon tells us about an ex-officemate who stalked him and I share my weird taxi driver story.

For our first season, we are paying homage to our favorite podcasts, My Favorite Murder and The Last Podcast on the Left, by counting down our favorite ("favorite") serial killers of all time.



Please listen masaya to. We enjoyed recording, tawanan lang and gaguhan. So we didn't really accomplish much in terms of educating the public, pero nag-enjoy kami. We hope you enjoy this too.

Here's a little teaser for our first season:

OK if you don't have time to go through all 10 episodes just to get an idea how Creepsilog sounds like, eto na lang muna ang pakinggan nyo: The Best of Season One sabeeeeh

Hey Creepers! Before we descend into the darkness and depths of Season 2, let’s first review the killer season that is Season 1. Join us as we dissect over 10 hours of recording and stuff the corpse into 40 minutes of intense knowledge and wisdom chos.

Apple Podcasts:

And today, we just launched our Second Season:

If you've been reading my blog since 2008 you would know aswang-aswang is my jam. So please please please follow us on Twitter, Instagram and Facebook. Rate and subscribe on iTunes and Spotify.

Creepsilog: Patayin sa Sindak si Barbara!

x-men: dark phoenix

Remember back in 2016 noong nagpost ako ng review (“review” LOL) ng X-Men Apocalypse tapos may mga nagalit sa akin at ininsulto pa ako so sabi ko “I don’t even get paid to do this shit so I don’t have to take shit from people who don’t even have a single fiber of creative shit in them and have not put any shit online but are super quick to judge other people’s shit so enough of this shit I will NEVER do this again”? Well, here’s another X-Men movie and here we are again.

Yup Jean I feel your pain.

To be honest after the last three X-Men movies which I did not really love (I prefer the original three with its much more formidable cast - Sir Patrick Stewart was not only picture-perfect as Professor X, he was actually likeable, Famke Janssen as Jean Grey was pretty solid, and Rebecca Romijn’s quiet Mystique truly inspired fear and awe, and well, mystique), hindi ako excited for the Dark Phoenix.

I truly gave it a chance ngunit nabigo ako. It just didn't give me the same thrill that I had when Nightcrawler raided the White House in X2, or the opening sequence in Days of Future Past, or when Mystique first came face to face with Wolverine, or when Storm delivered the immortal line "You know what happens to a toad when it gets struck by lightning? Same as anything else!" LOLJK But you know what I mean.

Ang daming sinabi. Eh ano naman? OK enough of the pleasantries, let’s do this.

So of course nagsimula ang movie with yet another origin story kung paano na-discover ni Jean Grey na powerful siya. To make it heartbreaking, aksidente nyang napatay ang mga magulang nya, so in order to protect her, kinupkop siya ni Professor X (played by James McAvoy) sa kanyang school for gifted students. “Gifted.”

Cut to grown-up Jean (Sophie Turner). She is now part of an elite group of mutants called the X-men, led by Professor X but really led by Mystique (Meryl Streep). Sa sobrang powerful nila, the President of the United States have them on speed dial. The space mission fucked up and the astronauts need to be rescued!

“We’re doing space missions now?” tanong ni Nightcrawler in one of his few lines. Sana nakapag-almusal siya today.

Ano pa nga ba at agad-agad puma-outer space ang X-Men at iniligtas ang mga astronauts. Of course may time constraint, so Quicksilver, pasok! Remember the slow-mo scene when he broke out Magneto from prison in Days of Future Past? It's the same scene but with more outer space and less fun.

Hala ngunit may something sa paligid, isang misteryosong enerhiya na nagbadyang ilagay ang mga buhay nila sa panganib kaya sinubukan ni Jean na ilabas ang kanyang gigil face at inabsorb ang buong enerhiya and that’s it BYE.

You know this early that it's one of those movies na ang "fight scenes" ay gigil faces with some lights swirling around. Labas ang ugat sa leeg para intense.

Meanwhile may isang alien race na napadpad sa Earth dahil gusto nilang angkinin ang enerhiyang naabosorb ni Jean. Yung leader nila sumanib sa katawan ng isang blonde (Iggy Azalea). Kailangan nyang mahanap si Jean at kunin yung power. Hindi ko nagets yung reasons basta kailangan niya there's no time to explain.

Hala pag-uwi nila Jean sa school not feeling well na si Jean, naging danger na siya sa ibang mutant classmates nya and kung ano-ano na ang narininig nyang boses. And then in a very telenovela twist, buhay pa ang Tatay niya! So pinuntahan niya and it went something like this:

Jean: Hi Dad.
Dad: Hi Jean my daughter.
Jean: What’s up?
Dad: I’m good but you’re dead to me.
Jean: Huhu.
Me: Finish him! Finish him Jean!

Maya-maya pa anjan na sila Professor X, Mystique, Cyclops, and the et ceteras. Syempre may speech na naman si Professor X habang ang iba ay *looks on fiercely* waiting for their turn to speak.

Jean: You lied to me!
Professor X: Hala hindi...
Me: Finish him! Finish him Jean! Patayin mo sila and the rest of this franchise!

So Mystique took it upon herself na kalmahin si Jean, and in a sudden turn of events napatay sya ni Jean.

Nightcrawler and Weather Girl *looks worried*.

End scene. One down.

After umulan habang nililibing si Mystique (can Storm be any more useless???) kinonfront ni Beast si Professor X.

Beast: Hoissttt kasalanan mo ito, nagsinungaling ka kay Jean, itinago mo ang katotohanan? Aminin mo ang kasalanan mo!
Professor X: Nope.

Jean is in an emotional turmoil which we see onscreen as walling habang umuulan while whispering Andumi2X Qoeh or something. So pinuntahan nya yung isang mutant na sinali lang sa movie para may presensya siya: si Magneto.

Of course kahit nakapambahay lang, Magneto floats around. Metal undies?

Jean: You used to hurt people, how did you stop?
Magneto: I hurt people so I stopped.
Me: Luh? Finish him Jean!

May mga kasamang mutants si Magneto na I didn't bother checking Wikipedia for. Yung isang babae,  (Plotwoman? I don't know) taga-announce lang ng kung sino ang paparating to advance the plot.

Remember in Avengers Endgame, hirap kang mag-decide kung kelan ka iihi, you don't want to miss anything? Not a problem here.

So may mga dumating na sundalo pinaghahanap si Jean. Nagalit na naman si Jean so kinontrol nya yung helicopters ng mga sundalo, pero gusto naman iligtas ni Magneto yung mga sundalo so kinontrol nya din. Umaatikabong gigil showdown ang labanan. Constipated face competition. Kapagod. Hanggang sa nainis na lang si Magneto.

Magneto: Leave! Leave me alone! Get out of my sight!
Jean: *floats away*

So maglalasing na lang si Jean sa isang bar. Dun sya natunton nung blonde alien. Inofferan ng kung ano-anong gusto nyang marinig reminiscent nung mga nagnenetworking sa coffee shop. You know how they sometimes manipulate you into bending into their will by creating urgency, insulting your current salary and fluffing your ego?

Alien: Are you A) A scared little girl who answers to a man in a chair? Or B) The most powerful creature in the planet?
Jean: Letter B. I'm in!

Meanwhile ipinaliwanag ni Beast kay Magneto, in great detail, ang mga kaganapan.

Beast: Jean killed Mystique so let's kill her.
Magneto: Oks.

Syempre karay-karay ni Professor X yung mga et ceteras nya tapos more more sunod naman din kay Magneto yung mga et ceteras nya. Hinanap nila si Jean, na inuwi ng alien sa kanyang bahay dahil may ipapakita daw siya.

Jean: I don't understand.
Alien: Here let me show you my Powerpoint presentation.
Jean: I understand now let's go.

So eventually nagkita-kita ang mga pwersa ni Professor X vs mga pwersa ni Magneto sa labas ng bahay for a confrontation unlike any other (LOL).

Professor X: Huwag mong gawin yan Magneto!
Magneto: Tigilan mo ko Charles may speech ka na naman! Nobody cares!
Professor X: Hindi ah. *starts speech about mutants being monsters*

OK fighting time. Syempre kanya-kanya silang pakitang gilas:

May mutant na may dreadlocks, feel na feel lang niya yung buhok niya.
Beast jumps around and is colored blue.
Si kinginang Storm ewan. Parang yes or no lang ang narinig ko sa kanya dito sa pelikulang ito.
Tapos yung isang babaeng mutant na semi-kalbo, what exactly is she doing???
Ang pinakapagod si Nightcrawler goddamn ginawa nila siyang transpo. Tuwing may pupuntahan, kakapit sa kanya? Tawagin na lang natin siyang Angkas.

Sa loob ng bahay...

Alien: Jean, feel the power inside you!

Me: That's a decent tagline for a vibrator ad.

So nagharap na si Jean and Magneto and it was almost too easy. Then turn naman ni Professor X. Mag-iispeech sana sya uli kaso hindi sya nagkachance. Typing this is exhausting.

Alien: Your lives mean nothing.

Wow a quote I can print and hang on my wall. I love it.

Hala maya-maya niraid sila ng pulis can you believe? Nirestrain sila at dinala somewhere. Tinatamad na talaga ako. Natauhan na si Jean at iniligtas sila so fight scene na with the aliens sa train. Laser laser si Cyclops tapos hinagin sila ni Storm wow. As always kapag pagod na akong mag-describe, eto na lang:

"Ito’y nang matapos na nag-disperse sila. Pagkatapos nito, hindi na sila nag-away. Nag-away kasi sila sa simula. Pagkatapos nito’y nagkaroon sila ng pag-aaway sa simula."

Thank you Michael Fajatin.

Sakalan sina Jean and main blonde alien while light power circles them. It has all the excitement of my phone sucking charge from my power bank. Basta tagisan sila ng super powerful gigil faces ending in an explosion in outer space.

Alien: Your emotions make you weak!
Jean: No, my--

OK na.

Ang ending? Si Professor X at Magneto naglalaro ng kinginang chess, leaving me feeling like I watched The Last Stand. At least namatay si Mystique so there's that.

What a nice movie thanks bye God bless.

leave me alone pls

Good evening Kids! Wow may weekly post, is this 2010? Gayunpaman guess what: the world is full of paandar people. Hindi nyo ba napapansin? OK siguro not so much the world, but Facebook definitely. For sure, noon pa man ay marami nang mga paandar na tao, nagsilabasan lang sila nang maimbento ang Facebook.

At kung maraming paandar sa Facebook, marami ring pakialamerong walang magawang maayos sa oras nila: me! Isang pares ng mapanghusgang mata na akala mo naman perfect.

Umpisahan natin sa real-life kaibigan kong si Michael something, isang simpleng tao lamang. Pangiti-ngiti lang, tatawa lang sa green jokes, tapos tatahimik na siya uli.

Ngunit sa Facebook putangina ang dami niyang sinasabing mga paandar. Mahilig magpost ng selfie si Michael. Minsan yung selfie nya whole body (siguro naka-timer ano bang pakialam ko). Wala namang akong masyadong masasabi doon. Kung gwapong-gwapo sya sa sarili nya, Get well soon.

Lately yung mga captions nya ang tunay na nakakapukaw ng atensyon - kasi ang galing nya mag-English. May kung anong mga deep shit na bumulwak sa kanyang kamalayan at sumulpot sa kanyang FB post na kaakibat ng kanyang GGSS selfies.

I mean hindi ko sinasabing hindi fluent sa English si Michael pero yung mga post nya dati eh “I didn’t slept?" which is OKAY LANG kasi hindi naman nya ito native tongue and fuck you for judging sa bagay na hindi nya strength.

Pero wow biglang ang galing nya recently. Hindi ko nilalait ang English nya. Nanibago lang ako kasi tama. Sabi ko sa sarili ko, Kingina may sapi to. May ibang pwersang nangingibabaw.

Hindi nga ako nagkamali. One day (mainit ang ulo ko nun) tapos bumalandra sa timeline ko yung travel pics nya na nakadungaw sya sa batuhan tapos may thought provoking caption. Eh di nagdilim ang paningin ko. Ni-copy ko tapos pinaste sa Google. Puta, ayun. May kung ano-anong quote sites na lumabas.

Hindi ko sinasabing masama manguha ng quotes sa kung saang singit ng Internet mo ito mapulot. Ginagawa ko rin kaya yun! Lahat naman siguro tayo nagawa na yun. I guess mainit talaga sa paningin ko yung mga selfie nya sa batuhan. But hey hmm ikaw, kung yan ang fetish mo eh di more power sa iyo Michael.

We're still friends!

Pero kung tutuusin, okay pa yang paandar ni Michael. Hindi nya lang siguro gawain mag-credit I mean who has the time for that LOL. He doesn't mean anything malicious. Doesnt... or didn't? Kasi past tense LOLLLL.

Putangina yung isa pang nasaksihan ko, krimen talaga. So this other Facebook friend na tawagin na lang nating John or some shit. Hindi ko siya kaibigan in real life so hindi ko alam kung ano ang nagaganap sa kanya kundi yung mga nababasa ko lang sa kanyang well-put together and awesome online presence. Base sa kanyang mga OOTD captions, I think marunong siya ng basic English grammar rules so hindi nya problema yung past tenses ng verbs.

So I have this other actual friend in real life na nagmessage sakin, tinanong kung friend ko raw ba si John. Nung sinabi kong isa lamang si John sa libo-libong pangalang nakikita ko sa Facebook na wala namang contribution sa personal well-being ko, sabi nya:

"Nagpost sa Facebook si John ng rant tungkol sa secondhand smoking. Eh nakita ko na sa Twitter yun. Same na same eh. Pati yung mura ganyan."

Eh di biglang uminit na naman ang ulo ko dahil kahit wala naman akong kinalaman eh madali akong ma-trigger diba? So nicompare ko nga ang original tweet and yung Facebook post ni John and true enough may copy-paste na naganap sa panig ni John.

Lahat naman tayo naiinspire ng words ng ibang tao pero para kopyahin mo yung personal tweet at ipost na kunwari sa iyo putangina ka wala ka bang sariling thoughts? At least si Michael ang ninakaw ay quotes, yung tipong kinocross-stitch at isasabit sa kusina. Ang ninakaw mo eh some fucking kuda ewan ko sa iyo bakit hindi mo na lang shinare? Putangina ka John paandar ka hmpfffttt.

But yo listen up ito ang pinakamatindi you're gonna shit yourself through your butthole.

Yung isa kong baklang officemate na paandar din sa social media (to be fair, maayos naman ang paandar nya kasi ginagastusan nya and legit may taste). So si officemate ay may Facebook friend (na hindi ko friend) na tawagin nating John Michael whatever the fuck.

One day tinawag ako ng officemate ko sa desk nya at tignan ko daw ang pictures friend nyang si Michael John kasi parang may something.......

So well-traveled si John Michael, at pinupuntahan niya talaga yung mga well-known tourist spots. May pictures sya sa Paris, sa Seoul, and (my favorite), sa harap ng Taj Mahal. So syempre yung mga friends ni Michael John amazed na amazed like Wow ang ganda naman diyan John Michael! and so on. As in whole body pic, naka-timer din.

Nanggigil ako bigla.

What the fuck yung pictures niya, EDITED. Pinaste nya ang sarili nyang ulo at katawan sa harap ng mga famous landmarks. Paano ko nalaman? Because I have eyes.

Ang obvious I mean Jesus Christ na-paste nya yung katawan nya pero iba yung lighting iba yung angle iba yung scale iba ang orientation iba ang white balance iba ang ipinaglalaban. Goddamn gusto kong manakit ng tao ggggrrrrrrrrrrrrrrrr you know?

Eh diba pakialamero ako kahit hindi naman affected ang buhay ko. There's this little Google feature called "Search Google for image" na dalawang click lang eh lalabas yung original image sa search results, along with the thousand other places kung saan nakapost yung pictures. Ayun. Lumabas yung pic ng Taj Mahal. Exact same sa pinost ni John Michael down to the last pixel.

Si John Michael lang ang kulang.

Awesome bye guys love you.

eliazar and nenet - a love untold

One day on my way home with my obesemate (obese officemate - 300+ lbs) pumara kami ng taxi and it so happened na yung nasakyan namin na matandang driver ay medyo agitated like sinigawan nya kami na bilisan daw naming sumakay at may nanghuhuli daw kung saan kami sumakay (wala naman) and magdagdag kami ng 50 dahil matraffic sa EDSA. Dahil gusto na naming makauwi at mabigat pa ang mga dala namin (pareho kaming mataba hihi) pumatol na kami.

So habang nasa taxi pinagkwentuhan namin ni obesemate ang mga kaganapan sa office like sino ang mas mataba sa amin, sino ang mga bwisit and sino ang hindi na namin kinakausap for how many years nang biglang naalala ko na may utang pala akong kwento sa kanya, which is kung bakit ako nag-emergency leave noong Tuesday.

To cut the long story short kung bakit ako nag-emergency leave noong Tuesday, may Uncle ako na sumakabilang-buhay na which sort of depressed my Pudrax kaya medyo pinakalma namin siya just a little bit and consoled him through his grief. Medyo challenging nga lang syang pakalmahin kasi nasa Quezon City ako at sya naman ay nasa Bolinao, my fucking hometown. Ngunit eventually siya ay kumalma naman and that's that on that.

Naunang bumaba si obesemate sa EDSA Kamiasttt at ako naman ay sa Trinoma bababa. The moment na bumaba si obesemate, kasabay ng muling pag-level ng alignment ng balanse ng taxi dahil nawala ang mabigat na karga sa right side, biglang nagtanong sa akin si Manong Driver.

"Taga-Bolinao ka?"


"May kilala kang Willias? Taga-Bolinao."

"First name o last name?"

"Apelyido niya yung Willias"

WOW what a coaccidence dahil yung Ninang ko sa kompil, Willias ang apelyido napangasawa niya.

"Ay meron po! Yung asawa ng Ninang ko sa kompil, Willias ang apelyido ng napangasawa niya. Bakit po?"

"Pakitanong mo nga sa Ninang mo kung may kamag-anak silang Nenet ang pangalan. Nenet Willias."

"Sige po itatanong ko mamayang 7:19AM"

"Taga-doon lang sila sa bayan, nasa highway ang bahay nila. Malaki yung bahay nila." Patuloy lang sa pagkwento si Manong.

"Ang pangalan ko ay Eliazar. Anong pangalan mo?"

"Glenn po."

"Nabuntis ko yun si Nenet, kaya lang nakunan siya.”

Hala ang lungkot naman...

“Siguro hindi na rin ako naaalala nun... O baka nga patay na yun. Kasi noong 1979 pa yun."

It’s been 84 years na pala.

"Tumira po kayong dalawa sa Bolinao?"

"Oo tumira kami doon. Binigyan kami ng lupa at bahay doon, noong malapit na kaming ikasal."

"Ang swerte nyo po pala."

And just like yung batok ng obesemate ko, our conversation took a dark turn.

"Oo sinangla ko yung lupang yun, dalawang beses sa magkaibang tao HAHAHAHA!"

*Record scratch*


"Salbahe ka pala Manong" *awkward laugh*

"Oo eh. Alam mo na."

"Wanted pala kayo sa Bolinao."

"Hahaha oo. Nag-iisip nga ako na pupunta ako sa Bolinao eh, ipagtatanong ko na lang yung apelyido nya hanggang matunton ko yung bahay nila."

"Baka sakaling makita nyo pa po siya. Baka napatawad nya na kayo."

"Oo malay mo diba? Sana naaalala nya pa ako..."

"Sayang hindi kayo nagkatuluyan."

And nothing, I mean  nothing in this world, could have prepared me sa susunod na sinabi ni Manong *arte lang*:

"May asawa na ako noon eh! HAHAHA!"

Puta. Nasa hidden camera prank show ba ako?

Wow, just wow.

The audacity.

"Itanong mo sa Ninang mo ha huwag mong kalimutan?"


Inggit na inggit si M Night Shyamalan sa twist of events na hatid ni Manong Eliazar.

"Ano nga uli ang pangalan mo?"

"Glenn po."

"Salamat Glenn, until will meet again."


So pagpatak ng 7:19 minessage ko sa Facebook ang Ninang ko.

Wow what the fuck.

mga kwentong kingina 1

May mga kwentong mapapamura ka pero light lang naman.
Mga istoryang masarap simulan kahit wala naman talagang katapusan.
Mga karanasang mahirap malimutan, kahit narinig mo lang rin naman.

Mga Kwentong Kingina Season 1 Episode 1

Sabeee ng intro ineffortan...

Syempre puro totoong pangyayari lang guyst. Walang imbento walang drama walang alarm walang anything. Walang plot, character development, conflict and resolution. At lalong walang closure guyst. Kung ano lang ang nangyari, yun lang. Tamang nakakakilabot lang. Kaya yung mga kwento parang hindi tapos. Tama na muna yung mala-pelikula pero imbento. Dun tayo bitin pero totoong nangyari sa nagkwento at pwedeng mangyari sa iyo.

Sa araw na ito ang theme natin ay iikot sa creepyhan.

Hinding-hindi mauubusan ang mundo ng mga taong creepy, weirdo, at just slightly masamang enerhiya. Kahit siguro sinong tao ang tanungin mo, meron syang maiaambag na kwento sa iyo. Yung matandang lalaking nakatitig sa iyo nang pailalim sa pila sa grocery. Yung taxi driver na pakiramdam mo ay may masamang balak sa iyo. Yung ka-chat mong maraming dark ideas crossing over sa ilegal. Mga simpleng engkwentro na hindi mo malimutan kasi nga Kingina Creepy Much.

Just like my best friend Bong. Gagiii hindi siya ang creepy! Pero madami syang mga kwentong creepyhan. Lapitin sya ng ganun eh. Para syang magnet ng bad people. Kaya kami friends since college. Ngayon after 10 years nandoon na siya sa kanyang hometown sa Zambales. Sa Facebook na lang kami nagkukumustahan. Nung #lumindol last April 22 kinumusta nya ako kasi nasa epicenter siya ng lindol. Matapos ang konting kwentuhan doon nya naalala ang mga kwentong creepy nya.

So our first installment ng Mga Kwentong Kingina ay galing kay Bong. In short, #MgaKwentomBong and today's episode is entitled Mga Kinginang Creeps Sa Zambales.

Ang Nawawalang Lote

Meron naman ako isang nakitang nakakatakot na tao dati, mga 2015 yata yun.

2015. Sa planning office ako naka-assign. Hinahanap namin yung site ng proposed sanitary landfill para sa initial assessment.

Napunta kami sa liblib na liblib na hilly area. Kasama ko yung boss kong engineer, isang staff, at dalawang councilors. Dalawang tao lang ang nakita namin sa buong pag-iikot namin na yun.

Isa yung sa daan. Creepy na baliw. May dala siyang sako at parang gapas nang palay. Huminto kami para magtanong. Nasa gitna kami ng gubat-gubat, nabalaho pa yung sasakyan namin sa putik. Paghinto namin, di namin napansin na baliw pala yun. Napasubo na kasi napahinto na kami, nagtanong na din yung kagawad na kasama namin. Putik hindi sumasagot yung baliw, ngingisi ngisi lang. Nagpanic kami sa loob ng sasakyan kasi di kami makaarangkada agad kasi nawalan na ng bwelo at maputik.

Naririnig ko yung boss namin, bumubulong na nagpapanic dun kay Kagawad, "Dalian mo na Pay,  baliw  tong kausap natin, may gapas pa." Sagot naman ni kagawad, "Tangina Pay kelangan pa yata itulak itong sasakyan" pero buti na rin umarangkada na yung sasakyan. Tangina pinagpawisan talaga ako.

Pero mas creepy yung dun sa site.

So pagdating sa site, wala palang dalang mapa yung mga mokong, hindi pa alam yung exact location ng lote at palayaw lang ng may-ari ang alam nila. Naghanap kami ng mapagtatanungan kaso wala.

Gubat gubat yung area pero may clearing sa gitna, medyo pataas na parang burol.

So tingin tingin kami sa paligid, meron dun sa mga puno, as in halos hindi mo pansin sa unang tingin, may maliit na kubo. Itong area na ito, talagang medyo malayo na sa kabihasnan. So sabi namin Ayun may kubo. Lumapit kaming lahat.

Nagtao po kami. Mababa yung kubo. Yung bintana yung may tukod pa. Katanghalian nung nandun kami.

Pagbukas ng bintana, puta matandang babaeng bukot. Hindi ko masyadong makita kung kuba o mukhang kuba lang kasi ang baba nung bintana as in . Galit syang sumagot. Tangina alam mo yung typical na mukha ng mangkukulam? Ganun yung itsura.

Ako talaga hindi lumapit, natakot ako. Kahit yung isang kagawad bumubulong sa akin na natatakot din daw siya. So medyo malayo kami tapos in the meantime sinusurvey ko yung paligid, walang sasakyan, wala ring bakas ng gulong so mukhang yung babae lang mag-isang nakatira. Walang kuryente. May ilang puno ng kamatis tapos maraming puno ng saging kaya halos malalagpasan ng tingin yung maliit na kubo. Tapos yung matanda may relong suot. Mga nasa 80 years old na, Mahabang puting buhok. Di ko maaninag ang loob ng bahay kasi nakasara lahat at hindi nya totally binuksan kahit yung de-tukod na bintana. Wala ring kahit anong ilaw. Narinig ko na lang mga huling sagot nya eh "Hindi ko nga kilala yan!" Tapos yun, padabog na sinara yung bintana. Totally sarado yung bahay. Pagkatapos nun dali kaming lumayo dun sa bahay at dun kami nagpahinga sa malayo bago umuwi nang walang napala.

She Puts the Fun in Funeraria

Ah naalala ko may isa pa akong creepy na tao na nakita. Tangina eto pinakacreepy.

So dito kasi madalas akong ginagabi dun sa bahay ng isang workmate ko, normal na yung umuuwi ako ng mga 11pm o hanggang 1am. Nagrerent ako ng apartment sa bayan kaya okay lang na ganyan ang uwi ko.

So papunta sa bahay nung katrabaho ko, 3 sementeryo ang nadadaanan so hindi na ako takot sa ganun at walang nangyayaring kababalaghan ni isa diyan sa mga yan, hindi din creepy kasi ang katabi mga beerhouse.

Nangyari yung nakakatakot dun sa isang nadadaanan ko na funeraria.

Hanggang nung time na yun halos hindi ako consciously aware na may funeraria doon kahit halos 3 times a week ako dumadaan. Yung mga small time funeraria ba.

Yung funeraria malayo sa sementeryo at medyo mlapit na sa apartment kaya di ko iniexpect. One time past 12 na naman ako umuwi, naka single akong motor.

Halos wala nang tao sa daan pag ganung oras.

Pagdaan ko sa tapat ng funeraria napatingin ako kasi medyo maliwanag puta may babaeng nakatayo sa pinto. Yung nakatayo pero medyo leaning sya sa right side nya nakasandal sa may hamba. Eye contact talaga kami sakto mabagal ako magpatakbo pga ganung time kasi baka makasagasa ako ng aso.

Creepy yung itsura na naaninag ko talaga kasi maliwanag ilaw nila nung time na yun.

Medyo matangkad na payat. Oo bantay siguro pero creepy tlaga. Yung itsura nya parang yung lead ng cranberries tapos parang kaiiyak lang kasi parang kalat kalat yung eye liner/ black makeup sa mukha

Pero hindi naman mukhang may patay na siniserbisyuhan kasi wala ng ibang tao bukod sa kanya. Ang una ko ngang impression e baliw na dun lng tumambay

Tapos yung suot nya eh black na blouse na parang lace yung sa upper part sa may bandang collar.

Tapos eye contact kami, siguro kita din nya na talagang tinitigan ko siya. Yung expression ng mukha nya yung parang between ng ngiti at ngiwi.

So balik na yung mata ko sa kalsada tinignan ko sa side mirror lumabas pa ng pinto sinundan ako ng tingin.

So tuloy pa din ang routine ko after nun, madalas pa din ako gabihin/umagahin pero hindi ko na ulit sya nakita ni minsan at madalas nang nakasara yung funeraria pg napapadaan ako. Hindi talaga yun paranormal kaya lang sa ganung oras na makakita ka ng ganung hitsurang tao sa funeraria pa eh talagang creepy

So yun. Walang paranormal, mga creepy na tao lng talaga. Mas nkakatakot kaya pag totoong tao na mga weird. 😁

Hanggang ngayon pg pumupunta ako dun sinasadya ko laging tignan yung funeraria para malaman ko kung nagtatrabaho dun pero di ko na talaga siya nakita kahit minsan.

May Mawawala

Ay puta may naalala ako na kwento ng katrabaho ko kanina, hindi related sa lindol pero nakakakilabot.

Shit tagal ng reply mo ah... teka... tungkol sa kapitbahay nilang namatay noong long weekend.

So yung kapitbahay nila kasama yung family niya ay nagpunta noong Saturday, magsiswimming sa isang obscure na location sa Candelaria. Malayo daw at underdeveloped pa yung lugar kaya wala masyadong nakakaalam kundi mga locals.

Doon daw sa location may matandang lalaking baliw na naka-all white. Nasalubong daw nila. Sabi nung matanda sa kanila "May mawawala..."

Ulit daw nang ulit yung matanda so itong si Bryan (yun yata ang name nung namatay) ay huminto at  kinausap yung baliw, kung ano yung sinasabi nitong "May mawawala". Yung matanda naman, wala daw ibang sinasagot kundi "May mawawala..."

Hanggang sa medyo ulit na nang ulit yung tanong-sagot nila. Hinila na raw itong si Bryan nung bayaw niya na pabayaan na yung matanda.

Hapon daw nagsiswimming pa sila. Nung huling lusong ni Bryan sa tubig, mga after five minutes, napansin na lang nila na hindi na siya kumikilos. Parang inatake. Ayun. Nung tinignan nila, nangingitim na daw yung mukha

Tinakbo siya sa ospital ng Candelaria Zambales, medyo malayo yung lugar pero may sarili silang sasakyan. Inabot sila ng gabi sa hospital. Narevive pa daw pero namatay din. So nung gabi na at patay na talaga, inilabas na ng hospital. Ang nakakakilabot dun, paglabas daw nila ng hospital maya-maya nakita din na naglalakad palabas din sa ospital yung matandang lalaki na may sira na naka-all white pa rin. Yung nakausap nila nung umaga. Isa dun sa mga kasama sa outing ang nagkukwento sa workmate ko.

So ayun. Typical outing horror story pero totoong nangyari.

Story and art credits to Bong thanks mwah!

Shoutout din sa kapatid ni Bong na si Laurence, sorry kung marami kang nababasang kalaswaan dito sa blog. I am so sorry talaga. Natutunan ko lang rin naman lahat yan sa Kuya mo. Sumbong mo sya sa Mama mo daliii daliii.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...